You are on page 1of 16

1

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga 10

Ikalawang Markahan

Matienzo, Andrea Therese C.

Santillan, Carmie Rovertz G.


Pamantayang Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa
Pangnilalaman Kahihinatnan ng Kilos at Pasya

Nakapagsusuri ang mag-aaral ng sarili batay sa mga salik na


Pamantayan sa nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at
Pagganap pasya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang
kanyang kakayahan sa pagpapasya

Kasanayang 6.2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa


Pampagkatuto sa kilos dahil sa karahasan

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

a. Pangkabatiran:
Mga Layunin Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng epekto ng
karahasan sa pagkukusa sa kilos;
DLC No. & Statement:
6.2. Nakapagsusuri ng
b. Pandamdamin:
isang sitwasyong
nakaaapekto sa naisusulong ang kapayapaan bilang susi sa matagumpay na
pagkukusa sa kilos dahil pag-iwas sa karahasan; at
sa karahasan
c. Saykomotor:
nakabubuo ng mga hakbang kung paano maiiwasan ang
mga sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil
sa karahasan
Paksa Karahasan Bilang Salik sa Pagkukusang Kilos

DLC No. & Statement:


6.2. Nakapagsusuri ng
isang sitwasyong
nakaaapekto sa
2

pagkukusa sa kilos dahil


sa karahasan
Kapayapaan (Social Dimension)
Pagpapahalaga

1.Caberio, S., Nicolas, M., Punsalam, T., Reyes, W. (2019).


Paano magpakatao 10. pp. 103, 144-155. ISBN 978-971-
23-9142-2.

2. Bagayao, M. (2020). Modyul 3: Ang pagkukusa sa makataong


kilos. Edukasyon sa Pagpapakatao.
https://drive.google.com/file/d/1dgkktYPXOJVnQ8oaCL
WcLGIW8yrfJuee/view?usp=sharing

3. De Guzman, M. (2019, June 22). Philippines meets ‘minimum


standards’ in eliminating human trafficking — US report.
Philstar.
https://www.philstar.com/headlines/2019/06/22/1928646/p
hilippines-meets-minimum-standards-eliminating-human-
Sanggunian
trafficking-us-report

4. Excel in Exams. (2015, October 5). Bullies & bullying -


Psychologist discusses techniques to deal with it. [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=vrteTHeHecY

5. Manzan, C. (2019). Mga salik na nakaaapekto sa makataong


kilos. Slideshare.
https://www.slideshare.net/carlomanzan7/mga-
saliknanakaaapektosamakataongkilosteamdandrave

6. McGeough, K. (2022). Human Trafficking in the Philippines.


Human Trafficking Education.
https://theexodusroad.com/human-trafficking-in-the-
philippines/
3

● Laptop
● Ballpen
● Papel
● Powerpoint presentation
● Internet/Wifi/Data
● Phone
● Jamboard
Mga Kagamitan
● Vimeo
● Conceptboard
● Storyjumper
● Netboard
● Lesson Up
● Dotstory
● Socrative

Pangalan at
Larawan ng Guro

Panlinang Na Technology
Gawain (Ilang minuto: 5) Integration

DLC No. & Statement: Stratehiya: Pagsusuri ng Larawan App/Tool: Jamboard


6.2. Nakapagsusuri ng
isang sitwasyong Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral nang Link:
nakaaapekto sa mabuti ang collage na ipakikita ng guro. https://
pagkukusa sa kilos dahil
jamboard.google.com/
sa karahasan
d/1q-
Qx2GV0mVz9ky-J1-
opvDdMeY-
vTMU4hxvDgec4P68
/edit?usp=sharing

Logo:

Description: Jamboard
Gabay na tanong: is a digital interactive
whiteboard developed
1. Pamilyar ka ba sa mga gawaing by Google to work
4

makikita sa mga larawan? Saan with Google


mo ito kadalasang nakikita o Workspace, formerly
naririnig? known as G Suite.
2. Ano-anong mga isyu ang makikita
sa mga larawan? Picture:
3. Sa kabuuan, ano ang
pinatutungkulan ng mga larawan?

