You are on page 1of 36

Dulang May Isang Yugto

1 of 36
BUOD

Anim na buwan na ang lumipas nang sumali si Ramil sa isang gameshow sa TV. Kasama

niya noon sa studio ang kanyang live-in partner na si Chona. Anim na buwan na mula

nang makapasok siya ng Jackpot Round at desididong piliin ang Bayong, habang pinipilit

siya ni Chona na kunin ang Pera. Anim na buwan na mula noong magkaroon sila ng

pagkakataong makapagbagong buhay. Anim na buwan na ang nagdaan pero heto sila,

nagtatalo pa rin sa naging desisyon, nakatira pa rin sa ilalim ng tulay, nadaraanan pa rin

ng maiingay na tren, nagsisisi pa rin sa nangyari, at nabubuhay pa rin sa hirap kasama

ang nag-iisang anak na si Igit.

MGA TAUHAN

CHONA 33 taong gulang, talakerang nakatira sa ilalim ng tulay.

RAMIL 32 taong gulang, ang tamad na live-in partner ni Chona

IGIT 8 taong gulang, ang nag-iisang anak nina Chona at Ramil

PARENG IDOL 54 taong gulang, isang gameshow host. Boses lamang.

2 of 36
KAPANAHUNAN

Kasalukyan. Magtatanghaling tapat.

ANG TANGHALAN

Isang bahay sa ilalim ng tulay na daanan ng tren. May lamesa at tatlong upuan sa gitna

ng entablado. Madalas ay “magpapalit” ang lugar kapag may tren na dadating –

idadaan ito sa pag-iba ng timpla ng ilaw. Magsasalit-salit ang lugar sa pagitan ng bahay

sa ilalim ng tulay at ng isang TV studio sa Quezon City.

3 of 36
(MULA SA KADILIMAN: Maririnig ang

pagdating ng isang tren.

Unti-unting liliwanag. Kasabay ng pagdaan ng

tren ang paghulog ng alabok at semento

sa lamesang nasa gitna ng entablado.

Maliliwanagan na rin ang tatlongs

bakanteng upuan.

Dadating si CHONA, may bitbit na pulang

supot na ‘di maaninag ang laman.

Papagpagin niya ang mga alabok sa

lamesa bago ipatong ang bitbit na

supot.)

CHONA

(Pasigaw.)

Igit! Handa ka na ba? Bilisan mo! Kanina pa kita sinabihang mag-ayos, hindi ka pa rin

tapos hanggang ngayon?

(Papasok si RAMIL, pumupungas pa. Kusot

ang kanyang buhok at walang suot na

pang-itaas. Nagising siya sa sigaw ni

Chona.)

4 of 36
CHONA

Magbihis ka nga. Hindi ka man lang magdamit nang maayos, kaya hindi mo na-a-attract

ang swerte kasi gusgusin ka.

RAMIL

Bakit, gusto mo ba mag-polo ako… o suotin ko ‘yung binigay na Jacket?--- Sa loob ng

bahay?! Gano’n?

CHONA

Eh ‘di mag-polo ka kung gusto mo! Tingnan mo nga ikaw, mukha kang mas mahirap pa

sa daga.

RAMIL

Eh sa mahirap naman talaga ako ah.

CHONA

Gago! Ang sabihin mo ay mahirap ka pa rin. At lasenggo ka pa rin.

RAMIL

Tama ka, lasenggo ako at lasing pa rin ako. Alam mo kung paano ko nalaman?

CHONA

Paano?

RAMIL

(Mang-aasar.)

5 of 36
Eh maganda ka pa sa paningin ko eh.

(Magbibihis si Ramil. Magsusot ng simple’t

napaglumaang t-shirt.)

CHONA

Oo, lasing ka pa nga. Corny at gasgas pa rin ang joke mo.

CHONA (cont’d)

(Sisigaw sa likod.)

Kanina ko pa sinabing mag-ayos ka, ‘di ba! Malilintikan ka talaga sa’kin ‘pag ‘di tayo

umabot.

CHONA (cont’d)

(Kay Ramil.)

Nasaan na ba siya?

