You are on page 1of 11

ESP

Learning Area

School Grade FIVE


Level
LESSON Teacher Learning ESP
EXEMPLAR Area
Teaching Date Quarter THIRD/W1
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang


mag-aaral ay:

*Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na


kaugaliang Pilipino
*Naisasagawa ang mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino.
A. Pamantayang Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at
Pangnilalaman
pakikiisa sa anumang alituntuntunin at batas na
may kinalaman sa bansa at global na
kapakanan
B. Pamantayan sa Naipamamalas ang pagunawa sa
Pagganap
kahalagahan nang pagpapakita ng mga
natatanging kaugaliang Pilipino, pagkakaroon
ng disiplina para sa kabutihan ng lahat,
komitment at pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng kapaligiran
C. Pinakamahalagang 1. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na
Kasanayan sa
kaugaliang Pilipino (EsP5PPP-IIIa-23)
Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat
1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
ang 1. 2 tumutulong/lumalahok sa bayanihan at
pinakamahalagang palusong
kasanayan sa
pagkatuto o MELC) 1. 3 magiliw na pagtanggap ng mga
panauhin
2. Naisasagawa ang mga kanais-nais na
kaugaliang Pilipino.
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat
ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Taglay Na Kaugaliang Pilipino, Tanda Ng
Pagmamahal Sa Bansa
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES(MELC) MATRIX
Page 83
b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
https://lrmds.deped.gov.ph/
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Direct lnstruction
The TGA Activity
- Tell (Give guidance)
- Guide (Facilitate the process)
- Act (Apply the concept)
A. Introduction SUBUKIN
(Panimula)
Basahin mo ang mga pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang tsek (⎫) kung sangayon ka
sa pahayag at ekis (X) kung hindi.
__________ 1. Nakikilahok ako sa programa ng
aming barangay tulad ng paglilinis ng aming
kapaligiran at mga kanal.
__________ 2. Tumutulong lamang ako sa
nangangailangan kung mayroon itong kapalit.
__________ 3. Nakangiting sinasalubong ko sina
lolo at lola kung sila ay papasyal sa aming
tahanan.
__________ 4. Pinipili ko ang taong dapat
tulungan. __________ 5. Nagbibigay ako nang
walang pag-aalinlangan.

BALIKAN
Isulat ang K kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng kaugalian ng mga Pilipino at DK
kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______ 1. Pagtutulungan o bayanihan ng
bawat kasapi ng pamayanan.
_______ 2. Pagtangkilik sa mga produktong
banyaga. _______ 3. Pagtanaw ng utang na
loob.
_______ 4. Pakikiisa sa mga gawain tuwing
piyesta. _______ 5. Hindi paghahanda ng mga
prutas na bilog tuwing sasapit ang bagong
taon.
ARALIN
TELL
B. Development
HEALTH INTEGRATION
(Pagpapaunlad) Ang pagmamahal sa bansa ay isa sa mga
kaugalian nating mga Pilipino. Maipapakita
natin ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay
ng mga katangian, kultura at kaugaliang
kumakatawan sa ating mga Pilipino.
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at
samahan mo akong tuklasin ang hiwaga ng
bayanihan.
Bayanihan sa Panahon ng Pandemya
Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang
mga opisyales ng barangay sa pangunguna ng
kanilang kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang
proyekto ang kanilang napagkasunduang
gawin upang matulungan ang mga pamilya
na nawalan ng hanapbuhay dahil sa
pandemya. Naisipan ng kapitan na lumapit sa
mga maykayang mamamayan ng barangay
upang humingi ng donasyon na makatutulong
sa mga pamilyang naapektuhan ng
pandemya.
Marami ang tumugon sa naging proyekto ng
barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga
na nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas,
de lata at hygiene kit. Maliban sa kanila
marami pang may-kayang pamilya ang
nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing
proyekto dahil sa magandang adhikain nito.
Ipinapakita lamang nito na ang
pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat
isa ay tanda ng pagmamahalan at
pagmamalasakit sa kapwa. Naunawaan mo
ba ang maikling kuwento? Kung gayon, iyong
sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?
2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong?
3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon
para sa proyekto?
4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng
mga mamamayang nagbigay ng donasyon
para sa proyekto ng kanilang barangay?
5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon
kung ang pamilya niyo ay nakaluluwag din sa
buhay? Bakit?
MGA PAGSASANAY
GUIDE
Gawain 1 Panuto: Basahin mo ang mga
sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga
katanungan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel o kuwaderno.
C. Engagement
(Pagpapalihan)
1. May nakita kang batang gusgusin sa labas
ng Jollibee habang kayo ay kumakain.
Maraming pagkain ang nasa inyong mesa
sapagkat natanggap na ng iyong ina ang
kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo
mauubos ang lahat ng ito. Ano ang iyong
gagawin?
a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan
ng sobrang pagkain ang bata.
b. Iingitin ang bata habang kumakain ka
ng hamburger.
c. Hahayaan lamang siya na parang
walang nakita. d. Paaalisin ang batang
gusgusin upang hindi mo siya makita.
2. May nakita kang matandang babae na
naglalakad. May dala siyang mabigat na
bayong. Hirap na hirap siya sa pagbubuhat
papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang iyong
gagawin?
b. Lalampasan at hindi papansinin ang
matanda upang makauwi agad sa bahay.
b. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-
uwi mo.
c. Magalang na kakausapin ang matanda
na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang
bayong hanggang sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa
matumba siya.

