You are on page 1of 12

p

Lesson Plan SCHOOL CNSC- Abano Campus

Araling Panlipunan 2 TEACHER MICHAEL JEROME B.


PARDO

DATE AND TIME March 16, 2021


10-11am

I. LAYUNIN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pamantayang  Nakikilala ang mga tao at samahan


Pangnilalaman na nakakatulong sa ating
komunidad.

B. Pamatayan sa  Nasasabi at natatala ang


Pagganap mga pangalan ng mga
tao at samahan na
tumutulong sa komunidad
at mga paraan kung
paano sila nakakatulong
sa ating komunidad.

C. Mga Kasanayan sa  Nabibigyang halaga ang


Pagkatuto pagtutulungan at mga tao at
samahan na tumutulong para sa
ikabubuti ng ating komunidad

Mga Tiyak na
Layunin

II. NILALAMA
N
III. KAGAMITA Laptap, mga kagamitang biswal
NG
PANTURO
A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa 261-276


gabay ng Guro

2. Mga Pahina sa 261-276


Kagamitang
Pang Mag-aaral
3. Mga Pahina sa 261-276
Teksbuk
4. Karagdagang Pagpapahalaga sa pagtutulungan sa
Kaalaman mula komunidad
sa Portal ng
Learning
Resource
B. Iba Pang
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMAR
AAN
A. Balik-aral sa Bago natin simulan ang ating
nakaraang aralin bagong aralin, balikan muna natin ang
at/o pagsisimula ng ating pinag-aralan nung nakaraang
bagong aralin Martes.

Tungkol saan ang ating pinag-aralan


kahapon?
Bata 1: tungkol
po sa
katangian ng
mabuting
pinuno at
mabuti at di
mabuting
pamumuno

Mahusay!

Batay sa ating napag-aralan, ano ano


ang mga katangian ng mabuting pinuno?
Mag bigay ng isang halimbawa
Bata 2: matapat
po

Tama! magaling

Ang mabuting pinuno ay matapat at may


malinis na kalooban at hindi nanloloko at
sinungaling

Maliban sa sinabi ni bata 2 ano pa ang


ibang katangian ng isang mabuting
pinuno? Bata 3: Masipag
po
Tama! Magaling ang isang mabuting
pinuno ay dapat ay masipag para marami
siang nagagawa para sa kabutihan ng
ating komunidad.

Maliban sa sinabi ni bata 3 ano pa ang Bata 4: Matiyaga po.


ibang katangian ng mabuting pinuno?

Tama, ang mabuting pinuno ay matiyaga


ang matiyagang pinuno ay tinatapos na
maayos ang mga proyekto at hindi
pinababayaang mabalewala ito.

Bata 5: matalino po
Maliban pa sa pagiging matapat, masipag
at matiyaga, ano pa ang ibang katangian
ng isang mabuting pinuno?

Tama, ang mabuting pinuno ay dapat


matalino upang magawa ang mga
proyektong makakapagpaunlad sa ating
komunidad. Bata 6: makabansa
po.
Maliban sa sinabi ni bata 5 ano pa ang
ibang katangian ng isang mabuting
pinuno?

Tama, ang mabuting pinuno ay


makabansa, ang makabansang pinuno ay
may pagmamamahal sa bayan at sa Bata 7: Makatarungan
kanyang mga mamamayan. po

Maliban sa sinabi ni bata 6 ano pa ang


ibang katangian ng mabuting pinuno?
Tama, magaling

Ang mabuting pinuno ay makatarungan,


ang makatarungang pinuno ay hindi Bata 8: responsible po
mapang abuso at may pag- galang sa
karapatan ng iba.

Maliban sa sinabi ni bata 7 at iba pang


nabanggit ano pa ang ibang katangian ng
isang mabuting pinuno?

Tama, pagiging responsible rin ay isa sa Bata 9:


katangian ng mabuting pinuno. Ang makakalikasan po.
reponsableng pinuno ay marunong mag
ako at managot sa mga Gawain at
kanyang mga tungkuling dapat gampanan.

Maliban sa mga nabangit ano pa ang


katangian ng isang mabuting pinuno?

Tama, ang mabuting pinuno ay


makakalikasan, ang makakalikasang
pinuno ay mahal ang kalikasan at kanyang
kapaligiran , siya ay nagtataguyod ng mga Bata 10: kapag po
proyekto para sa ikakabuti ng mga ito. mabuti ang
pamumuno sa ating
Lahat ng inyong nabangit ay mga komunidad malinis po
katangian ng isang mabuting pinuno, at maayos ang ating
komunidad.
Paano naman natin masasabi kung mabuti
at hindi mabuti ang pamumuno sa ating
komunidad?

