You are on page 1of 7

Kabanata II

_________________________________________________________
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Sa Kabanatang ito ay nilalaman ang mga kaugnay na paksa at pag aaral na
maibibigay ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng isinasagawang
pananaliksik.
Lokal
Ayon kay (Adams, 2009) ang salitang balbal ay ang paggamit ng mga salitang
impormal sa alinmang mga pook o lokasyon. Ang paggamit nito ay nararapat
lamang sa personal na pakikipag-usap na parehong ang nagsasalita at nakikinig
at nagkakaunawaan nang sa ganun ay di sila magkaroon ng interapsyon.
Sa pag-aaral naman nina (Selinker & Douglas,1985 ) na pinamagatang
<Interlanguage Theory= na nangangahulugan na sa pagkatuto ng mga tao ng
una at pangalawang wika ay malaki ang naging epekto nito sa pag-usbong ng
wikang filipino sapagkat nadadala nila ang mga katangian ng mga iba’t ibang
wika na siyang kadahilanan sa pagmumula ng kamalian sa paggamit at
pagbibigkas nito. Ang unang wika ay yung mga katutubong wika na
nakasanayan ng gamitin ng mga Pilipino. Ang pangalawang wika naman ay yung
mga banyagang wika na sa panahon ngayon ay popular na lalo na sa mga
kabataan. Ito yung mga salita na binubuo ng bawat isa o mas kilala sa tinatawag
na mga salitang balbal. 31

ang salita ay lubhang makapangyarihan dahil halos lahat ay nahihikayat gumamit


nito kung kaya’t maraming tao partikular na ang mga kabataan na madaling ma
impluwensiyahan gumamit ng salitang balbal sapagkat ito ay napapanahon o
tinatawag na “in” kung kaya’t hindi nila namamalayan na nagagamit nila ang mga
salitang sa isang pormal na usapin.

ang wikang balbal ay mas umuunlad habang patuloy na ginagamit na dapat


talaga ay bawasan at iwasan. Patunay na lamang ng bawat henerasyon ay may
mga nauusong salita kagaya ng edi wow, push mo yan te, boom panes, feels,
hugot, bae, at sa ngayon ang salitang pabebe. Sinisira nito ang pag-unlad ng
wika dahil sa halip na ang pagayamanin ay sariling wika bas pinagyayaman pa
ang wikang balbal. Patunay na lamang din ang mga pagmumura, salitang
kalye(yosi), jejemon(aq powzx), salitang bakla/tomboy(baklush,dites), salitang
malaswa, salitang binaliktad(tsekot,goli) at salitang walang kabuluhan.
Dayuhan.

Dayuhan

Ang balbal ay itinuturing na “slang” sa Ingles, mga salitang kalye, at ang sinasabi
na pinakamababang antas ng ating wika. Ang mga salita na ito ay maaring
pinaikli, pinagsama, hiniram, iniba ang baybay, o maikling salita na pinahaba.

Tinatawag ito na salitang kalye dahil madalas ay nabubuo ang mga bagong
salita na ito sa usapan sa kalye o kanto. Ito ay bahagi na ng kulturang Pilipino.

Ang mga salitang balbal ay kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na pag-


uusap at sa bawat henerasyon, may mga bagong salita sa antas na ito na
nalilikha. Ang pagbuo ng mga bagong salita na ito ay nagagawa sa isang
morphological na proseso.

https://philnews.ph/2022/09/22/ano-ang-balbal-kahulugan-ng-balbal-at-mga-
salita-na-balbal/

Lokal

Lahat ng tao ay may kakanyahan sa paggamit ng wika. Ginagamit nila ang wika
sa paraang sila ay nagkakaunawaan. Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang
kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan. (www.academia.edu)

Mababakas na kahit saanmang dako sa ating bansa ay gumagamit ng mga


naturang antas ng wika at hindi natin maitatatwa na lubos na laganap sa mga ito
ay ang paggamit ng salitang balbal o salitang kalye.