RAMIL

(Kakamutin ang tainga.)

Ang aga-aga naman ng bunganga mo. Tsaka mata ang ipanghanap mo, huwag

bunganga.

(Aatupagin ni Ramil ang pulang supot na inuwi

ni Chona.)

6 of 36
RAMIL

Anong laman nito?

CHONA

(Gagayahin ang pagsasalita ni Ramil.)

‘Tsaka mata ang ipanghanap mo, huwag bunganga.’ Buksan mo kaya. At anong

maaga? The nerve. Mag-aalas dose na, Gago.

(Bubuksan ni Ramil ang pulang supot at

ilalabas ang dalawang laman nito: bote

ng pulbo at binalot na okoy.)

RAMIL

Pulbo at okoy? Okoy na naman ang ulam natin? Ano ba naman ‘yan.

CHONA

Puro ka reklamo, tanghali ka na naman kung gumusing. Pasalamat ka nga’t hindi pansit

‘yang inuwi ko, kung di…

(Tatayo siya sa gitna ng entablado. Mag-i-

internalize. Mag-iibang karakter, ‘aarte’.)

7 of 36
CHONA

(Malambing.)

Ramil. Mahal ko. Heto na ang paborito mong pansit. Nag-uwi ako para sa’yo. Ramil?

Ramil, halika rito.

CHONA (cont’d)

(Magugulantang at luluhod.)

Ramil! Anong nangyari sa’yo?

(Pinanonood lang ni Ramil ang pag-arte ni

Chona – buong puwersa pero hindi

nakakadala.)

CHONA (cont’d)

Dugo! Bakit ka may dugo?! Napa’no ka? Ramil, huwag mo akong iwan. Ramil.

Gumising ka. ‘Wag mo kong iwan. Mahal na mahal kita, Ramil. Paano na ang mga

pangarap nating sabi mo’y sabay nating aabutin? Ramil!!!!!!

(Matatapos ang pag-arte ni Chona.

Papagpagin niya ang damit at tatayo.)

8 of 36
CHONA

(Seryosong muli.)

Ganyan ginawa mo sa TV. Ganyang-ganyan. Pangalan lang ang naiba.

RAMIL

(Sarcastic.)

Wow, ang galing. (Beat) Bigyan ng jacket! Bigyan ng 10,000!

CHONA

Ulol, akin na ang 10,000. Bigyan mo ko ng pera, pramis hindi ko lulustayin sa alak at

sugal.

(Maririning ang pagdating ng isang tren,

titingala sina Chona at Ramil. Uuga ang

mga gamit pati rin sila. Mahuhulog ang

mga alabok at semento mula sa

bubungan.

Sa pagdaan ng tren ay mag-iiba ang ilaw.

Mag-iiba rin ang postura at karakter nina

Ramil at Chona – nasa TV Studio sila.

Maririnig ang boses ng gameshow host na si

PARENG IDOL.)

9 of 36
PARENG IDOL

Sinong kasama mo ngayon?

RAMIL

Pareng Idol, ipinakikilala ko po pala at ipinagmamalaki ko sa buong mundo, ang

pinakamaganda at pinakamaalagang Misis ko. Si Chona!

(Ituturo ni Ramil si Chona na tututukan ng

spotlight.)

CHONA

Good afternoon po, Pareng Idol.

PARENG IDOL

Chona, good afternoon din. Anong gusto mong sabihin sa napaka-guwapo mong

Mister?

CHONA

(Kinakabahan.)

Ano po… Nahihiya ako eh. Ninenerbyos po ako.

PARENG IDOL

Okay lang ‘yan, ‘wag kang kabahan. Go ahead. Anong message mo kay Ramil?

10 of 36
CHONA

Unang-una, Ramil, tandaan mo lang na nandito ako para sa’yo.

(Puwang.)

CHONA (cont’d)

(Mababasag ang boses.)

Kahit ganyan ka, minsan cute ka pa rin para sa’kin. ‘Di, joke lang.

