You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Schools Division of Agusan del Norte

DIAGNOSTIC TEST IN
ARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan:_______________________________ Baitang at Seksyon:___________________


Paaralan:________________________________ Iskor : ________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na nakapaloob.

___1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa
kanilang pagdedesisyon .
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

___2. Si Richard ay binigyan ng baon sa halagang Php20 ng kanyang ina subalit mayroon
silang proyekto sa Araling Panlipunan. Kung ikaw si Richard, paano mo pagkasyahin ang
dalawampung piso na binigay ng iyong ina?
A. Ipagpaliban na muna ang proyekto.
B. Ubusin ang baon sa pagbili ng pagkain.
C. Humingi ulit sa magulang ng sobra-sobra sa badyet.
D. Bibili ng murang pagkain upang makapasa ng proyekto.

___3. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng


tao?
A. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
B. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
C. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyunal at
makapaglingkod sa ibang bansa.

___4. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaaring
maganap maliban sa ______.
A. magiging maayos ang pagbabadyet.
B. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin.
C. maaaring malutas o mabawasan ang mga suliranin sa kakapusan.
D. magiging pantay ang distribusiyon ng mga pinagkukunang-yaman.

___5. Sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng


gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakialam ng
pamahalaan.
C. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
D. May kalayaan ang mamamayan ngunit may control pa rin ang pamahalaan sa
ilang gawain.

___6. Ano kaibahan ng Market Economy sa Command Economy batay sa iyong sariling
pag-unawa?
A. Ang Market Economy ay pagmamay-ari ng pamahalaan habang ang
Command Economy ay alinsunod sa pansariling interest.
B. Ang Market Economy ay alinsunod sa pansariling interest habang ang
Command Economy ay pagmamay-ari ng pamahalaan.
C. Ang Command Economy ay naaayon sa pansariling interest habang ang
Market Economy ay naaayon sa tradisyon, kultura.
D. Ang Command Economy ay naaayon sa tradisyon, kultura at paniniwala
habang ang Market Economy ay naaayon sa pansariling interest.

___7. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahayag ng kahalagahan ng produksiyon sa


pang-araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksiyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at
serbisyo.
C. Ang produksiyon ang pinagmulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa
pang-araw-araw.
D. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng
sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.

___8. Ano ang halimbawa ng kapital bilang salik ng produksiyon?


A. Kita B. Puhunan C. Renta D. Sahod

___9. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga kalamidad?


A. Demonstration Effect B. Kita
C. Mga Inaasahan C. Pagkakautang

___10. Kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa produkto dahil sa


kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon. Alin sa sumusunod na
salik napabilang ito?
A. Demonstration Effect B. Kita
C. Mga Inaasahan D. Pagkakautang

___11. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pag-iwas ng pagkalat ng Covid-19


virus?
A. Paggamit ng face mask kapag nakakita lamang ng Pulis.
B. Makinig sa mga anunsiyo o balita na nakukuha sa mga sabi-sabi.
C. Sumunod sa mga patakarang ipinapatupad ng Gobyerno laban sa Covid-19.
D. Walang proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at
kaligtasan.

___12. Kailan masasabing matalino kang mamimili?


A. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi maubusan.
B. Segunda mano ang binibili upang makamura sa pamimili na pasok sa badyet.
C. Sumusunod sa badyet at sinnusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng
produkto.
D. Gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
___13. Sa papaanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
B. Pag-aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon sa
produkto.
C. Palaging pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling
produkto.
D. Palagiang gumagamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.

___14. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing araw ng
mga puso?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer resulta ng pagtaas
ng presyo nito.
B. Dahil nagkasundo ang konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat
pareho naman silang nakinabang dito.
C. Itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang
presyo nito tuwing sasapit ang araw ng mga puso.
D. Tanggap ng konsyumer ang pagtaas ng presyo sapagkat hindi matatawaran
ang kasiyahang natatamo ng ng kanilang mahal sa buhay.

___15. Ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa
pangunahing pinagkukunan ng bigas sa bansa, inaasahan na tataas ang demand
ng produktong ito. Bilang isang mag-aaral , ano sa palagay mo ang solusyon sa
paghahanda sa sitwasyong ito?
A. Magpanic-buying
B. Umasa sa donasyon mula sa gobyerno
C. Maghintay na bumaba ang presyo bago bumili ng marami
D. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na
presyo.

___16. Analohiya: Para sa bilang 16 at 17. Suriing mabuti ang mga salita sa ibaba at piliin ang
magkatambal na konsepto batay sa mga salik na nakakaapekto sa demand.