3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat


dahil kaarawan ng anak nilang si Josh. May
batang babae na naliligo malapit sa kanila.
Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi
ng tulong. Namumulikat ang paa ng batang
babae kaya nahihirapan siyang lumangoy.
Ano ang posibleng gagawin ng pamilyang
Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa
malunod siya dahil hindi naman nila kaano-ano
iyon.
b. Sasagipin at tutulungan ang batang
nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
c. Sasabihan ang magulang ng bata para sila
ang sumagip sa kaniya.
d. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang
gawain.
4. Nadapa ang isang bata habang siya ay
tumatakbo. Ikaw lamang ang nakakita sa
kaniya dahil hindi matao ang lugar na iyon.
May dala kang first aid kit sa iyong bag. Ano
ang gagawin mo?
a. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto
mo nang umuwi sa bahay ninyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan
mo.
c. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang
lunas ang sugat na natamo sa kaniyang
pagkakadapa.
d. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.

5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa


naiwang bukas na lutuan o kalan. Ang bahay
ng iyong kaibigan ay nadamay sa sunog
samantalang hindi naman nadamay ang
inyong bahay. Sinabihan ka ng pamilya ng
iyong kaibigan kung maaaring makikitira muna
sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang
inyong magiging tugon ukol dito?
a. Isasarado ang pinto matapos marinig ang
pakiusap ng pamilya ng iyong kaibigan.
b. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong
bahay.
c. Sasabihin sa magulang na huwag silang
patuluyin sa inyong bahay.
d. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang
sa makaahon sila sa buhay.

Gawain 2
Lagyan ng (⎫) ang bilang ng pangungusap na
nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang
Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno o
sagutang papel ang iyong sagot.
__________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng
pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang kung may
kapalit. __________ 3. Tumulong nang kusang-
loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na
umuulit pa. __________ 5. Isinasapuso lagi ang
pakikipagtulungan sa kapwa.

Gawain 3
Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipagmamalaki ang mga natatanging
kaugalian nating mga Pilipino?

PAGLALAHAT
Likas sa ating mga Pilipino ang mga
natatanging kaugalian. Kilala tayo sa pagiging
matulungin sa ating kapwa ito’y kaugaliang
kanais-nais, magiliw na pagtanggap sa mga
panauhin, mapagmahal sa pamilya, pagiging
masayahin ay ilan lamang sa mga mabubuting
kaugaliang Pilipino. Lagi nating tatandaan na
ang pagtutulungan o bayanihan ay hindi natin
dapat makaligtaan kahit kailan. Sapagkat ito
ang magiging daan tungo sa kaunlaran ng
buong sambayanan.

Upang mas lalong mapalalim ang iyong pag-


unawa sa aralin na ito, punan ang graphic
organizer ng mga halimbawa ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino mayroon ang iyong
pamilya. Gawin ito sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.

PAGPAPAHALAGA

Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating


magagandang kaugalian at tradisyon.
Karamihan sa mga kaugaliang ito ay
nagpapakita ng pagiging isang mabuting
mamamayan. Tingnan ang mga larawan. Isulat
sa iyong kuwaderno o sagutang papel ang
bilang na nagpapakita ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit ito
ang iyong napili.

D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat)
ACT
AP INTEGRATION
Panuto: Iguhit ang masayang mukha (ϑ) kung
ang pangungusap ay nagpapakita ng kanais-
nais na kaugaliang Pilipino at malungkot na
mukha (☹) naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel. __________ 1.
Nagmamano sa magulang at nakatatanda
bilang paggalang.
__________ 2. Gumagamit ng “po” at “opo” sa
pagsagot sa mga nakatatanda.
__________ 3. Nagsisikap na tumulong sa abot
ng makakaya.
__________ 4. Inaasikaso at pinauupo ang mga
panauhin sa tahanan.
__________ 5. Handa akong tumulong sa aking
kapwa sa lahat ng pagkakataon.
__________ 6. Umiiwas sa mga gawaing
pambarangay. __________ 7. Lumalahok sa
mga gawaing magpapaunlad sa paaralan.
__________8. Nakikiisa at tumutulong sa mga
programang pangkalinisan at pangkapaligiran.
__________ 9. Umiiwas sa mga gawaing
pambayan. __________ 10. Hindi binibigyang
pansin ang mga taong nangangailangan ng
tulong.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like