(Pipilitin niyang tumawa)

CHONA (cont’d)

Ano ba… Ayun. Salamat kasi natitiis mo ‘yung sapak ko, ‘tsaka kahit mabunganga ako

nakikinig ka lang sa’kin. Actually, ‘di ko alam kung nakikinig ka ba talaga o tumatahimik

ka na lang para tumigil ako. (Tatawa.) Sana lagi ka lang makinig para peace lang tayo.

(Beat) Kahit nakatira tayo sa ilalim ng tulay, ang mahalaga ay magkakasama tayong

buong pamilya na humaharap sa buhay. Sa hirap at ginhawa, sabi nga nila.

(Magsisimulang umiyak si Chona)

11 of 36
CHONA (cont’d)

Sorry kung minsan nakakapagsabi ako ng masasakit na salita ‘pag mainit ang ulo ko,

(Beat) o kapag gutom. Sana itong pagsali mo sa show ni Pareng Idol ang maging daan

para matupad mo lahat ng pangarap mo at maiwasan natin ‘yung mga ganito ganyan.

Basta, alam mo naman kung ano ‘yun. Tandaan mo lang, mahal kita kahit ganyan ka at

kahit ganito ako. Nandito lang ako manalo o matalo, pero siyempre sana manalo tayo.

Kaya galingan mo. Sana makapasok ka sa Jackpot Round. Good luck. Labyu! ‘Yun lang

po, Pareng Idol.

(Agad na magbabalik sa orihinal na lighting

ang entablado – balik sa ilalim ng tulay. Balik

na rin sa tulay ang karakter ng dalawa.)

RAMIL

May iyak-iyak epek ka pa.

CHONA

Talaga. Dapat lang, ‘no. Kung hindi ako umiyak, hindi ako nabigyan ng Five K ni Pareng

Idol. More iyak, more chances of winning kaya sa TV. Kala mo siya hindi rin umiyak.

12 of 36
(Kukuha ng tasa si Ramil at magtitimpla ng

kape.)

RAMIL

Hindi ako umiyak. Natuyo lang mata ko… Sobrang lamig kaya no’n sa studio.

CHONA

‘Wag ako, Ramil. Don’t me. At least ako, sa TV lang umiiyak, pero ikaw madampian

lang ng alak ang labi mo, umiiyak ka na sa mga kainuman mo. Daig mo pa ang dagang

nahuli sa fly trap kung maka-ngawa. Sa TV lang dapat umiiyak ang tao, hindi sa totoong

buhay. Tandaan mo ‘yan.

RAMIL

Sino ba namang daga ang hindi ngangawa ‘pag mahuli sa fly trap? Ginawa ang fly trap

para sa langaw, hindi pangdaga. Natural, ngangawa siya… daga na nga, pinagmukha

mo pang tanga.

CHONA

Andami mong alam!

(Dadalhin ni Ramil ang dalawang tasang

kape.)

RAMIL

Magkape ka nga muna. Gutom ka na ata at nag-iisprak ka na.

13 of 36
CHONA

Palamigin mo muna diyan.

(Ipapatanong ni Ramil ang kape ni Chona sa

lamesa. Pagkatapos ay hihigupin ang sa

kanya.)

CHONA

(Sisigaw sa likod.)

Hoy, Igit, nasa banyo ka pa rin? Ang bagal mo naman. (Kay Ramil.) Katukin mo nga.

RAMIL

Hayaan mo lang para makapaglinis nang maayos – para malinis na malinis. Kanina pa

siya pumasok ng banyo, patapos na rin ‘yan sigurado.

CHONA

(Sisigaw sa likod.)

Ang tagal mo naman sa banyo! Bakit marunong ka na bang magtikol? (Tatawa.) Aba

ang bata-bata mo pa para diyan ha.

14 of 36
(Maririnig ang pagdaan ng isa pang tren.

Mahuhulugan ng alabok ang kape ni

Chona.)

CHONA

Ang kape ko!

(Tatakbo ang dalawa sa tasa para takpan ng

kanilang mga kamay.

Dahan-dahan nilang iaangat ang mga kamay

para silipin ang lagay ng kape.)

CHONA

Puting-puti na ang kape ko.

RAMIL

(Mang-aasar.)

