You are on page 1of 13

1

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 10

Unang Markahan

Sheila Mae B. Sagadal


Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tunay na gamit ng
Pangnilalaman kalayaan.
Nakakagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang
Pamantayan sa maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa
Pagganap tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
3.2. Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na
Kasanayang gamit ng kalayaan.
Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran:
Mga Layunin Nailalarawan ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay
na gamit ng kalayaan;
3.2. Natutukoy ang mga b. Pandamdamin:
pasya at kilos na
tumutugon sa tunay na
nagagamit ang disiplina sa sarili upang makatugon sa tunay
gamit ng kalayaan. na gamit ng kalayaan; at
c. Saykomotor:
nakabubuo ng collage na tampok ang mga pasya/kilos na
tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan.
Paksa Ang Tunay na gamit ng Kalayaan

3.2. Natutukoy ang mga


pasya at kilos na
tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan
Pagpapahalaga Disipilina sa Sarili (Moral Dimension)

Sanggunian
1. Bohol Island State University. ESP 10 Quarter 1 LM- Alearning
module for EsP 10. (2015). Studocu. 71-77.
https://www.studocu.com/ph/document/bohol-island-state-
2

university/bsed-filipino/esp-10-quarter-1-lm-a-learning-
module-for-esp-10/14334332.

2. Catoto, J. (2022, January 4). Woman on relief mission falls ill,


fellow good samaritans rescue her. Rappler.
https://www.rappler.com/nation/woman-relief-mission-falls-
good-samaritans-rescue-her-siargao-island/Lachica,

3. Lachica, I. (2022, March 9). Student gets unexpected help from


a good samaritan. CDN Life.
https://cebudailynews.inquirer.net/429017/student-gets-
unexpected-help-from-a-good-samaritan

4. Gozum, E.I.A., Capulong, H.G.M., Gopez, J.M.A., & Galang,


J.G.F. (2022). Philippine community pantries as away of
helping the marginalized during the COVID-19 pandemic,
Journal of Public Health, Volume 44, Issue 2, Pages e264–
e265, https://doi.org/10.1093/pubmed/fdab151

5. Mann, S. B. (2020). 28 Top moral questions [+scenarios &


examples]. Icebreaker Ideas.
https://icebreakerideas.com/moral-dilemma-questions.

6. Purnell, K. (2022, August 5). Fil-am martial artist hailed a


'hero' after stopping attacker in New York.
Philstar Global. https://www.philstar.com/lifestyle/on-the-
radar/2022/08/05/2200522/fil-am-martial-artist-hailed-hero-
after-stopping-attacker-new-york

7. Rex, E. (2016). Ang mataas na gamit at tunguhin ng isip.


Slideshare. pp 5.
https://www.slideshare.net/keithreyesmesa/ang-mataas-na-
gamit-at-tunguhin-ng-isip.
3

8. Transfiguracion, E.J.D. (2022, August 19). Jeepney


driver's own libreng sakay initiative earns netizens
praises. Goodnews Pilipinas.
https://www.goodnewspilipinas.com/jeepney-drivers- own-
libreng-sakay-initiative-earns-netizens-praises/

Digital Instructional Materials

● Laptop
● Conceptboard
● Genially
● Visme
● Fotojet
● Polleverywhere
Mga Kagamitan

Pangalan at
Larawan ng Guro

Pangunahing (Ilang minuto: 5)


Gawain Technology Integration
Dulog: Values Clarification Approach
3.2. Natutukoy ang mga Stratehiya: Contrived value-laden App/Tool: Conceptboard
pasya at kilos na situations
tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan
Link:
Panuto: https://
app.conceptboard.
Pupunan ng mga mag-aaral ang mga com/board/p9sa-a2zb-
unu2-tnrk-1aag
4

patlang ng mga pariralang nagsasaad ng

kilos na kanilang gagawin para sa sarili,

kapwa at mundo kung hawak nila ang Conceptboard is a better


alternative to commonly
lahat ng yaman at oras. used Jamboard. It offers
unlimited sizes, insert
photos options, and
other basic tools for
boards and editing. The
user could also use
Guest Access and only
required their names for
more administrative
power. Lastly, it is also
free software.

Picture:

Mga Katanungan (Ilang minuto: 10) Technology Integration

3.2. Natutukoy ang mga 1. Ano ang iyong naramdaman habang App/Tool: Genially
pasya at kilos na
tumutugon sa tunay na
iniisip na malaya kang gawin ang iyong
gamit ng kalayaan nais? -A Link:
https://view.genial.ly/
2. Ano ang naging batayan ng iyong mga 63b9b2238e6a9500
kasagutan? -C 192763d8/presentation-
tunay-na-gamit-ng-
3. Maituturing bang malaya ang taong kalayaan-main-activity-
hawak ang lahat ng yaman at oras sa analysis
mundo? Bakit? -C
4. Batay sa ating gawain, ano ngayon ang
iyong pagpapakahulugan sa kalayaan? -C
5. Sa iyong palagay, ano ang mga
katangian na dapat nating taglayin upang Genially is a free app
with social profile added
5

matugunan ang bagong as its main feature. It is


pagpapakahulugan sa kalayaan? -A good for creating videos
and powerful because it
6. Dahil limitado lamang ang ating has ready-made
kalayaan sa totoong buhay, paano mo ito templates, animations
gagamitin? -B and other basic tools. It
is also easy to navigate
and create content. 

