You are on page 1of 7

Sinasabi na makikilala mo ang kultura ng isang lugar sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanilang mga

panitikan. Kaya naman, narito ang isang pabula mula sa Mindanao. Basahin, intindihin at busisihin ang
yamang angkin ng mga kapatid nating Muslim.

“Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti”


Pabula ng Maranao
Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale

Si Lalapindigowa-I (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. Mayroon siyang dalawang


asawa, sina Odang (Hipon) at si Orak (Itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya isang masipag
na magsasaka kundi isa ring tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang
dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa
ganoon ay hindi masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang
asawa na mula noon ay dadalhan na lamang siya ng pagkain sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan, nagsawa na sa paghahatid ng pagkain ang mga asawa ni
Lalapindigowa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si
Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba
hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay
naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Hindi sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto
rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay nagutom na sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa.
Pagkaraan ng ilang oras nang paghihintay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na
si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto. Galit siya sa mga asawang
tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito. Gutom na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang
kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid
niyang wala nang mga asawang magluluto ng pagkain para sa kanya.

Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Ang mga salitang nakadiin (bold) sa pabulang binasa ay mga halimbawa ng pang-ugnay.
URI NG PANG-UGNAY
1. Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o
panghalip sa ibang salita sa pangungusap. MGA HALIMBAWA: sa, para sa, para kay, ayon,
tungkol sa, kina, at na may.
Halimbawa:
Ang kanyang nilutong tinola ay para sa kanyang asawa at mga anak.
Mga Gamit ng Pang-ukol:
A. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa: Ang cellphone ni Coby ay makikita sa loob ng bag.
B. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang bagong biling damit ay para kay Lina.
C. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Ang talumpati ng bagong halal na Pangulo ay para sa lahat.
2. Pang-angkop -ito ang nag-uugnay sa salitang panuring at tinuturingan gaya ng na,ng at g.

A. na - inilalagay sa pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauugna'y nagtatapos sa


katinig. Isinusunod sa mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa; Halimbawa : Masarap na lutong
bahay, malinis na paligid, masinop na kapatid, matatag na pamilya, marangal na tao.

B. ng - ikinakabit ito sa salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u). Ikinakabit sa nauunang salitang
nagtatapos sa patinig sa magkasunod na salitang inilalarawan at naglalarawan.
Halimbawa : bago+ng bayani - bagong bayani,
maganda+ng binibini- magandang binibini

c. g - ikinakabit sa mga salitang nagtatapos sa letrang n.


Halimbawa : bayan+g magiliw - bayang magiliw,
mahinahon+g pakikipag-usap- mahinahong pakikipag-usap
3. Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay
sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. MGA
HALIMBAWA: at, pati, kung, saka, upang, ni, maging, sana, subalit, dahil sa, ngunit, at sapagkat.
Mga Gamit ng Pangatnig:
A. Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa: Ang langis at tubig ay di maaring mapagsama.
B. Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa: Paglalabada at paglilinis ng bahay ang dalawa niyang hanapbuhay.

Uri ng Pangatnig
1. Panimbang- nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay gaya ng at, saka, pati, ngunit,
maging, datapuwat, at subalit.
Halimbawa: Gusto niyang bumili ng kotse, ngunit kulang ang kaniyang pera.
2. Pantulong-nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay tulad ng kung, kapag, upang,
para, nang, sapagkat, at dahil sa.
Halimbawa: Kayod kalabaw siya, para makabili ng lupa at bahay.
3. Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan,
magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan. Ang mga pantuwang na pangatnig ay ang
at, saka ,at pati.
Halimbawa: Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Mario sa namayapa niyang mahal sa buhay.
4. Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba
sa dalawa omahigit pang bagay okaisipan.
Halimbawa:Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi niya ninais ang buhay na mayroon ang kanyang
iniidolo. 
5. Paninsay o Pasalungat –kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang
ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, at subalit.
Halimbawa: Dadalo raw siya kahit masama ang kanyang pakiramdam.
6. Panubali – kung may pag- aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka,
pagkat, kapag, sakali.
Halimbawa: Lalong hihirap ang iyong buhay kung araw-araw kang nakatihaya.
7. Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay
inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?”Ang mga salitang ginagamit
ay:dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.
Halimbawa: Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa di siya masyadong nakatulog kagabi.
8. Panlinaw – kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay:samakatuwid, kaya,
gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.
Halimbawa: Samakatuwid, ang palasak na kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ay gintong aral na nagsisilbing paalala sa lahat.
9. Panulad – ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad.
Halimbawa:Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin. 
10. Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadya ng nalalapit
na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay: upang, nang, at sa wakas.
Halimbawa: Sa wakas, ang Pilipinas ay ganap ng malaya. 

