You are on page 1of 9

ATENEO DE NAGA UNIVERSITY IGNATIAN LEARNING GUIDE

GRADE SCHOOL BB. KIMBERLY B. STA ANA

SY 2022-2023 1 Quarter, Week 3 (August 22-26)
st

Aralin 2: ISANG SORPRESA!

FILIPINO 2

“Pamilya at tunay na pagkakaibigan ang pinakamahalagang regalo ng buhay”

MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito ay:
Kaalaman: Magagawa kong magamit ang unang kaalaman o karanasan
sa pag-unawa ng napakinggang teksto.
Pagganap: Magagawa kong mapag-ugnay-ugnay ang sanhi at bunga ng
mga pangyayari sa binasang talata.
Paghubog: Magagawa kong mabigyang pagpapahalaga ang tamang
pagtatapon ng mga basura.

KASANAYANG PANGNILALAMAN:

Mga Kagamitan:
a. Notebook/kwaderno at lapis
b. Powerpoint Presentation
c. Pinagyamang Pluma 2, pahina 21-26

Pagpapahalaga:
a. Paghihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok na basura
b. Pagmamahal sa kalikasan at pamilya

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
PAALALA:
 Pinapayuhan ang mga mag-aaral na sa lahat ng gawain na nakasulat sa modyul na ito ay maaaring isulat
ang sagot gamit mismo ang modyul. Maaari ding isulat sa aklat at kuwaderno. Pagkatapos na masagutan,
ito ay iwawasto ng mga mag-aaral na may gabay at patnubay ng magulang o kung sino mang nakatatanda
gamit ang nakalakip na susi sa pagwawasto ng mga pagsasanay.
 Sa pagsagot sa mga gawain o tanong na humihingi ng iba’t ibang kasagutan…
 Para sa mga mag-aaral online: Isulat ang inyong sagot para sa mga PARTIKULAR NA GAWAIN sa
Ignatian Learning Output na makikita sa pinakahuling pahina ng modyul at ihandang isumite sa
itikatakdang araw ng guro. Maaaring gamitin at ibahagi ang mga sinagutan sa oras ng synchronous
session sa Filipino.
 Para naman sa mga modular: Isulat ang inyong sagot para sa mga PARTIKULAR NA GAWAIN sa
Ignatian Learning Output na makikita sa pinakahuling pahina ng modyul at ihandang isumite sa
nakatakdang araw ng pag-pick up para sa susunod na modyul.
 Tandaan na hindi na kailangan pang isauli o ibalik ang buong modyul at tanging ang sagutang papel
o answer sheet na lamang ang ibabalik sa guro.

Naranasan mo na bang masorpresa? Maaari mo bang ikuwento kung

paano at bakit ka sinorpresa? Ano ang iyong naramdaman sa sorpresang
ginawa para sa iyo? Iguhit o isulat ang iyong sagot sa loob ng regalo.

Madalas ang isang sorpresa ay nakabalot na regalo. Panoorin at tuklasin

natin ang mga ideyang maaari nating makuha sa maikling video na,
“Pambalot ng Regalo mula sa recycled magazines at diyaryo” mula sa GMA
News TV. Pumunta sa Google Classroom sa Filipino 2 para sa gawaing ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN! Sagutan mo ang mga gawain sa
pahina 22 – 23 ng iyong aklat na Pinagyamang Pluma 2, PAYABUNGIN NATIN
A at B. Pagkatapos gamit ang Susi sa Pagwawasto ng mga Pagsasanay ay
iwasto mo ang iyong mga sagot.

ANO ANG DAPAT KONG MALAMAN? Sa bahaging ito ng aralin ay basahin

at isaalang-alang ang mahahalagang detalye na may kaugnayan sa
kuwentong “Isang Sorpresa!”. Buksan mo ang iyong aklat na Pinagyamang
Pluma 2, pahina 23 – 25. Gagabayan ka ng mahahalagang tanong na:

 Ano kaya ang mangyayari kung patuloy pa rin ang paggamit ng

mga tao ng plastik?
 Bakit mahalaga ang pagbabawas ng basurang itinatapon
partikular ang mga plastik at styrofoam gayundin ang
paghihiwalay ng nabubulok sa ‘di nabubulok na basura?

Ngayong natapos mo nang basahin ang nakasulat sa iyong aklat ay

dumako tayo sa pagpapalalim ng paksang iyong binasa.

ISANG SORPRESA! (Buod)

Dumating na ang pinakahihintay na araw ni

Gina: ang unang araw ng pasukan. Pumikit at
nagdasal muna siya. Sinimulan niya na ang
paghahanda ng sarili para sa pagpasok sa
paaralan.