Picture:

Pagtatalakay (Ilang minuto: 10) Technology Integration

3.2. Natutukoy ang mga Outline App/Tool: Visme


pasya at kilos na
● Kalayaan, Kamalayan,
tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan Pananagutan Link:
● Tunay na Kalayaan https://my.visme.co/
● Mga pasya at kilos na view/epgv11om-
nagpapakita ng tunay na gamit g8nlq78v1q9e2m9d
ngkalayaan
Mga nilalaman:

Kalayaan, Kamalayan, Pananagutan

     Ang kalayaan ay ang kakayahan na


magtakda ng sariling tunguhin/ goal at Visme is a free software
mga proseso upang makamit ang nais. for advanced
Ayon kay Galea (2017), ang kalayaan ay presentations and
karapatan. Walang makakatanggal ng infographics. It has good
karapatan ng taong pumili, magpasya at tools that are
kumilos ayon sa kaniyang kagustuhan. customizable. It can also
Ngunit, hindi ito nangangahulugan na be used for
malaya ang tao sa mga kahihinatnan ng collaborations. Lastly, it
kilos. Ito ay dahil kaakibat ng kalayaan also offers free
ang kamalayan at pananagutan. templates for easy and
convenient use. 
     Ang kamalayan o Consciousness ay
ang kakayahan ng tao na mag-isip tungkol Picture:
sa mga karanasan niya. At ang isip ay
may kakayahang mag-aalala, magsuri,
mangatwiran, magtimbang at humusga
(Rex, 2016). Bilang tao, may kakayahan
itong alamin paano tutugon sa mga
6

karanasan. Sinasabing dapat mas linangin


ng tao ang mga pagtugon sa sitwasyon
batay sa mga bagay na nakokontrol nito
gaya ng sariling kilos, salita, at pananaw.
Alinsunod at kaugnay ng pagtugon ay ang
pananagutan sa mga pasya at kilos na
ating ginagawa. Sinasabing may
pananagutan ang tao dahil ito ang
pinagmulan ng kilos at pasya.
 
Tunay na Kalayaan
     Bukod sa pagpili, ang tunay na
kalayaan ay kakikitaan ng mga
sumusunod:
A. Ang pagpapasiya o kilos ay
sumusunod sa tunguhin ng kilos loob.
Samakatuwid, ang kalayaan, bagaman
malaya na gawin personal na nais, ay
magamit para sa kabutihan dahil ito ang
tunguhin ng kilos-loob.
B. Ito ay mapanagutang kilos dahil ang
pasya at kilos ay nagmumula sa tao.
Hindi niya matatakasan ang kahihinatnan
ng kaniyang ginawa.
C. Hindi sapat ang pananagutan lamang,
nangangailangan itong mabigyan ng
paliwanag at rasyunal na katwiran.
D. Nagkakaroon ng pagpapalit ng pokus
mula sa sarili tungo sa kapwa dahil
nagiging malaya ang tao sa sarili o
panloob na hadlang gaya ng inggit,
pagkamakasarili, katamaran, matinding
emosyon, kapritso atbp. Ito rin ay ang
pagtugon sa kalooban ng pagpapakatao
na magmahal at maglingkod sa kapwa
(Scheler).

     Samakatuwid, kailangan malampasan


ang personal na interest at pansariling
mga hadlang upang matugunan ang tunay
na gamit ng kalayaan. Hindi nakakulong
ang tunay na kalayaan sa pagpili ng mga
nais. Ang mas malalim na
pagpapakahulugan sa tunay na kalayaan
ay may pananagutan, pangangatwiran, at
preperensya sa kabutihan at sa kapwa.
7

Isang magandang halimbawa ng


pasya/kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan ay ang Community
pantry na umiral nitong pandemya. Ayon
kay Gozum et al (2022), ang community
pantry ay nagpapakita ng pagkakaisa at
pakikiramay sa pinagdadaanan ng mga
Pilipino. Dito, ang tunay na gamit ng
kalayaan ay makikita mula sa pagbibigay
ng donasyon at sa pagkuha ayon lamang
sa pansariling pangangailangan.

