You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Albay
Malabiga HighSchool
Libon, Albay

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _______________


Baitang at Seksyon: ______________________________________ Marka: ______________

A. MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Pillin at bilugan ang pinaka tamang sagot.

1. Ano ang katawagan sa masidhing pagmamahal sa bayan?


a. Imperyalismo c. Patriotismo
b. Nasyonalismo d. Kolonyalismo
2. Ang pinakamagandang epekto na nangyari at natanggap ng mga bansang Asyano pagkatapos ng malawakang digmaang
pandaigdig.
a. Kapayapaan c. Pamahalaan
b. United Nation d. Kasarinlan
3. Kung ang Unang Digmaang Pandaigdig ay tumalgal ng apat na taon. Ano ang hangganan ng digmaan?
a. 1912-1916 c. 1915-1919
b. 1914-1918 d. 1918-1922
4. Ang alitan sa pagitan ng _________ at ______ ay nauwi sa pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand.
a. Germany ; Italy c. Russia : Germany
b. Great Britain ; France d. Austria-Hungary : Serbia
5. Pagkamatay ni Archduke Franz Ferdinand ay dumating ang tulong ng mga kaalyadong bansa. Tinulungan ng ________
ang Serbia. Tinulungan naman ng ___________ ang Austria-Hungary.
a. Germany ; Italy c. Russia : Germany
b. Great Britain ; France d. Austria-Hungary : Serbia
6. Kailan naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. June 28, 1914 c. June 30, 1914
b. July 28, 1914 d. July 30, 1914
7. Anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand c. Pagtataksil ng Austria-Hungary
b. Pagiging makapangyarihan ng Germany d. Paghihimagsik ng Britanya
8. Ang mga sumusunod ay salik ng Unang Digmaang Pandaigdig, MALIBAN sa isa. Ano ito?
a. militarism c. alyansa
b. nasyonalismo d. kayamanan
9. Piliin ang dalawang (2) alyansang nabuo bago sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Triple Entente c. Triple Alliance
b. Dual Alliance d. Triple Power
10. Alin sa sumusunod ang bansang kaalyado ng France at Russia?
a. Germany c. Austria-Hungary
b. Italy d. Great Britain
11. Dito naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig
a. Digmaan sa Kanluran c. Digmaan sa Balkan
b. Digmaan sa Silangan d. Digmaan sa Karagatan
12. Anong kasunduan ng mga bansa ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Treaty of Paris c. treaty of Versailles
b. League of Nations d. United Nations
13. Ano ang panitikong pagmamahal sa sariling bansa at pagkakaroon ng persepsyon na mahina o mababa ang ibang
bansa o lahi?
a. Nasyonalismo c. Alyansa
b. Militarismo d. Imperyalismo
14. Ito ang pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng isang bansa. Ano ang tinutukoy?
a. Nasyonalismo c. Militarsimo
b. Alyansa d. Imperyalismo
15. Ito ang pagbuo ng samahan upang maging magkakampi
a. Nasyonalismo c. Miltarismo
b. Alyansa d. Imperyalismo
16. Ito ang pagsakop sa iba pang bansa. Ano ito?
a. Nasyonalismo c. Miltarismo
b. Alyansa d. Imperyalismo
17. Sino ang binaril na naging sanhi rin ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Archduke Francis Ferdinand c. Archduke Franz Freddie
b. Archuduke Francis Freddie d. Archduke Francis Freddienand
18. Alin sa sumusunod ang HINDI naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Nanatiling nasa bahay ang kababaihan.
b. Umabot sa 8 500 000 katao ang namatay sa labanan.
c. Marami ang bansang nakalaya.
d. Tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar ang nagastos ng digmaan.
19. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. Pagkamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers.
b. Pagpapalabas ng labing –apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson.
c. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
d. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria, Hungary

