You are on page 1of 77

PAGSULAT

PROSESO
1. Pagtatanong at Pag-uusisa

- Nagsisimula sa isa o
maraming tanong
- Nabubuo rito ang
paksa ng sulatin
- Pangunahing simula ng
isang masinop na
pananaliksik
2. Pala-palagay
- naghahain muna ng
haka-haka ang
manunulat
- “incubation period”
- isa sa pinakamahabang
bahagi sa proseso ng
pagsulat
3. Inisyal na Pagtatangka
- saklaw
- Pagsasaayos ng panimulang
datos, pala-palagay at iba pang
impormasyon para makabuo ng
balangkas.
4. Pagsulat ng unang borador
(draft)
- sa yugtong ito ibubuhos ng
manunulat ang kanyang
kasanayan, kaalaman, at
kakayahan upang mabuo ang
papel
5. Pagpapakinis ng papel
- muling basahin ang papel
upang makita ang pagkakamali
sa ispeling, paggamit ng salita,
gramatika, ang daloy ng
paghahayag, impormasyon, at
katuwirang nakapaloob sa
komposisyon
6. Pinal na papel
- Kapag nasuyod nang Mabuti
ang teknikla na bahagi at
nilalaman ng papel, pwede
nang ipasa at ipabasa ito sa
guro o sa iba pang babasa’t
susuri nito.
ORGANISASYON NG TEKSTO
PAMAGAT
Naglalaman ito ng pamagat ng papel;
pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o
pagpasa, at iba pang impormasyon
namaaaring tukuyin ng guro.
INTRODUKSYON O MANIMULA
Karaniwang isinasad dito ang paksa,
kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng
paksa, pambungad na talakay sa daloy ng
papel.
KATAWAN
Dito matatagpuan ang mga
pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang
pangangatwira, pagpapaliwanag,
pagsasalaysay, paglalarawan, at paglalahad
ay matatagpuan sa bahaging ito.
KONGKLUSYON
Dito nilalagom ang mga mahahalagang
puntos ng papel. Isinasaad din sa bahaging ito
ang napatunayan o napag-alaman batay sa
paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong
ginagamit sa papel o sa pananaliksik.
Ang PANGHIHIRAM
ng mga salita
Isang realidad ang pangangailangan ng
wikang Filipino na manghiram sa Ingles,
Espanyol at iba pang wika para matugunan
ang malawakang pagpasok ng mga bagong
kultural na aytem at mga bagong konsepto
na dala ng modernisayon at teknololohiya.
Idagdag pa na ang karaniwang Pilipino ay
nagpapalit-wika at malayang nanghihiram
ng mga salita anomang varayti ang
ginagamit, pasalita man o pasulat.
MGA TUNTUNIN SA
PANGHIHIRAM
1 Sundin ang sumusunod na dulog sa paghanap ng
panumbas sa mga hiram na salita:

a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino


bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
HALIMBAWA:
Hiram na salita Filipino

rule tuntunin
ability kakayahan
wholesale pakyawan
West kanluran
1 b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang
katutubong wika ng bansa.

HALIMBAWA:
Hiram na salita Filipino

hegemony gahum (Cebuano)

imagery haraya (Tagalog)

husband bana (Hiligaynon)

Muslim priest Imam (Tausug)


1
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na
salita mula sa Espanyol, Ingles, at iba pang
wikang banyaga at saka baybayin sa
Filipino.
HALIMBAWA:
Hiram na salita Filipino

commercial komersyal
radical radikal
coup d’etat kudeta
chinelas (Espanyol) tsinelas
1 TANDAAN: Sa pagpili ng salitang gagamitin,
isaalang-alan din ang sumusunod:

a. Kaangkupan ng salita;
b. Katiyakan sa kahulugan ng salita; at
c. Prestihiyo ng salita
2
Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag
ang salita ay hiniram nang buo ayon sa sumusunod
na kondisyon.
a. Pantanging ngalan
HALIMBAWA:
Tao Lugar Gusali
Quirino Canada Ceñeza Bldg.
Julia Valenzuela City State Condominium
2 b. Salitang teknikal o siyentipiko

