You are on page 1of 9

MASURING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
maipamalas ang mga sumusunod:
A. Natutukoy ang kahulugan ng maikling kuwento at ang limang bahagi nito.
B. Nakabubuo ng sariling opinyon hinggil sa kahalagahan ng paksang tinalakay.
C. Nakapaglalahad ng isang masidhi at nangingibabaw na pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan sa sariling kwento.
II. PAKSANG ARALIN
PAKSA: Maikling kuwento
KAGAMITAN: Kagamitang Biswal, telebisyon, laptop
SANGGUNIAN: Aklat-modyul para sa mag-aaral pahina 84-87
Gawain ng guro Sagot ng mag-aaral
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Gawain
1. Panalangin at pagbati
2. Pagtatala ng mga liban sa klase
3. Pagpapaalala sa mga health protocols at iba pa.

B. Balik-aral
Ang guro ay magtatanong tungkol sa paksang
tinalakay nang isang araw. Magtatawag ng mga
estudyanteng sasagot.

Ano ang naaalala mo na paksang itinalakay Tungkol sa sanaysay


natin nang isang araw?

C. Pagganyak
Magpapakita ng larawan na may kinalaman sa
maikling kwento. Pagkatapos, magpapakita ng bidyo ang
guro at magtatanong ng mga sumusunod na
katanungan: 1. Si Araw, si hangin, at
ang lalaki
2. Tungkol sa
pagyayabang ni araw
at ni hangin kung sino
ang mas malakas.
3. Maikling kwento
https://youtu.be/kvBZuW9xJQ4
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Tungkol saan ang kwento?
3. Batay sa larawan at bidyong ipinakita, ano sa
palagay ninyo ang tatalakayin natin ngayon?

D. Paglalahad
Ilalahad ang paksang itatalakay at pagbibigay
ng maikling pagpapaliwanang ukol sa paksa.

E. Pagtalakay
Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng
maikling kwento at pati na rin ang limang bahagi nito.

Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan


na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Mga Bahagi
Ang maikling kwento ay karaniwang may limang
bahagi:
 Panimula
 Saglit na kasiglahan
 Suliraning inihahanap ng lunas
 Kasukdulan
 Kakalasan

1. Ang panimula ay ang bahagi na siyang guguhitan


ng mga pangyayari sa kwento. Mahalagang
maging kapansin-pansin ito upang mabihag ang
kawilihan ng bumabasa.

2. Ang saglit na kasiglahan ay ang bahaging


naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng
unang suliraning inihahanap ng lunas. Dapat
maging kaakit-akit ang bahaging ito sa bumabasa
at madama niya ang magaganap na pangyayaring
gigising sa kanya ng isang tiyak na damdamin.

3. Ang suliraning hinaharap ng lunas karaniwang


tatlo. Kung minsan ay humihigit sa tatlo, depende
sa sumusulat ng kwento. Sa bahaging ito ng
kwento, ang mababasa ay napapagitna sa mga
pangyayaring gigising sa kanyang damdamin. Ang
mga pangyayaring ito ang siyang bumubuo sa
mga suliraning inihahanap ng lunas at lumilikha
ng isang kawilihang pasidhi nang pasidhi.

4. Ang kasukdulan ay ang bahagi ng kwento na


nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan. Ito ay
dapat ilarawan nang mabilisan, tiyak, o malinaw at
maayos. Upang maging mabisa ang kasukdulan,
ito ay di-dapat magkaroon ng anumang
paliwanag. Ang kailingan lamang ay ang maayos
na pagkakaugnay-ugnay ng mga suliraning
inihahanap ng lunas.

5. Ang kalakasan ay ang panghuling bahagi ng


kwento na kaagad sumusunod sa kasukdulan. Ito
ay hindi rin dapat pahabain at bigyan ng
paliwanag. Ipaubaya sa mambabasa ang pag-iisip
at hayaang siya ang magbigay ng wakas sa
kwento.

F. Paglalapat
Magbibihay ng panuto at rubriks ang guro
tungkol sa gagawin ng mga mag-aaral.

Panuto: Sa isang buong papel, gumawa ng sariling


maikling kwento na batay sa mga natutuhan ninyo.

Rubriks:
Binigyan Pamantayan sa
ng Tuon Pagmamarka PUNTOS

Ang kabuuang diwa ng


gawain ay kakikitaan ng
kabuluhan at ang
Paksang pamamaraan ng pagsalaysay 5
Diwa at estilo ay kakikitaan ng
lubusang orihinalidad.

Ang kabuuang diwa ng


gawain ay di-masiyadong
nakita ang kabuluhan at ang
pamamaraan ng pagsalaysay 4
at estilo ng lubusang
orihinalidad.

Ang kabuuang diwa ng


gawain ay hindi nakikita ang
kabuluhan at ang
pamamaraan ng pagsalaysay 3
at estilo ng lubusang
orihinalidad.

Hindi masiyadong nailahad 2


ang kabuluhan at
pamamaraan ng
pagsalaysay.

Walang kakikitaang
kabuluhan at pamamaraan
ng pagsalaysay at estilo ng 1
lubusang orihinalidad.

Talagang maayos ang


pagkakasunod-sunod ng 5
mga pangyayari.
Banghay

Di-masiyadong maayos ang


pagkakasunod-sunod ng 4
mga pangyayari

Maayos ang pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari 3
ngunit may isang pahayag
ang hindi akma sa ibang
pahayag.

Ang pagkakasunod-sunod na
mga pangyayari ay ‘di akma 2
at hindi maayos.
Walang pagsasaayos at hindi
tama ang pagkakasunod- 1
sunod ng mga pangyayari.