Masayang kuwentuhan at kumustahan ang

kanilang ginawa. Marami rin silang napansing
pagbabago sa kanilang paaralan, tulad na
lamang sa kanilang kantina. Nalaman nilang hindi
na pala roon gumagamit ng styrofoam at plastic.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
3|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
May dalawang basurahan na rin na may
nakalagay na NABUBULOK at DI NABUBULOK.
Itinapon nila ang kanilang mga basura sa
tamang tapunan.

Pagod subalit masaya ang unang araw

ng eskwela. Kinumusta ng ina ang
magkapatid at sinabing may sorpresa siya.
Tumunog ang telepono at mabilis itong
sinagot ni Carlos. Ang tatay niya na nasa
Dubai pala ang tumawag. Habang kausap sa
telepono ang ama ay biglang bumukas ang
pinto ng silid at lumabas ang kanilang tatay. Nagsigawan ang
magkapatid sa tuwa at agad sinalubong ang kanilang tatay na
mapagbiro. Iyon ay tunay ngang “Isang Sorpresa.”

MAIKLING PAGTATAYA!
Panuto: Lagyan ng tsek () ang kahon ng bilang kung ang larawan ay
nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran at ekis (X) naman kung
hindi.

1. 2.

3. 4.

5.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
4|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
Para sa susunod na gawain ay kunin mo at buksan ang iyong aklat sa
pahina 26 at sagutan ang gawain sa Sagutin Natin B. Pagkatapos ay
gamiting muli ang Susi sa Pagwawasto ng mga Pagsasanay upang iwasto
ang iyong mga sagot.

Ngayon ay binasa natin ang kuwentong “Isang Sorpresa!” kung

saan natutuhan mo na isa sa pinakamasayang pakiramdam ay ang
masorpresa ng presensya ng taong matagal na nating hindi nakikita,
maaaring kamag-anak na malapit sa atin o maging ng kaibigan. Walang
katumbas na bagay ang mahawakan, mayakap, at maiparamdam sa
personal ang pagmamahal para sa kanila. Natutuhan mo rin kung gaano
kahalagang maging responsable sa bawat aksiyon na ginagawa mo dahil
maaari itong magbunga nang mabuti o masama sa kapwa man o
kapaligiran. Kaya naman mahalagang makiisa sa pagpapanatiling malinis
ng ating kapaligiran.

Bilang pagninilay ay balikan mo ang gabay na tanong na ibinigay bago ka

magbasa at ang aral na iyong napulot sa kuwento. Gamitin ang iyong
kuwaderno o answer sheet sa pagsagot.
 Ano kaya ang mangyayari kung patuloy pa rin ang paggamit ng mga
tao ng plastik?
 Bakit mahalaga ang pagbabawas ng basurang itinatapon partikular
ang mga plastik at styrofoam gayundin ang paghihiwalay ng
nabubulok sa ‘di nabubulok na basura?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
5|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
Hindi natin maikakaila na sa kabila ng peligrong dulot ng pandemyang
COVID-19 ay may mga naituro rin itong aral sa atin. Ngayon, bilang isang
mag-aaral, ano-ano ang magagawa mo upang makatulong sa
pagpapabuti ng ating kapaligiran o komunidad nang sa gayon ay
makaiwas tayo sa anumang sakuna? Isulat o iguhit mo ang iyong sagot sa
loob ng kahon sa ibaba.

SW: Sagutan ang gawain sa Magagawa Natin, pahina 27.

HW: Basahin at pag-aralan ang Kasanayang Pangwika, pahina 30 – 31.

Ang mga larawang ginamit ay mula sa:

https://www.clipartkey.com/view/hRmhoh_cartoon-pen-and-paper/
https://www.clipartkey.com/view/ihRRbwT_hand-with-index-finger-clicking-on-button-icon/
https://www.kindpng.com/imgv/hiRwTJx_critical-thinking-clipart-png-download-reasoning-png-
transparent/
https://www.clipartkey.com/view/hRobhb_vector-check-list-clipart-png-download-checklist-graphic/
https://www.nicepng.com/ourpic/u2e6a9q8y3a9e6i1_health-icon-png-download-self-care-icon/
https://toppng.com/download-megaphone-flat-icon-PNG-free-PNG-Images_216423?search-result=36-
couple-wedding-love-icon-packs-wedding-icon-transparent-b
https://www.netclipart.com/isee/oxwxxx_paper-icon-png-compose-icons/