HALIMBAWA:
x-ray vertigo
zoom enzyme
Joules oxygen
Marxism
filament
2 c. Salitang may natatanging kahulugang
kultural
HALIMBAWA:
Cañao (Ifugao) – pagdiriwang
Señora (Espanyol) – ale
Vakul (Ivatan) – panakip sa ulo bilang pananggalang sa
ulan at init, yari sa palmera o dahoon ng
saging
Azan (Tausug) – unang panwagan s apagdarasal ng mga
Muslim
2
d. Salitang may irregular na ispeling o
gumagamit ng dalwang letra o higit pa
na hindi binibigkas o ang mga letra ay
hindi katumbas ng tunog
HALIMBAWA:
Bouquet
Champagne
Rendezvous
Plateau
Laissez faire
Monsieur
2 e. Salitang may internasyonal na anyong
kinikilala at ginagamit

HALIMBAWA:

Taxi

exit

Fax
3
Gamitin ang mga letrang F,J,V,Z para katawanin
ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binabaybay
sa Fiilipino ang mga salitan hiram.

HALIMBAWA:
fixer ------------------------ fikser
Suject ------------------------ sabjek
Zipper ------------------------ ziper
4 Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang
hiniram nang buo.

HALIMBAWA:
cell
reflex
xenophobia
cataluña
MGA BANTAS
TULDOK (.)
TULDOK (.)

• Karaniwang gamit ng tuldók (period) ang


pananda para sa pagwawakas ng
pangungusap na paturol o pautos.

Halimbawa:
Maganda si Petra.
Dumito ka.
TULDOK (.)

• Sa pagpapaikli. Ginagamit ang tuldok sa pagdadaglat


ng mga salita.

Halimbawa:
Hindi nilá kasáma si Dra. Kriscell Labor sa sasakyan.
(Ang “Dra.” ay daglat ng Doktora.)
TULDOK (.)

• Sa pagpapaikli. Ginagamit ang tuldok sa pagdadaglat


ng mga salita.

Halimbawa:
Hindi nilá kasáma si Dra. Kriscell Labor sa sasakyan.
(Ang “Dra.” ay daglat ng Doktora.)
TULDOK (.)

• Paglilista o enumerasyon. Sa paglilista, naglalagay ng


tuldok pagkatapos ng numero/ titik.

• Sa Agham at Matematika. Sa Matematika, ginagamit


ang tuldok sa sistemang desimal.
TULDOK (.)
• Relasyon sa Iba pang Bantas. May mga pagkakataóng
nakapaloob ang tuldok sa iba pang bantas tulad ng
panipi, panaklong, at panakláw.

✓ Kung ang pangungusap (na tuldok ang nása dulo) ay


tuwirang sisipiin at magiging panimulang bahagi ito
bílang sipi sa ibang pangungusap, tinatanggal ang
tuldok.
HALIMBAWA:
“Walâ po akong kasalanan,” giit ng batà.

“Napakahusay mo, anak,” puri ng ama sa bunso.

“Hindi ko po alam,” katwiran ng empleado sa


kaniyang amo.

“Sana ginawa na natin ito noon pa,” sumbat ng


kaibigan ni Letty.
✓Samantala, pinananatili ang tuldok sa loob ng panipi
kung ang tuwirang sinipi ay nása hulihang bahagi ng
pangungusap.
HALIMBAWA:
Iginiit ng batà na “Walâ po akong kasalanan.”

Puri ng ama sa bunso, “Napakahusay mo,


anak.”

Katwiran ng empleado sa kaniyang amo, “Hindi


ko po alam.”
✓May mga pagkakataóng nakapaloob sa panaklong o
panakláw ang buong pangungusap. Sa mga pagkakataóng
ganito, ipinapasok sa loob ng pangungusap ang tuldok.

HALIMBAWA:

Noong nakaraang buwan, lumipad patungong Qatar


ang kaniyang Ina. (Kabílang ang kaniyang ina sa mga
hinatiran ng tulong ng grupo upang makapag-abroad.)
✓Samantala, may mga pagkakataón ding bahagi lámang ng
isang pangungusap ang nakapaloob sa panaklong o
panakláw. Inilalagay sa labas ang tuldok sa mga
pagkakataóng ganito sapagkat bahagi pa rin ng
pangungusap ang nása loob ng panaklong o panakláw.

HALIMBAWA:
Hindi makatanggi ang dalawa nang dalhin ng
mga pulis (sapagkat hindi na silá
makatatakas).
KUWIT (,)

• Ginagamit ang kuwít (comma) upang matukoy ang


pinakamaikling pagputol ng idea o pinakamaliit na
paghinto sa daloy ng isang pangungusap. Tanda ito ng
pansamantalang pagtigil sa daloy ng idea (at pagbása).

