You are on page 1of 4

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

MODULE 22 :: Aralin
MODULE Aralin 88
Pagtuklas at
Pagtuklas at
paglinang
paglinang
Opinaldo,Lawrence A.
12-Optimism
Bb. Mary Claire Elizada
(Guro)
Gawain
Gawain 1:
1: Simulan
Simulan Mo
Mo Na
Na
Ano-ano ang iyong nalalaman tungkol sa talumpati? Ibahagi ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagpuno sa graphic organizer.
Kahulugan at Katangian
Ang talumpati ay pagpapahayag ng
sariling saloobin at opinyon sa masining
na paraan, ito ay ang pagtalakay ng mga
paksa habang nagsasalita sa harap ng
maraming tao na layunin nitong
manghikayat at mangtwiran.
PAmagat o halimbawa ng talumpating
alam ko
state of the nation address
(sona)
Pagtatalumpati
networking analyst motivational
speech

iba pang bagay na alam ko tungkol sa talumpati


Ang nagtatalumpati ay nararapat may sapat
na kaalaman sa isang paksa
dapat ang nagtatalumpati ay sumasang-ayon
sa pahayag ng kanyang tagapakinig.
Ang paksa ng talumpati ay nararapat
naiuugnay sa mga napapanong isyu ng bansa.
ito ay isang pampublikong komunikasyon.
Gawain
Gawain 2:
2: Paunlarin
Paunlarin Mo
Mo

Sagutin mo ang mga tanong:

1. Bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati?


- Ang pagiging palabasa at pagsaliksik ay mahalaga sa pagbuo ng talumpati dahil naglalayon itong
magpahayag ng mga impormasyon, kaisipan, at argumento. Ito ay kinakailangan upang ang mga kaisipan
at opinyon na iyong inilalahad ay nagpapakita ng totoo at tumpak na impormasyon at para ang iyong
tagapakinig ay maniwala sa iyo sa pamamagitan ng pagpapakita ng iyong mga kasanayan sa
pagsasalita, kakayahan na may sapat ng kaalaman sa paksang tinatalakay. Mahalaga rin na gawin ang
iyong pananaliksik upang ang mga kaisipang ipinapahayag mo ay tumugma sa napiling paksa at hindi
magkaroon ng kalituhan sa iyong mga tagapakinig.

2. Paano ka makasusulat ng isang epektibong talumpati? Ano-ano ang dapat ikonsidera o bigyang-pansin sa pagsulat nito?
- Mahalagang malaman ang interes at pangangailangan upang makapagbahagi ng mga kaisipan at ideya
na angkop, may kaugnayan sa napiling paksa kaya nararapat na kilalanin muna ang iyong mga
tagapakinig. Sa pagkilala natin sa mga tagapakinig ay mahalagang alamin ang personal na
impormasyon ng tagapakinig tulad ng edad at antas ng edukasyon upang umayon sa kanila ang mga
salita at wika sa paksang gagamitin sa iyong talumpati na tiyak ay makukuha ang kanilang mga
kawilihan. Ang isang magtatalumpati ay dapat ding maging masaya at kawili-wiling pakinggan upang
hindi mabigo at makuha niya ang atensyon ng bawat tagapakinig. Sa pagtatapos ng talumpati ay
mahalagang magbigay ng magagandang mensahe na tiyak ay maitatak nila sa kanilang mga isipan at
magagamit nila sa kanilang personal na pamumuhay para umunlad bilang isang tao.
Gawain 2: Paunlarin Mo
Gawain 2: Paunlarin Mo
Sagutin mo ang mga tanong:

3. Sa paggawa ng talumpati, bakit mahalagang ikonsidera o bigyang-pansin ang haba nito?


- Mahalagang ikonsidera at bigyang pansin ang haba ng isang talumpati dahil ito ay nakakatulong
upang malaman ng mananalumpati na sapat ang impormasyon na lalamanin ng kanyang paksa. Hindi
nagiging alanganin ang pagbibigay ng mahalagang impormasyon na kailangang malaman ng publiko.
Nagbibigay-daan ito sa mga nagtatalumpati na gumugol ng oras sa mahahalagang detalye upang
maiparating nang sapat ang kanilang mensahe sa kanyang tagapakinig, at nagbibigay-daan din sa
kanila na isaalang-alang ang haba upang makuha ang interes ng mga tao dahil kapag mahaba ito ay
nawawala ang kawilihan ang mga tagapakinig at habang tumatagal ay lumalayo din ang mga impormasyon
sa paksang tinatalakay.

You might also like