You are on page 1of 5

JUNIOR HIGH SCHOOL

Baitang 10

Ikaapat na Kwarter

SANAYAN SA FILIPINO
Ikalawang Linggo - Aralin 2

Karugtong ng Kaligirang
Pangkasaysayan
ng El Filibusterismo

Baitang 10- Filipino 1


Kompetensi: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo (F10PS-
IVa-b-85); naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline
(F10PU-IVa-b-85); nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa pananaliksik (F10EP-IIf-33); at
napahahalagahan ang napanood at pagpapaliwanag ng kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-IVa-b-81).
Aralin 2 KARUGTONG NG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG EL FILIBUSTERISMO
Maligayang pagbabalik! Nandito na naman tayo sa panibagong araw ng pagkatuto.
Nasasabik ka na ba?

Sa araw na ito ay mapag-aaralan mo ang iba pang impormasyon tungkol sa


kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito, matatamo mo ang mga sumusunod na


kasanayan:
a. nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon sa
pananaliksik (F10EP-IIf-33);
b. napahahalagahan ang napanood at pagpapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan
ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-IVa-b-81);
c. naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline (F10PU-IVa-b-85); at
d. naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat
ng El Filibusterismo (F10PS-IVa-b-85).

Panuto: Balikan ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng El


Filibusterismo. Magsaliksik sa aklat o iba pang batis ng impormasyon ng mga
pangyayari sa kasalukuyan na maaari mong maiugnay sa naging karanasan
ni Jose Rizal habang isinusulat ang nobela.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


(Ang mga naging karanasan ni Jose Rizal)

Tinulungan ng
Ang kaniyang
Nawalan ng pondo sa kaibigan upang
babaeng
pagsulat ng El maituloy ang
pinakamamahal ay
Filibusterismo pagpapalimbag ng
ipinakasal sa iba.
nobela
Pangyayari sa Pangyayari sa Pangyayari sa
kasalukuyan: kasalukuyan: kasalukuyan:

Magaling! Alam kong hitik na hitik ka na sa kaalaman kaya dagdagan pa natin iyan
sa pamamagitan ng susunod na bahagi ng sanayan.

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo (F10PS-IVa-b-85); naisusulat ang buod ng 1
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline
(F10PU-IVa-b-85); nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon
sa pananaliksik (F10EP-IIf-33); at napahahalagahan ang napanood at
pagpapaliwanag ng kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-
Alam mo ba?

Ang timeline ay nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na


maaaring naganap na o gagawin pa lamang. Malawak ang saklaw nito dahil
tumatalakay ito sa salitang oras o panahon ngunit sa tulong ng timeline ay mas
madaling maunawaan ang mga ideya at mas nagiging maayos o organisado ang
takbo ng mga pangyayari.

Narito ang isang halimbawa ng timeline:

Kasaysayan ng Social Media

2004 2005 2006 2010

Facebook Youtube Twitter Instagram


Ito ang Ito ay Maaaring Ito ay isang
pinakatanyag nagbibigay- mag-post dito social
na online daan sa mga ng hanggang networking
social media user nito na 140 karakter site na kung
site. mag-upload na tinatawag saan
ng mga video. na “tweet”. maaaring
mag-post ng
mga larawan
at video.

Natitiyak kong magagamit mo ang taglay mong kaalaman upang maisakatuparan


ang susunod na gawain. Simulan na natin.

Panuto: Basahin nang mabuti ang karagdagang kaalaman sa kaligirang


pangkasaysayan ng El Filibusterismo at sagutin ang kaugnay na gawain.

Mga Lugar Kung Saan Isinulat Ang El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay sinimulang isulat ni Dr. Jose Rizal sa Calamba, Laguna


noong Oktubre, 1887. Siya ay nagsasanay pa noon bilang isang estudyante ng
medisina.
Matapos ang isang taon, habang si Rizal ay nasa London, United Kingdom,
isinaayos niya ang banghay (plot) ng nobela at ilang bahagi ng mga kabanata.
Baitang 10- Filipino
Kompetensi: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo (F10PS-IVa-b-85); naisusulat ang buod ng 2
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline
(F10PU-IVa-b-85); nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon
sa pananaliksik (F10EP-IIf-33); at napahahalagahan ang napanood at
pagpapaliwanag ng kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-
Ipinagpatuloy ni Jose Rizal ang pagdagdag ng ilang kabanata nang siya ay nasa
eksposisyon ng Paris at Madrid.

Natapos ni Jose Rizal ang manuskrito ng nobela nang siya ay nasa Biarritz, France
noong Marso 29, 1891. Napagdesisyunan niyang pumunta sa Ghent, Belgium upang
maipalimbag ang aklat sa murang halaga. Sa katunayan, isang katotohanan ang narinig
ni Dr. Jose Rizal na mura ang pagpapalimbag ng libro sa bansa. Nakahanap si Rizal ng
isang tagapaglimbag na tumanggap na babayaran niya nang paunti-unti habang
inililimbag ang nobela.
Maraming suliranin ang naranasan ni Rizal habang ipinapalimbag ang aklat ngunit
nabigyang-solusyon naman ito nang tulungan siya ng kaniyang kaibigan na si Valentin
Ventura.
Matagumpay na naipalimbag ni Jose Rizal ang ikalawang nobela. Ito ay inilimbag ng
F. Meyer Van Loo Press sa Ghent, Brussels kung kaya’t masaya niyang ibinalita ito sa
mga kapwa ilustrado at Pilipino.

Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng timeline batay sa binasang teksto. Kinakailangang ito ay
nagpapakita ng mahahalagang lugar o panahon kung saan at kailan sinimulan
at natapos na maisulat ang El Filibusterismo. Maaaring panoorin ang video
tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo gamit ang link na
https://youtu.be/IRMOA3VmST0.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Baitang 10- Filipino


Kompetensi: Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusterismo (F10PS-IVa-b-85); naisusulat ang buod ng 3
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa ginawang timeline
(F10PU-IVa-b-85); nagagamit ang iba-ibang reperensya/ batis ng impormasyon
sa pananaliksik (F10EP-IIf-33); at napahahalagahan ang napanood at
pagpapaliwanag ng kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El
Filibusterismo sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-

You might also like