You are on page 1of 7

SECOND PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.

_____1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Paggawa
B. Ekonomiya C. Migrasyon D. Globalisasyon
_____2. Ayon kay Therborn ang globalisasyon ay nagsimula sa Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Century) -
Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo. Ano ang mahihinuha mula rito?
A. May tiyak na simula ang globalisasyon.
B. Ang globalisasyon ay nakaugat sa bawat isa.
C. Isang mahabang siklo ang globalisasyon.
D. Ito ay isang penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
_____3. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang
workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
_____4. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. konomikal
B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal
_____5. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
_____6. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon
na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya.
_____7. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang
namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.
I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.
II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa maraming kompanya.
III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namamasukan partikular ang mga call
center agents.
A. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino. Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano
ang mabubuong konklusyon dito?

A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.


B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.
C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.
D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao
_____8. Ano ang malaking hamon na nakapagbagal ng globalisasyon?
A. Kompetisyon C. Pag-aagawan
B. Terorismo D. Panggagaya
_____9. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo.
_____10. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at sosyo-kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
_____11. Sektor na may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawang Pilipino.
A. Sektor ng Agrikultura C. Sektor ng Pamahalaan
B. Sektor ng Industriya D. Sektor ng Paglilingkod/Serbisyo
_____12. Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at
matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
A. Employment Pillar C. Worker’s Rights Pillar
B. Social Protection Pillar D. Social Dialogue Pillar
_____13. Suliraning kinaharap ng sektor ng agrikultura bunsod ng globalisasyon.
A. Kakulangan para sa patubig
B. Tagtuyot
C. Krimen
D. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihan
_____14. Kalimitang suliraning kinaharap ng mga bagong graduate na mangagawang Pilipino.
A. Brain Drain C. “Job-Skills Mismatch”
B. Paglikha ng mga Unyon D. Early pregnancy
_____15. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang isang kompanya ay kumukontrata ng isang
ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho.
A. Kontraktwal C. Job Order
B. Subcontracting D. Regular
_____16. Kabuhayang nabibilang sa sektor ng Industriya
A. Pagmimina C. Pangingisda
B. Pagsasaka D. Pangangaso
_____17. Ang mga sumusunod ay mga angkop na kasanayan na dapat taglayin ng manggagawa sa ika-21 na
siglo, maliban sa:
A. Media and Technology Skills C. Life and Career Skills
B. Communication Skills D. Reading and Writing Skills

