You are on page 1of 1

Jan Pauline E.

Sioson Grade 9-Archimedes


“Ang Anti-Rape Law of 1997”
Isang batas na ipinatupad dito sa Pilipinas ay ang RA 8353 o mas kilala
bilang Anti-Rape Law of 1997. Ang RA 8353 ay isang batas na naglalayong
palawakin ang depinisyon ng krimen na pangagahasa. Sa katotohanan ay malaki
talaga ang naitulong ng batas na ito sa mga mamamayan ng Pilipinas.
Ang panggagahasa ay isang uri ng sekswal na panlulusob na karaniwang pagtatalik
(o iba pang gawaing penetrasyong sekswal) ang sinimulan laban sa isa o higit pang
indibidwal na walang pahintulot. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pisikal
na lakas, pamimilit, pang-aabuso sa kapangyarihan o laban sa taong hindi
makapagbigay ng pahintulot, katulad ng isang taong walang malay, baldado, o
wala sa tamang edad. Ang terminong panggagahasa ay tinatawag ding sekswal na
panghahalay. Ang mga nabibiktima ng panggagahasa ay hindi lamang mga babae,
ang mga lalaki ay nagiging biktima din ng panggagahasa sa bansang ito ngunit
malimit lamang natin na makita sa news ang mga ganitong pangyayari. Kaya nga
mabuti at naipatatag na ang batas na ito sapagkat maaari nang ireklamo ng mga
biktima ng panggagahasa ang kanilang mga perpetrators, at mabibigyan na ng
hustisya at nararapat na hatol ang krimen na ginawa ng mga suspek. Ang
panggagahasa ay hindi talaga makatarungan at makataong krimen, sadyang mga
tunay na masasama lang ang mga makakagawa nito sa mga inosenteng mga
mamamayan, bata man o matanda, lalaki man o babae. Nararapat lamang na
pinatupad ang batas na ito para sa kabutihang panlahat ng mga mamamayan.

You might also like