You are on page 1of 18

MEDINA COLLEGE

Maningcol, Ozamiz City J


U
N
I
O
Junior High School R

Department H
I
G
H

S
C
H
O
O
L
LADY MAY D. CABRERA
MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
Ikaapat na Kwarter - Modyul 1-2
MGA DAHILAN, PARAAN AT EPEKTO NG KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO NG MGA KANLURANIN SA UNANG YUGTO (IKA-
16 AT IKA-17 SIGLO) PAGDATING NILA SA SILANGAN AT
TIMOG-SILANGANG ASYA

Tungkol Saan Ang Modyul Na Ito?


Ipinakilala sa iyo ng modyul na ito ang tungkol sa mga
dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga kanluranin sa unang yugto (Ika-16 at Ika-17 Siglo)
Pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
Mayroon isang aralin na inihanda para sa iyo sa
modyul na ito, at ang araling ito ay:
ARALIN 1 MGA DAHILAN NG KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO NG MGA KANLURANIN SA
UNANG YUGTO (IKA-16 AT IKA-17 SIGLO)
PAGDATING NILA SA SILANGAN AT
TIMOG-SILANGANG ASYA

Ano Ang Malalaman Mo Sa Modyul Na Ito?


Matapos basahin ang modyul na ito, dapat mong:
A. Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa
unang yugto (ika -16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.
LADY MAY D. CABRERA
MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
Paano Matuto Mula Sa Modyul Na Ito?
Upang matagumpay na makamit ang mga layunin ng
modyul na ito, dapat mong tandaan ang mga sumusunod:
1. Basahin at sundin nang maingat ang mga tagubilin.
2. Sagutin ang mga sumusunod na mga gawain at
pasulit
3. Subukang makakuha ng hindi bababa sa isang 85%
antas ng kasanayan sa mga pagsubok.

PAUNANG PAGSUBOK
Bago mo simulang pag-aralan ang modyul na
ito, gawin muna ang sumusunod na pagsubok upang
malaman kung gaano mo na alam ang tungkol sa paksang
tatalakayin.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga hinihiling sa Hanay
A. Isulat lamang ang tamang titik. Gawin ito sa hiwalay na
papel.
Hanay A Hanay B
_________1. Mga produkto at A. polo y servicios
ari-arian ay maaaring pambayad B. Moluccas
_________2. 16-60 sapilitang C. Tributo
pagtatrabaho D. Netherlands
_________3. Pagkontrol sa E. Monopolyo
kalakalan F. mosque

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
_________4. Spice Island G. Gobernador-
_________5. Dutch ang mga tao dito Heneral
ARALIN 1

MGA DAHILAN NG KOLONYALISMO NG MGA


KANLURANIN SA UNANG YUGTO (IKA-16 AT IKA- 17
SIGLO) PAGDATING NILA SA SILANGAN AT TIMOG-
SILANGANG ASYA

Matuto Tayo

MGA DAHILAN, PARAAN AT EPEKTO NG


KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT
TIMOG-SILANGANG ASYA
Ang KOLONYALISMO ay tumutukoy sa pagtatamo ng
mga lupain upang matugunan ang layuning pang-
komersyal at panrelihiyon ng isang bansa. Ang
kolonisasyon ng mga Kanluranin ay nagmula sa mga
bansang Europeo na gustong ipalaganap ang kanilang
pananampalataya, makatuklas ng iba pang ruta patungo
sa Silangan upang simulan ang pagtatag ng mga
kumpanyang pangkalakalan, at kilalanin sila bilang isang
makapangyarihang bansa. Ang IMPERYALISMO naman ay
tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang
bansa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
pangkabuhayan at pampulitikang kaayusan ng isa o iba’t
ibang bansa.
UNANG RUTA NG KALAKALAN SA UNANG YUGTO NG
KOLONYALISMO

SILANGANG ASYA
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang
ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin
dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga
nito, nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng mga
bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad
na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang
Silangang Asya ng Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga
bansa dito. Isa ang bansang Portugal sa mga Kanluraning
bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
ang mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan).
Ngunit hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga
nabanggit na himpilan. Sa Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin, maraming bansa ang nag-
unahan na masakop ang bansang China.
TIMOG SILANGANG ASYA
Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong
naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng mga
bansa sa Timog Silangang Asya noong Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin. Karamihan ng mga daungan
sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga Kanluranin. Ang
mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng
mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak
sa kanila na sakupin ang Timog Silangang Asya.
Nauna ang mga bansang Portugal at Spain sa
pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang Netherlands
mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga
kolonya sa Timog Silangang Asya. Hindi nagtagal ay
sumunod din ang mga bansa ng England at France.
Ang sumusunod ay bansa sa Timog Silangang Asya na
sinakop noong Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin.