Pangunahing
Gawain (Ilang minuto: 5) Technology
Integration
DLC No. & Statement: Dulog: Moral Development
6.2. Nakapagsusuri ng App/Tool:
isang sitwasyong Stratehiya: Dilemma ConceptBoard
nakaaapekto sa
pagkukusa sa kilos dahil Panuto: Bubuo ang mga mag-aaral ng Link:
sa karahasan posisyon o suhestyon bilang tugon sa mga https://app.conceptboa
sitwasyon. rd.com/board/2urd-
5u5q-yx0s-srca-trag
1. Mahirap para kay Andres na
makahanap ng mga kaibigan, kaya Logo:
naman labis siyang nagalak nang
nalaman niya ang tungkol sa isang
fraternity kung saan maaari
siyang magkaroon ng maraming Description: A
kaibigan. Ngunit para makapasok Conceptboard is
ay kailangan niyang dumaan sa another virtual
hazing. Iniisip ni Andres kung whiteboard and
itutuloy ba niya ito para collaboration software
tool for innovation-
magkaroon ng mga kaibigan o
focused teams.
hindi na dahil delikado ang paraan
ng pagpasok dito. Ano ang dapat Picture:
niyang gawin? Pangatwiranan.

2. Nasaksihan ni May ang pambu-


bully ng kanyang nag-iisang
matalik na kaibigan sa kanilang
kaklase. Naranasan na niyang ma-
bully noon kaya’t labis na lamang
ang pagkaawa ni May sa kaklase.
Naiisipan niyang isumbong sa
guro ang pangyayari subalit
5

natatakot siyang magalit sa kanya


ang kaibigan at masira ang
kanilang samahan o di kaya’y siya
naman ang maging biktima nito.
Dapat bang magsumbong si May
o palagpasin na lang ang nakita?
Pangatwiranan.

Technology
(Ilang minuto: 10) Integration

App/Tool: Netboard
1. Ano ang pagkakapareho ng mga
sitwasyon? - C Link:
2. Ano ang iyong naramdaman https://
habang binabasa ang mga carmie.netboard.me/
esp10/?
sitwasyon? Bakit? - A
link=MB5LmgLp-
3. Mayroon ka bang mga isinaalang- iDtvRwIp-UQx00gLt
alang sa pagbuo ng posisyon o
Mga Katanungan suhestyon? Ano-ano ito? - C Logo:
4. Ano ang kahalagahan ng
DLC No. & Statement:
6.2. Nakapagsusuri ng pagsusuri sa mga sitwasyong gaya
isang sitwasyong ng nabanggit? - C
nakaaapekto sa 5. Mayroon bang pagkakataon kung
pagkukusa sa kilos dahil saan nasaksihan o naranasan mo
sa karahasan
ang isang sitwasyong may
kaakibat na karahasan? Paano mo Description: Free and
ito hinarap? – A easy online tool to
6. Bilang mag-aaral, paano mo gather content on a
maiiwasan ang mga sitwasyong single page.
may kaakibat na karahasan? - B
Picture:
6

Pangalan at
Larawan ng Guro

Pagtatalakay Technology
(Ilang minuto: 13) Integration
DLC No. & Statement:
6.2. Nakapagsusuri ng Balangkas: App/Tool: Lesson Up
isang sitwasyong ● Pagkukusa sa kilos
nakaaapekto sa Mga epekto ng karahasan sa
● Link:
pagkukusa sa kilos dahil pagkukusa sa kilos https://www.lessonup.
sa karahasan Alternatibo o solusyon sa
● com/en/lesson/bE9C2
pagtugon sa karahasan HyoyyYYribDG?
utm_source=app&utm
Mga Nilalaman _campaign=shared-
● Pagkukusa sa kilos (Punsalan, lesson-
2019) app&utm_content=16
❖ Ang bawat kilos ng tao ay 73394776813&utm_
pananagutan ng taong kumikilos. medium=shared-link
❖ Ngunit kung ang pagsang-ayon ng
tao sa isang maling gawain ay Logo:
bunga ng karahasan, ang pagsang-
ayon ay ginawa sa hindi malayang
sirkumstansiya kaya ito ay hindi
maituturing na kusang-loob na
pagpasiya sa kilos.

