You are on page 1of 2

Abusong Sekswal (Kabanata III)

Ang pang-aabusong sekswal, o kilala rin sa tawag na pangmomolestiya, ay ang


pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na pag-uugali ng isang tao sa iba. Kung
ito ay agarang pamumwersa, ng maiksing durasyon, o madalang, ito ay tinatawag na
sekswal na panghahalay. Ang may-sala ay tinatawag bilang isang mang-aabusong
sekswal o (madalas na nakasisira) tagamolestiya. Ang kataga ay sumasaklaw din
sa anumang pag-uugali ng sino mang may sapat na gulang tungo sa isang bata upang
pasiglahin ang sino man sa dalawa ukol sa gawaing sekswal. Kung ang biktima ay mas
bata kaysa sa edad ng pagpapahintulot, ito ay tinutukoy na pang-aabusong sekswal
sa bata.
Maraming mga uri ng sekswal na pang-aabuso, kabilang ang:

Hindi-napahintulutang, sapilitang pisikal na sekswal na paguugali (panggagahasa at sekswal na panghahalay).

Hindi ninanais na paghawak o panghihipo, sino man sa isang bata o isang


matanda.

Sekswal na paghalik, panghihipo, pagpapakita ng ari ng lalaki o babae,


at pamboboso, pagtatanghal at hanggang sa sekswal na panghahalay.

Abusong Sekswal (Kabanata III)

Pagpapakita sa isang bata ng pornograpiya.

Pagsasabi ng mga mapagmungkahing salitang sekswal sa isang bata


(pangmomolestiya sa bata).

Kasama rin dito ang di-pinahihintulutang pananalitang sekswal na


pangangailangan tungo sa isang matanda.

Ang paggamit ng posisyon ng tiwala upang mamilit kung hindi man hindi
ginustong sekswal na aktibidad na walang pisikal na pamimilit (o maaaring
humantong sa tangkang panggagahasa o sekswal na panghahalay).

Insesto (tingnan din ang sekswal na paglihis).

Iba pang anyo ng sekswal na pang-aabuso.

Layunin ng pananaliksik na ito na magbigay alam sa mga naabuso at nangaabuso


ang maaaring maging bunga ng kanilang ginagawa o kanilang nararanasan. Nais naming
mga istudyante na buksan ang inyong isipan sa mga ganitong kaselang bagay. Hindi
lahat ng mga tao ay napagaaralan ang ganitong bagay. At hindi lahat ng tao
nabibigyan ng tsansang makapagaral tungkol sa ganitong kaselang bagay.

You might also like