You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1 – Pretest

Pangalan: _________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________
Nagugol na Oras sa Pagbasa: __________________ Iskor: _____________
(Reading Time in Seconds) (Score)

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa, isulat


ang oras na nagugol sa pagbasa. Basahin ang mga tanong at
bilugan ang titik ng tamang sagot.

Magiliw na Pagtanggap sa Bisita

Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa pagiging


magiliw sa pagtanggap sa mga panauhin. Patunay nito ang maraming
turista na pabalik-balik sa ating bansa upang magbakasyon.
Dinadala natin sila sa mga magagandang pook o tanawin upang
maging kasiya-siya at kapaki-pakinabang ang pagbisita nila sa atin.
Ibinibigay natin sa kanila ang kanilang mga pangangailangan upang
maging maginhawa ang pananatili nila rito. Gumagastos ng malaki
ang mga Pilipino sa pagtanggap sa mga panauhin upang matiyak
natin na sila ay nasisiyahan sa panahong inilalagi nila dito.

Maging sa ating mga kamag-anak at kakilala ay magiliw tayo


sa pagtanggap sa kanila. Bukas ang ating tahanan sa sinumang nais
na manatili rito at handa tayong magkaloob ng ating makakayanan
para sa kanila.

Gr. IV
Bilang ng mga Salita: 119

SY 2012-2013
Mga Tanong:

1. Sino ang kilala sa magiliw na pagtanggap sa panauhin?


a. Pilipino
b. Arabyano
c. Hapones
d. Amerikano

2. Saan natin dinadala ang mga turistang nagbabakasyon sa ating


bansa?
a. Sa maraming tao
b. Sa mga pulitiko
c. Sa magugulong pook sa Pilipinas
d. Sa mga magagandang pook at tanawin

3. Ano ang tawag sa mga dayuhang nagbabakasyon sa ating


bansa?
a. Bakasyunista
b. Oportunista
c. Artista
d. Turista

4. Bakit kaya magiliw sa pagtanggap ng bisita ang mga Pilipino?


a. Dahil magaling tayong mambola
b. Dahil likas tayong palakaibigan
c. Dahil madali tayong maloko ng mga dayuhan
d. Lahat ng ito ay tama

5. Sa paanong paraan natin mahihikayat ang mga turista na


magbakasyon sa ating bansa?
a. Lagi tayong sumimangot
b. Sagutin natin sila ng hindi maganda
c. Panatilihin nating marumi ang paligid
d. Paunlarin pa natin ang magagandang lugar dito sa Pilipinas

6. Halimbawang nagbakasyon sa inyong tahanan ang iyong


kaibigan na galing sa malayong lugar, paano mo siya tatanggapin?
a. Patutuluyin ko siya
b. Pakakainin ko siya nang maayos
c. Bibigyan ko siya ng maayos na tulugan
d. Lahat ng ito ay gagawin ko sa kanya
SY 2012-2013
7. Bukod sa pagiging magiliw sa pagtanggap sa mga turista, ano
pang katangian ang dapat mong taglayin upang ipakita ang
magagandang pag-uugali ng mga Pilipino?
a. Magiging magalang at magiliw ako
b. Magiging tamad at malikhain ako
c. Magiging malikhain at nakasimangot ako
d. Magiging mabait at mabilis ako

8. Kung may turistang nagtanong sa iyo, paano mo siya


sasagutin?
a. Tatalikuran ko siya bago pa lumapit sa akin.
b. Sasagutin ko siya nang maayos
c. Titingnan ko lang siya.
d. Iirapan ko siya.

SY 2012-2013

You might also like