Karneng baka: Corned beef Bigas:________


A. Isda B. Juice
C. Karneng baboy D. Mais

___17. Asukal at Kape : Complementary Goods Tuyo at Asin:_________


A. Normal Goods B. Inferior Goods
C. Luxury Goods D. Substitute Goods

___18. Si Mang Berto ay mas madali at mas marami ang naipoprodyus na produkto dulot ng
pagkakaroon ng harvester sa kanilang lugar. Anong salik ng suplay ang tinutukoy dito?
A. Ekspektasyon ng presyo
B. Pagbabago ng teknolohiya
C. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda
D. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon

___19. Si Mang Irwin ay nagtitinda ng 50 kilong bangus na isda. Pagdaan ng isang araw,
hindi naubos ang kanyang panindang bangus. Kung ikaw ang magbebenta sa susunod na
araw, ano ang solusyon mo dito?
A. Hindi na ulit magbenta
B. Ibebenta sa mababang halaga
C. Dagdagan ang suplay ng bangus
D. Babawasan ang suplay ng bangus

___20. Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ay ang banta ng
kalamidad at pangkabuhayang krisis sa ekonomiya. Paano mo mapatatag ang iyong negosyo?
A. Hindi paghingi ng payo sa mga eksperto upang matatag ang negosyo.
B. Dapat hindi isipin ng mga negosyante ang kapakanan ng mga konsyumer.
C. Hihinto muna sa negosyo sa panahon ng kalamidad at krisis sa ekonomiya.
D. Dapat maging handa sa anomang inaasahang balakid upang hindi
maapektuhan ang produksiyon.

___21. Upang magkaroon ng interaksyon ng presyo sa pamilihan, ang mamimili (Qd or demand)
at ang nagtitinda(Qs or supply) ay nagkakasundo. Piliin sa talaan ang angkop na presyong
ekwilibriyo.

Qd P Qs
10 5 50
20 4 40
30 3 30
A. 2 40 2 20 B.
3 C. 4 D. 5

___22. Ang mga sumusunod ay maaaring mangyari kung mas mataas ang demand kaysa sa
suplay maliban sa isa:?
A. Pagdagsa ng mga mamimili
B. Tataas ang presyo ng mga bilihin
C. Magkakaroon ng surplus sa suplay
D. Magkakaroon ng shortage sa suplay

23. Kung iyong susuriin, ang dalawang dayagram ng estruktura ng pamilihan sa ibaba,
alin sa dalawang ito ang sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang presyo sa
pamilihan?

A. Monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer


B. Monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto
C. Pareho lamang, sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay
kabilang sa hindi ganap na kompetisyon
D. Wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili ng
produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin ng konsyumer

___24. Kung ikaw ay isang mamimili na tumatangkilik sa pamilihan na may ganap na


kompetisyon, ito ay dahil sa mga sumusunod na katangian ng istruktura maliban sa
isa:
A. may maraming produktong pagpipilian
B. Maraming produkto ang magkakatulad
C. may kalayaang pumili sa produkto o serbisyo
D. May kakayahang impluwensyahan ng prodyuser ang pagtatakda ng presyo sa
bibilhin kong produkto

___25. Kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price control, bilang isang mamimili,
paano ka natutulungan nito?
A. Makabibili ng anumang gusto mong produkto
B. May kakayahang magdikta sa galaw ng presyo sa pamilihan
C. Magkaroon ng kakayahan na tugunan ang lahat ng kagustuhan
D. Makakabili ng mga pangunahing pangangailangan sa abot-kayang halaga

___26. Bakit mahalaga na dumami ang mga oportunidad sa trabaho sa ikalawang modelo
ng pambansang ekonomiya?
A. Upang maiwasan ang pagtaas ng produksiyon
B. Upang tumaas ang kita ng sambahayan at bahay-kalakal
C. Upang mas kunti lang ang produkto na makokonsumo sa mga bahay-kalakal
D. Upang hindi matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan

___27. Ang dinepositong Php 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas


(outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok
(inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy ?
A. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
B. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggasto
ng tao.
C. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong kapital sa
negosyo.
D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga
bangko.

___28. Kung ang Barangay Libertad ay maraming bahay-kalakal kumpara sa mga maliliit na
Barangay dito sa Lungsod ng Butuan,ano ang magiging takbo ng ekonomiya ng
Barangay Libertad ?
A. Hindi lalago ang ekonomiya
B. Hindi tataas ang antas ng produksiyon
C. Mababa ang antas ng produktibidad ng mga salik
D. Marami ang oportunidad sa trabaho at may kita ang sambahayan

___29. Ano ang sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng nabuong


produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon?
A. Gross Domestic Product B. Gross National Product
C. Economic Performance D. Net Factor Income