Ang mga nabanggit na pang-ugnay ay ginagamit sa pagpapahayag higit na lalo sa pagsulat ng isang
editoyal.

Paano Sumulat ng isang Kilalang Editoryal


Ang isang editoryal ay isang artikulo na naglalahad ng opinyon ng isang grupo sa isang isyu. Ito ay
naglalaman ng isang argumento na sinusubukang hikayatin ang mga mambabasa na sumang-ayon tungkol sa
isang kasalukuyan at kontrobersyal na isyu.

Mga Hakbang

1. Piliin ang iyong paksa at anggulo. Ang mga editorial ay idinisenyo upang maimpluwensyahan ang
opinyon ng publiko, itaguyod ang kritikal na pag-iisip at, paminsan-minsan, gawin ang mga tao na kumilos
sa isang partikular na paksa. Ang paksa ay dapat maging kasalukuyan, kawili-wili at magkaroon ng isang
layunin. Ito ay maaring mapabilang sa 4 na uri ng editoryal:

A. Nagpapaliwanag o nagpapakahulugan. Ginagamit ang format na ito upang maipaliwanag kung


paano at kung bakit ang posisyon ng pahayagan o magazine sa isang kontrobersyal na paksa.

B. Kritikal. Ang format na ito ay pumupuna sa mga aksyon o desisyon na ginawa ng mga third party
bukod sa pag-alok ng mga solusyon para sa mga pagpapabuti. Naghahain ito nang higit pa upang
bigyan ng babala ang mga mambabasa.

C.Pagpupursige. Ginagamit ang ganitong uri upang makuha ang mambabasa na kumilos, na nakatuon
sa mga solusyon, hindi ang problema.

D. Pagpupuri. Ginagamit ang format na ito upang ipakita ang suporta para sa mga tao at samahan sa
pamayanan na nagawa ang isang bagay na kapansin-pansin.

2. Ituro ang iyong mga katotohanan nang direkta. Ang isang editoryal ay isang halo ng mga
katotohanan at opinyon: hindi lamang ang opinyon ng manunulat, kundi ang opinyon ng kanyang buong
koponan. Ang iyong koleksyon ng mga katotohanan ay dapat isama ang setting ng pananaliksik at layunin.
Ang isang mahusay na pagbubukas editoryal ay kailangang maglaman ng hindi bababa sa isang "punto ng
paglilinaw" na maaaring inilarawan bilang "isang bago at orihinal na pagmamasid". Samakatuwid, mangalap
ng mga katotohanan mula sa iba't ibang mga mapagkukunan, itinuro ang mga pattern, maiwasan ang mga
kahihinatnan, o pag-highlight ng mga bahid sa kasalukuyang mga pagsusuri.

3. Panatilihin ang isang friendly na kapaligiran. Karaniwan, ang mga editor ay mabilis at
nakakaengganyang pagbabasa. Hindi dinisenyo ang mga ito upang gawin ang pakiramdam ng average na
mambabasa.. Siguraduhin na ang editoryal ay hindi masyadong mahaba o esoteric.Layunin upang sumulat sa
pagitan ng 600-800 mga salita. Anumang bagay na mas malaki kaysa sa maaaring gawin ng mambabasa na
talikuran ang teksto. Ang isang maikli, maliksi at matindi na gawain ay mas nakakaakit kaysa sa isang
napakalaking pananalita.

