You are on page 1of 6

Romblon State University

College of Education
Odiongan, Romblon
Main Campus

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina


GE 11

MODULE 2

MGA BATAYANG TEORYA AT IDEYA SA

PANANALIKSIK: MAKA-PILIPINONG

PANANALIKSIK

Zyrel Pol C. Morales

BSED-ENGLISH (BLOCK3)

MARCH 2023
1
Romblon State University
College of Education
Odiongan, Romblon
Main Campus

PAGTATASA
Paksa 1

PANUNURING PAMPANITIKAN
Panuto: Pumili ng dalawang dagli mula sa apat na dagling maaaring pagpipilian.
Gumawa ng pagsusuri ng mga ito gamit ang mga maaaring katanungan sa bawat
teorya at diskurso. (Para sa mga dagli, sumangguni sa hiwalay na file). Sundin ang
mga sumusunod na ispesipikasyon:
Ispesipikasyon:
Bilang ng Salita: 350 – 400 salita Bilang ng Talata: 5 pataas
Font Style: Arial Font Size: 12 pts
Margin: 1” Bilang ng Pahina: 2-3 pahina
Spacing: Single, Justified

2
Romblon State University
College of Education
Odiongan, Romblon
Main Campus

Ang Marxismong Pagsusuri sa Akdang TUHOG

Ang dagling tuhog ay nagtatalakay sa tryanggulong pag-ibig o love triangle sa


Ingles. Ang salitang tuhog ay sumisimbolo sa masakit na karanasan ng mga tauhan
sa kwento. Kailangang maipakita sa akda ang pagkakaroon ng tunggalian, sapagkat
ito ay batay sa teorya ng Marxismo. Sa unang talata palang, malalaman kaagad
natin ang namumuong tunggalian sa pagitan ng mga tauhan sa nasabing akda.

Masasabi natin na ang tunggalian sa dagling tuhog ay umusbong dahil sa


pagtataksil ng tauhang pinangalanan mula sa sikat na pagkaing Pinoy, ang Balut. Ito
ay tinatawag sa Ingles na “man. vs. man.” Nagkaroon ng tunggalian sa pagitan nina
Balut, ang manloloko, Penoy, ang pinagpalit, at Ponkan, ang siyang bagong mahal
ni Balut. Labis ang poot at panibugho ni Penoy kay Ponkan kaya nanaig ang
kagustuhan niyang tapusin nalang ang buhay nito sa pamamagitan ng pagsaksak ng
sibat. Ating mapapansin na hindi kauri nina Balut at Penoy si Ponkan, subalit hindi
pa rin ito naging hadlang upang siya’y mahalin ni Balut at magawang pagtaksilan si
Penoy sapagkat nasa kanya ang katangiang hindi mahanap ni Balut kay Penoy. Si
Balut marahil ang simbolo ng kataksilan at hindi marunong makuntento sapagkat
nariyan naman si Penoy ngunit naghanap pa ng iba. Kung kaya nagkaroon ng
dahilan si Penoy upang gawan ng masama si Ponkan.

Ngunit sa huli, ano ang mangyayari sa tunggalian? Sino ang mas mananaig?

Ang konseptong nagpaudyok sa tauhang si Penoy upang saksakin si Ponkan ay


dahil sa sinabi ni Balut na siya ay walang tamis at asim kung kaya naghanap siya ng
iba. Marahil hindi niya iyon natanggap sapagkat kanyang binigay naman ang lahat at
siya’y walang pagkukulang. Kung kaya’t naisipan nyang saksakin ng sibat si Ponkan
ngunit bigla na lamang hinarang ni Balut, kaya pareho silang nasawi. Ito’y
nagpapatunay lamang na mas nanaig ang pagmamahal ni Balut kay Ponkan kaya
niya isinakripisyo ang kanyang buhay. Doon pa lang, talo na si Penoy.

Dahil doon, nagkaroon ng tunggalian sa pagitan niya at ng kanyang sarili dahil sa


labis na pagsisisi. Kaya naman, naisipan niyang tusukin na rin ang kanyang sarili

3
Romblon State University
College of Education
Odiongan, Romblon
Main Campus

kasama ang dalawa. Dahil sa labis na pakikipagtunggali, parehas silang nasawi.


Parehas silang Natuhog.

Totoo nga, ang labis na pagmamahal ay nakamamatay. Patunay sina Balut, Penoy
at Ponkan na naging kwek-kwek nang dahil lang sa pag-ibig.

4
Romblon State University
College of Education
Odiongan, Romblon
Main Campus

Ang Marxismong Pagsusuri sa Dagling HOLDAPER


Kapag binasa mo lang ang pamagat, marahil iyong iisipin na napakasama ng tauhan
sa akdang ito sapagkat naturingan siyang isang holdaper. Ngunit ang dagling ito ay
hindi lamang tumatalakay sa masamang gawaing pangho-holdap, bagkus ito ay
nakatuon sa isang suliraning panlipunan na kinakaharap ng marami, ang
diskriminasyon.

Ang tunggalian sa dagling ito ay nabuo dahil sa pagnanais ng pangunahing tauhan


na holdapin ang mga tao sa loob ng jeep. Kung ating iisipin, iyon ay ang tunggalian
sa pagitan niya at ng kanyang sarili sapagkat nagdadalawang isip pa siyang gawin
ito.

Habang umuusad ang kwento, mapapansin nating hindi lamang ang kanyang sarili
ang kalaban niya rito kundi pati na rin ang lipunan. “Man vs. society.” Dahil sa
kanyang kapansanan, nais niyang ipagamot ang kanyang sarili subalit walang
tumutulong sa kanya, sa halip ay niloloko, nilalait, at pinagtatawanan pa siya ng mga
tao. Ganoon kalupit ang lipunang kanyang ginagalawan.

Ang pangunahing tauhan ang siyang naaapi sa akdang ito, at ang mga tao sa paligid
niya ang siyang mang-aapi. Ang pang-aapi sa kanya ng lipunan ang nag-udyok sa
kanyang gumawa ng masama. Hindi man niya ito ginusto subalit nanaig pa rin ang
kanyang pagnanais na ipagamot ang sarili.

Natuloy kaya ang balak ng pangunahahing tauhan na mang-holdap sa jeep?


Nagtagumpay kaya siya? Ano ang mangyayari sa tunggalian sa pagitan niya at ng
kanyang sarili? At tunggalian niya laban sa mga tao sa lipunang kanyang
kinabibilangan?

Ang paghahanda ng kanyang baril ay nagsisimbolong siya ay desidido na sa


kanyang gagawin. Subalit ng dahil sa kanyang kapansanan, hindi siya nagtagumpay
sa kanyang balak. Pinagtawanan lang ulit siya ng mga tao. Malinaw na mas nanaig
pa rin ang pang-aapi ng mga tao sa kanya.

5
Romblon State University
College of Education
Odiongan, Romblon
Main Campus

Hindi man sila nanlaban sa pangho-holdap niya, subalit sapat na ang pagtawanan
siya Dahil sa kanyang kapansanan upang masabing talo ang pangunahing tauhan
sapagkat

Hindi siya nagtagumpay sa kanyang plano laban sa mga ito. Imbes na aksyon ang
wakas ng tunggalian, naging komedya pa dahil hindi nabigkas ng maayos ng
holdaper ang mga katagang “Walang sisigaw, holdap ito!” Kaawa-awang holdaper.
Siya pa ang itong umuwing luhaan.

You might also like