___30. Bakit mahalaga na tumaas ang pambansang kita?


A. Babagsak ang ating ekonomiya
B. Lalaki ang populasyon ng ating bansa
C. Bumubuti ang katayuan ng buhay ng mga tao
D. Wala ng magnenegosyong dayuhan sa bansa

___31. Ito ay tumutukoy sa uri ng implasyon na kung saan ang presyo ng mga produkto at
serbisyo ay patuloy na tumataas bawat oras, araw at lingo.
A. Superinflation B. deflation
C. Hyperinflation D. inflation

___32. Kailan nagaganap ang implasyon?


A. Kapag may sale sa mga pangunahing mall
B. Kapag may pagtaas sa presyo ng iilang bilihin
C. Kapag may pagtaas sa singil ng tubig at kuryente
D. Kapag may pagtaas sa presyo ng pangkalahatang presyo sa pamilihihan
___33. Bilang isang mag-aaral sa panahon ng pandemya, ano ang iyong maaaring gawin
upang matugunan ang suliraning dulot ng implasyon?
A. Maging responsableng mamimili sa pamamagitan ng pagbili ng mga
kagustuhan
B. Magdemand sa magulang ng mga gadgets upang hindi mahirapan sa
Distance learning
C. Maghikayat sa kapwa mag-aaral na gumawa ng group chat para mapadali
ang pag-aaral
D. Maging responsableng mamimili sa pamamagitan ng pagbili lamang sa mga
pangunahing pangangailangan ngayong pandemya

___34. Si Joash ay nagmamay-ari ng isang gasoline station. Inaasahan niya na tataas ang
presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan sa susunod na buwan.
Bilang isang matalinong negosyante, ano ang dapat niyang gawin?
A. Mag-angkat ng maraming produktong petrolyo habang ito ay nasa mababang
presyo pa lamang at hindi maaapektuhan ng pagtaas ng presyo nito.
B. Bumili lamang ng sapat na produktong petrolyo para sa isang buwan
C. Ipagpaliban muna ang pag-aangkat ng mga produktong petrolyo
D. Mag-iiba ng negosyo na may mababang presyo

___35. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng ekonomiya upang mapagtibay ang


pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbabadyet, pagbubuwis, at
paggastos.
A. Patakarang Piskal
B. Patakarang Panlabas
C. Patakarang Pananalapi
D. Patakarang Pampamahalaan

___36. Sa kasalukuyan ay nararanasan natin ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa


merkado o sa madaling salita, tayo ay nakakaranas ng implasyon. Paano mo
matutugunan ang iyong pangangailangan sa araw-araw?
A. Bibili lamang ng mga produktong pinakakinakailangan sa araw-araw.
B. Bibili ng mga produktong mura at ibebenta ito sa mas mahal na halaga.
C. Bibili ng mga mamahaling gamit baka sa susunod ay lalo pa itong mamahal.
D. Bibili lamang ng mga produktong nakasale kahit hindi mo naman ito ginagamit.

___37. Alin sa sumusunod na pamamaraan ang tamang gawin na kung saan sa kasalukuyan ay
nararanasan natin ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto sa pamilihan?
A. Mag-alsa
B. Mag-impok
C. Magwaldas
D. Magreklamo

___38. “Ang taong nag-iimpok para sa kinabukasan ay hindi na kailangang mangutang sa oras ng
pangangailangan” Ano ang ibig ipahiwatig ng katagang ito?
A. Ang pag-iimpok ay ang pangungutang sa bangko.
B. Ang pag-iimpok ay magagamit sa oras ng kagipitan.
C. Ang pag-iimpok ay nakakaubos ng pera para sa mga luho.
D. Ang pag-iimpok ay para lamang sa mayayamang negosyante.

___39. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na


matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan,
edukasyon at antas ng pamumuhay.
A. Foreign Exchange
B. Gross domestic product
C. Gross National Product
D. Human Development Index

___40. I-kompyut kung gaano kalaki ang pagitan ng


GDP ng bansang may pinakamataas at may
pinakamababang GDP sa taong 2020.
A. 10-11
B. 12-13
C. 14-15
D. 16-17

___41. Ito ay isang gampanin ng mamamayan na makakatulong upang magkaroon ang


pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad
ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa.
A. pagnenegosyo
B. tamang pagboto
C. tamang pagbabayad ng buwis.
D. bumuo o sumali sa kooperatiba.

___42. Ang mga sumusunod ay gampanin ng sektor ng Agrikultura na kabilang sa hanay ng


mangingisda at paggugubat maliban sa isa:
A. Nagbibigay trabaho para sa mamamayang Pilipino.
B. Pinagkukunan ng pagkain para may mailapag sa mesa.
C. Gumagawa ng mga makinarya upang pagkikitaan ng mga tao.
D. Nagbibigay ng hilaw na materyales para sa sektor ng industriya.

