(Journal) Aralin ng baitang 9 quarter 2 sa FILIPINO
Isinagawa ni: Jayzelle jaen B. Rendon at Jewel Reine A. Dellona
Sa panahon ng nobyembre taong dalawang libo at dalawampu't dalawa, ay nagsimula na ang quarter 2 ng banga national high school kung saan kami na si Jayzelle Jaen Rendon at Jewel Reine Dellona ay kasapi sa baitang siyam na nagsisimula sa bago naming aralin sa filipino.
Unang naming tinalakay kasama ang aming guro na
si binibining Eden Rose Cornelia Dedal ay tungkol sa tanka at haiku kung saan sinabing ang dalawang ito ay galing sa bansang Japan o hapon na kilala sa larangan ng animation at maunlad sa teknolohiya at ekonomiya. Nakasaad dito na ang tanka at haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakunting salita lamang. Binangit din dito na ang kauna unahang tanka ay ang Manyosho o Collection of Ten Thousand Leaves.
Sa pag patuloy na tinalakay ni Bb:Dedal ang tungkol
sa tanka at haiku na sabi nya rin didto na di bali’t pareho itong anyo ng tula ng mga hapon, may pag kakaiba parin dito. Gaya ng bagkakaiba nito na ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t isang pantig (31) na may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuang bilang ng pantig ay tatlumpu’t isa (31). Samantala ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labingpitong (17) bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din ang kabuuan ng pantig ay labimpito (17) pa rin.
Pagkatapos nito ay lumipat ang usapan ng klase sa
isa pang uri ng tula na mula sa sarili naming bansang pilipinas na kung tawagin dito ay “Tanaga”. Binubuo ito ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng saknong.
Nagwakas na ang pagtalakay namin sa tanka,haiku
at pati na ang tanaga ay umiba naman ang aming leksyon ng nagkita ulit kami ng aming guro sa filipino, at ito naman ay ang Ponemang Suprasegmental. Basi dito ang ponemang suprasegmental daw ay tumutukoy sa makahulugang tunog. Sa pagkakaintindi namin ito ay kung paano mo ihayag ang iyong nais sabihin basi sa iyong diin,tono o intosasyon at antalo o hinto.
Ang modal naman na kasali din sa aming aralin ay
tinatawag na malapandiwa? Ginagamit ang mga ito na pantulong sa pandiwang nasa panagong pawatas. Ang mga ito ay ginagamit bilang panuring na may kahulugang tulad ng pandiwa. Ang mga modal ay mga pandiwang hindi magbabago. Limitado kapag binanghay, o walang aspekto. Mga halimbawa nito ay: ibig,nais,gusto,kailangan, may dalawang gamit ng modal at ito ay Bilang Pandiwa at Bilang panuring at may apat din itong uri na ang: Nagsasaad Ng Pagnanasa na nagpapakita ng paghahangad o pagkagusto, Sapilitang Pagpapatupad na ang halimbawa ay “dapat”, Hinihinging Mangyari na ang halimbawa naman ay “kailangan, at ang huli na uri, ang Nagsasaad Ng Posibilidad na tumutukoy kung pwedeng mangyari ang isang bagay kagaya ng salitang “maari”.
Ang sumunod naman na aralin ay ang Pabula, isang
uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Nagbigay din ng isang halimbawa ng kwento si Bb:dedal tungkol sa pabula at ito ay ang “Ang Hatol Ng Kuneho” at ang “Nagkamali Ng Utos”. Sa pagtalakay sa pabula ay nakaabot kami sa Mga Paraan Ng Pagpapahayag Ng Emosyon O Damdamin kagaya ng nito ang mga pangungusap sa pagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon na ginagamitan ng bantas na tandang padamdam (!).Halimbawa ay: Ayyyy, nandiyan na ang mabangis na ahas!. Ang maikling sambitla mga sambitlang iisahin o dadalawanghing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin, halimbawa: Yeheyy!,Naku!,Huwag!,Lagot! Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao naman ay kadalasang mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya't mahihinuhang hindi gaanong matindi ang damdaming ipinapahayag subalit maati din itong maging pangungusap na padamdam na nagsasaad naman ng matinding damdamin. a.) kasiyahan: Natutunaw ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking buhay. b.) Pagtataka: Bakit hindi siya magsasawang tumulong sa iba? c.) Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang ginawa ng mabangis na tigre. d.) Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa mahihina. e.) Pagsang-ayon: Tunay ngang nakabubuti ang pagsasama-sama. f.) Pagpapasalamat: Salamat sa iyong pagdating. Ang huli naman ay ang mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsang paraan. Halimbawa ay: Nakalulungkot isipin ang tauhan ay sumakabilang buhay na.(kahulugan: Pumanaw)
Ang ikalawang lesksyon naman bago matapos ang
aralin namin sa quarter 2 filipino ay ang uri ng maikling kwento. Kuwento ng pag-ibig ang diwa ng kwentong ito ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal sa tauhan. Kuwento ng katutubong kulay nangingibabaw sa kwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo ng kalikasan doon; at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar. Isang halimbawa ng kuwentong ito ang “ Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda. Kuwento ng katatakutan,matindi ang damdaming nagbibigay buhay sa kuwentong ganito. Nakapapanaig ang damdamin ng takot at lagim na nalikha ng mga pangyayari sa katha. Kuwenti ng kababalaghan ay mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip.ang mga kuwento sa komiks ukol sa mga nuno sapunso, multi, at aswang ay ilan lamang sa halimbawa ng ganitong kuwento. Kuwento ng katatawanan ang mga galaw ng pangyayari sa kuwentong ito ay magaan, may mga pangyayaring alanganin, at may himig na nakakatawa ang akda. Binasa din namin ang mga istorya at sanaysay na “Niyebeng Itim” na isang halimbawa ng Kuwento ng katutubong kulay at ang sanaysay na “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon.
Pinaka wakas naman na tinalakay namin ay tungkol
sa “ Mga panandang kohesyong gramatikal” na may apat na uri. Ang pagpapatungkol (reference) na paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangalan, may dalawang uri ito ang anapora o sulyap na pabalik na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan ng pangungusap o talata, at ang katapora o sulyap na pasulong ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa hulihan ng pangungusap o talata. Ikadalawang uri ng gga panandang kohesyong gramatikal ay ang Elipsis ay ang pagtitipid sa pagpapahayag. May mga salitang hindi na inilalayag o nawawala na sa pahayag sa kadahilanang naintindihan na ito sa pahayag at magiging paulit-ulit lamang. Ikatatlo ay ang Pagpapalit, ito ay paggamit ng iba’t iba pang reperensiya sa pagtukoy ng isang bagay o kaisipan. Ang ikaapat o huling uri ay ang Pag-uugnay ay ang paggamit ng iba’t ibang pangatnig upang pag-ugnayin ang dalawang pahayag.
At diyan nagtatapos ang mga aralin namin sa quarter
2 sa paksa ng filipino at pag abot ng Enero 26 ay nag sagot kami ng pagsusulit tungkol dito.