You are on page 1of 1

Nakakabilib ang success story ni Mon Ivan Mendoza, 21, taga-Olongapo.

Siya ay isang college student na nagtayo ng pop-up coffee store gamit ang
lumang kariton ng kanyang nanay.

Nagsimula ang business niya noong February 2023, gamit ang PHP15,000 na
puhunan, na inutang niya sa isang kaibigan.

Ngayon, kumikita na siya ng PHP8,000 hanggang PHP15,000 kada araw.

Read: Grade 10 student on PHP1M graduation gift: "This has gotta be a prank."

PUTTING UP THE COFFEE SHOP


Wala rin siyang kaalam-alam sa pagtimpla ng kape noon.

Paano siya nagkaroon ng kaalaman pagdating sa pagtimpla ng kape?

"Wala po talagang nagturo sa akin. Bale naging self-taught lang yung nangyari,"
sabi ng Communication student.

"Nakita ko na ang mahal pala ng enrolment para maging barista.

"Nag-decide ako na mag-YouTube tapos lahat ng napanood ko sa YouTube


pinagsama-sama ko, hanggang natuto po ako."

Paano naman natuto si Mon na patakbuhin ang kanyang negosyo lalo pa kung
wala siyang alam tungkol sa coffee shop?

"To be honest hindi talaga ako mahilig sa kape. Ngayon, siyempre, gawa ng
business-minded ako talaga, kaya iyon ang pinili ko kasi nakikita ko ngayon na
malakas ngayon yung coffee," lahad niya sa Pera-Paraan episode ng GMA Public
Affairs, noong July 15, 2023.

You might also like