Tauhan
Napakahusay ang
paglalarawan ng mga tauhan
at angkop ang kilos, 5
pananalita, at pananamit sa
katauhan ng ginaganapan sa
kwento.

Mahusay ang paglalarawan


ng mga tauhan at angkop
ang kilos, pananalita, at 4
pananamit sa katauhan ng
ginaganapan sa kwento.

Magaling ngunit kailangang


magsanay pa upang mas
Maganda ang paglalarawan
ng mag tauhan at angkop 3
ang kilos, pananalita, at
pananamit sa katauhan ng
ginaganapan sa kwento.

Hindi nailarawan ang ibang 2


tauhan sa kwento.

Walang paglalarawang 1
naganap sa mga tauhan sa
kwento.

Tunggalian Lubusang nagdulot ng


pananabik at kasiyahan sa
mga mambabasa ang 5
naipakitang tunggalian sa
kwento.
Hindi gaanong nagdulot ng
pananabik at kasiyahan sa
mga mambabasa ang 4
naipakitang tunggalian sa
kwento.

Hindi masiyadong
naipaliwanag ang tunggalian 3
sa kwento

Hindi malinaw at walang


saysay ang tunggalian sa 2
kwento.

Walang tunggalian na 1
nangyari sa kwento.

Pananaw
Napakalinaw ng paglalahad
sa mga pananaw na nais 5
ipahatid sa kabuuan ng
kwento.

Di-gaanong malinaw ang


paglalahad sa mga pananaw 4
na nais ipahatid sa kabuuan
ng kwento.

Malinaw ang paglalahad ng


mga pananaw ngunit may
ibang parte sa kwento na 3
hindi maintindihan at hindi
konektado.

Maganda ang nais ipahatid


sa mga mambabasa ngunit
hindi malinaw ang 2
paglalahad nito.
Walang paglalahad at walang
pananaw na nais ipabatid sa 1
mga mambabasa.

Simula at
Wakas Ang simula ng kwento ay
naging kaakit-akit at ang
wakas ay naging kasiya-siya 5
para sa damdamin at isipan
ng mga mambabasa.

Kaakit-akit at kasiya-siya ang


simula at wakas ng kwento 4
para sa isipan lang ng mga
mambabasa.

Naging kasiya-siya ang


wakas ngunit hindi naging 3
kaakit-akit ang simula ng
kwento.

Kasiya-siya at kaakit-akit ang


simula ng kwento ngunit 2
pagdating sa wakas ay hindi
konektado.

1. Marami tayong
Walang kaakit-akit at kasiya- 1 makukuhang aral,
siyang makikita sa kwento. nagpapakita ng pag-
unawa sa binasa na
Kabuuang maaaring dalhin sa
puntos 30
totoong buhay.

2. Maaaring magamit,
G. Paglalahat
maituro, at maibahagi sa
Iisa-isahing tatanungin ng guro ang mga mag-
iba.
aaral sa pamamagitan ng isang laro na “touch the ball”
ukol sa kanilang natutunan at ang kahalagahan ng 3. Ito ay kathang isip
paksang tinalakay. lamang ng manunulat at
walang katotohan.
Touch the ball
Panuto: Magpapasahan kayo ng bola habang may 4. Ang maikling kwento ay
tumutugtog na musika. Kung sino man ang huling
napasahan ng bola sa oras na hihinto ang tugtog, siya nagsasaad ng kwento at
ang sasagot sa katanungan. istorya sa maikling paraan
habang ang akdang
Mga katanungan: pampanitikan ay mahaba.
1. Base sa ating talakayan ngayon, bakit
mahalagahang pag-aralan ang maikling kwento?
2. Paano mo mabibigyang halaga ang maikling
kwento sa kasalukuyang panahon?
3. Bakit hindi na maituturing na talambuhay,
sanaysay, o karaniwang sulatin ang maikling
kwento?
4. Sa iyong palagay, ano ang kaibahan ng maikling
kwento sa iba pang uri ng akdang pampanitikan?

IV. EBALWASYON

Panuto: Tukuyin ang mga angkop na sagot na


nakapaloob sa mga pahayag. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

A. Maikling kwento E. kasukdulan


B. limang bahagi F. panimula
C. kalakasan G. Saglit na kasiglahan
D. Suliraning hinaharap ng lunas H. Wakas
1. F
_______1. Ito ay bahagi ng maikling kwento na kung 2. D
saan at paano nagsimula ang kwento. 3. G
_______2. Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti- 4. H
unting naayos ang problema sa kwento. 5. G
_______3. Ito ay panandaliang pagtatagpo ng mga 6. H
tauhan sa kwento. 7. A
_______4. Bahagi ng maikling kwento na tumutukoy 8. B
kung paano nagwakas o natapos ang kwento. 9. E
_______5. Dito na nagsimula ang problema sa kwento.
_______6. Sa parteng ito nagwakas o natapos ang
kwento.
_______7. Isa itong masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan.
_______8. Ang maikling kwento ay may ganitong bilang
ng bahagi nito.
_______9. Sa bahaging ito ng kwento, ang mababasa ay
napapagitna sa mga pangyayaring gigising sa kanyang
damdamin.
V. KASUNDUAN

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga element ng maikling


kwento at maghanda para sa oral recitation bukas.

Inihanda ni:
SOPHIA NICOLE M. PEÑAREDONDO
Filipino Teacher

MARK AQUINO
Filipino Teacher

MYFIEL TACDER
Filipino Teacher

Inaprubahan ni:
VERONICA S. MUNDAN
Filipino Adviser

You might also like