Ang balbal na salita ang pinakamababang antas ng wika. May kagaspangan ang
mga salita at maaaring may iba’t ibang anyo gaya ng likas at likha
(Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Rodrigo, 2009).
Sapagkat ang mga kabataan ang siyang lumikha ng ganitong anyo ng wika, sa
kanilang antas ito laganap. Bunga ito ng impluwensyang pangkapaligiran
katulad ng palengke, sinehan, telebisyon at iba pa. Binigyang taguri ito ni Nick
Joaquin na “language of the street.” (Komunikasyon sa Akademikong Filipino,
Morong et al., 2009)

Ang mga salita ay dumadaan sa iba’t ibang proseso bago ito matawag na
salitang balbal. Ilan sa mga prosesong ito ay ang sumusunod: una ay ang
paghango sa wikang katutubo, halimbawa, mula sa salitang Bisaya na bayot ay
nabuo ang salitang bakla na nangangahulugang “lalaki na may pusong babae”.
Ikalawa ay ang panghihiram ng wikang banyaga, halimbawa, ang salitang effect
ay nagiging epek na may ibig sabihing “epekto”. Ikatlong proseso ay ang
pagbibigay ng bagong kahulugan, halimbawa, mula sa literal na translasyon sa
Filipino ng salitang crocodile na buwaya, nabibigyan ito ng bagong kahulugan na
“gahaman sa kayamanan at kapangyarihan”. Ikaapat ay ang pagpapaikli ng mga
salita tulad ng sigarilyo na nagiging “yosi” na lamang kapag pinaikli. Ikalima ay
ang pagbabaliktad ng mga salita, halimbawa nito ay ang bente na nagiging
“etneb”. Maari ring magbaliktad ng papantig tulad ng salitang hindi na nagiging
“dehin”. Isa pang proseso sa pagbubuo ng salitang balbal ay ang paggamit ng
akronim, halimbawa nito ay KGB na may kahulugang “Kung Gabi Bakla” at US
na nangangahulugang “under de saya”. Ikapito ay ang pagpapalit ng pantig
tulad ng lagpak na nagiging palpak na ibig sabihin ay “bigo”. Ikawalong proseso
ay ang paghahalo ng wika o salita. Halimbawa nito ay mag-MU na may
translasyong magka mutual understanding na may ibig sabihing “dalawang
taong nagkakaintindihan”. Pinaghahalo ang dalawa o higit pang wika o salita.
Ikasiyam na proseso ay ang pagbubuo ng salita sa paggamit ng bilang gaya
nang 143 na may ibig sabihing I love you. At ang ikasampu at ikalabing-isang
proseso ay ang pagdaragdag at kombinasyon. (www.senore.com)

https://filmajorbatstateu.wordpress.com/2016/03/19/diksyunaryo-ng-salitang-
balbal/

Dayuhan

Ang Urban Dictionary ay isang pampublikong suportadong web-based na


sanggunian ng salita para sa mga salitang balbal at mga expression na
gumagana sa ilalim ng kasabihang "Characterize Your World." Itinatag ni Aaron
Peckham ang website noong 1999. Sa simula ay inilaan bilang isang sanggunian
ng salita para sa mga salitang balbal o panlipunan at mga ekspresyon na hindi
karaniwang makikita sa mga karaniwang sanggunian ng salita, ang Urban
Dictionary ay ginagamit na ngayon upang tukuyin ang anumang salita, okasyon,
o ekspresyon (nagbibilang ng pisikal na hindi patas na sangkap) . Ang mga salita
o expression sa Urban Dictionary ay maaaring may maraming kahulugan,
modelo ng paggamit, at label. Simula noong 2014, ang salitang sanggunian ay
may higit sa 7,000,000 mga kahulugan. Habang humigit-kumulang 2,000 bagong
seksyon ang idinaragdag araw-araw.

Itinatag ni Aaron Peckham ang site noong 1999 habang isang freshman software
engineering major sa California Polytechnic State University, San Luis Obispo.
Inilunsad niya ang site upang isaalang-alang ang urban slang na ginagamit ng
mga mag-aaral sa kolehiyo sa iba't ibang bahagi ng California. Kamakailan
lamang ay gumawa siya ng parody na bersyon ng Ask Jeeves web search tool
habang nag-aaral sa Cal Poly ngunit kinailangan niyang isara ito pagkatapos
makatanggap ng liham ng encroachment. Nilikha niya ang Urban Dictionary
bilang isang komedya ng tunay na mga sanggunian ng salita na sa palagay niya
ay magiging "stodgy" at "kumilos sa itaas sa kanilang sarili."