Halimbawa:
Bago ang lahat, naisip niya, nais niyang
maghanapbuhay.
KUWIT (,)

• Sa mga Serye. Ginagamit ang kuwit sa serye ng tatlo o mahigit


na mga idea sa isang pangungusap na pinagsasáma ng isang
pang-ugnay. Kailangang tandaan na naglalagay din ng kuwit
bago ang pang-ugnay.

Halimbawa:
Naging mainit ang pulong ng mga propesor sapagkat
tinalakay ang pagtaas ng matrikula, pagpapataas ng sahod, at
pagbabâ ng bílang ng mag-aaral sa unibersidad.
KUWIT (,)

• Pambukod ng mga Idea. Ginagamit din ang kuwit upang


paghiwalayin ang magkahawig o magkasalungat na mga idea,
malimit upang kumatawan sa inalis na “ay” o “at”

Halimbawa:
Kapag may tiyaga, may nilaga.

Ang lumakad nang matulin, kung matinik ay malalim.


KUWIT (,)

• Pambukod ng mga Detalye. Ginagamit ang kuwit sa


pagbubukod ng mga titulo/ posisyon ng isang tao, pagbubukod
sa mga elemento sa tirahan, at sa petsa (kung ang sinusundang
format ay buwan-petsa-taón).

Halimbawa:
Nagbigay ng pahayag si Dr. Alison Medina, ang pangulo ng
Philippine Doctor’s Association, hinggil sa pagtaas ng
presyo ng mga gamot.
KUWIT (,)

• Pambukod ng mga Detalye. Ginagamit ang kuwit sa


pagbubukod ng mga titulo/ posisyon ng isang tao, pagbubukod
sa mga elemento sa tirahan, at sa petsa (kung ang sinusundang
format ay buwan-petsa-taón).

Halimbawa:
Nagbigay ng pahayag si Dr. Alison Medina, ang pangulo ng
Philippine Doctor’s Association, hinggil sa pagtaas ng
presyo ng mga gamot.
KUWIT (,)

• Pambukod ng mga Detalye. Ginagamit ang kuwit sa


pagbubukod ng mga titulo/ posisyon ng isang tao, pagbubukod
sa mga elemento sa tirahan, at sa petsa (kung ang sinusundang
format ay buwan-petsa-taón).

Halimbawa:
Nagbigay ng pahayag si Dr. Alison Medina, ang pangulo ng
Philippine Doctor’s Association, hinggil sa pagtaas ng
presyo ng mga gamot.
KUWIT (,)

• Pansamantalang Pagtigil. Ihinihiwalay sa pamamagitan


ng kuwit ang mga madamdaming pahayag, bulalas,
padamdam na “O” at “A”, at iba pang kahawig na mga
salitang nakapagbibigay ng pansamantalang pagtigil sa
pangungusap.

Halimbawa:
Ay, naku! Nakalimutan kong magdalá ng sepilyo.
KUWIT (,)

• Sa pagsipi. Sa tuwirang pagsipi ng mga pahayag (bahagi man o


buo), naglalagay ng kuwit bago ang siniping bahagi. Kung ang
sinipi ay matatagpuan sa simula ng pangungusap, pinapalitan
ng kuwit ang tuldok mulâ sa orihinal nitó.

Halimbawa:
Saglit na napaisip si Bea at nag-usisa, “Ano ang kinalaman
mo sa nangyari kay ama?”
KUWIT (,)

• Matapos ang Pang-abay at Pangatnig. Naglalagay ng kuwit


kasunod ng mga pangatnig tulad ng gayunman at pang-abay
tulad ng samantala at samakatwid.

Halimbawa:
Gayunman, hindi siyá nakatiis at lumuhod sa kaniyang
harap.

Samakatwid, nagsinungaling siyá upang makuha ang


kaniyang nais.
TANDANG PANANONG (?)

• Pangkalahatang gamit ng tandang pananong ang


pagpapahayag ng tanong, usisa, o alinlangan (sa datos na
nakalap).

Halimbawa:
Saan ka tutungo?
Sigurado ka na ba sa iyong desisyon?
TANDANG PANANONG (?)

• Relasyon sa Ibang Bantas. Katulad sa kaso ng tuldok sa, may


mga pagkakataón ding nakapaloob sa panipi, panaklong, o
panakláw ang pangungusap na ginagamitan ng pananong.
• Taliwas sa tuntunin sa tuldok, nananatili ang tandang
pananong sa isang siniping pahayag.

