You are on page 1of 1

De Guzman, King Kristoffer F.

BEE III - 3

Mga Tanong:

1. Ano ang nais iparating ng kanta?

- Ang kantang “Uring Manggagawa” ay nagmumulat sa ating mga mata upang makita
natin ang totoong kalagayan ng ating mga manggagawa. Kung paano sila tratuhin ng
gobyerno at bulok na sistema ng ating bansa. Sila ay pinagsamantalahan, niyuyurakan
ang mga karapatan, mababa ang sahod, ilang taong kontraktwalisasyon, at marami pang
iba. Nais ng kantang ito na mapagbuklod ang ating mga manggagawa, na sila ay
magkaisa at magkapit-bisig upang wakasan ang tanikalang gumagapos sa kanila.
Tanikalang humahadlang sa kanilang pag-asenso sa buhay.

2. Bakit pinamagatang "Uring Manggagawa"?

- Para sa akin, ito ay pinamagatang “Uring Manggagawa” dahil inilalarawan ng kantang ito
ang tunay na kalagayan ng ating mga manggagawa sa kasalukuyang panahon at kung ano
ang kanilang gampanin sa lipunan na mayroon tayo.

3. Bilang guro, paano ka makatutulong sa suliranin na ipinakita ng awit?

- Isa sa mga nakikita kong paraan upang makatulong sa ating mga manggagawa ay ang
pagsali sa mga “mob” o mobilisasyon upang makibaka. Dahil dito ay nagiging boses ako
para sa mga kinuha ang boses at hindi makasigaw ng kanilang karapatan at ipinaglalaban.
Ang panawagang “Sahod, Itaas! Presyo, Ibaba!” ay angkop sa awiting ito, sapagkat
damang-dama natin hanggang sa ngayon ang pagtaas ng inflation rate na nagpapataas sa
ating mga bilihin, ngunit ang sahod ng mga manggagawa ay madalas, wala pa sa
minimum wage. Isa pang paraan na aking naiisip ay ang pagmumulat sa aking mga
estudyante sa hinaharap. Sa pamamagitan ng mga awit na katulad nito at mga literatura
na aking maipapabasa, mamumulat sila at mauunawaan nila ang totoong kalagayan ng
mga manggagawa ng ating bansa.

You might also like