Tama, kapag mabuti ang pamumuno ay Bata 8: Kapag po


malinis at maayos ang komunidad dahil madumi at hindi
ang namumuno rito ay hindi nagpapabaya maayos ang
at naglilingkod ng matapat at maayos sa
komunidad
kanyang nasasakupan.
Paano naman natin masasabi kung hindi
mabuti ang pamumuno sa ating
komunidad?

Tama, akapag hindi maayos at madumi


ang komunidad ibig sabihin ang Bata 9: Mabuti pong
namumuno rito ay nagpapabaya sa pamumuno para po
tungkulin at hindi nag lilingkod ng maayos magging maayos at
sa ating komunidad masaya ang ating
komunidad.
Kung kayo papipiliin anong gusto niyon
pamumuno sa ating komunidad? Bakit?

Mga bata: Wala na


po.

Tama magaling.

Bago tayo tumungo sa ating susunod na


paksa may tanong pa ba tungkol sa
paksang “ating mga pinuno’

Magaling mga bata!

B. Paghahabi sa Kung sakaling bibigyan kayo ng


layunin ng aralin pagkakataon na makatulong at
makaambag para sa ikabubuti ng ating
komunidad, Anong tulong o ambag ang
inyong gagawin o bibigay.

C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa Base sa inyong mga naging sagot ano
bagong aralin kaya sa tingin niyo ang ating magiging
paksa ngayong araw?
Bata 1: Pagtulong po
sa komunidad
Tama, ang ating tatalakayin ay may
kaugnayan sa pagtulong sa komunidad.
Mayroong mga tao at samahan na
nakakatulong sa ating komunidad, may
kilala ba kayo na isa sa mga taong iyon?
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
“Para sa Kaunlaran ng ating komunidad’

D. Pagtalakay ng
bagong konsepto at May mga tao na nakakatulong sa ating
paglalahad ng komunidad. Narito ang ilan:
bagong kasanayan
Isa rito si Efren Peñaflorida jr.
Narinig niyo na ba ang pangalan na
Efren Peñaflorida jr.
Bata 3: hindi pa po

Oka, si Efren Peñaflorida ay ang


nagtatag ng samahang Dynamic Teen
Company sa Cavite. Ito ay samahang
tumutulong sa mga kabataan na mailayo
sa masamang impluwensiya at
masasamang gawain.

Si Efren ay isang guro ngunit hindi siya


nagtuturo sa paaralan bagkos ang gamit
niya ay ang tinatawag na push cart
classroom. alam niyo ba kung ano ang
push cart classroom?
Bata 4: yung pong
tinutulak na classroom
po

Tama po ito ay isang uri ng kariton na

kung saan nilalagyan niya ito ng mga


libro at naglilibot siya sa lansangan
upang magturo sa mga bata.

Noong 2009 pinarangalan si Efren bilang


isang bayani ng taon ng CNN dahil sa
katangi-tangi niyang pagtulong sa
kapwa.

Isa rin si Dr. Roel Cagape sa mga


kilalang nakatulong sa komunidad

Si Dr. Noel Cagape ay nakatira sa


General Santos City sa Mindanao, siya
ay hinahangaan at isang inspirasyon sa
karamihan dahil sa kanyang dedikasyon
sa pagbibigay ng libreng serbisyong
pangkulusugan lalo na sa mga taong
nakatira sa malayo

Pinarangalan siya bilang bayaning


Pilipino ng Gawad Geny Lopez Jr.
Bayaning Pilipino Awards

Si Rosa Rosal ay isa rin sa mga kilalang


tumutulong sa komunidad.
Siya ay nakilalabilang isang
boluntaryong miyembro ng Philippine
Red Cross.
Naglunsad siya ng mga kampanyang
kaugnay sa pagbibigay ng dugon a
naglalayong makatulong at mailigtas ang
mga taong may sakit at kailangang ma
Salinan ng dugo

Ginawaran siya ng Ramon Magsaysay


Award dahil sa kanyang patuloy na
pagtulong sa mga nangangailangang
mamamayan.

Si Von Hernandez ay isa sa mga


kilalang tumutulong sa ating komunidad
Siya ay nakilala sa buong mundo dahil
sa kanya, naitala ang pangalan ng
Pilipinas bilang kauna-unahang bans
ana nagbawal ng incineration o
pagsunog ng basura.
Noong 2003 ginawaran siya ng Gold
Man Environmental Prize.

Ano sa tingin niyo ang Non-Government


Bata 4: yan po ang
Organization (NGO) o mga pribadong
mga samahan na
samahan? tumutulong sa
komunidad.

Tama, ang NGO ay mga pribadong


samahan na tumutulong rin sa pagunlad
ng ating komunidad

Narito ang mga ilan sa mga pribadong


samahan na iyon o Non-Government
Organization:

A Chance for the Poor Foundation Inc.

Sinong nakakaalam sa inyo sa Bata 5: yan po ang


organisasyon na ito? samahan na
tumutulong sa
mahihirap.