 PILIPINAS
Sumakop: ESPAÑA Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan
ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
DAHILAN: Mayaman ang Pilipinas sa ginto, May mahusay
na daungan tulad ng Maynila.
PARAAN NG PANANAKOP:
Unang dumaong sa isla ng
Homonhon si Ferdinand Magellan,
isang Portuges na naglayag para
sa Hari ng España noong Marso
16, 1521. Nabigo siyang masakop
ang Pilipinas dahil namatay siya
ng mga tauhan ni Lapu Lapu sa Labanan sa Mactan.
Nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang paglalakbay
na ang layunin ay masakop ang Pilipinas.

PARAAN NG PANANAKOP: Ang


paglalakbay na pinamunuan ni
Miguel Lopez de Legazpi ang
nagtagumpay na masakop ang
bansa sa pamamagitan ng
pakikipagkasundo sa mga lokal na
pinuno at paggamit ng dahas.
Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu noong
Abril 27, 1565 mula dito ay sinakop din ang iba pang
lupain tulad ng Maynila na itinuturing na isa sa
pinakamagandang daungan at sentro ng kalakalan sa
Asya.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
PARAAN NG PANANAKOP: Nakatulong din sa
pananakop ng España ang pagpapalaganap ng relihiyong
Kristiyanismo. Natuklasan din ng mga Español ang
karangyaan ng Pilipinas sa ginto lalo na sa mga lugar ng
Ilocos, Camarines, Cebu at Butuan sa Mindanao.
Si Ferdinand Magellan ay narating niya ang Silangan
gamit ang rutang paKanluran. at ditto napatunayan sa
kanyang paglalakbay na bilog ang mundo.
Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Ferdinand
Magellan?
Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo – ang relihiyong
ipinalaganap ng mga Español ang pinakamahalagang
kontribusyon sa naging paglalakbay ni Ferdinand
Magellan. Isa ito sa mga paraan na ginamit ng mga
Espanyol sa pananakop sa Pilipinas. Nakatulong ang mga
misyonero na mapalaganap ang Kristiyanismo pagkatapos
maisakatuparan ang patakarang reduccion (ito ay
naglalayon na mailipat ang mga katutubo na naninirahan
sa malalayong lugar upang matiyak ang kanilang
kapangyarihan sa kolonya, gayundin ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo). Nasakop ng relihiyon ang pag-iisip at
damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t mas madali silang
napasunod ng mga Español.
Ang Mindanao hindi tulad ng Luzon at Visayas, ilang
bahagi lamang ng Mindanao ang nasakop ng mga Espanyol
dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga Muslim.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
Ang SANDUGUAN ay isa pang paraan ng mga
Espanyol sa pananakop.Ito ay ang pakikipagkaibigan sa
mga lokal na pinuno na pormal niyang ginagawa sa
pamamagitan ng Sanduguan. Iniinom ng lokal na pinuno
at pinunong Espanyol ang alak na hinaluan ng kani-
kanilang dugo. Sa ibang lugar naman ay ginagamitan nila
ng puwersa o dahas upang masakop ang lupain.
MGA PATAKARANG IPINATUPAD NG MGA ESPANYOL
SA PILIPINAS
A. PANGKABUHAYAN

1. Ang Tributo - sa patakarang ito, pinagbabayad ng


buwis ng mga Espanyol ang mga katutubo. Ilan sa
maaaring ipambayad ay ginto, mga produkto at mga ari
– arian. Dahil sa pag – aabuso sa pangongolekta,
maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng
kabuhayan.

2. Ang Polo y servicio - sa ilalim ng patakarang ito ay


sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang edad
16 hanggang 60. Pinagawa sila ng tulay, kalsada,

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
simbahan, gusaling pampamahalaan atbp. Marami sa
kanila ang nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.

3. Monopolyo- kinokontrol ng mga Espanyol ang


kalakalan. Hinawakan nila ang pagbebenta ng mga
produktong mabili sa Europa tulad ng tabako. Kumita
sila ng malaki sa Kalakalang Galyon. Maraming
pamilya ang nagutom dahil sa hindi sila nakapagtanim
ng kanilang makakain. May ilang pamilyang Pilipino
ang kumita sa Kalakalang Galyon ito ay ang tinatawag
na ilustrado.