● Epekto ng karahasan sa Description: A web-


pagkukusa sa kilos (Punsalan, based interactive
lesson platform that
2019) & (Manzan, 2019)
integrates text,
❖ Nawawalan ng pagkukusa sa kilos images, videos,
ang isang tao dahil sa panlabas na websites, maps, game-
pwersa. Ang tao ay napipilitan like quizzes,
gawin ang kilos ng labag sa interactive slides, and
kanyang loob dahil sa open-ended questions.
nararanasang karahasan.
Picture:
❖ Nalalabag ng karahasan ang
pagkukusa sa kilos ng isang tao
dahil ginagawa niya ang isang
kilos ng pilit at hindi dahil ito ang
kanyang gustong gawin batay sa
7

kanyang isip at kalayaan.


❖ Kung ang pagsang-ayon sa maling
gawain ay bunga ng pwersa o
pananakit, ang pagsang-ayon ay
ginawa hindi sa malayang
sirkumstansya kaya hindi ito
kusang-loob na pagpapasiya ng
kilos.
❖ Maaring mabawasan ang
pananagutan makataong kilos
dahil sa impluwensya ng
karahasan.
Halimbawa:
1. Si Miguel ay isang matalinong
estudyante na kilala dahil sa
pagtulong sa kanyang kaklase.
Ang kanilang kaklase na si Bruno
ay binatukan si Miguel dahil ayaw
ni Miguel gawin ang proyekto
niya. Dahil ayaw ni Miguel na
muling saktan, ginawa niya na
lang ang proyekto ni Bruno.
2. Matinding galit ang naramdaman
ni Betty nambubulas sa kaniya,
dahil dito hindi niya napigilan na
saktan at sabihan ng masasamang
salita.
3. Sa kolehiyo, uso ang fraternity o
praternidad sa kalalakihan. Sa
kagustuhan ni Richard mapasali sa
fraternity, siya ay sumailalim sa
hazing. Labis na pagpalo at
pagpaso sa kanyang katawan, at
kung ano-ano pa ang kanyang
tiniis upang matawag na brod.
Ngunit sa kalaunan ay hindi niya
ito kinayanan at siya ay pumanaw.
Nakakalungkot na ang mga grupo
na nagsagawa ng hazing ay hindi
humantong sa tamang
8

pagpapasiya ng kusang loob sa


pagkilos bagkus sila ay nagpadala
sa emosyon ng karahasan.

4.
(De Guzman, 2019)

Human Trafficking
Isang uri ng krimen kung saan
pinapangakuan sila ng
magagandang trabaho, ngunit
pipilitin ang mga tao sa trabahong
sekswal. Ang mga nagtatangkang
tumakas o umayaw ay kadalasang
sinasaktan. Ang usapin na ito ay
isang panlabag sa karapatang
pantao.
● Alternatibo o solusyon sa
pagtugon sa karahasan
(Punsalan, 2019)
❖ Maging mapanuri sa mga bagay
na nakikita at nararanasan
➢ Malaki ang impluwensya
ng kapaligiran sa kilos ng
tao. Piliin gumawa ng
tama, mabuti at hindi ng
kilos na lumalabas sa
kilos-loob ng ibang tao.
➢ Kung may nararanasan
mang karahasan sa loob o
labas ng paaralan, agad
ipaalam sa mga nakatataas
na may awtoridad.
❖ Tamang paggamit ng kalayaan
➢ Tayo ay binigyan ng
kalayaan na gawin ang
lahat subalit hindi dapat ito
9

