You are on page 1of 2

Kabanata 51-64

1. Ang kaniyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan.


Ang isang anak na lalaki ay pinaratangang nagnakaw kaya’t pinahirapan hanggang
sa mamatay at ang isa pang anak na lalaki ay pinahirapan din kaya’t nagpakamatay.
Ngayon, wala ng nalalabi sa kaniya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at
makapaghiganti:

Kapitan Pablo

2. Ang liham para kay Ibarra na ipinaabot sa kura na nagsasaad na alisin ang pagka
excomulgado ng binata ay liham na nagmula sa:

Arsobispo

3. “Ang sakit ng bayan ay malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung
ito ay makakabuti” wika ni:

Ibarra

4. “Ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga


maiiwan ang mangangailangan.” Wika ni:

Tandang Tasyo

5. Ang lalaking nagpunta sa tahanan ni Ibarra upang ipagtapat niya ang nakatakdang
paglusob at batay sa kaniyang natuklasan, si Ibarra ang napabalitang pinuno at
nagbayad sa mga kalahok sa paglusob:

Elias

6. Natagpuan na ni Elias ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang


pamilya at buhay. Ito ay si:

Ibarra

7. Ang bihag na nagsabing walang kinalaman si Ibarra sa anumang karahasang


naganap sa bayan sapagkat ginawa lamang niya ito upang ipaghiganti ang kanilang
amang pinatay sa palo ng mga sibil:

Basilio

8. Ang lalaking nagsabi kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa
Mandaluyong at ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balete sa
libingan ng ninuno nito ay kaniyang ibabalik upang may magamit sa pagpunta niya
sa ibang bansa:

Elias

9. Ang prayleng tumingala sa langit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos
na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang
malay niyang anak:

Padre Damaso

10. Ang donyang nagdagdag ng mga kulot sa ulo upang mapagbuti ang
pagbabalatkayo niyang siya’y taga-Andalucia:

Donya Victorina

You might also like