May pa-coffee-mate si mayor sa’yo. Haluin mo na lang.

CHONA

Pakyu! Sayang naman ‘to. Ipagtimpla mo na lang ako ng bago.

15 of 36
RAMIL

Wala na, ubos na’ng kape natin.

CHONA

Diyos ko, Lord!

RAMIL

(sotto voce)

Ito na siya… Malapit na…

(Iaalok ni Ramil ang kanyang kape kay

Chona.)

RAMIL

Sa’yo na lang ‘tong kape ko.

CHONA

Ayaw ko. May laway mo na ‘yan.

RAMIL

Bumili ka na lang mamayang hapon pagkasundo mo kay Igit. Napakaselan. ‘Kala mo

kung sinong mayaman.

16 of 36
CHONA

(Magpipintig ang tainga.)

Said na said na tayo! Ni pang-ekstrang kape wala! Wala ka pa bang plano sa buhay

mo? Hihilata ka ba ulit pag-alis namin? Alam mo ba kung ilang tasang kape ang

matitimpla mo sa 100,000 Pesos?

RAMIL

Ayan ka na naman sa 100,000 mo. Paulit-ulit. Anim na buwan na, hindi mo pa rin

pinalalampas. Araw-araw na lang. Maumay ka naman.

CHONA

12,500 na kape ang matitimpla mo. At kung tig-isang tasa ang iinumin natin araw-araw,

alam mo ba kung ilang taon tayong may supply ng kape? Ha?

(Nakatitig lang si Ramil, hindi alam ang

isasagot.)

CHONA

Hindi ko rin alam!

(May tren na namang daraan. May mga alabok

muling mahuhulog at mag-iiba na

naman ang lighting. Balik sa TV Studio.

17 of 36
Lalapit si Chona kay Ramil at didikit sa

kanya.)

PARENG IDOL

70,000 Pesos. Pera o Bayong!

RAMIL

Bayong, Pareng Idol.

CHONA

(Kinukumbinsi si Ramil.)

Mag-Pera na tayo. Baka ‘bokya’ ‘yan.

PARENG IDOL

Pakinggan mo si Chona. 70,000 na ‘to. Hindi ka makakapulot ng ganito kalaking halaga

kahit saan.

RAMIL

Bayong pa rin.

PARENG IDOL

Ang laman ng Bayong ay....

(Magbi-build up ang tugtog. Manlalaki ang

mata nina Ramil at Chona, nag-aabang

18 of 36
kung anong laman ng bayong. Hihinto

ang tugtog.)

PARENG IDOL

80,000 Pesos. Iuwi niyo na ‘to. Pera o Bayong?!

(Mapapakapit si Chona kay Ramil.)

CHONA

80,000! Ramil! Pera na lang.

RAMIL

Malakas ang kutob ko na One Million ang laman ng Bayong.

PARENG IDOL

Chona, bakit Pera ang gusto mo?

CHONA

80 K na kasi ‘yan. Sure win na ‘yan.

PARENG IDOL

Ikaw naman, bakit Bayong?

19 of 36
RAMIL

Minsan lang ako magkaroon ng ganitong pagkakataon para maging milyonaryo, Pareng

Idol. Hindi ko ‘to papalampasin. ‘Tsaka pinagdasal ko kay Lord na makapasok ako sa

Jackpot Round. Ngayong nandito na’ko, alam kong ibibigay Niya sa’kin ang jackpot.

PARENG IDOL

Sigurado ka na sa Bayong?

RAMIL

Siguradong sigurado. Bayong.

PARENG IDOL

Sigurado na raw siya. Ang ipagpalit mo sa 80,000 ay….

(Magbi-build up muli ang tugtog at hihinto.)

PARENG IDOL

Huling tawad! 100,000 Pesos! Pera o Bayong!

(Mapapaisip na si Ramil. Yuyugyugin siya ni

Chona.)

20 of 36
CHONA

Pera. Pera na. Pera na. Makinig ka sa’kin.

RAMIL

Tiwala lang. Tama ‘tong pipiliin ko.

