You are on page 1of 18

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM


OUTCOME-BASED EDUCATION

4
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

ENTREPRENEURSHIP/ICT

LEARNING QUARTER 1
MODULE WWEEK 66

0
MODYUL SA
EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN 4
KWARTER I
LINGGO 6
ARAW 1-5
Ang Computer File System
Pangangalap ng Inpormasyon sa
Website

1
PPaunang Salita

Ang modyul na ito ay pinagtulungang binuo at tinaya ng mga guro mula sa


pribado at pampublikong paaralan para matulungan ang mga guro na
makamit ng mga mag-aaral ang mga pamantayan itinalaga ng K-12 na
kurikulum at ibinatay sa MELC.

Ito rin ay naglalayong gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng


mga kasanayan pansarili sa tamang oras at panahon na naaayon sa
kanila.Isa pa, naglalayon din itong tulungan ang mga mag-aaral na
makamit ang mga kinakailangang kasanayan sa 21st century habang
binibigyang konsiderasyon ang kanilang pangangailangan at kalagayan.

Bilang isang taga-gabay, ikaw ay inaasahang na tulungan ang mga mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul. Kailangan din na subaybayan ang
pag-unlad ng mga mag-aaral habang pinapahintulutan sa kanilang sariling
pagkatuto.

2
Para sa Mag-aaral:
Masayang pag-aaral sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan sa mga aralin na “ Ang Computer File System”
Ang modyul na ito ay linikha para ikaw ay mabigyan ng saya at
makabuluhang pagkakataon para sa iyong pansariling pagkatuto sa iyong
sariling oras at panahon.
Ikaw ay inaasahang ding ingatan at gamitin ang modyul na ito sa
iyong sariling pag-unlad.

ALAMIN

Ang modyul na ito sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan ay ginawa at linikha para sa mga mag-aaral sa ika-apat
na baiting. Ito ay gagamitin upang matulungan ang mga mag-aaral sa
kanilang sariling pagkatuto sa mga kasanayan at kaalaman.
Ito ay ibinatay sa mga Learning Competencies na makikita sa
Curriculum Guide at Most Essential Learning Competencies. Naglalaman
din ito ng mga kasanayan at pagsubok upang mataya ang natutunan ng
mga mag-aaral.
Sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng computer file system.
2. Nakangangalap ng inpormasyon gamit ang websites.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin.
 Aralin 1 – Ang computer file System

3
SSUBUKIN

Sa bahaging ito, subukan mong sagutin ang sumusunod na


pagsubok upang malaman kung may nalalaman ka tungkol sa aralin

A. Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang kaisipan, Mali naman kung
hindi.
1. Ang computer file system ay ang paraan ng pagsasaayos ng ng files.
2. Ang USB ay isang halimbawa ng storage devices.
3. Ang soft copy ay ang elektronikong files na mabubuksan gamit ang com
puter at application software.
4. Lahat ng files sa computer ay may file name.
5. Ang video files ay kinapapalooban ng mga files na pinapanood.
B. Lagyan ng tsek( / ) kung ginagamit sa pag-iimbak ng files at ekis (x)
kung hindi.

_____1. ______2.
https://www.google.com/search?q=celphone +clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjrkqqtku3rAhVJ3JQKHcu0BBEQ2-
cCegQIABAC&oq=celphone+clip +art&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzICCAAyBggAEAoQGDoHCCMQ6gIQJzoE
CCMQJzoECAAQQzoHCAAQsQMQQzoGCAAQBRAeOgQIHhAKULHRAljKiANgqJMDaANwAHgAgAHUAYgB8xOSAQYwLjE3Lj
GYAQCgAQGwAQXAAQE&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=fb1hX6vgN8m40wTL6ZKIAQ&bih=672&biw=360&client=ms-
android-opprev1&prmd=isnv#imgrc=b2pDYKs6ANSG5M&imgdii=lZNnnC4aZme7cM https://www.google.com/imgres?im gurl=https%3A%2F%2Fupload.wikimedia.org%2Fwikipedia%2Fcommons%2F
thumb%2F1%2F17%2FSanDisk-Cruzer-USB-4GB-ThumbDrive.jpg%2F1200px-SanDisk-Cruzer-USB-4GB-
ThumbDrive.jpg&imgr efurl=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FUSB_flash_drive&tbnid=GLsaL5PrIymz
VM&vet=1&docid=4OLNdBaliwuxOM &w=1200&h=697&hl=en-US&source=sh%2Fx%2Fim&fbclid=IwAR2UNns0ri-
gXvW18A59XMTAgdUp-Ph2yhnUuhDf3qcyoAhRs59XBoLumq4