Halimbawa:
Hindi na siyá nagpaligoy-ligoy pa at nag-usisa, “Saan
nanggáling ang perang ipinambayad sa pagpapaospital ni
Ama?”
KATITIKAN
NG PULONG
KATITIKAN NG PULONG
❖Nagsisilbing ebidensiya sa mga napag-usapan at
sanggunian para sa mga susunod na pagpaplano
at pagkilos (Julian at Lontoc, 2016).
❖Isang dokumentong nagsasaad ng mga
pangyayari sa natapos na pagpupulong at
isinusulat hindi lamang ng kalihim kundi maging
sinoman sa inatasang kasapi ng isang samahan o
kompanya.
MGA BAHAGI
HEADING
• Naglalaman ito ng pangalan ng
samahan, organisasyon o
kompanya. Makikita rin dito
ang petsa, lugar ng
pinagdausan at mga oras ng
pagsisimula at pagtatapos ng
pulong.
MGA KALAHOK O DUMALO
• Nakalagay dito kung sino ang
tagapagdaloy ng pulong at ang mga
pangalan ng lahat ng dumalo.
Makikita rin dito ang mga panauhin
at ang mga liban sa pagpupulong.
PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG
NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG

•Makikita rito kung sa nakalipas


na Katitikan ng Pulong ay may
napagtibay o nabago.
USAPING NAPAGKASUNDUAN

•Nakalagay rito ang


mahahalagang napag-usapan,
kung sino ang nanguna sa
pagtalakay at ang desisyon ukol
dito.
PABALITA O PATALASTAS
•Hindi ito karaniwan sa Katitikan
ng Pulong ngunit ang nakasaad
dito ay mula sa mga
suhestiyong Agenda ng mga
dumalo para sa susunod na
pulong.
Talatakdaan (schedule) ng susunod na
pulong
•Makikita rito ang petsa, oras at
lugar ng susunod na
pagpupulong.
PAGTATAPOS
•Nakatala rito kung anong oras
natapos ang pulong.
LAGDA
•Sa bahaging ito makikita ang
pangalan at lagda ng gumawa
ng Katitikan ng Pulong at kung
kailan ito naipasa.
SINTESIS/BUOD
•Isang pamamaraan kung saan
sinasabi ng isang manunulat o
tagapagsalita ang mga orihinal na
teksto sa mas maikli ngunit
komprehensibong paraan
SINTESIS/BUOD
• Ang pagbubuod na ito ay hindi lamang
pagpuputol-putol ng mga pangyayari kundi
pagbuo dito bilang isa. Ito ay mas
malikhaing paraan kung saan ang mga
pinakamahalagang bahagi ng teksto o
sulatin ay naibabahagi sa pamamagitan ng
sariling pananalita ng manunulat.
SINTESIS/BUOD
• Ang layunin nito ay makakuha ng mahalaga
ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa
kabuoan ng tekstong ibinuod. Taglay nito
ang sagot sa mahahalagang tanong katulad
ng “Sino, Ano, Paano, Saan at Kailan”
naganap ang mga pangyayari.
PANUKALANG
PROYEKTO
Ang PANUKALANG PROYEKTO ay isang
proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o
adhikain para sa isang komunidad o samahan. Ito
ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman
ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap
at magpapatibay nito (Dr. Phil Bartle).
ANG LAYUNIN NG PANUKALANG PROYEKTO
AY KINAKAILANGANG:
S PECIFIC
I MMEDIATE
MEASURABLE
P RACTICAL
L OGICAL
EVALUABLE
SPECIFIC
- nakasaad ang bagay na nais
makamit sa panukalang
proyekto
IMMEDIATE
- nakasaad ang petsa kung
kailan matatapos ang
proyekto
MEASURABLE

- patunay na
maisasakatuparan ang
nasabing proyekto
PRACTICAL

- nagsasaad ng solusyon
sa nabanggit na suliranin
LOGICAL

- nagsasaad ng paraan
kung paano makamit ang
proyekto
EVALUABLE

- masusukat kung paano


makatutulong ang
proyekto
MGA BAHAGI NG
PANUKALANG
PROYEKTO
1
PANIMULA
- isinasaad dito ang rasyonal—
ang katwiran hinggil sa
suliranin at layunin ng
proyekto
2
KATAWAN
- isa-isang ipinapaliwanag ang
mga kailangang gawin at
iminumungkahing badyet para sa
proyekto
3
KONGKLUSYON
- naglalahad ng mga benepisyong
maaaring idulot ng proyekto. Maaari din
na maging bahagi ng kongklusyon ang
anomang rekomendasyon na maibibigay
para sa mga susunod pang proyekto
SANGGUNIAN

You might also like