PARENG IDOL

100,000 ba o ang laman nitong Bayong? Maaring 1 Million Pesos… pwede ring Bokya.

Anong desisyon mo? Pag-isipan mong mabuti.

RAMIL

Pareng Idol, para sa’ming pamilya ito. Sabay-sabay kaming aahon sa buhay.

CHONA

(Magmamakaawa kay Ramil.)

Please, mag-Pera ka na.

(Mag-aantanda si Ramil at pipikit. Tensyonado

na ang dalawa – halos mangiyak-ngiyak

na.)

PARENG IDOL

Huling tanong: Pera o Bayong?!

21 of 36
RAMIL

Bayong, Pareng Idol. Bayong na talaga.

PARENG IDOL

Ang pinagpalit mo, Ramil, sa 100,000 pesos ay…..

(Sa huling pagkakataon ay magbi-build up ang

tugtog. Nakapikit si Chona habang

nanginginig sa kaba si Ramil.)

PARENG IDOL

Ang laman ng Bayong ay…!

(Sasabog ang tugtog, hudyat na nabuksan na

ang Bayong. Didilat si Chona.)

CHONA

Bokya!

22 of 36
(Hahampasin ni Chona ang dibdib ni Ramil.

Yayakapin siya nang mahigpit ni Ramil para

hindi makagalaw.)

CHONA

(Naiinis at naluluha.)

Sinabi ko na sa’yo! Pera! Hindi ka nakikinig sa’kin! Putang ina ka! Dang bobo mo!

RAMIL

(Nanggigigil.)

‘Wag ka magmura sa TV. Hindi ka Presidente.

(May tren na namang daraan. Mahuhulog ang

mga alabok, mag-iiba ang lighting. Balik

sa ilalim ng tulay. Balik na rin ang

dalawa sa karakter sa ilalim ng tulay.)

CHONA

Sugapa ka kasi. Hindi ka na nakuntento sa binigay sa’yo. Antanga-tanga.

23 of 36
RAMIL

Syempre kung mangangarap ka na lang, lubusin mo na. Once in a lifetime lang maging

milyonaryo sa TV. Hindi nga lang natin nasuwertehan.

CHONA

Ewan ko sa’yo. Alam mo ba kung anong mas nakakainis sa kontrabidang hindi mapatay

sa TV? Isa lang. ‘Yung taong mali ang pinili sa Jackpot Round. Sarap basagin ng TV

‘pag ganyan ang palabas.

RAMIL

Ganyan naman ang mga nanonood ng TV eh. Kakampi ‘yung contestant habang

naglalaro, pero ‘pag natalo minumura pa ‘yung contestant. Akala mo naman may

naitulong talaga sila. Nakikinood na lang, magagalit pa.

CHONA

Siyempre, gusto nila manalo ang contestant. Gusto nila manalo ka kasi ikaw ang bida.

Normal lang na maiinis sila ‘pag ‘di mo nakuha ang mas malaking pera. Bida ka sa

kanila sa loob ng kalahating oras. Sana gustuhin mo ring bida ka – gustuhin mo ring

manalo ka. Hindi ka ba naiinis na sa ilalim ka pa rin ng tulay nakatira? Hindi ka ba

naiinis sa ingay ng tren na laging dumadaan halos bawat minuto? Hindi ka ba naiinis na

lagi kang nahuhulugan ng letseng alabok at semento? Hindi ka ba naiinis na minsan eh

kailangang umabsent ni Igit sa school – gaya ngayon? Mainis ka naman sa sitwasyon

natin.

24 of 36
(Hindi magsasalita si Ramil, hinayaan lang

niyang tumigil si Chona.

DADATING SI IGIT, ang kanilang anak na

lalaki. Walang pang-itaas, naka-school

shorts, basa ang buhok at bitbit ang

kanyang tuwalya.)

CHONA

Bilis dito at nang maayusan kita.

(Takot na lalapit si Igit sa kanyang Ina.)

IGIT

‘Nay....

(Hahatakin ni Chona ang tuwalya ni Igit at

kukuskusin ang buhok ng bata.)

CHONA

Kunin mo ang suklay at polo mo.

