Ang pang-aabuso laban sa mga kababaihan ay isang malaking isyu
sa lipunan lalong lalo na sa Pilipinas. Kasama dito sa pang-aabuso ang pisikal at emosyonal na pang-aabuso. Ang Pilipinas, upang mapigilan ang mga pang-aabuso na tulad nito, ay nagpatupad ng mga batas tulad ng RA 9262 Anti-Violence Against Women and Their Children Act upang protektahan ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso, Ito rin ay nagbibigay ng legal na suporta para sa mga biktima.
Pagkatapos Interbyuhin ang aking Ina, siya’y nagbigay ng 3 bagay
na gawin upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan, Una ay ang Magsalita. Sabi niya na kailangan mayroong “Freedom of Speech” ang mga babae at kausapin nang maayos ang lalaki sa relasyon. Pangalawa ay Manamit nang naaayon sa lugar upang maiwasan ang pag “catcall” at mga lalaki na tumitingin na mayroong masamang intensyon. Sa huli, Kumilos, huwag na huwag matakot na kumilos laban sa mga pang-aabuso,mag sumbong sa mga pulis upang magawan aksyon ang mga pang-aabuso.