You are on page 1of 3

Pagmamaton sa Internet

Ang pagmamaton sa Internet o "cyber-bullying" ay


ang paggamit ng Internet at iba pang kaugnay na
teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa
tao. Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga
kabataan, nagsusulong na ng mga batas at kampanya
upang ito’y matigil na.

Ang katawagang "cyber-bullying" sa Ingles ay nilikha


at binigyang kahulugan ni Bill Besev bilang “paggamit ng
teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon
para suportahan ang sinasadya at paulit ulit na mapanirang
pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit
ng tao.”

Kinalaunan, ang cyber-bullying ay tinuring na “kapag ginagamit ang Internet,


teleponong selular at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga larawan na naglalayong
manakit o magpahiya ng kapwa”. Ang ilan sa mga mananaliksik ay ginamit ang
parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan.

Ang pagmamaton sa Internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa


isang tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may
kasamang pagbabanta, seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita,
panghahamak at pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala
ng kahihiyan ng isang tao.

Pagkakaiba ng Cyber-bullying at Cyber-stalking

Ang kagawian sa cyber-bullying ay hindi lamang limitado sa mga bata, habang


ang mga pag-uugali ay nakikilala sa parehong kahulugan sa mga matatanda, ang
pagkakaiba sa grupo ng edad ay minsang tinatawag bilang cyber-stalking o cyber-
harrasment, kapag sinasagawa sa kapwa matanda at minsan ding inaayon sa kasarian.
Ang mga karaniwang taktikang ginagamit ng mga cyber-stalker ay tampalasin ang isang
search engine o ensiklopedya, upang takutin ang biktima, kanyang trabaho, reputasyon,
o kaligtasan. Ang paulit-ulit na kaganapan ng mga nasabing aksiyon laban sa target ng
isang matanda ay masasabing isang cyber-stalking.

Paghahambing sa tradisyunal na pangbubuli

Ang ilang mga katangian na likas sa mga online na teknolohiya ay maaari itong
samantalahin para gamitin sa mga di kaaya-ayang layunin. Hindi tulad ng pisikal na
pangbubuli, ang mga electronic bully ay mananatiling di kilala sa paggamit ng mga
pansamantalang email accounts, sagisag-
panulat sa mga chat room, instant messaging
programs, cell phone text messaging at iba
pang lugar sa Internet na maitatago nila ang
kanilang pagkakakilanlan, ito marahil ang
nagbibigay sa kanila ng kalayaan sa normatibo
at mga panlipunang hadlang sa kanilang pag-
uugali.

Bukod pa rito, ang mga electronic forum ay karaniwang walang gabay. Habang ang
mga chat host ay palagiang inoobserbahan ang ibang dayalogo sa mga chat room, sa
pagsisikap sa mga pag-uusap ng pulis at ng nakasakit na indibidwal, ang mga personal
na mensahe (e-mail o text message) ay maaari lamang mabasa ng nagpadala at
tumanggap, kaya’t ito ay labas sa abot ng regulasyon ng mga awtoridad. At kapag ang
mga tinedyer ay mas maraming nalalaman sa mga kompyuter at cell phone, kaya nilang
gamitin ito ng walang pahintulot sa kanilang mga magulang para hindi malaman ang
kanilang karanasan sa pangbubuli (siya man ay biktima o ang nakasakit).

Solusyon: Dapat ngayon!

Ako: Ikaw ang salarin sa lahat ng ito! Ikaw, ikaw cyber bullying! Ilan na ba ang
taong iyong pinaiyak? Ilang damdamin na ba ang iyong sinaktan? At higit sa lahat ilang
reputasyon na ba ang iyong nilapastangan? Hindi mo alam ‘di ba? Madami.

Isang makabagong paraan ng pang-aapi ang umuusbong. Ito ang cyber-bullying.


Ano nga ba ang cyber-bullying? Ang cyber bullying ay paggamit ng makabagong
teknolohiya upang makapaminsala ng tao sa isang paraan na pagalit, pauli-ulit at
bastos. Sakop ng simpleng krimeng ito ang pagbabanta, mga sexual remarks o paninira
ng pangalan. Isa itong kasalanan na dapat ay pinagtutuunan ng atensyon ng ibat-ibang
bansa. Hindi lang ang biktima ang maaaring maapketuhan kundi pati rin ang malalapit
sa kanya. Napaka-asim ‘di ba? Parang sukang paombong lang.

Mga tips para maka-iwas sa cyber-bullying:

1. Umiwas sa mga chatrooms

2. Palitan ang numero ng inyong telepeno

3. Huwag makipag-chat sa mga hindi kakilala

4. Gumawa ng bagong account kung kinakailangan


Ano ang ginagampanang responsiblidad ng paaralan sa isyung ito?

Napakalaki ng maaring maitulong ng paaralan hinggil sa isyung ito. Kapag nahuli sa


aktong nang-aapi ang bata online, mmaring siyang patawan ng mabugat na parusa.
Tuturuan din ng paaralan ng tamang cyberethics ang mga mag-aaral at mga batas na
maaring magparusa sa kanila.

Ano responsibilidad ng isang magulang sa problemang ito?

Sa loob ng tahanan nagsisimula ang lahat. Dito nating natututunan ang magagabdanag
asal. Ang magulang ang dapat magturo nito sa kanilang anak. Pwede nilang bigyan ng
parusa ang anak nila kung ginawa ang cyber bullying. Ang magulang rin kasi minsan
ang nagiging sanhi kung bakit nagagawa ng bata ang pang-bubully. Dapat maging
maingat ang mga mgauklan sa kanilang mga salita kapag pinagsasabihan ang kanilang
mga anak. Dapat ring maging supportive ang mgaulang para maliwanagan ang isip ng
bata.

Umaksyon! Ito ang tamang solusyon!


Edukasyong ang unang paraan. Ang
edukasyon ang nagpapabatid sa atin ng
mga tamang pagkilos. Ang guro ang siyang
instrument para umiwas sa tukso mang-bully
ang mga bata. Maaring ring sabihin natin sa
ating mga estdyante na “Bitawan mo ang
mouse at lumayo ka sa computer,
panigurado wala kang masasaktan!”.Ituro rin dapat na kung maari ay tumahimik na
lamang para walang masaktan!

You might also like