Tama, ang Chance for The Poor Inc. ay


nagbibigay at tumutulong sa pang
medical at pang ospital na aspeto para
sa mga mahihirap. Nilalayon rin ng
organisasyon na ito ang magbahagi ng
kaalaman at kasanayang pangkalusugan
sa iba’t-ibang pangkat Etniko.

Isa pa sa organisayon na tumutulong sa


komunidad ay ang Food for the Hungry
Philippines Inc (FH Phil)
Bata 6: Sila po ang
Ano naman sa tingin niyo ang ginagawa nagbibigay ng
ng organisasyong ito?
pagkain sa mga
mahihirap.

Tama, ang Food for the Hungry


Philippines Inc. ay samahang
naglalayong hubugin ang mga bata
tungo sa Mabuti at magandang pag-
uugali. Ang mga programa nito ay
nakapokus hindi lamang sa kanilang
mga pangangailangang medical, malinis
na tubig, at pagkain.

Isa pa sa organisyon na tumutulong sa


Bata 7: sila po ay
komunidad ay ang Gawad Kalinga
Community Development Foundation nagbibigay ng bahay
Inc. sa mga mahihirap.

Ano naman sa tingin ninyo ang layunin


ng organisasyong ito?

Opo, tama ang organisasyong ito ay


nagbibigay pabahay, kabuhayan,
edukasyon at kalusugan.
Bata 8: sila po ay
Isa rin sa organisasyon na tumutulong
tumutulong sa pag-
sa komunidad ay ang Haribon
alaga sa ating likas na
Foundation for the Conservation of
Natural Resources Inc. yaman.

Ano naman sa tingin ninyo ang layunin


ng organisasyong ito?

Tama ang Haribon Foundation ay


samahang nakatuon sa pangangalaga
ng mga likas na katangian ng ating
komunidad sa pamamagitan ng
kahusayang pang-agham

Ang kanilang programa ay nakapokus sa


mga sumusunod:
Edukasyon at pagsasanay,
pangangalaga ng mga nasisirang
kagubatan, pananaliksik at
pangangalaga sa mga hayop.

Ito naman ang mga iba pang Gawain o


proyekto ng mga NGO:
 Pagawa ng bahay
 Pagbibigay ng serbisyong pang
kalusugan
 Pagtutulungan ng mga tao upang
mapanatiling malinis at tahimik
ang kapaligiran
 Pagtatayo ng kooperatiba para
sa pagsulong ng mga produkto
ng lalawigan at rehiyon.
 Pagtatayo ng kooperatibang
nagpapautang ng puhunan.
 Pagtuturo ng mga gawaing
mapagkakakitaan tulad ng pag-
gupit ng buhok at
pagmamanicure, pagawa ng
kandila at iba pa.
 Pagtuturo ng makabago at
wastong paraan upang maparami
ang pananim o alagang hayop at
pangingisda.
E. Paglalapat ng aralin
sa pang-araw-araw
na buhay Dapat ba nating kilalanin ang mga
tao at pribadong samahan na
nakakaambag sa pag-unlad ng
komunidad? Bakit?
F. Paglalahat ng aralin
Maraming tao ang tumutulong sa pag-
unlad ng ating komunidad, Sino-sino nga
ulit sila?
Bata 9: sina Efren
Peñaflorida, Roel
Cagape, Rosa Rosal,
at Von Hernandez po.
Tama, sila ay ilan lang sa mga taong
tumutulong upang mapaunlad ang ating
komunidad
Maraming organisasyon rin ang Bata 10: A chance for
tumutulong sa pag unlad ng ating the poor foundation
komunidad. Ano ano nga ulit ang mga
inc, Food for the
organisasyong ating nabanggit?
hungry Philippines
inc, Gawad Kalinga at
Haribon po.

Tama, magaling!
G. Pagtataya ng aralin

Panuto: Punan ang patlang ng 5-


tamang sagot.
4-
1. Si _________ ang
3-
gumagamit ng pushcart
classroom upang 2-
magturo sa mga bata.
1-
2. Si ________ ay
nakilalang bilang Bilang ng pagsusulit-
boluntaryong naging 5
miyembro ng Philippine
Red Cross. Bilang ng mga mag-
3. Noong ______ aaral-10
ginawaran si Von
Hernandez ng
Goldman
Environmental Prize.
4. Ang ______________
nagbibigay ng tulong
medikal at pang ospital
sa mga mahihirap.
Ang ____________ ay samahang
naglalayong hubogin ang mga bata
tungo sa mabuti at magandang pag
uugali.
H. Karagdagang I. Takdang Aralin
gawain para sa
takdang aralin at
Magbalik aral sa lahat ng paksang
remediation
tinalakay natin para sa ating unit test sa
susunod na martes

Prepared by:

MICHAEL JEROME B. PARDO


BEED 4B
Camarines Norte State College

Approved by:

KIM CIELO P. BUENAVENTURA


Instructor I
Camarines Norte State College

You might also like