___43. Upang malutas ang mga suliranin sa agrikultura tulad ng pagkaubos ng kagubatan at mga
lamang dagat, alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan para malutas ang mga
ito?
A. Magtatag ng mga ahensya at programa na tutulong sa sektor na ito.
B. Bibigyan ng malaking pondo ng pamahalaan ang sektor ng agrikultura.
C. Magsasagawa ng isang kampanya upang humikayat na pangalagaan ang
agrikultura.
D. Magbibigay ng maraming pananim at binhi ng mga isda sa mga mamamayan
upang alagaan.

___44. Ang climate change ay isa sa pinakamabigat na suliranin na kinakaharap ng buong


mundo. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahiwatig ng epekto nito sa sektor ng
Agrikultura?
A. Pagkakaroon ng sunod-sunod na malalakas na bagyo.
B. Kakulangan ng suplay ng tubig sa panahon ng tagtuyot.
C. Pagkakaroon ng masaganang ani sa panahon ng kalamidad.
D. Matindi at walang tigil na pag-ulan dahilan ng pagkalanta ng mga
pananim.

___45. Kung ikaw ay isa sa mga magiging opisyales ng pamahalaan na nangangalaga sa


agrikultura, ano ang iyong gagawin upang maisaayos ang kalakarang agrikultural ng
bansa?
A. Magbibigay ng malaking pondo para sa sektor na ito.
B. Magtuon sa mga sektor ng agrikultura na nagbibigay ng malaking kita sa bansa.
C. Hahayaan na lamang sa mga agriculturist ang desisyon para sa agrikultura ng
bansa.
D. Mag-aaral at makikipagtulungan sa iba pang eksperto kung paano mapaunlad
ang agrikultura ng bansa.

___46. Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang mainam mong gawin upang suportahan
ang sektor ng industriya sa kabila ng limitasyon sa kilos dahil sa pandemya?
A. Sumayaw gamit ang tiktok para makuha ang atensyon ng publiko.
B. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pilipinong manggagawa sa
industriya.
C. Magsagawa ng lecture tungkol sa sektor ng industriya sa mga kabahayan sa
inyong barangay.

D. Magsagawa ng kilusang protesta kasama ang iba pang kabataan para


ipahayag ang suporta sa sektor.

___47. Bilang pagtulong sa ating mga bagong bayani na


makikita sa larawan na naglilingkod sa panahon ng
pandemya, ako ay_________________________.
A. pupunta sa mga birthday party upang
makapaglibang.
B. palaging magtatangal ng facemask upang
makahinga ng maayos.
C. lalabag sa mga isinasaad ng mga taong
nanunungkulan.
D. susunod sa mga patakarang ipinapatupad ng
komunidad.

___48. Kung ikaw ay makakasaksi ng panlalapastangan sa manggagawang Pilipino gaya na


lamang ng pambubugbog ng isang amo, ano ang pinakamabisa mong gagawin?
A. Tumakbo at uuwi sa bahay.
B. Isumbong sa pinakamalapit na Pulis Station o baranggay.
C. Papayuhan ang manggawa na umalis na lamang sa trabaho.
D. Pagsasabihan ang amo na huwag gawin iyon sa manggagawa.

___49. Ayon sa International Labor Organization, ang mga sumusunod ay mga katangian at
gampanin ng impormal na sektor maliban sa:
A. Ito ay may layuning makalikha ng empleyo at trabaho.
B. Ito ay hindi sumusunod sa itinakdang kapital at pamantayan.
C. Ito ay naisasagawa dahil sa mababang antas ng organisasyon.
D. Ito ay may pormal na paraan ng pagsunod sa patakaran ng pamahalaan.

___50. Ang Pilipinas ay kasapi ng World Trade Organization (WTO), Asia pacific Economic-
Cooperation (APEC) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Masasabi
kung magkaugnay ang mga layunin ng sumusunod na samahan kapag_________.
A. parehong naglalayon ng kaunlarang pang-ekonomiya.
B. parehong nagbibigay pangangalaga at proteksiyong pangkalikasan.
C. parehong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga kasaping bansa.
D. parehong naglalayong paunlarin ang sosyo-kultural na pamumuhay ng mga
kasaping bansa.
Answer key:
1. D
2. D
3. C
4. B
5. B
6. B
7. B
8. B
9. C
10. C
11. C
12. C
13. B
14. A
15. D
16. D
17. D
18. B
19. D
20. D
21. B
22. C
23. C
24. D
25. D
26. B
27. C
28. D
29. B
30. C
31. C
32. D
33. D
34. A
35. A
36. A
37. B
38. B
39. D
40. B
41. C
42. C
43. C
44. C
45. D
46. B
47. D
48. B
49. D
50. A

You might also like