_____3. https://www.google.com/search?q=g ame%20controller&tbm=isch&chips=q%3Agame%20controller%2Cg_1%3Aclip%20art%3ACQojm-KV46w%3D&client=ms- android -oppo-


rev1&hl=en&s a=X&v ed=2ahUKEwjE3rKukO3rAhUD15QKHSyjBOsQ4lYoAHoECAEQCQ&biw=360&bih=672&fbclid=IwAR2UNns0ri- gXvW18A59XMTAgdUp-
Ph2yhnUuhDf3qcyoAhRs59XBoLumq4#imgrc=W12fZ40CV1sfYM

______4. https://www.google.com/imgres?imgurl=https://listimg.pinclipart.com/picdir/s/8 -83287_computer-clipart-headphone-gadgets-


drawing-easy-png-download.png&imgrefurl=https://www.pinclipart.com/pindetail/bRmiT_computer -clipart-headphone-gadgets-
drawing-easy-png-
download/&tbnid=KkMUReEZ2wkFFM& vet=1&docid=Bbtqj5tzzJo53M&w=320&h=296&source=sh/x/im#imgrc=Kk MUReEZ2wkF
FM&imgd ii=42dlCstXt377RM
______5. https://ww
https://www.google.com/search?q=usb&rlz=1C1PRFI_enPH811PH811&source=lnms&tbm=isch&sa=X& ved=2ahUKEwi6kOjR
4-zrAhWOBogKHeM7AU4Q_AUoAXoECBkQAw&biw=1536&bih=754#imgrc=GLsaL5PrIymzVM

4
ARALIN ANG COMPUTER FILE SYSTEM

TUKLASIN

Tingnan ang larawan at basahin ang susunod na talata.


Ang Masinop na si Martha

https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png- clipart-befky?fbclid=IwAR2UNns0ri-gXvW18A59XMTAgdUp-Ph2yhnUuhDf3qcyoAhRs59XBoLumq4

Masinop na mag-aaral si Martha. May kani-kaniyang lalagyan ang


lahat ng kanyang gamit sa pag-aaral. Maayos na nakalagay sa kaniyang
mesa ang kaniyang mga aklat. Mayroon din siyang kahon para sa kaniyang
mga gamit na panulat , pangguhit, pangkulay at iba pa.
 Paano naisasaayos nang mabuti ni Martha ang kaniyang mga gamit
sa pag-aaral?
 Bakit mahalaga ang maging masinop sa mga gamit sa pag-aaral ?
 Paano naman kaya maisasaayos ang files sa computer?

5
SSURIIN

ANG COMPUTER FILE SYSTEM


Ang computer file system ay ang pagsasaayos ng files at datos sa
computer sa paraan na madali itong mahanap at ma access. Ang mga hard
disk, CD-ROM/DVD ROM, flash drives, at iba pa ay mga storage devices o
imbakan na maaring gamitin upang maingatan ang kopya ng mga files.

https://www.google.com/imgres?im gurl=https%3A%2F%2Fupload.wikimedia.org%2Fwikipedia%2Fcommons%2Fthumb%2F1%2F17%2FSanDisk-Cruzer-USB-4GB-
ThumbDrive.jpg%2F1200px-SanDisk- Cruzer-USB-4GB-
ThumbDrive.jpg&imgr efurl=https%3A%2F%2Fen.wikipedia.org%2Fwiki%2FUSB_flash_drive&tbnid=GLsaL5PrIymzVM&vet=1&docid=4OLNdBaliwu xOM &w=1200&h=697&hl=en-
US&source=sh%2Fx%2Fim&fbclid=IwAR2UNns0ri-gXvW18A59XMTAgdUp- Ph2yhnUuhDf3qcyoAhRs59XBoLumq4

https://www.google.com/imgres?im gurl=https://media.gcflearnfree.org/ass ets/content/computerbasics/12/file8_explorer_open.jpg&imgrefurl=https://edu.gcfglobal.org/en/computerbasics/getting-to- know-the- os/1/&tbnid =d7mcPQg2llZ05M&vet=1&docid=HgYccIcs58ljkM &w=730&h=461&source=sh/x/im


https://www.groovypost.com/howto/download-iso-olde r-versions-windows-10-iso-files/

Mga soft copy ng files ang inaayos at iniimbak sa computer file system.
Mayroon dalawang uri ng files- ang softcopy at ang hard copy.
 Soft copy- Ito ang elektronikong files na mabubuksan gamit ang com-
puter at application software. Maari itong maging word document ,
spreadsheet, presentation, mga litrato, at mga audio at video files
 Hard copy – ito ang dokumento o imaheng nakasulat o nakaimprenta
sa papel.
Lahat ng files sa computer ay may file name. Ang file name ay ang file
name na ginagamit upang madaling malaman ang isang computer file na
nakasave . Ang mga file ay maari isave sa mga folder at sub-folder.
Naisasaayos ang pag save ng files at napapadali ang paghahanap kung
kakailanganin itong muli.
Ang computer file address ang kumpletong pathway kung saan makikita

6
ang naka- save na file. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi.