25 of 36
(Maglalakad si Igit para kunin ang mga ito. May

dagdag na utos si Chona.)

CHONA

Pati pala ‘yung binili kong pulbo, kunin mo rin.

RAMIL

(Kay Igit.)

Nagkuskos ka ba nang mabuti, Igit?

(Kukusitin ni Ramil ang buhok ng anak.)

IGIT

Opo, ‘Tay.

(Ibibigay ni Igit kay Chona ang mga hiningi

niya: ang suklay, polo at pulbo. Marahas

na susuklayin ni Chona ang anak.

Magsisimulang umiyak si Igit.)

26 of 36
IGIT

‘Nay, ayoko po.

CHONA

‘Wag kang papansin.

IGIT

‘Tay, dito lang po ako.

RAMIL

Anong una mong sasabihin sa kanya? Naalala mo ang tinuro namin? Babatiin mo siya

tapos ngingiti ka nang malaki, ‘di ba.

(Susuotan ni Chona ng uniform si Igit. Tuloy

lang sa pag-iyak si Igit.)

RAMIL

Kabisado mo pa ba?

(Iiling si Igit.)

RAMIL

“Good afternoon, Mister Dickinson.” Ulitin mo nga.

27 of 36
(Mag-iipon ng lakas ng loob si Igit para

makapagsalita sa kabila ng pag-iyak.)

IGIT

G’ggu-good afternoon--- Hindi ko po alam. Dito na lang po ako sa bahay. Maglilinis po

ako. Magwawalis po ako. Maghuhugas po ako ng plato.

RAMIL

Sige na praktisin mo na: “Good afternoon, Mister Dickinson.”

IGIT

Kailangan ko pumasok ng school. May quiz po kami. Nag-review po ako buong gabi. ‘Di

ba, ‘Tay, sabi niyo mag-aral akong mabuti?

CHONA

‘Wag nang maarte. “Good afternoon, Mister Dickinson.”

IGIT

Good afternoon, Mister…

(Hindi matapos ni Igit ang sinasabi.)

CHONA

Dick...

28 of 36
IGIT

Dick.

RAMIL

In…

IGIT

In.

CHONA AT RAMIL

Son.

IGIT

Son.

CHONA

Isa pa.

CHONA AT RAMIL

Dick…

IGIT

Dick.

CHONA AT RAMIL

In…

29 of 36
IGIT

In.

CHONA AT RAMIL

Son.

IGIT

Son.

CHONA AT RAMIL

Dick...

IGIT

Dick.

CHONA AT RAMIL

In…

IGIT

In.

CHONA AT RAMIL

Son.

IGIT

Son.

30 of 36
CHONA AT RAMIL

Dick. In. Son.

IGIT

Dick. In. Son.

CHONA AT RAMIL

Mister Dickinson.

IGIT

Mister. Dick. In. Son.

(Pupulbusan ni Chona si Igit. Tataktakin niya

ang pulbo sa anak, direkta mula sa

bote.)

CHONA

Ayan, siguradong matutuwa si Dickinson. Gustong-gusto niya ‘pag amoy pulbo.

IGIT

(Tuloy sa pag-iyak.)

Please po, ‘Nay. Kahit ano gagawin ko. Tatay, masakit po ba ang ulo niyo sa alak?

Mamasahiin ko po kayo para hindi na sumakit.

31 of 36
(Tatakbo si Igit kay Ramil. Dadalhin siya nito

pabalik kay Chona. Hahagulgol si Igit.)

CHONA

Tumigil ka sa pag-iyak. Wala ka sa TV, hindi mo pagkakakitaan ‘yang luha mo.

(May daraang tren. Mahuhulog ang mga

alabok. Magkakaroon ng spotlight si

Ramil.)

PARENG IDOL

Ikaw, Ramil, ano namang mensahe mo sa asawa mo.

(Agad na magiging emosyonal si Ramil; nasa

TV studio ang karakter niya. Mananatili

naman ang karakter nina Chona at Igit

sa ilalim ng tulay. Naghahanda pa rin.)