4. Tanggalin ang jargon. Ang iyong mga mambabasa ay binabasa ang iyong artikulo para sa
impormasyon sa isang bagay na nais nilang maunawaan; gamit ang mga tiyak na teknikal na termino o
jargon ay maaaring biguin ang mambabasa, na ginagawang mahirap basahin ang artikulo. Isaisip ang isang
karaniwang minimum na denominador.

5. Simulan ang iyong editoryal sa isang bagay na katulad ng pahayag ng tesis. Ang pagpapakilala -
ang una o ang unang dalawang talata - ay dapat maakit ang pansin ng mambabasa. Maaari kang magsimula
sa isang malalim na tanong, isang quote, o maaaring buod ang nais ng iyong editoryal.Sabihin nang malinaw
ang iyong argumento. Ang natitirang bahagi ng iyong editoryal ay susuportahan ang iyong opinyon. Gawing
epekto ito hangga't maaari. Gayunpaman, sa paggawa nito, huwag gumamit ng panghalip na "I" -
binabawasan nito ang lakas at kredibilidad ng trabaho at tila hindi impormal.

6.Sundin gamit ang isang layunin na paliwanag ng isyu. Ang pagpapaunlad ng iyong trabaho ay
dapat ipaliwanag ang problema sa objectively, sa isang katulad na paraan sa pamamahayag, na itinuturo
kung bakit mahalaga ang sitwasyon para sa mambabasa o para sa komunidad sa kabuuan. Isama kung sino,
ano, kailan, saan, bakit at paano. Takpan ang lahat ng iyong mga bahid at ituro ang mga katotohanan o mga
quote mula sa mga may-katuturang mapagkukunan. Tinitiyak nito na ang bawat mambabasa ay may isang
pangunahing kaalaman sa paksa.

7. Ipakita muna ang tapat na argumento. Siguraduhing kilalanin ang mga pangkat na sumasalungat
sa iyo, kung hindi man ay magiging malabo ang debate. Sabihin ang kanilang mga opinyon nang
objectively, gamit ang tumpak na mga katotohanan o quote. Huwag gumamit ng slang.Mahalagang ipahayag
ang mga positibong bagay sa kabaligtaran, kung sila ay totoo. Ipinapakita nito na isinasaalang-alang mo ang
mga moral at nagbibigay ng isang balanseng pagtingin. Kung napapabayaan mo ang mabuting panig ng
oposisyon, ang editoryal ay magiging hindi maayos at bias. Bigyan ang isang pagtutol sa isang tunay na
argumento. At isang malakas. Wala kang makukuha sa pamamagitan ng pagtanggi sa isang mahina na
argumento. Linawin ang paniniwala ng oposisyon at kung ano ang ipinagtatanggol nito.

8. Ilahad ang mga kadahilanan / katibayan sa isyu". Simulan ang seksyon na ito ng isang paglipat,
malinaw na dumadaloy mula sa kanilang argumento sa iyo. Gumamit ng mga katotohanan at quote mula sa
iba na sumusuporta sa iyong opinyon.Magsimula sa malakas na mga kadahilanan na lumalakas lamang.
Huwag makaramdam ng limitado sa mga umiiral na opinyon - idagdag din ang iyong sarili. Anuman ang
iyong mga kadahilanan, siguraduhing manatili sa isang tabi ng pag-uusap.

9. Ipakilala ang iyong solusyon. Iba ito sa pagturo ng mga dahilan at katibayan. Kung naniniwala ka
na mali ang pagputol ng badyet ng depensa, alin sa ibang departamento ang iyong hinahangad na gupitin?
Ang pagturo ng mga solusyon ay kinakailangan upang matugunan ang problema. Kailangang maging
malinaw, makatuwiran at magagawa ang iyong solusyon. Hindi ito maaaring lumabas mula sa isang
vacuum. Bilang karagdagan, kailangan niyang maging kaakit-akit.Sa isip, ang iyong mga mambabasa ay
malamang na kumilos sa impormasyon at mga sagot na iyong ibinigay.