20. Ano ang tawag sa panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa?


a. Nasyonalismo c. Imperyalismo
b. Alyansa d. Militarismo
21. Ano ang dalawang alyansang nabuo noong Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Triple Alliance at Triple Entente c. Triple Entente at Triple Powers
b. Triple Alliance at Triple Powers d. Triple Entente at Triple Allied
22. Ano ang bansang kaalyado ng France at Russia?
a. Germany c. Great Britain
b. Italy d. France
23. Ano- anong mga bansa ang bumubuo sa Triple Entente?
a. Austria, Germany Japan c. Germany, Austria-hungary at Italy
b. France, Great Britain, Russia d. USA, Japan at Italy
24. Ano ang tawag sa alyansang binubuo ng Italy, Germany at Austria-Hungary?
a. Triple Powers c. Triple Alliance
b. Triple Nations d. Triple Entente
25. Siya ang taga-pagmana ng trono ng Austria- Hungary na pinaslang sa Sarajevo, Bosnia.
a. Archduke Francis Ferdinand c. Archduke Otto Von Bismarck
b. Archduke Nicholas d. Archduke Gavrilo Princip
26. Saan naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. France c. Europe
b. Russia d. Amerika
27.  Ito ay grupo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kinabibilangan ng Germany, Italy at Japan.
a. Triple Entente c. Triple Alliance
b. Allied Forces d. Axis Powers
28. Ang kasunduang ito ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ano ito?
a. Treaty of Versailles c. treaty of Tordesillas
b. Treaty of Paris d. Treaty of Brest-Lotovsk
29. Sino ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand na naging sanhi din ng pagsisimula ng Unang Digmaang
Pandaigdig?
a. Vittorio Emanuele c. David Lloyd George
b. Woodrow Wilson d. Gavrilo Princip
30. Ano ang plano ng Germany para sa pakikipagdigmaan na ipinangalan sa gumawa na ito na si Field Marshal Alfred von
Schlieffen?
a. The Hindenburg Plan c. Sturm und Drang Operation
b. The Schlieffen Plan d. Operation Barbossa
31. Kailan nagtapos ang Unang Pandaigdig
a. Nobyembre 11, 1918 c. Mayo 1945
b. Hunyo 12, 1898 d. Hulyo 28, 1914
32. Ito ang lugar kung saan pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawa na si Sophie.
a. Austria c. Sarajevo, Bosnia
b. Hungary d. United Kingdom
33. Austria vs. Serbia: Digmaan sa Balkan
________________ : Digmaan sa Karagatan
a. Germany vs. France c. Germany vs. Great Britain
b. Russia vs. Germany d. Austria-Hungary vs. Russia
34. Ano ang epekto ng unang digmaang pandaigdig?
a. Naging maunlad ang mga bansa c. Maraming ari-arian ang nasira
b. Nagkaroon ng maraming hanapbuhay ang mga tao. d. Naging masaya ang mga tao
35. Ano ang dapat gawin ng isang mamamayan kung ang digmaan ay nararanasan nila?
a. Humingi at iasa ang lahat sa gobyerno.
b. Maging matapang at kalabanin ang kalaban.
c. Maging maingat upang hindi masaktan.
d. Magkaroon ng lakas ng loob at maging responsableng mamamayan.
36. Kung ikaw ang isa sa mga leader sa panahon ng unang digmaang pandaigdig, ano ang gagawin mo upang magkaroon
ng kapayaan sa iyong bansang sinasakupan?
a. Kakausapin ko ang bawat leader at sasabihin kong itigil na ang digmaan.
b. Ipapatigil ko ang aking mga sundalo sa paglaban.
c. Papalakasin ko ang militarismo ng aking bansa.
d. Makikipagsundo ako sa mga leader na magkaroon ng kapayapaan.
37. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang magkaroon ng kapayapaan sa isang bansa?
a. Mag-aaral ako nang mabuti.
b. Magiging mabait ako sa lahat nang pagkakataon.
c. Magkaroon ng malalim na pag-unawa.
d. Magkaroon ng maayos na pakikisalamuha sa ibang tao.
38.  Ito ang neutral na bansa na tumutol upang daanan ng hukbo ng Germany.
a. Belgium c. Italy
b. Great Britain d. Poland
39. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Ekonomiya?
a. Bumaba ang mga bilihin dahil naging masagana ang pamumuhay pagkatapos ng digmaan.