 Suriin ang halimbawa:

     Binigyan si Lila ng pagkakataon ng


kanyang matalik na kaibigan. Kapalit ng
500 pesos ay papalakihin niya ang tubo at
ilalagay sa isang bank account sa ibang
bansa. Hindi sinasabi ng kaniyang
kaibigan kung paano ito gagawin
bagaman may kutob si Lila na illegal ito
(Moral Dilemma from Mann, 2020).
Tinanggihan ni Lila ang kaniyang
kaibigan dahil batay sa nakalap niyang
impormasyon, ilegal nga ang trabaho nito.
Alam din ni Lila na kung magbibigay siya
ng limang daan ay madadamay siya sa
gulo. Bago umalis ang kaibigan ni Lila ay
binigyan niya ito ng payo na talikuran na
ang illegal na gawain. Maituturing ba
itong pasya/kilos na tumutugon sa tunay
na gamit ng kalayaan?

Pasya Kilos

Nagdesisyon si Tumanggi si Lila


Lila na tumanggi sa kaniyang
sa inaalok ng kaibigan at
kaibigan dahil binigyan niya ito
natuklasan niyang ng payo na
illegal ito. talikuran na ang
illegal na gawain.

Ang kilos ni Lila ay tumutugon sa


tunay na gamit ng kalayaan dahil:
8

Hadlang: Nalampasan ang personal na


interes

Mapanagutan: Alam ni Lila ang


kahaharapin niya kung sakaling
magbibigay siya ng 500 pesos. Tumugon
din siya sa pamamagitan ng pagpapayo,
bagay na kontrolado ni Lila, upang
tulungan ang kaibigan.

Makatwiran: Nangalap ng impormasyon


si Lila bago ito nagpasya at kumilos.

Pagtugon ng kilos sa kabutihan:


Sinusunod ni Lila ang kaniyang
konsensiya at batas ng lipunan.

 Basahin ang banghay sa ibaba upang mas


maunawaan ang ibang mga kilos at pasya
na tumutugon sa tunay na gamit ng
kalayaan. Naglalaman ito ng mga balita sa
kasalukuyan na kakikitaan ng tunay na
gamit ng kalayaan.

MGA PASYA MGA KILOS


BATAY SA BATAY SA TUNAY
TUNAY NA NA GAMIT NG
GAMIT NG KALAYAAN
KALAYAAN

1. Pagtulong 1. Binigyan ni Pia,


ng mga ang kanyang
samaritan kapwa pasahero
sa kapwa matapos niyang
nito marinig ang
samaritan usapan ni Marc
nang makita at ng kaniyang
ang Ina tungkol sa
kalagayan pera. Binigyan
sa gilid ng niya din ito ng
kalsada paalala na ipasa
(Catoto, ang kabutihan sa
2022). ibang tao
2. Tinulungan (Lachica, 2022).
ni Ro 2. Naglunsad ng
Malabanan libreng sakay
9

ang isang ang isang


construction jeepney driver
worker na para sa mga
inaapi walang-wala o
gamit ang kapos sa pera
kaniyang (Transfiguracion,
kakayahan 2022).
sa Jujitsu
(Purnell,
2022).
Graphic organizer:

Paglalapat (Ilang minuto: 7) Technology Integration

3.2. Natutukoy ang mga Stratehiya: In-depth self-analysis App/Tool: Fotojet


pasya at kilos na
tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan
Panuto: Link:
Ang mga mag-aaral ay bubuo ng collage https://www.fotojet.com/
gamit ang 3 o higit pang larawan na apps/?entry=collage
nagtatampok ng kanilang mga pasya at
kilos sa pagtugon sa tunay na gamit ng
kalayaan. Maaring kumuha ng larawan sa
internet o sa mismong gallery. Mayroong
limang minuto upang tapusin ang gawain.

Rubrik:

Kraytirya Puntos
Fotojet is a photo
Kaangkupan ng mga 10 collage maker and
editor. It is a free
10

software but the user


pasya/kilos
may opt to buy the
Kaugnayan at kabuluhan sa 5 premium version. It has
personal na buhay the basic parts of photo
editing and freely
Kalidad ng awtput (Kumpleto 5 download the product.
ang detalye, pagkamalikhain) Lastly, no sign in is
required although some
Kabuuan 20 could login if they want
to.