B. PAMPULITIKA
Sentralisadong Pamamahala - napasailalim sa
pamumuno ng mga Espanyol ang halos kabuuan ng
bansa. Itinalaga ng Hari ng Spain bilang kanilang
kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador – Heneral. Siya ang
pinakamataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas. Nawala

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
sa kamay ng mga katutubo ang karapatang pamunuan ang
kanilang sariling lupain. Pinayagang silang maglingkod sa
pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon.
Ang Simbahang Katoliko - dahil sa impluwensiya sa
taong – bayan, naging makapangyarihan din ang mga
Espanyol na pari at kura- paroko noong panahon ng
pananakop ng mga Espanyol.
SENTRALISADONG PAMAHALAAN ay binubuo ng
Gobernador – Heneral, Alcalde Mayor / Corregidor,
Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.

C. PANGKULTURA
 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo - niyakap ng mga
katutubo ang Kristiyanismo. Pinapatay ang mga
pinuno ng mga katutubong relihiyon. Dahil dito,
maraming katutubo ang naging Kristiyanismo at mas
madaling napasunod ng mga Espanyol ang mga
katutubo.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
 Wika at mga Pagdiriwang - natuto ang mga katutubo
ng wikang Espanyol. Idinaos din ang mga taunang
pagdiriwang tulad ng pista ng bayan, Santacruzan,
Araw ng mga Patay, Pasko. Kadalasan, ang mga
pagdiriwang ay may kaugnayan sa Kristiyanismo.
Lalong nagpakulay sa kultura ng mga katutubo ang
mga nabanggit na pagdiriwang.

SUMAKOP: PORTUGAL, NETHERLANDS AT ENGLAND


MGA LUGAR NA SINAKOP: Ternate sa Moluccas –
nasakop ng Portugal ang Amboina at Tidore sa Moluccas –
may panahon na inagaw ng Netherlands ang lugar mula sa
Portugal. Panandaliang lamang nakuha ng England ang
Moluccas subalit bumalik din sa Netherland.
o Ang Batavia (Jakarta) – ay sakop din ng Netherlands
DAHILAN NG PAGSAKOP: Mayaman sa mga pampalasa,
mga sentro ng kalakalan at maayos na daungan

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
 INDONESIA
PARAAN NG PANANAKOP: Dahil sa paghahangad sa
mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate sa
Moluccas noong 1511. Nagtayo sila ng himpilan ng
kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang relihiyong
Kristiyanismo. Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges
noong 1655 at sinakop ang mga isla ng Amboina at Tidore
sa Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang
pandigma. Upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan,
nakipag- alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na pinuno
ng Indonesia.

Isang pang paraan ng pananakop ay ang paggamit din


nila ng DIVIDE AND RULE POLICY upang mapasunod at
masakop ang mga nabanggit na isla. Dahil dito nagkaroon
ng monopolyo sa kalakalan ng mga pampalasa ang mga
Dutch. Lalo pang napatatag ng Netherlands ang monopolyo
noong itinatag nito ang Dutch East India Company.
Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas dahil
sa epekto ng Napoleonic Wars subalit naibalik din ito sa
mga Dutch matapos ang digmaan.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
Ang Netherlands ay dating sakop ng mga Español .
Nang lumaya ito, nagsimula siyang nagpalakas ng
kagamitan sa paglalakbay sa dagat at sa pakikidigma.
Dutch ang tawag sa mga naninirahan dito. Mga Pampalasa
at mataas na paghahangad at pangangailangan ng mga
Kanluranin sa mga pampalasa na makukuha sa Asya tulad
ng cloves, nutmeg at mace ang layunin ng mga Dutch sa
pananakop. Halos kasing halaga ng ginto ang mga
pampalasa na ito sa pamilihan ng mga bansang Europeo
(Kanluranin).
Ang Divide and Rule Policy ay ang isang paraan ng
pananakop ng mga Dutch kung saan ay pinag- aaway-
away ng mananakop ang mga lokal na pinuno o mga
naninirahan sa isang lugar upang mas madali niya itong
masakop. Sa ibang lugar, ginagamit naman ng mga
mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang
tribo.
Ang Moluccas na tinatawag ding Maluku- kilala
bilang SPICE ISLAND. Ito ang lupain na nais marating ng
mga Kanluranin upang makontrol nila ang kalakalan ng
mga pampalasa. Sa kasalukuyan, ito ay bahagi ng bansang
Indonesia. Ang Dutch East India Company ay itinatag na
pamahalaan ng Netherlands noong 1602 upang pag-isahin
ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
Pinahintulutan ang Dutch East India Company na
magkaroon ng sariling hukbo na nagtatanggol laban sa
mga pirata, magtayo ng daungan sa mga lupaing
LADY MAY D. CABRERA
MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
nasasakop at makipagkasundo sa mga local na pinuno ng
mga bansa sa Asya. Binigyan din ito ng karapatan ng
pamahalaan ng Netherlands na manakop ng mga lupain.
Kontrol ng Dutch East India Company ang spice trade sa
Timog Silangang Asya na nagpayaman sa bansang
Netherlands.
Hindi tulad ng mga Espanyol, sinakop lamang ng mga
Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga Indones noong
1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga
Dutch sa pamumuno ng Dutch East India Company sa
pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at
maiiwasan pa nila ang pakikidigma sa mga katutubong
pinuno. Subalit, kung kinakailangan, gumagamit din sila
ng puwersa o dahas upang masakop ang isang lupain.
Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng
mga katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at
marami ang naghihirap dahil hindi na sila ang direktang
pakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Sa kabila ng
pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman lubusang
naimpluwensiyahan ng mga Dutch ang kultura ng mga
Indones.