C:/Users/neo/Documents/PERSONAL FILES/ Exercise for a Healthy

Device Directory/folder File Name

 Device – Ito ang hardware device o drive( local disk, Universal Serial
Bus (USB) flash drive, atbp.) kung saan nakasave ang file
 Directory o folders- Ito ay particular na lalagyan ng mga files. Maari
itong magkaroon ng mga subfolders, base sa uri ng file.
 File name – ang natatanging pangalan ng isang computer file
 File extension – tumutukoy sa uri ng computer file.
hal. Microsoft word(.doc o .docx) Microsoft Excel (.xls o .xlsx) at
Microsoft power point presentation( .ppt o .pptx)

Mga Uri ng Files


May ibat- ibang uri ng files na maaring I-save sa computer.
1. Document files – ( mga files na gawa sa pamamagitan ng software pa-
ra sa word processing, electronic spread sheets, desktop publishing at
iba pang productivity tools)
2. Image files
3. Audio files
4. video files
5. Program files

7
A. Paggawa ng Folder
1. I-on ang iyong computer.
2. I- click ang start button na makikita sa taskbar at piliin ang Documents.
3. I- click ang Organiize button na makikita sa tool bar sa itaas, at kaliwa
screen.
4. I- click ang New Folder . Pansinin na magkakaroon ng bagong folder.
Kung di makita ang organized button , i- click ang New Folder na makiki-
ta malapit sa organized button.
5. I- type sa kahon sa ilalim ng folder ang iyong pangalan o pangalan ng
iyong grupo . Ito ang magiging folder name.
6. I- press ang enter sa keyboard.

B. Paggawa ng Subfolder
1. Buksan ang ginawang folder sa pamamagitan ng double click o pag click
dito ng dalawang beses.
2. Gawin ang hakbang 4 at 5 sa A upang makagawa ng subfolder sa loob
ng folder na una mo ginawa.
3. Tingnan na magkakaroon muli ng bagong folder. lagyan ito ng pangalan
o file name.
4. I- press ang Enter sa keyboard.

8
C. Pag save ng File sa Folder at Subfolder
1. I- click ang Start button na makikita sa task bar at piliin ang All Prog-
rams.
2. I-click ang Accessories folder at piliin ang Note pad
3. Magbubukas ang Notepad application.Ang Notepad ay isang text editing
na kasama sa Microsoft Windows. Puwede itong gamitin sa paggawa ng
web pages gamit ang html coding.
4. I- click ang File option na makikita sa menu bar ng Notepad window.
5. Piliin ang Save As command.
6. Bubukas ang Save As dialog box.I- type sa Filename box ang Sample
File.
7. Sa kanang bahagi ng dialog box, hanapin ang sariling folder naka-save
sa Documents folder. I- double click ang folder at i- double click din ang
folder upang mabuksan.
8. I- click ang Save button.
9. Tiyakin nai-save nang tama ang file.

D. Pag- Copy at Paste ng File sa Folder


1. I- click ang Start button na makikita sa taskbar.
2. I-click ang Pictures folder.
3. Bubukas ang Pictures folder.Pumili ng larawan sa Sample Pictures
folder.
4. I-click ang Organize buttonna makikita sa menu barng folder.
5. Piliin ang Copy. Ginagamit ang Copy command upang gumawa ng iba

9
pang kopya ang isang file.
6. Buksan ang folder sa loob ng iyong main folder. I- click muli ang Orga-
nize sa Menu bar at piliin ang Paste. Ang Paste command ay ginagamit
upang ilagay ang kinopyang file sa folder na nais paglagyan.

7. Magkakaroon ng kopya ng larawan sa loob ng subfolder.

E. Pag- Delete ng File


1. Buksan ang subfolder
2. I- click ang larawang naka- save.
I- click ang Organize button na makikita sa Menu bar ng folder at piliin
ang Delete command. May lalabas na dialog box na may tanong kung
sigurado kang gusto mong i-delete ang file. I-click ang ‘Yes” kung sigu-
rado ka na o ang “No” kung hindi mo ito gusto burahin.
3. Kapag na-delete na ang larawan, mawawala ito sa folder at mapupunta
ito sa Recycle Bin kung saan maaari mo itong i-restore kung nais mong
ibalik ito sa folder.

