You are on page 1of 1

PERFORMANCE TASKS

The following are some examples of performance tasks. Rubrics are not provided here.

FILIPINO

Grade 7

Ikaw at ang iyong mga kasama ay kabilang sa isang grupo ng mga cosplay artists. Magsasagawa kayo ng isang photoshoot
upang itampok ang isa sa mga karakter ng kuwentong-bayan sa Mindanao. Isa sa inyo ang bibida sa photoshoot. Ipapakita
ang inyong mga gawa sa isang digital portfolio na katatampukan ng mga larawan na nagpapakilala ng kultura ng Mindanao.
Kinakailangan na angkop ang pananamit sa karakter na iyong isinasabuhay, mahusay ang pagganap, masining, at akma sa
paksang binibigyang-pansin.

Grade 8

Ikaw at ang iyong mga kasama ay mga executive producer sa isang TV network. Inatasan kayo ng chief executive officer
(CEO) ng inyong network na mag-brainstorm ng isang edukasyonal na palabas sa telebisyon na magtatanghal o
magpapakita ng makabagong bugtong, salawikain, at tugmang pambata. Kasama ang inyong creative team, siguruhing
ang inyong programa ay interaktibo para sa mga batang ang edad ay nasa elementarya, makabago, at may malinaw na
pagkakaiba sa mga programa sa telebisyon ngayon. Ipepresenta ninyo sa CEO ang inyong plano sa format ng programa sa
pamamagitan ng isang PowerPoint presentation. Dapat na malinaw ang presentasyon, interaktibo ang nilalaman, at
angkop para sa mga bata upang mahikayat ang CEO na aprubahan ang inyong plano.

Grade 9

Larangan: Sining at DisenyoIkaw at ang iyong mga kasama ay mga comic strip creator/writer. Isang publikasyon ang
kumuha sa inyo para gumawa ng “komik istrip” tungkol sa epikong Ramayana. Ilalathala ito para sa muling pagbuhay sa
industriya ng komiks. Isulat ang mga diyalogo ng komiks at ang mga gabay para sa ilustrasyon. Gawing gabay ang natalakay
na tatlong gamit ng wika ayon kay Halliday sa paggawa ng mga diyalogo. Pagkatapos ng mga diyalogo ay iguhit ang mga
larawan. Tatanggapin lamang para sa publikasyon ang komiks kung ito ay angkop sa kahingian, tumpak sa karakterisasyon,
at pagkamalikhain.

Grade 10

Ikaw ay stage designer ng isang dulaang kilala sa inobasyon sa produksiyon. Ang susunod ninyong proyekto ay adaptasyon
ng Les Misérables. Sa dulang ito, kasama ang kuwento sa unang kabanata ng nobela, gamit ang distant observer point-of-
view, inaasahan kang gumawa ng limang talatang instruksiyon para sa disenyo ng mobile at portable na mga stage props.
May mga mekanismong gumagalaw at iba pa. Sa pagdidisenyo, kailangan mo itong lapatan ng iyong batayang kaalaman
sa mechanics, kinematics, at thermodynamics. Gawing gabay ang mga artikulong “Props Challenges”
(http://www.artsalive.ca/collections/imaginedspaces/index.php/en/activities-and-resources/propsintro) at “Physics and
Theater” (https://artshacker.com/physics-and-theater/) Isasagawa ang pagtatasa ng instruksiyon batay sa pagpili ng
pinakamabuti at pinakaangkop na mga salita, at pagkakaroon ng malinaw na mensahe

You might also like