RAMIL

Alam kong may pagkukulang ako bilang haligi ng tahanan, sorry. (Beat) Pero pinipilit

kong maging mas mabuting asawa mo at mabuting tatay ni Igit. Actually, Pareng Idol,

32 of 36
hindi po kami kasal; live-in lang kami. Pero ang pangako ko sa’yo, Chona, so oras na

manalo tayo dito. Papakasalan agad kita. Gusto ko kasing patunayan sa’yo na love kita

kahit hindi ko palaging pinapakita at sinasabi sa’yo. Sa talent portion ko lang talaga ‘yun

nasasabi sa’yo… dito sa TV.

(Pipilitin niyang tumawa pero mas mababasag

lang ang boses.)

RAMIL

Salamat pala kasi ikaw ang nagturo sa’kin sa ita-talent ko. Salamat sa pag-coach mo

sa’kin kung anong iisipin ko para maganda ang talent ko mamaya. Mahal ko kayo

pareho ng unico hijo natin. (Beat) Ahh… Igit, alam kong nanonood ka ngayon. Artista na

si Tatay, ayos ba? Gusto ko lang sabihin sa’yo na lahat ng ginagawa namin ng Nanay

mo ay para lang sa kinabukasan mo. Makinig ka sa’kin: mag-aral ka nang mabuti.

Edukasyon lang ang mapapamana namin ng Nanay mo sa’yo. ‘Pag nag-aral kang

mabuti, aahon ka sa buhay. Huwag mo ‘kong tularan, ‘Nak. ‘Pag-pray mo na manalo si

Tatay para hindi ka na….

(Maiiyak si Ramil.)

33 of 36
RAMIL

Para hindi ka na umabsent sa school kahit kailan. Alam kong ayaw na ayaw mong

pinapa-absent ka namin kaya pray ka lang na manalo ako. At ayun din ang gusto ko,

simple lang ang pangarap ko, ang hindi ka na aabsent sa school kahit kailan.

(Lalapit si Chona kay Ramil para magpaalam.)

CHONA

Ihahatid ko muna si Igit. Mauna ka nang kumain kung gutom ka na. Tirhan mo na lang

ako ng okoy.

(Hindi siya papansanin ni Ramil dahil nasa TV

studio pa ang diwa nito.

Iniisip ni Ramil ang mga pangarap niya para sa

pamilya na tila hindi na maaabot.

Babalik sa isang gilid ang mag-ina para

tapusin ang pag-aayos.

Magsasalita si Pareng Idol.)

PARENG IDOL

Anong talent ang ipapakita mo ngayong hapon?

34 of 36
RAMIL

Magpa-pansit monologue po ako.

PARENG IDOL

(Matatawa.)

Aba bagong bago ah. Alright, ladies and gentlemen, palakpakan natin: Ramil!

(Tatayo sa gitna ng entablado si Ramil.)

RAMIL

Pa-internalize po muna. Mabilis lang ‘to.

PARENG IDOL

Sige sabihan mo kami ‘pag handa ka na.

(Yuyuko si Ramil at hihinga nang malalim.

Matagal na mag-iinternalize.)

RAMIL

Handa na po ako.

35 of 36
(Maririnig ang palakpakan ng mga audience sa

TV Studio. Palakas nang palakas ang

ilaw pati ang tunog. Patindi naman nang

patindi ang emosyon ni Ramil bago

mag-monologue.

Dadating ang isang tren. Kasabay nito ay

pupulbuhan muli ni Chona si Igit,

tinataktak direkta mula sa bote.

Mabubuhusan ng mga alabok at

semento si Ramil – KAHAWIG NG

PAGBUHOS NG PULBO KAY IGIT.

Lilisan na si Chona kasama ang umiiyak pa

ring si Igit.

Nangingilid ang luha na Ramil. Sumabog na

nang tuluyan ang mga tunog at liwanag.

Hindi niya alintana ang patuloy na

pagbuhos ng alabok sa kanyang ulo.

Handa na siyang umarte. Hihinto ang paghulog

ng alabok at titingala siya. Biglang

magdidilim at tatahimik.)

---WAKAS----

36 of 36

You might also like