10
PAGYAMANIN

A. Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Ilagay


ang tsek(/) kung kaya nang gawin ang mga kasanayan at ekis ( x ) naman
kung hindi.
Kasanayan / Kaalaman (/ ) o ( x)
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng computer file system
2. Nakakagawa ng folder at subfolder
3. Nakakapag- save ng file folder
4. Nakakapag- delete ng di kailangang folder o file
5. Naisasaayos ang files gamit ang computer file system

B. Isulat ang Tama kun ang kaisipan ay wasto at Mali kung ito ay hindi
wasto.
1. Ang mga documents o imahe na nakaimprenta ay tinatawag na soft
copy.
2. Ang ibig sabihin ng USB ay Universal Saving Bus.
3. Ang filename ay ang natatanging pangalan ng file.
4. Tumutukoy sa uri ng file ang file extension.
5. Ang dapat i-click kung magsave ng file ay delete.

ISAISIP

Ang files sa computer ay dapat na maisaayos at mai-save upang


madali itong ma- access. Kailangang bigyan ng isang angkop at
natatanging filename ang bawat isa at mai-save ito sa tamang folder o
subfolder. Maari din magdelete ng mga folder o file na hindi kailangan
upang makatipid ng espasyo sa storage device.
11
Ang computer file system ay isang sistema na dapat matutuhan upang
maisaayos ang mga nagawang dokumento at ang impormasyong
nakokolekta.

ISAGAWA
Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa paggawa ng folder ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod. Gumamit ng bilang 1-6

PAGGAWA NG FOLDER
____I-click ang start button.
____I-on ang computer
____I-click ang New folder
____I-click ang enter
____I- click ang organize button
____I-type sa loob ng kahon sa ilalim ng folder ang file name ng folder

12
PAGTATAYA

A. Panuto: Isulat ang salita na tinutukoy . Pumili sa mga salita na nasa loob
ng kahon.

USB hard copy file name delete file extension

1. Nagsasabi kung anong uri ng file ang nasa folder.


2. Ito ang ginagawa kapag gusto alisin o burahin ang isang file.
3. Ito ang natatanging pangalan ng isang file.
4. Isang kagamitan para sa pag-save ng inpormasyon sa isang file folder.
5. Tumutukoy sa mga nakaimprentang mga dokumento.

B. Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa kuwaderno.


1. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga compu-
ter files at datos para madali itong mahanap.
A. Computer file System B. File format
C. File name D. Soft Copy
2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating
computer at application software.
A. Device B. Hard Copy
C. Folder D. Soft Copy

13
3. Ang bukod-tanging pangalan na ibinibigay sa isang computer file na
naka-save sa file system.
A. Device B. Directory
C. File location D. File name
4. Tumutukoy ito sa uri ng computer file.
A. File extension B. File host
C. File location D. File name
5. Paraan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system
para madali itong ma-access kung kinakailangan.
A. I- on ang computer.
B. I-click ang new folder
C. I-click ang file sa computer
D. Bigyan ng file name na madaling tandaan at kaugnay sa dokumen-
tong ginawa.

14
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Sumulat ng maikling talata na may binubuo ng 5 hanggang 10


pangungusap na may pamagat na “ Ang Kahalagahan ng Computer File
System”

Ang Kahalagahan ng Computer File System

____________________________________________________________
____________________________________________________________

References:
Samadan, Eden F., et al Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan.2015.Vibal Group, Inc 2015
Andre Da Costa. “How to Download ISO Files or Reinstall Files for Older
Versions of Windows 10.” GroovyPost, 16 Aug. 2017,
www.groovypost.com/howto/download-iso-older-versions-windows-10-iso-
files/. Accessed 21 Sept. 2020.

15
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin
A. 1. Tama B. 1. /
2. Tama 2. /
3. Tama 3. x
4. Tama 4. x
5. Tama 5. x

Pagyamanin
A. Ang pagwawasto ay batay sa sagot ng bata ayon sa kakayahan
B. 1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Mali
16
Isagawa Pagtataya
1. 2 A.1. file extension B. 1. A
2. 1 2. delete 2. D
3. 4 3. file name 3. D
4. 6 4. USB 4. A
5. 3 5. hard copy 5. D
6. 5

17

You might also like