You are on page 1of 2

LATO-LATO PATOK SA LAURELIANS

Ni Gian Raphael Molina

Upang mabigyan ng kasiyahan, stress reliever, nakakalibang at nakaka-aliw, yan ay ilan lamang sa mga
magagandang dulot ng paglalaro ng isang patok na laruan na sumikat sa paaralan ng President Jose P.
Laurel National High School, ang lato lato.

Bagamat may magagandag dulot ang paglalaro ng lato-lato, mayroon din namang hindi magandang
epekto tulad ng pagkakaroon ng pasa dahil sa patuloy na pagtama ng matigas nitong bola sa braso at
maging sa ilang bahagi ng katawan na maaari ring matamaan tulad ng dibdib at tiyan, maging ang tuhod
kapag naka-upo.

Ang lato-lato ay isang sikat na laruan na nagmula sa Estados Unidos at unang sumikat noong 1960 at
1970 at ito ay tinatawag na "Clackers" ngunit ito ay tinanggal ito dahil sa ilang insidente na nakukuha dito
tulad ng mga pasa at pagtama nito sa ilang bahagi ng katawan na nagdudulot ng mga malalalang injury.

Ang laruang ito ay muling sumikat noong nakaraang taon nang makita ang presidente ng Indonesia na
si Joko Widodo na naglalaro ng Lato-lato.

Ang Lato-lato ay gawa dati sa salamin ngunit ito ay pinalitan ng rubber dahil ang salamin ay madaling
mabasag.

Ayon sa isang mag-aaral na mula sa paaralan ng President Jose P. Laurel National High School na si
Darlene Pelayo na bukod daw sa Badminton ay may isa pa siyang pinagkaka-libangang laruan at ito ang
lato-lato.

Giit pa niya na habang siya daw ay naglalaro nito ay nagkakaroon siya ng kasiyahan dahil ito ay
nagiging daan niya ito upang mawala ang kanyang stress sa ibang bagay tulad ng paggagawa ng mga
takdang-aralin.

Dagdag pa niya na kaya ang laruang Lato-lato kinahihiligan ng nakararami dahil sa tunog na inihahatid
nito at ito rin ay may satisfying na galaw habang tumatakbog.
Ani pa niya na upang maisagawa ito ng maayos ay dapat pantay ang kamay at bola bago ito patalbugin
upang hindi raw ito tumama sa ating braso at para maiwasan din ang pagkakaroon ng pasa sa braso.
Siguraduhin din na may balanse at taktika tayo upang magawa ito ng maayos.

Ayon naman sa pag-aaral, ang paglalaro nito ay nagdudulot ng mga mabubuting epekto tulad ng
pagpapabuti ng koordinasyon, konsentrasyon at pasensya dahil ito ang kinakailangan upang magawa ng
maayos ang pagpapatalbog dito.

Ngunit meron din namang hindi magandang epekto tulad ng nakakaistorbong ingay nito at
pagkakaroon ng mga injuries dahil sa pagtama ng bola nito.

Samantala, maaari pa rin naman natin itong maging libangan at hilig kahit pa ito ay may masasamang
epekto sa atin.

kinakailangan lang ng ingat sa paggamit upang maiwasan ang mga injury na maaari nating matamo sa
paglalaro ng lato-lato. Ang lato-lato ay isang masayang laro ngunit maaari rin maging isang mapanganib,
dahil kung ikaw ay walang kasanayan sa paggamit nito ay maaaring masaktan at mauwi pa sa seryosong
usapan. Mabuti nang tayo ay mag-iingat upang aksidente ay maiwasan, ating iwasan at wag palalain ang
mga bagay-bagay na nagsisimula lang sa maliit na bagay tulad ng paglalaro ng lato-lato.

You might also like