Para sa unang limang taon, ang site ay nakabuo ng kita ngunit hindi nakakuha
ng kita. Matapos maihayag ng isang balita na isang hinirang na awtoridad ng
High Court of Justice sa United Kingdom Reyno Unido ginamit ang Urban
Dictionary upang tumulong sa pag-decipher ng mga slang verse para sa isang
sitwasyong kinasasangkutan ng dalawang rapper noong 2003, ang site ay
tumanggap ng mas mataas na atensyon. Sa buong 2009, ang site ay
nakapagtala ng humigit-kumulang 4 na milyong mga seksyon at nakatanggap ng
humigit-kumulang 2,000 bagong mga entry bawat araw. Noong Abril 2009, ang
site ay may 15 milyong bagong bisita, na may 80 porsyento ng buwanang mga
kliyente nito ay wala pang 25 taong gulang. Noong Hulyo 2009, sinabi ni
Peckham sa The New York Times na ang Urban Dictionary ay hindi Wikipedia
dahil hindi ito nagsusumikap para sa walang kinikilingan. Sinabi niya na ang
bawat salita sa Urban Dictionary ay binubuo ng isang tao na may pananaw, na
may indibidwal na pagkakatagpo ng salita sa sipi.

https://www.yoair.com/tl/blog/urban-dictionary-overview-of-its-origin-impact-and-
the-name-trend/

Lokal

Maaaring isipin ng isa ang wika bilang isang istraktura na may isang hanay ng
mga nakapirming tuntunin na kailangang sundin upang maihatid ang kahulugan.
Ngunit hinahamon ng Filipino slang ang monolitikong pananaw na ito at
ipinapakita na ito ay isang masalimuot at patong-patong na sistema na lalong
uunlad habang ginagamit ito. Marahil ang pinakamahalaga tungkol dito ay
nakakatulong ito sa atin na ilarawan kung ano ang ating nararamdaman kapag
hindi natin mahanap ang mga salita.
Para kay Javier, ang balbal na Filipino ay tanda na buhay ang ating wika. Sinabi
niya na ang ilang mga salita ay maaaring mabago o mawala, ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang kalidad ng ating wika ay lumalala.

Kasama ng maraming makukulay na katutubong diyalekto, ang balbal na Filipino


ay isa pang anyo ng pagpapahayag na ginagawang “sakalam” ang ating wika.
Ipinakikita nito ang pagkamalikhain ng mga Pilipino habang hinahangad nating
ipahayag ang ating mga natatanging pagkakakilanlan, personalidad, at karanasan.
Higit pa rito, ang slang ng Filipino ay nagpapahayag ng mga pag-asa at pangarap
ng maraming magkakaibang komunidad, isang bagay na makakatulong sa kanila
na umunlad at makahanap ng inspirasyon sa lalong nagiging pandaigdigang
mundo ngayon.- Sa pag tuklas ni Roace Alfonso

Dayuhan

Ang Conyo ay salitang Espanyol na tumutukoy sa babaeng ari na may bulgar na


konotasyon. Pagkaraan ng mga dekada, nagkaroon ito ng bagong kahulugan at
anyo, at ngayon ay tumutukoy sa paghahalo ng mga salitang Tagalog at Ingles,
kadalasan ng mga may pribilehiyo sa lipunan at ekonomiya. Dahil dito, ang conyo
ay pinaghihinalaang nakatataas na wika. Samantala, ang jejemon ay isang
terminong naglalarawan sa mga mas mababang uri, at kadalasang ginagamit sa
paraang mapang-abuso. Sa mga tuntunin ng wika, ito ay karaniwang stigmatized
dahil ito ay itinuturing na "unsophisticated."

Demeterio agrees that Filipino slang will always be linked to negative


developments in the power dynamics of different social groups: “Dito sa bansa
natin, ang idyoma ng high class ay kolonisado ng wikang Ingles. Kahit Filipino
‘yong wika, sa pandinig nila ay sosyal kasi maraming English words na nakahalo.”

(Dito sa ating bansa, ang mga salita ng privileged class ay kolonisado ng wikang
Ingles. Kahit na ang wikang ginagamit nila ay Filipino, perceive nila ito bilang
sopistikado dahil maraming mga salitang Ingles ang pinaghalo.)
Sinabi ni Javier na ang mga implikasyon na ito ay nauugnay sa duality ng wika,
gayundin sa sociolect o dialect ng isang partikular na klase. Ang mga naka-code
na wikang ito ay nagdaragdag sa paglikha ng mga subkultura at tinutukoy ang
pagiging kasapi sa mga subkulturang iyon.

You might also like