b. Yumaman ng sobra ang mga bansang nanalo at humirap ang mga natalo sa digmaan.
c. Madaming ari-arian ang nasira at naapektuhan ang lahat ng bansang napabilang sa digmaan, ito ay
nagresulta ng kawalan ng bilyong-bilyong dolyar mula sa pagpondo sa digmaan.
d. Nagkaroon ng ideya ang mga tao na magbenta ng mga armas dahil maganda itong pagkakitaan kapag
may digmaan.
40. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Pulitika?
a. Mayroong mga bansa at estado ang naghiwalay ngunit maraming bansa rin ang naging malaya.
b. Naging matagumpay ang paglutas sa isyung pangkapayapaan at tuluyang natahimik ang mga bansang
kasangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig.
c. Nagbago ng pananaw ang Germany at umayon sa ipinataw na parusa para sa kabutihan ng lahat ng
bansa.
d. Itinigil ang pagbuo ng alyansa upang maiwasan ang pagsiklab muli ng panibagong Digmaang Pandaigdig.
 41. Ano ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa aspeto ng Lipunan?
a. Maraming gusali ang ipinatayo upang makapag handa sa maaaring susunod na Digmaan.
b. Madaming tao ang naging masagana ang buhay dahil nalutas ang digmaan ang sigalot ng mga bansa
c. Milyon-milyong mga tao ang binawian ng buhay sa pakilipaglaban at namatay sa gutom dahil sa
nangyaring digmaan,
d. Wala sa nabanggit
42. Ano ang naging magandang dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Napag-ayos nito ang mga bansang nagkaroon ng hidwaan.
b. Hindi kailanman nagkaroon ng magandang dulot ang digmaan sa kahit anong aspeto, ito lamang ay
pagdanak ng dugo ng mga inosenteng tao at kawalan sa lahat ng bansang mapabilang dito.
c. Mas mapapalakas ang pwersang sandatahan ng mga bansa.
d. Ito ay nagbibigay oportunidad sa mga negosyante na pumondo para sa mga armas at digmaan dahil
malaki ang kanilang kikitain mula dito.
43. Digmaan na naganap noong 1914 dahil pag-aalyansa ng mga bansa sa Europe at pagkamatay ni Archduke Francis
Ferdinand ng Austria. Anong digmaan ang tinutukoy?
a. Ikalawang Digmaang Pandaigdig c. Unang Digmaang Pandaigdig
b. Ikatlong Digmaang Pandaigdig d. Ika-apat na Digmaang Pandaigdig
44. Kailan nagdeklara ng digmaan ang British laban sa mga German bilang suporta sa Belgium?
a. July 4, 1914 c. August 4, 1914
b. August 4, 1914 d. June 28, 1914
45. Alin sa mga sumusunod ang pangkat na sinalihan at nagsanay kay Gavrilo Princip bilang isang terorista.
a. Hamas c. Maute
b. ISIS d. Black Hand
46. Saan naganap ang isa sa pinakamalagim na digmaan sa kasaysayan ng Unang digmaan na kung saan naglaban ang
pinagsamang pwersa ng Britain at French laban sa Germany na naganap noong Pebrero 1916 at naging dahilan sa
malaking pinsala sa allied Forces?
a. Battle of Verdun c. Battle of Marne
b. Battle of Somme d. Battle of Tannenberg
47. Ang Pangulo ng United States na nanguna sa pag buo ng mga pandaigdigan samahan.
a. Georges Clemenceau c. Vittorio Orlando
b. Lloyd George d. Woodrow Wilson
48. Ito ay tawag sa isang damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa inang
bayan. Ano ang tinutukoy?
a. Kolonyalismo c. Imperyalismo
b. Nasyonalismo d. Miltarismo
49. Ito ay tawag sa isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pagunlad ng mga bansang Europeo
ang pag-aangkin ng mga kolonya.
a. Kolonyalismo c. Imperyalismo
b. Nasyonalismo d. Miltarismo
50. Ano-ano ang mga bansang kabilang sa Triple Alliance (Central Powers)?
a. France, China, Philippines c. Germany, Italy, Russia
b. Austria-Hungary, Germany, Italy d. Great Britain, Serbia, Austria-Hungary
51. Bakit sinasabing nabigo ang League of Nations sa mga layunin ng pagkatatag nito?
a. Maliit na bilang lamang ng mga bansa ang sumali dito
b. Nagtalo-talo din ang mga bansang kasapi ng League of Nations