_____18. Pandaigdigang samahan na nangangalaga at nag-aayos sa mga isyung paggawa at pangkalakalan ng


mga myembrong bansa
A. WTO C. UNICEF
B. UN D. DSWD
_____19. Ang lahat ay nabibilang sa sekondaryang lebel ng mga kasanayang at kakayahang itinuturo sa DepEd
batay sa Phil. Qualifications Framework, maliban sa:
A. Basic Writing & reading C. Work Habits
B. Ethics & Morals D. Social responsibility
_____20. Ibigay ang tamang karugtong na salita:“Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na
produkto na makilala sa pandaigdigang _________.”
A. Organisasyon C. lipunan
B. bansa D. Pamilihan
_____21. Tumutukoy sa paglipat ng pook-panirahan ng tao upang makahanap ng mas magandang pamumuhay.
A. Kalakalan C. Rebolusyon
B. Migrasyon D. Pamahalaan
_____22. “Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig.”
Anong obserbasyon ang nabibilang dito?
A. Mabilisang paglaki ng migrasyon C. pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon
B. Paglaganap ng migration transition D. wala sa nabanggit
_____23. Annual average ng mga babae ng nandarayuhan mula 2005-2014.
A. 65, 345 C. 34, 097
B. 112, 375 D. 47, 647
_____24. Sila ang mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bahagi ng daigdig para mapataas ang kanilang
antas ng pamumuhay.
A. DOLE C. OFW
B. kapulisan D. OWWA
_____25. Katawagang tumutukoy sa mga lalaking natitira sa tahanan, habang ang asawang babae’y
nagtatrabaho.
A. House husband C. “Job-Skills Mismatch”
B. Brain Drain D. Early pregnancy
_____26. Saang kontinente ipinapatupad ang kasunduang Bologna (bo-LO-nya) Accord?
A. Australia C. Europe
B. Africa D. Asya
_____27. Ang kasunduang ito ay nilagdaan noong 1989 na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
A. K to 12 Kurikulum C. Africa Accord
B. Washington Accord D. Bologna Accord
_____28. Ano ang tawag sa pagrerecruit, pagdadala, paglilipat, pagtatago, o pagtatanggap ng mga tao sa
pamamagitan ng di tamang paraan?
A. slavery C. human trafficking
B. forced labor D. child labor
_____29. Ano ang tawag sa puwersahang pagpapatrabaho sa pamamagitan ng dahas o pananakot o kaya’y sa
mas tagong pamamaraan tulad ng pagbabaon sa utang, pagtatago ng ID at passport, o pagbabanta ng
pagsusuplong sa imigrasyon?
A. forced labor C. slavery
B. child labor D. human trafficking
_____30. Isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tinatrato ang isang tao bilang pagmamay-ari
ng iba.
A. child labor C. forced labor
B. slavery D. human trafficking
_____31. Ano ang tawag sa reporma na naglalayong maiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at
matugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa?
A. Africa Accord C. K to 12 Kurikulum
B. Washington Accord D. Bologna Accord
_____32. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa kanilang mga layunin bilang migrante?
A. pag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan
B. pagkakulong sa bahay ng kanilang amo
C. pantustos ng pag-aaral sa mga anak o kamag-anak
D. pagpapagawa ng sariling bahay
_____33. Bakit second class professionals ang tingin ng ibang bansa sa mga Pilipino?
A. dahil sa kakulangan ng bilang ng taon sa basic education
B. dahil akma ang sistema ng edukasyon nito
C. dahil mataas ang kalidad ng edukasyon ng ating bansa
D. dahil kabilang ang Pilipinas sa accredited na bansa sa larangan ng engineering
_____34. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo
sa ibang lugar maging ito man ay pansamantala o permanente.
A. migrasyon C. edukasyon
B. globalisasyon D. organisasyon
_____35. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang pahayag ayon sa tala ng International labor Organization?
A. Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor, 11.4 milyon dito ay mga kababaihan at 9.5
milyon naman ay mga kalalakihan.
B. Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong sekswal.
C. Nakalilikha lamang ng US$ 1 bilyong illegal na kita ang forced labor taon-taon.
D. Malimit na mga migrant workers at indigenous people ang nagiging biktima ng forced labor.
_____36. Ang pagkakaroon ng maraming industriya resulta ng maraming mapagpipiliang produktong galing sa
ibang bansa pero, sa kabilang banda ito naman ay nagdudulot ng global warming at pagkasira ng ozone layer
bunsod ng industriyalisasyon. Ang nabanggit na pangungusap ay epekto ng ___?
A. Epekto ng pamahalaan C. Epekto ng Ekonomiya
B. Epekto ng kultura D. Epekto ng teknolohiya
_____37. Ang pagpapalaganap ng ibat-ibang uri ng terorismo tulad ng pagbobomba sa World Trade Center,
Suicide bombings sa Europa at impluwensiyang terorismo katulad ng nangyayari sa Marawi ay isa sa
negatibong epekto ng ___?
A. Epekto ng pamahalaan C. Epekto ng Ekonomiya
B. Epekto ng kultura D. Epekto ng teknolohiya
_____38. Ang patuloy na pamayagpag ng demokrasyang pamamahala sa mga komunistang bansa ay isa sa
positibong epekto ng __?
A. Epekto ng pamahalaan C. Epekto ng Ekonomiya
B. Epekto ng kultura D. Epekto ng teknolohiya
_____39. Ang pagkakaisa na pamayagpag ng mga bansa sa pamamagitan ng ASEAN, APEC, UN, at WTO ay
positibong epekto ng __?
A. Epekto ng pamahalaan C. Epekto ng Ekonomiya
B. Epekto ng kultura D. Epekto ng teknolohiya
_____40. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga anyo ng globalisasyon??
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikilohikal
_____41. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
_____42. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon
na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking
industriya.
_____43. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa.
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
_____44. Marami ang naniniwala na ang globalisasyon ay nakabatay sa pangaabuso. Totoo ba ito?
A. Oo, dahil marami ang nag-iisip na nag isang taong namumuhunan o nagnenegosyo ay umuunlad
sanhi ng kanyang pang-aapi.
B. Oo, dahil ang paraan lamang na yumaman ka ay ang pagkuha ng pagmamay-ari ng iba.
C. Hindi, dahil napakalawak ng pagkakataong binibigay at nakukuha sa kalakalan na kung saan ang
parehong partido (mamumuhunan at manggagawa) ay nakikinabang.
D. Siguro, dahil marami ngayon ang naabusong manggagawa mula sa ibang bansa.
_____45. Magkakaroon ng pagtitipong rehiyonal ng mga kinatawan ng labor parties sa NCR. Layon ng
pagtitipon ng grupong ito ang maipamulat sa mamamayan ang makatotohanang kondisyon ng mga lakas
paggawa lalo na ang epekto nito dulot ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang
makakapagbigay ng malalim at malawak ng pag-unawa sa kondisyon ng lakas paggawa ng Pilipinas?
A. Pagsagawa ng sarbey C. Paghain ng panukala o bill
B. Pag organisa ng kilos protesta D. Paggawa ng Case Study
_____46. Dahil sa globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga karaniwang kalakal ng mga
maliliit na negosyante. Bilang economic adviser ng Pangulo, ano ang maimumungkahi para matulungan sila?
A. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
B. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
C. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang makipagsabayan sa mga dayuhan.
D. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga dayuhan sa\ kanilang lugar.
_____47. Ang ating bansa ay mayaman sa mga agrikultural na produkto. Ang ating pangulo ay nagnanais na
paigtingin ang agrikultura ng ating bansa upang makasabay ang ating bansa sa mga hamon ng globalisasyon.
Ikaw ay isang kawani ng Department of Agrarian Reform, ano ang maari mong maimungkahi sa pangulo na
siyang makakatulong sa pagpapaunlad ng ating agrikultura?
A. Pag-aralin ang mga magsasaka upang lumawak ang kanilang kaalaman sa pagsasaka.
B. Magkaroon ng pangmatagalang programa para sa magsasaka na nagbibigay sa kanila ng pondo
upang makabili ng sapat na pataba, butil at makabagong teknolohiya upang maparami ang kanilang
ani.
C. Mamahagi ng lupa sa mga magsasaka upang lumaki ang kita nila.
D. Bigyan pa ng iba pang hanapbuhay ang mga masasaka upang magkaroon sila ng sapat na kita para
sa kanilang kabuhayan.