nakakaapekto sa kalayaan
ng ibang tao. Tayo ay may
mapapanagutan sa ating
mga kilos, mabuti man o
masama.
➢ Kumikilos at
nagdedesisyon ayon sa
katotohanan at katarungan
➢ Mahalaga na may
paninindigan na nakabatay
sa tamang pagpapahalaga
at prinispyo sa buhay.
➢ Mahalaga ang
pagkakaroon ng
mapanuring isip upang
makayanan na kontrolin
ang sarili.

Graphic Organizer:

Technology
(Ilang Minuto: 6) Integration

Stratehiya: Pagbuo ng pangungusap App/Tool:


Dotstorming
Panuto: Bubuo ang mga mag-aaral ng
tatlong hakbang kung paano makakaiwas Link:
sa mga sitwasyon sa loob at labas ng https://dotstorming.co
paaralan na nakakaapekto sa pagkukusa m/w/63bdfb15777f15
sa kilos dahil sa karahasan. 05a1f4c925
Paglalapat
Logo:
DLC No. & Statement: Disenyo ng pagsagot: Ako si
6.2. Nakapagsusuri ng __________, isang tagapagtaguyod ng
10

kapayapaan. At aking pinapangako na


gagawin ang sumusunod: ____________.
Ito ay ang upang pangalagaan ang
pagkukusa sa kilos laban sa karahasan sa Description:
loob ng paaralan at komunidad. Dotstorming is a
collection of tools that
enable collaborative
brainstorming, planning
and decision making.
Rubriks:
Picture:
Nilalaman (50%) 5 pts

● Nakapagbigay ang mag-aaral ng


isang sitwasyong tatlong makubuluhang hakbang
nakaaapekto sa
upang maiwasan ang mga
pagkukusa sa kilos dahil
sa karahasan sitwasyon na nakakaapetko sa
pagkukusa sa kilos dahil sa
karahasan.

Kaangkupan (30%) 3 pts

● Angkop sa loob ng paaralan at


komunidad ang mga hakbang na
ibinigay. At ang mga hakbang ay
kayang gawin bilang isang mag-
aaral.

Orihinalidad (20%) 2 pts

● Orihinal at hindi kopya sa iba ang


ibinigay na mga hakbang ng mag-
aaral.

Kabuuan: 100% 10 pts

Pagsusulit
(Ilang minuto: 6) Technology
DLC No. & Statement: Integration
6.2. Nakapagsusuri ng A. Multiple Choice (1-5)
isang sitwasyong Panuto: Basahin nang mabuti ang App/Tool: Socrative
nakaaapekto sa
mga tanong at piliin ang tamang
pagkukusa sa kilos dahil
sagot. Link:
sa karahasan
https://
11

api.socrative.com/rc/
1. Alin sa mga sumusunod na isyung E5hbz9
panlipunan ang maituturing na
Logo:
karahasan na nagiging salik sa
pagkukusang kilos ng tao?

a. Kahirapan
b. Kawalan ng trabaho Description: Socrative
c. Paglaganap ng droga is a quiz-based,
d. Pagpapahirap sa isang formative assessment
indibidwal tool with multiple
2. Suriin ang mga sumusunod na features that can
sitwasyon. Alin sa dalawa ang enrich teaching and
nagpapakita ng pagkukusang learning.
kilos?
Picture:
I.Tinulak ni Isabel ang kaibigan
dahil sinubukan siyang saktan
nito.
II. Inambaan ng suntok ni Lito ang
tambay sa kanto dahil sa gulat.