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
6|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
https://www.uihere.com/free-cliparts/computer-icons-magnifying-glass-document-clip-art-solution-
2319829
https://www.cbcplaiko.org/2019/09/25/500-years-of-christianity-logo/
https://phjesuits.us/2021/05/20/celebrating-ignatius-500-ignatian-year-2021-2022/
chttps://image.shutterstock.com/image-vector/detailed-sketch-gift-box-on-260nw-116515396.jpg
https://pbs.twimg.com/media/D8DTzpgVUAAlT87.jpg
https://media.istockphoto.com/vectors/little-girl-praying-vector-
id186244305?k=6&m=186244305&s=612x612&w=0&h=YVue9tjLGnv0YZcsV6P3b3C-c7rjBz7DugSWmW7BWng=
https://i.ytimg.com/vi/LaqfiIjMnRw/maxresdefault.jpg
https://i.pinimg.com/originals/b2/31/ef/b231ef9a47ef415490a071f22355913d.jpg
https://image.shutterstock.com/image-vector/vector-illustration-father-kid-fathers-260nw-140970796.jpg
https://www.wvi.org/sites/default/files/20121011_philippines_environment.jpg
https://i7.fnp.com/assets/images/custom/blog/SaveElectricity.jpg
https://i.pinimg.com/236x/7b/27/ef/7b27ef5b307545df6b2feea44f9e6aa7--clip-art-weed.jpg
https://media.gettyimages.com/vectors/throwing-garbage-into-the-river-vector-id1070492632?s=612x612
https://comps.canstockphoto.com/kid-with-garbage-vector-clipart_csp89525600.jpg
https://www.clipartkey.com/mpngs/m/28-285442_paper-paperclip-office-post-memo-notepad-paper-
clip.png
https://filipinoguideph.com/wp-content/uploads/2021/03/day6.jpg
https://www.facebook.com/1173272562698558/posts/look-my-daddy-is-homemay-mas-sasaya-pa-ba-kay-
boy-tapos-na-ang-kanyang-pag-aaala/2116327635059708/
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

PAYABUNGIN NATIN A PAYABUNGIN NATIN B MAIKLING PAGTATAYA!

1. bulong 1. alarm clock 6. /
2. hati 2. school bus 7. /
3. hawak 3. tricycle 8. X
4. banyo 4. telepono 9. X
5. baon 5. trak ng bombero 10. /

Mga halimbawang sagot:

 Patuloy din ang pagkasira ng ating mundong tinitirahan.
 Dahil hindi nakabubuti ang paggamit ng Styrofoam at plastic lalo na sa pagbabalot ng maiinit na
pagkain.
 Nakabubuti rin ang pagbubukod ng nabubulok sa di-nabubulok dahil ang nabubulok na mga basura
ay maaaring gamiting pampataba ng luoa samantalang sa mga di nabubulok naman ay maaaring
may ma recycle pa.

MAGAGAWA NATIN A
Nabubulok: D, H, K, I, C, G Puwedeng ipamigay o gamitin muli: E, F, J, C, G
Di Nabubulok: A, B, C, G

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
7|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
AM+DG
Ateneo de Naga University Answer Sheet (Week 3)
Grade School Filipino 2
1 Quarter S/Y 2022-2023
st Bb. Kimberly B. Sta Ana
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Name: _________________________________________________________________
[First Name, M.I., Family Name]

LG Number______ Section ____________________ Date ___________________

FOR MODULAR LEARNERS ONLY: Write your answers below and submit it to the
respective teacher.

Naranasan mo na bang masorpresa? Maaari mo bang ikuwento kung

paano at bakit ka sinorpresa? Ano naman ang iyong naramdaman sa
sorpresang ginawa para sa iyo? Iguhit o isulat ang iyong sagot sa loob ng
regalo.

Ano kaya ang mangyayari kung patuloy pa rin ang paggamit ng mga tao ng plastik?
_________________________________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________________________________

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
8|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]
Bakit mahalaga ang pagbabawas ng basurang itinatapon partikular ang
mga plastik at styrofoam gayundin ang paghihiwalay ng nabubulok sa ‘di
nabubulok na basura?

_________________________________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________________________________
__________________________________________________
________________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang magagawa mo upang makatulong

sa pagpapabuti ng ating kapaligiran o komunidad nang sa gayon ay
makaiwas tayo sa anumang sakuna? Isulat o iguhit mo ang iyong sagot sa
loob ng kahon sa ibaba.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
9|Pahina
FILIPINO 2 Ignatian Learning Guide SY 2022-2023
(Aralin 2: Isang Sorpresa!)
[Para sa eksklusibong paggamit ng AdNU Grade School. Ang alinmang bahagi
ng modyul na ito ay hindi maaaring ilathala o ilabas sa anumang anyo.]

You might also like