c. Mayroong kawalan ng kapangyarihang ipatupad ang desisyon ng organisasyon
d. Walang sapat na pondo ang organisasyon upang tugunan ang mga pangangailangan nito.
52. Malubha ang pinsalang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang 8.5 milyon ang namatay 22 milyon ang
sugatan at 18 milyong sibilyan ang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Maraming ari-arian din ang nawasak. Ano ang
ipinapakitang epekto ng digmaan sa Europe?
a. Maraming buhay ang naapektuhan ng digmaan
b. Malaki ang pinsalang naidulot ng digmaan sa ekonomiya
c. Ang Europe ay bumagsak matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig
d. Ang digmaan ay walang mabuting dulot sa mga mamamayan at kapaligiran
53. Bakit naghanda ng mga hukbo ang Russia nang magdeklara ng digmaan ang Austria laban sa Serbia?
a. Natakot ang Russia na baka umabot sa teritoryo nito ang digmaan.
b. Nais ng Russia na makidigma sa panig ng Austria.
c. Nais ng Russia gamitin ang pagkakataon upang sakupin ang mga bansang ito at ang buong Europa.
d. Ang Russia ang naghikayat sa dalawang bansa na makidigma, kung kaya handa itong sumali.
54. Bakit pinigilan ng imperyong Austria-Hungary ang paglakas ng nasyonalismo sa teritoryo nito?
a. Kapag nag-alsa ang mga pangkat etniko sa loob ng teritoryo nito dulot ng nasyonalismo, maaaring
bumagsak ang imperyo.
b. Hindi naniniwala ang Austria-Hungary sa halaga ng nasyonalismo sa pagpapaunlad ng bansa.
c. Hindi gusto ng Austria-Hungary na makiuso sa ibang mga bansa sa Europa na dumaan sa rebolusyon
dulot ng nasyonalismo.
d. Likas na walang nasyonalismo sa mga pinamumunuan ng Austria-Hungary, kung kaya hindi ito mahalaga
sa teritoryo nila.
55. Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga epekto ng Unang Pandaigdigang Digmaan sa ekonomiya?
a. Umunlad ang ekonomiya ng Estados Unidos.
b. Umunlad ang ekonomiya ng Alemanya.
c. Nagkaroon ng malaking utang ang karamihan sa mga bansang lumahok sa digmaan.
d. Maraming manggagawa ang namatay sa digmaan.
56. Alin sa sumusunod ang kabilang sa mga bansang nabuo mula sa pagbagsak ng imperyong Austria-Hungary?
I – Austria III - Poland
II – Hungary IV - Turkey
a. I, II, III, at IV c. I, II, III
b. I at II lamang d. III at IV lamang
57. Bukod sa mahigit 9.7 milyong taong namatay dahil sa pagsisilbi sa mga hukbo, nadamay din ang mahigit 10 milyong
sibilyan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Kasalanan ng mga sibilyan ang kanilang pagkamatay kasi hindi sila lumikas.
b. Mahalagang iwasan ang mga digmaan dahil nadadamay din ang mga inosenteng tao.
c. Napakalaking perwisyo ang idinulot ng Unang Digmaang Pandaigdig.
d. Karaniwan lamang na maraming mamatay sa isang digmaan, at hindi tayo dapat magulat.
58. Malubha ang pinsalang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang 8.5 milyon ang namatay 22 milyon ang
sugatan at 18 milyong sibilyan ang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Maraming ari-arian din ang nawasak. Ano ang
ipinapakitang epekto ng digmaan sa Europe?
a. Maraming buhay ang naapektuhan ng digmaan
b. Malaki ang pinsalang naidulot ng digmaan sa ekonomiya
c. Ang Europe ay bumagsak matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig
d. Ang digmaan ay walang mabuting dulot sa mga mamamayan at kapaligiran.
59. Bakit pinatay ang archduke at ang duchess sa Austria?
a. upang mapalaya ang bosnia sa austria
b. upang mahihiwalayan ang contract sa dalawang bansa
c. upang matapos ang labanan
d. upang makilala sa buong mundo
60. Bakit mahalaga na magkaroon ng pagkakaunawaan ang mga bansa?
a. Upang hindi magkaroon ng mga hidwaan sa pamamagitan ng mga bansa.
b. Upang magkaroon ng malakas na impluwensya.
c. Upang maging mas malakas ang bansa.
d. Upang tumaas ang ekonomiya ng bansa.

You might also like