a. Ang unang sitwasyon lang


sapagkat ang pagtulak
bilang reaksyon sa banta
ng pananakit ay depensa
na uri ng makataong kilos
na dulot ng karahasan.
b. Ang ikalawang sitwasyon
lang sapagkat ang ang pag-
amba ng suntok resulta ng
pagkagulat ay isang uri ng
makataong kilos na may
bahid na karahasan.
c. Pareho sapagkat ang
ginawa nilang kilos ay
pareho nilang ginustong
gawin upang
maprotektahan ang sarili.
d. Wala sa dalawa sapagkat
parehong hindi malaya at
hindi ginustong gawin ang
mga nagawang kilos.
3. Ano ang kaibahan ng
pagkukusang kilos at ng kilos na
dulot ng karahasan?
12

a. Ang pagkukusang kilos ay


malayang kilos
samantalang ang kilos na
dulot ng karahasan ay
alternatibong kilos.
b. Ang pagkukusang kilos ay
kilos na may pananagutan
samantalang ang kilos na
dulot ng karahasan ay
malayang kilos.
c. Ang pagkukusang kilos ay
kilos na may pananagutan
samantalang ang kilos na
dulot ng karahasan ay
alternatibong kilos.
d. Ang pagkukusang kilos ay
may pananagutan
samantalang ang kilos na
dulot ng karahasan ay
hindi malayang kilos.

4. Ano ang pagkakaiba ng


pagkukusang kilos at kilos ng tao?
a. Ang parehas na salita ay
heneral na termenolohiya
para sa mga ginagawa ng
tao.
b. Hindi sila nagkakaiba
dahil lahat ng bagay na
ating ginagawa ay ating
pinagiisipan.
c. Parehas itong gumagamit
ng kalayaan, ngunit ang
pagkukusang kilos ay
ginamitan ng lubos na
pagiisip.
d. Wala, dahil parehas
lamang sila at walang
pinagkaibahan, dahil lahat
ng kilos ng tao ay kusa
niyang ginagawa.

5. Alin sa sumusunod na
sitwasyon ang maituturing na
responsableng pagtugon sa
karahasan?
13

a. Si Myrna ay sinasaktan ng
kaniyang asawa kaya’t siya ay
nagpost sa Facebook ng karanasan
upang matulungan ng mga tao na
maging malaya sa karahasan.
b. Dahil sa pangungutya at pagsasabi
ng hindi magaganda kay Devi ng
kanyang kaklase,
napagdesisyunan ng kanyang
pamilya na siya ay lumipat ng
paaralan upang iwasan ang gulo.
c. Nakakaranas si Clint ng pananakit
mula sa kaniyang ama tuwing
hindi nito sinusunod ang kaniyang
gusto. Kaya siya ay lumapit sa
Barangay at gumawa ng legal na
aksyon.
d. Laging biktima ng pamu-bully si
Trek sa school dahil sa kaniyang
itsura, wala na lamang siyang
ginagawa dahil iniisip niya na mas
lala lamang at sitwasyon kung
siya ay magsusumbong.

Tamang Sagot:
1. D
2. D.
3. D.
4. C.
5. C.

B. Sanaysay/Essay (2)
Panuto: Intindihin at sagutin ang mga
pahayag sa ibaba batay sa natutunan mula
sa aralin.

1. Bumuo ng sitwasyong
nagpapakita ng epekto ng
karahasan sa pagkukusa sa kilos.
Gawin ito sa loob ng 2-3
14

pangungusap.

2. Gamit ang binuong sitwasyon sa


unang bilang, magbigay ng
aksyon na maaring gawin upang
maiwasan o masolusyunan ang
nangyayaring karahasan. Gawin
ito sa loob ng 2-3 na
pangungusap.

Inaasahang sagot:
1. Hal. Si Sisa ay laging sinasaktan
ng kanyang kapatid kapag
nakikitang sumasama sa mga
kaibigan niya para gumala. Kaya
nama’y mas pinili na lamang
niyang laging mapag-isa.
2. Kung ako ang nasa sitwasyon
sasabihan ko ang aming magulang
sa pananakit na ginagawa sa akin
ng aking kapatid. Bukod doon
kakausapin ko ang ang kapatid at
ipagdidiinan na hindi dapat niya
ginagawa iyon dahil wala naman
kaming ginagawang masama ng
aking mga kaibigan.

