You are on page 1of 3

Filipino Revyuwir

TEMA NG BUWAN OF WIKA


>Tema: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at
Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”.

(wala pang binibigay si binibining darlene III kaya yan muna )

PANDIWA AT GAMIT NG PANDIWA


Pandiwa - salitang kilos
Halimbawa:
Nalibang si Anne sa paglalaro ng kanyang mga laruan
Umalis ang pamilya nina Carlos at namasyal sa mall

4 na uri ng Pandiwa:

Perpektibo - Matagal ng natapos ang kilos


Halimbawa:
Umakyat ng hagdan si Jose
Kumain ng almusal si Jane bago siya pumasok

Imperpektibo - Hindi pa tapos ang kilos at ginagawa palamang


Halimbawa:
Umaakyat pa si Jose
Kumakain ng almusal si Jane

Kontemplatibo - Mangyayari palang ang kilos


Halimbawa:
Aakyat si Jose ng hagdan para mapuntahan ang kanyang silid
Kakain si Jane ng almusal bago pumasok ng eskwelahan

Kakatapos - Natapos ang kilos ngayon lamang


Halimbawa:
Pagod si Jose dahil kaaakyat niya palang ng hagdan
Kakakain palang ni Jane kaya hindi siya gaano ka gutom

KAISIPAN AT TEMA
>Tema - ang kabuuang mensaheng nais iparating ng may akda sa mambabasa. Ito ang
unibersal na katotohanan, moral at ideya ng akda.
-Para sa Tauhan - uri ng tauhan sa kwento
-Banghay - ano ang ginagawa ng mga tauhan, (sila ba ang nagpapatakbo ng kanilang buhay
O umaayon lamang sa tadhana)
-Motibasyon - bakit ito kinikilos ng mga tauhan sa kwento
-Estilo - paano inilahad ng may-akda ang katotohanan, maiksi o mahahabang pangungusap,
Ang mga talatang binuo kung maiksi, mahaba o may kontrobersiya
-Tono - ang pag-uugali ng may-akda tungo sa kanyang paksa
Pagpapahalaga - ang pinapahalagahan ng mga tauhan sa akda

ELEMENTO NG PARABULA
>Parabula - isang panitikan na hango sa bibliya
-Tauhan - ang mga gumaganap sa parabula
-Tagpuan - kung saan naganap ang parabula
-Banghay - ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa parabula
-Aral - pinakalaman/sentro ng parabula, ang umaakay sa mambabasa para tumungo sa
Tamang landas at gumawa ng mabuti

PAHAYAG SA PAGLALAHAD NG OPINYON O PANANAW


>Reaksiyon - ang pagbibigay ng buod at sariling opinyon hinggil sa binasang akda.
Nagtataglay ito ng tatlong bahagi ng panimulang bahagi, pangangatuwiran at kongklusyon
hinggil sa kabuuang opinyon
- 1. Pagtatala ng nais bigyang-reaksyon sa tekstong binasa
- 2. Paglagay ng napansing Positibo o Negatibo sa akda
- 3. Pagtatapos ay bumuo ng kongklusyon upang ipakita ang kabuuang punto

MGA PANG-UGNAY
>Pangatnig - nagpapahayag ng kaugnayan ng mga salita sa salita
-Kataga - isang patinig (at, na, ma, o, ni, pag)
-Salita - dalawa o higit pa na patinig (kahit, ngunit, samantala, subalit)
-Lipon ng salita - dalawa o higit pa na salita (sa halip, kung hindi, sa bagay na ito)

Mga uri ng Pangatnig


>Pangatnig na panimbang - nag-uugnay ito sa mga salitang magkatimbang o may relasyon
Pamukod - ginagamit upang itangi, iwaksi o alanganing piliin ang isa sa dalawang bagay o
Kaisipan
Halimbawa: (Maging, ni, man, kaya)
Ni ikaw o ako ay hindi makakasama sa lakad ng ating mga kaibigan

Paninsay/Panalungat - ginagamit sa tambalang pangungusap kung saan ang unang bahagi


Ay sinasalungat ng ikalawang bahagi
Halimbawa: (Samantala, maliban, habang, bagaman)
Naglalaro si Jake habang nag aaral naman ang kaniyang kapatid

>Pangatnig na di-panimbang - nag-uugnay ito sa mga salitang di-katimbang o walang label


Panubali - Nagpapahayag kaisipang may pasubali o di ganap
Halimbawa: (Kung, Sana, Kapag, Sakali)
Kung hindi mo kayang makinig, wag ka nalang pumasok

Pananhi - nagpapahayag ng dahilan sa isang pangyayari


Halimbawa: (dahil sa, kung kaya, palibhasa ,upang)
Dahil sa naganap na sunog, nawalan ng tirahan ang pamilya ni Kristian

Panlinaw - ginagamit upang liwanagin ang bagay na sinasabi


Halimbawa: (Sa halip, kaya, kung gayon)
Sa halip na problemahin ang mga hindi nakokolektang basura, naglunsad na lamang ng
pagbubukod-bukod na programa ang barangay

Panulad - ginagamit sa pagtutulad ng pangyayari


Halimbawa: (Kung saan - doon din, Kung sino - siya, kung gaano)
Kung sino pa ang totoong nagmamahal ay siya pang masasaktan

>Pang-angkop - nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan


Na - ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
Halimbawa: Ang masunurin na anak ay yaman ng magulang

Ng - ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig


Halimbawa: Ang batang walang galang ay kinamumuhian ng marami

G - ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig sa letrang N


Halimbawa: Ang mayamang negosyante ay tumutulong sa mga mahihirap

>Pang-Ukol - nag-uugnay sa isang pangngalan


Halimbawa:(Ayon kay, para kay, tungkol kay, ayon sa, para sa, tungkol sa)
Kay - Tao / Sa - Hindi Tao
Ayon kay Johnny, maganda daw ang trabahong napasukan niya
Ayon sa balita, magkakaroon daw ng malakas na tag-ulan ngayong linggo

You might also like