_____48. Ang globalisasyon ay may mabuti at di mabuting epekto sa pamumuhay ng mga tao. Alin sa mga
sumusunod na larawan ang nagpapakita ng mabuting dulot ng
globalisasyon?

_____50. Mula sa larawan, ano ang positibong ipinapahiwatig nito sa ekonomiya ng bansa?
A. Maraming produktong banyaga ang nakararating sa iba’t ibang sulok ng mundo.
B. Maraming krimen ang maaaring maganap mula sa iba’t ibang bansa.
C. Maraming pamilya ang nawawalay sa isa’t isa.
D. Maraming klaseng polusyon ang nangyayari sa iba’t ibang sulok ng mundo.
_____51. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
_____52. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa
mundo.
_____53. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng globalisasyon maliban sa isa:
A. Napadali ang mga gawaing panlipunan
B. Panatili ng produkto at serbisyo sa isang lugar
C. Pagdami ng mga taong nangingibang bansa
D. pagtangkilik ng mga produktong mula sa ibang bansa.
_____54. Alin sa sumusunod ang suliraning dulot ng globalisasyon?
A. Pagdami ng trabaho
B. malaking sahod
C. migrasyon
D. pagtaas ng agwat ng mayaman at mahirap
_____55. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohikal
_____56. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagbabago ng palitan ng produkto at serbisyo sa
pagitan ng mga bansa sa daigdig sa nagdaang siglo?
A. Globalisasyong Politikal
B. Globalisasyong Ekonomiko
C. Globalisasyong Sosyo-kultural
D. Globalisasyong Sikolohikal
_____57. Ano ang tawag sa paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang Gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng
kanilang kita?
A. Outsourcing C. Offshoring
B. Sub-contracting D. Nearshoring
_____58. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing Destinations for
2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo (sunod sa Bangalore, India) na destinasyon ng
BPO. Pang- ilan ang Dumaguete City sa listahan ng destinasyon ng mga BPO?
A. 66 B. 93 C. 81 D. 85
_____59. Aling anyo ng globalisasyon ang maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga bansa sa
samahang rehiyunal at maging sa pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamhalaan?
A. Globalisasyong Politikal
B. Globalisasyong Ekonomiko
C. Globalisasyong Sosyo-kultural
D.Globalisasyong Sikolohikal
_____60. Ano ang tawag sa ugnayan ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba
pang mga bansa na nagdala ng mga oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig?
A. Demokrasya C. Diplomatiko
B. Komunismo D. Parlamentaryo

You might also like