Rubriks sa sanaysay
Nilalaman
3 pts - Nakapagbigay ng malinaw na
sitwasyon na nagpapakita ng epekto ng
karahasan sa pagkukusa sa kilos at
angkop na pagtugon ang mag-aaral sa
loob ng 3 pangungusap ang mag-aaral.

2 pts - Ang mag-aaral ay nakapagbigay


ng sitwasyon sa loob ng 2-3 pangungusap
15

ngunit hindi gaanong angkop ang


pagtugon na kanyang ibinigay.

1 pt - Ang sitwasyon at pagtugon na


binigay ng mag-aaral ay hindi malinaw at
kulang sa ideya.
Technology
(Ilang minuto: 2) Integration

Stratehiya: Paggawa ng Bidyo App/Tool: Vimeo


Panuto: Magsasaliksik ang mga mag- Link:
aaral ng isang uri ng karahasan na https://vimeo.com/
karaniwang makikita sa kanilang
komunidad. Ibabahagi nila ang mga Logo:
paraan upang maiwasan ang napiling
karahasan sa pamamagitan ng pagbuo ng
isang bidyo na hindi tatagal sa limang
minuto.

Description: Vimeo,
Takdang-Aralin Inc. is an American
Katego Napakah Mahusay Katamta
rya usay (5 (3 puntos) mang video hosting,
DLC No. & Statement: puntos) husay (1
6.2. Nakapagsusuri ng sharing, and services
puntos) platform provider
isang sitwasyong
nakaaapekto sa Haba Ang Ang Ang headquartered in New
pagkukusa sa kilos dahil ginawang ginawang ginawang York City.
sa karahasan bidyo ay bidyo ay bidyo ay
sakto o mas mas Picture:
malapit sa mababa sa mababa
limang apat na sa
minuto minuto o tatlongmi
lagpas sa nuto o
anim na lagpas sa
minuto. pitong
minuto.

Nilala Nakapagbi Nakapagbi Nakapag


man gay ng gay ng 3-4 bigay ng
lima o paraan 2-1
higit pang upang paraan
paraan iwasan upang
upang ang iwasan
iwasan karahasan. ang
ang karahasan
karahasan .
16

Technology
(Ilang minuto: 3) Integration

Stratehiya: Pagbigkas ng Tula App/Tool:


Storyjumper
Panuto: Bibigkasin ng guro sa mga mag-
aaral ang tulang “Karahasan o Link:
Kapayapaan” https://www.storyjump
er.com/book/read/1149
Karahasan o Kapayapaan
61712/6395d70eecf9a
isinulat ni Carmie Santillan
Description:
Ang karahasan o kapayapaan ay walang
StoryJumper helps
kulay,
you share the stories
Hindi ito para lang sa puti, itim, o
Panghuling Gawain in your heart and
kayumanggi.
mind - both with those
DLC No. & Statement: around you and across
6.2. Nakapagsusuri ng Ang karahasan o kapayapaan ay walang
the world.
isang sitwasyong kasarian,
nakaaapekto sa Hindi ito para lang sa babae, lalaki, o
Logo:
pagkukusa sa kilos dahil LGBTQ.
sa karahasan
Ang karahasan o kapayapaan ay panlahat,
Hindi lang ito para sa akin, sa’yo o sa Picture:
kan’ya.

Ang karahasan o kapayapaan ay walang


edad,
Bata, matanda, dalaga o binata,
Ang karahasan o kapayapaan ay sa atin
magmumula.

Karahasan o kapayapaan, pumili ka sa


dalawa.
Piliin mo nang malaya ang makabubuti
sayo at sa iyong kapwa.

You might also like