 MALAYSIA
Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop
sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands at England.
Pangunahing layunin din ng mga nanakop na bansa ang
pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan. Bukod sa

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
kalakalan, sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin
ang Kristiyanismo sa mga daungan na kanilang nasakop
subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na
impluwensya ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi
gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands
at England ang kultura ng Malaysia. Maraming katutubo
ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga nabanggit na
bansa sa mga sentro ng kalakalan sa Malaysia.

Gawain I

Panuto: Sa pamamagitan ng DATA RETRIEVAL CHART,


isulat ang mga kasagutan sa mga hinihiling. Kupyahin at
sagutan ang chart sa papel.

Gawain II

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
Panuto: Sagutan ang tanong na nasa ibaba. Isulat sa
patlang ang sagot.
1. Alin sa iyong palagay ang mas mabuting paraan ng
pananakop sa pagitan ng Espanya at Netherlands?
Patunayan ang iyong sagot?
2. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon na iyon at ikaw
ang TAGAPAYO sa 2 bansa, ano ang maipapayo mo
sa Espanya? Ano ang maipapayo sa Netherlands?
3. Magkaiba ba ang maipapayo sa dalawang bansa?
Bakit?

Pagtatay
a
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
Piliin sa loob ng kahon ang tamang kasagutan na
hinihiling sa bawat bilang. Gawin ang pagsagot sa hiwalay
na papel.

Kolonyalismo Netherlands Divide and Rule


Imperyalismo Polo y servicios Ferdinand Magellan
Tabako Sanduguan Indonesia
Tributo Kristiyanismo Masjid o Mosque

_________1. Ang pakikipag kasunduan ng mga dayuhang


mananakop sa mga katutubong pinuno sa pamamagitan
ng pag –inom ng pinaghalong dugo nila.
____________2. Pinag-aaway ng mga mananakop ang mga
katutubong pinuno upang mas madali nilang masakop ang
mga lugar.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7
__________3. Mula 16-60 edad ng mga katutubong lalaking
Pilipino na sapilitang pagtatrabaho ng mga iba't ibang
gusali.
__________4. Ang isa sa pinakamahalagang ambag ng
paglalakbay ni Ferdinand Magellan.
__________5. Ang produktong pinagkakakitaan ng mga
Espanyol at ginawang monopolyo sa larangan ng
agrikultura.
__________6. Ang pananakop ng mga lupain upang
makunan ang pangangailangang pangkomersyal at
mapalawak ang pananampalataya.
__________7. Sapilitang pangongolekta ng buwis ng mga
Espanyol at hindi lamang salapi ang maaring pambayad
kundi pati rin mga produkto, ari-arian at pati na rin mga
ginto.
___________8. Patakaran ng isang makapangyarihang
bansa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa
pangkabuhayan at pampolitika ng kaayusan ng isa o iba’t
ibang bansa.
___________9. Taglay ng bansang ito ang may
pinakamayamang lupin ng pampalasa kung kayat naging
tampulan ng pananakop ng mga kanluranin.
___________10. Ang tawag sa kanyang mga mamamayan ay
mga Dutch.

LADY MAY D. CABRERA


MEDINA COLLEGE SCIENCE HIGH SCHOOL – PANGKAT 7

You might also like