Picture:

Pagsusulit (Ilang minuto: 5)


Technology Integration
3.2. Natutukoy ang mga A. Multiple Choice (5 items)
pasya at kilos na App/Tool: Poll
tumutugon sa tunay na
gamit ng kalayaan
everywhere
Panuto: Basahin at unawain ang mga
katanungan sa ibaba. Piliin ang Link:
pinakatamang sagot mula sa https://pollev.com/
ipinapakitang slide ng guro. sheilamaesagadal639

1. Alin sa mga sumusunod ang


halimbawa ng hadlang upang
maisagawa ang tunay na gamit ng
kalayaan?
A. Kapansanan
B. Karahasan Polleverywhere is a free
C. Kasinungalingan app with no registration
D. Katamaran needed. The students
could skip the
registration and just
2. Kung susumahin, alin sa mga input their screen name
sumusunod ang pinakapamantayan and it will still be
upang masabi na naisagawa ang tunay recorded. The
na gamit ng kalayaan? assessment is real-time
A. Nagamit ang kalayaan higit and simultaneous
para sa kapwa sa pamamagitan ng because the teacher
pagsasakripisyo. clicks “Activate” before
B. Napatunayang nagkaroon ng the question appears in
paghubog sa pagkatao at the students’ devices.
pagpapahalaga dahil sa pagtulong.
11

C. Nalampasan ang panloob na


hadlang ng tunay na kalayaan Note:
para sa kapakanan ng kapwa. Please go to the
D. Naipakita nang mapanagutan polleverywhere and sign
at makatwiran ang isinagawang in my gmail using the
pasya, kilos at kinahinatnan. following credentials:
Link:
https://pollev.com/home
3. Hinihimok si RJ ng kanyang mga Gmail:
kaibigan na mag-cutting sa kanilang sagadal.smb@pnu.
klase pagkatapos ng recess. Ano ang edu.ph
dapat na pasya ni RJ na kakikitaan ng Password:
tunay na gamit ng kalayaan? bspsychlaude17

A. Tatanggi, dahil mas mahalaga Picture:


kay RJ ang pag-aaral kaysa
paglilibang.
B. Tatanggi, dahil natatakot si RJ
na mahuli ng kanilang guro at
magulang.
C. Papayag, dahil mas mahalaga
kay RJ ang pakikisama kaysa sa
pag-aaral.
D. Papayag, dahil masaya si RJ
kasama ang kanyang kaibigan
kaysa pumasok.

4. Mayroon kayong pagtatalo ng iyong


Ina dahil hindi ka na nakakatulong sa
gawaing-bahay. Alin sa mga
sumusunod ang pinakaangkop na kilos
ang kakikitaan ng tunay na gamit ng
kalayaan?

A. Ipapakita ko sa aking Ina ang


listahan ng aking mga
pinagkakaabalahan. 
B. Hihingi ako ng paumanhin sa
aking Ina at gagawa na ng
gawaing-bahay.
C. Ipapaliwanag ko sa aking Ina
ang mga dahilan kaya hindi ako
nakatutulong. 
D. Kakausapin ko lamang ang
aking Ina kapag hindi na masama
ang aking loob.
12

5. Pinili ni Kim na lumiban sa


pagsasanay para sa pangkatang gawain
upang mabigyan ng oras ang
mahabang pagsusulit bukas.
Maituturing ba itong mapanagutang
kilos gamit ang tunay na kalayaan?
Bakit?

A. Opo, dahil maipapaliwanag at


mapapanagutan ni Kim ang
pagliban sa klase.
B. Opo, dahil malaya si Kim na
pumili ng nais niyang paglaanan
ng kaniyang oras.
C. Hindi po, dahil maaaring
mapahiya si Kim sa harapan ng
kanyang mga kaklase.
D. Hindi po, dahil nangibabaw
kay Kim ang pagiging makasarili 
kaysa kapakanan ng klase.

Susi sa Pagwawasto:
1. D
2. C
3. A
4. B
5. D

B. Sanaysay
Panuto: Batay sa naging talakayan,
sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Limitahan ang iyong sagot nang hindi
lumalabas sa limang pangungusap.

1. Ano ang katangian ng pasya at kilos


na mayroong tunay na gamit ng
kalayaan?

2. Ano ang magiging kahihinatnan ng


pasya/kilos na hindi tumutugon sa
tunay na gamit ng kalayaan?

Inaasahang sagot:

1. Ang kilos na may tunay na gamit ng


kalayaan ay mapanagutan at
13

maipapaliwanag gamit ang katwiran.


Ito ay nangangailangan ng paglampas
sa personal o panloob na hadlang. Sa
pamamagitan nito, mapapalitan ang
pokus ng kilos mula sa sarili tungo sa
kapwa. Ito ay may kaugnay ng
pananagutan, kamalayan, at pagtugon
sa pangangailangan ng sitwasyon. Ito
rin tumutugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa. 

2. Ang mga pasy/kilos na hindi


tumutugon sa tunay na gamit ng
kalayaan ay maaring maging
masamang pasya/kilos. Ito ay dahil
hindi napapairal ang pagtugon sa
kabutihan. Ang mga pasya/kilos din na
ito ay para lamang sa sarili at hindi
nito natutugunan ang tawag ng
pagpapakatao na magsilbi sa kapwa.
Maaring makasakit sa iba ang mga
ganitong pasya/kilos. 

You might also like