10. Ikumpirma ang iyong editoryal sa isang malakas na paraan. Ang isang kamangha-manghang
pahayag ay maaaring markahan magpakailanman sa isip ng mambabasa. Gumamit ng mga panipi o isang
katanungan na magpapaisip ng maraming mambabasa (Hal.: Kung hindi tayo mag-aalaga sa kapaligiran,
sino ang gagawa?)Magtapos sa isang malakas na buod: maaaring mayroon kang ilang mga mambabasa na
simpleng nag-scan ng iyong trabaho. Sa kabuuan, dapat iwanan ng iyong madla ang buod na pakiramdam na
mas alam at malamang na gumawa ng isang bagay.

Halimbawa: EDITORYAL - Kapayapaan at Pagbabago


(Pilipino Star Ngayon July 26, 2016 - 12:00am

“LAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan o katahimikan– hindi nang katahimikan para sa mga
patay kundi katahimikan para sa mga buhay,” sabi ni President Rodrigo Duterte kahapon sa kanyang unang
State of the Nation Address (SONA). Tumagal ng isang oras at kalahati ang pagsasalita ng Presidente na
unang napabalita na 30 minuto lang tatagal. Maraming isiningit si Duterte sa kanyang talumpati katulad
nang simpleng pagpapatawa na nagdulot naman ng kasiyahan sa mga bisita.

Dapat nang wakasan ang karahasan at tamasahin na ang sarap ng kapayapaan. Inihayag ni Duterte
kahapon ang unilateral ceasefire sa mga rebelde. Sana raw, ganito rin ang gawin ng mga rebeldeng
komunista. Sabi pa ng Presidente, nakatakda na ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde sa susunod na
buwan na gagawin sa Norway.

Maganda ang hakbang na ito ni Duterte. Ang pagkakamit ng kapayapaan ay dapat nang magkaroon ng
puwang upang umusad ang bansa at tuluyan nang umunlad. Kapag nagkaroon ng positibong resulta ang
usapang kapayapaan laban sa mga rebeldeng komunista, mahihikayat na ang investors na maglagak ng
kanilang puhunan sa bansa. Wala na silang katatakutan para dito sa Pilipinas magnegosyo. Ang resulta nito
ay ang pag-angat ng ekonomiya at maraming mahihirap na pamilya ang makikinabang. Wala nang
magugutom at wala nang gagawa nang krimen. Ang kahirapan ang ugat ng krimen.

Nararapat namang tuparin ng Duterte administration ang naunang pangako na susugpuin ang
kriminalidad at ang pagkalat ng bawal na droga. Tiyakin na wala nang drug lords sa bansang ito sa loob ng
anim na buwan. Ipatupad din ang madaliang pagkuha ng mga papeles at anumang dokumento na hindi na
pipila. Wakasan na ang contractualization at ganundin naman ang bawas tax sa mga karaniwang
manggagawa.

Kapayapaan at pagbabago ang mensahe ni Duterte kahapon. Aabangan ng mamamayan ang mga
pangakong ito.

Maliban sa pagsulat ng isang editoryal, and pang-ugnay ay maari ring gamitin sa pagbuo ng isang
hinuha. Ano nga ba ang paghihinuha?

Ang hinuha o inference sa Ingles ay ang pagbuo ng matalinong palagay sa mga inaakalang
mangyayari, nangyayari na o nangyayari pa batay sa sitwasyon, kuwento, o nakalap na impormasyon.
Ang pagbibigay hinuha ay nakasalalay sa pagbuo ng malawak na kaalaman at pag-unawa ng mambabasa sa
binasa o napakinggang kwento.

You might also like