You are on page 1of 4

HS FIL 003

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Pagpapalawak ng Internet koneksyon para sa Senior High School


Technological Institute of the Philippines-Quezon City Kampus

Isinumite kay:
Bb. Joy Fabregas

Isinumite nila:

Lauron, Elyza

Laus, Justine Aaron

Ligot, Kenrick

Loyola, Abeejean

Lucina, Gio

Maderable, Stefano

Manalansan, Mia

Manaloto, Lani Rose

Masongsong, Gian
I. Abstrak

A. Suliranin

• Ang paaralang TIP-QC ay nakararanas ng kakulangan ng pribilehiyo sa paggamit ng Internet


koneksyon dahilan ng limitadong bilang ng mga internet router at dahil sa dami ng bilang ng mga
estudyante at mga guro.

B. Layunin

• Layunin ng proyektong ito na makapagbigay ng mas mabilis at mas abot kayang koneksyon ng
internet sa bawat mag-aaral at guro ng senior high school.
• Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Internet, ang bawat guro at mga estudyante ay
magkakaroon ng mas malawak na pagkakataon na ma-access ang mga educational resources at
online learning platforms sa pamamagitan ng online collaboration tools.
• Mas mapabibilis nito ang paggamit ng mga educational resources sa paaralan tulad ng canvas,
aris, google docs at marami pang iba.

C. Organisasyong Sangkot

• Ang mga indibidwal na sangkot sa proyektong ito ay ang mga estudyante ng senior high school na
nagnanais na mapabuti ang koneksyon ng internet sa paaralan, upang magamit ito nang mahusay
at makatulong sa pag-aaral ng bawat estudyante at pati na rin sa pagtuturo ng mga guro.
• Tiyak na mga indibidwal ng Accountancy, Business, and Management (ABM) na estudyante
lamang ng Technological Institute of the Philppines (T.I.P) na nasa ika-12 na baitang ang
magsasagawa ng proyektong nakasaad sa mga naunang ulat.

D. Aktibidad
• Ang internet ay naging isang mahalagang kasangkapan para sa pagtuturo at pag-aaral, na
nagbibigay-daan para sa pananaliksik, pakikipagtulungan, at komunikasyon sa pagitan ng mga
mag-aaral at guro. Nagbibigay ito sa mga mag-aaral at guro ng access sa napakaraming
impormasyon at mapagkukunan na maaaring mapahusay ang karanasan sa pag-aaral. Sa
pamamagitan ng aming panukalang proyekto, ninanais ng aming grupo na lalong palawakin ang
maabot ng internet koneksyon sa Senior High School building. Ang binabalak naming iminungkahi
ay ang pagkakaroon ng mas malakas at naa-access na koneksyon sa buong gusali. Ito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas mataas at mas mabilis na MBPS o bilis ng
koneksyon at paglalagay ng dalawang router kada palapag. Ito ay makakatulong upang makatipid
ang ating mag-aaral maging ang ating guro sa gastusin para mabuksan ang tinatawag na canvas
para mga gawaing pampaaralan. Ito ay isa sa magiging daan upang mas mapabilis ang
komunikasyon ng bawat mag-aaral.

E. Badyet (Mia, Ste


Dami Pag lalarawan ng Item Presyo / Kada Kabuoang
bwan Halaga

1 PLDT WIFI FIBER 3,500 70,000

20 Tp-link Archer AXE75 Tri-Band Gigabit Wi-Fi 6E 11,287 225,740


Router

II. Katwiran ng Proyekto

• Ang isang halimbawa ng rason kung bakit maganda ang magkaroon ng pagpapalawak ng internet
connection sa mga Senior High School na mga mag-aaral ng T.I.P. Q.C. dahil ito ay makakatulong
sa pagpapabilis ng mga proseso sa edukasyon. Sa kasalukuyan, maraming mga gawain sa klase
na nakadepende sa internet, tulad ng panonood ng mga video, pag-access sa mga online na
kagamitan at pagbibigay ng mga tala ng klase sa online platforms. Sa pagpapalawak ng internet
connection, mas mabilis at mas maginhawa ang paggamit ng mga mag-aaral, guro at iba pang
mga kawani ng Senior High School sa kanilang mga gawain. Bukod dito, magiging mas maayos
ang mga video conference, online meetings, at virtual events na nagaganap sa kampus dahil sa
mas mataas na bilis ng internet. Ito rin ay magbibigay ng mas magandang karanasan sa mga mag-
aaral at kawani ng Senior High School, at magbibigay ng mas malaking pagkakataon upang
mapabuti ang kanilang mga pag-aaral at trabaho.

III. Target na benepisyaryo

• Ang target na benepisyaryo ay ang mga mag-aaral ng senior high school at ang mga guro sa TIP
QC.
• Sila ang target na benepisyaryo dahil sila ang mayroong mga pangangailangan sa edukasyon na
kinakailangan ng mabilis na internet access sa paggamit ng mga educational resources tulad na
lamang ng canvas, aris, atbp.
• Deskripsyon- Ang proyektong ito ay aabutin ng tatlo o hanggang limang buwan bago maipatupad o
maisakatuparan ang nais na maibahaging internet sa paaralan. Maaaring humingi ng tulong ang
baitang 12 ABM sa mga opisyal ng TIP-QC upang matugunan ang pangangailangan ng ating mag-
aaral at guro.
• Edad 16 pataas
• Lalaki at Babae/ kahit anong kasarian
• Iba’t ibang etnisidad sa pilipinas kabilang na ang mga llocano, Ivatan, Pangasinan, Kapampangan,
Tagalog, Bicolano, Visayan (Aklanon, Boholano, Butuanon, Capiznon, Cebuano, Cuyonon,
Eskaya, Hiligaynon, Karay-a, Masbateño, Porohanon, Romblomanon, Suludnon, Surigaonon at
Waray- Waray), Zamboangueño, Subanon, at iba pa.

You might also like