You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Bulacan State University


BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Detalyadong Banghay-Aralin sa Mother Tongue III

I. Layunin
a. Mailalarawan ang kahulugan ng aklat at mga bahagi nito
b. Magagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon
.

I. Paksang Aralin
a. Paksa: Mga Bahagi ng Aklat
b. Sanggunian: Ikalimang Linggo- Aralin
c. Kagamitan: laptop, bisyal eyds, mga larawan,

II. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

Bago tayo dumako sa ating talakayan, maaari bang


mag sitayo tayong lahat at simulan natin ang ating
araw sa isang panalangin.

 Panalangin
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espiritu
Santo. Amen. Panginoon gabayan niyo po kami sa (Ang mga mag-aaral ay tatayo at magsisimulang
araw na ito, sana maging masaya at maraming magdasal)
pong matutunan ang aking mga estudyante. Gabayan
niyo po kami sa aming talakayan ngayong araw at
ingatan niyo po ang bawat isa. Amen.

 Pagbati
Magandang araw sa inyong lahat!
Kamusta kayo? Magandang araw din po Titser Michelle!
Mabuti naman po.
Kung gayon, ikinagagalak kong marinig na kayo ay
nasa mabuting kalagayan.

 Pagsasaayos ng Silid Aralan


Bago tayo magsimula ay maaari n’yo bang ayusin ang (Ang mga mag-aaral ay inaasahang aayusin ang
inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat na kanilang mga upuan at pupulutin ang mga
makikita sa ilalim ng inyong upuan. nakitang kalat)

Maaari na kayong umupo.

 Pagtetsek ng liban at hindi liban


Ngayon naman ay dumako tayo sa pagtatala ng mga
lumiban.
Mayroon bang lumiban ngayong araw? Wala pong lumiban ngayong araw.

Mahusay! Masaya ako na kumpleto kayong lahat dahil


diyan bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng perfect (gagawin ng mga mag-aaral ang perfect clap)
clap.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Handa na ba kayong makinig at matuto sa ating


talakayan ngayong araw?
Opo!
B. Balik- Aral
Sa ating nakalipas na aralin ay pinag-aralan nyo ang (Magtataas ng kamay ang mga bata at sasagot sa
simile at metapora. pisara)

Ano ang simile? Ang simile o pagtutulad po ay anyo ng pananalita


na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginamitan ito ng katagang
sing-, tulad ng-, at gaya ng-.
Magaling!
Ano naman ang metapora? Ang Metapora o Pagwawangis ay tuwirang
paghahambing ng dalawang tao o bagay. Ito ay
anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay
inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na
hindi ginagamitan ng sing-, tulad ng, o sim/sin-
Mahusay! Ako ay natutuwang marinig ang inyong
mga sagot dahil batid ko na mayroon kayong natutunan
sa ating nakaraang pinag-aralan.

C. Pagganyak
Nais kong tingnan ninyong mabuti ang mga larawan.
Ano-ano ang mga napapansin ninyo sa mga larawan?

(Magpapakita ng larawan ang guro)

Marami pong iba’t ibang klase ng bato.

Magaling!

Ang ikalawang larawan po ay mayroong tuwid na


daan.

Ang ikatlong larawan po ay mga ginto


Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Ang ika-apat na larawan po ay brilyante.

Mahusay! Ang gagaling ninyo! (Iba iba ang tugon ng mga mag-aaral)

Saan kaya sila maaaring ihambing?

D. Paglalahad
Handa na po kami.
Mayroon akong inihandang tula. Handa na ba kayong
makinig?

Ang tula ay pinamagatang “Ang Kaibigan ay Tulad ng


Brilyante” na isinulat ni Florita R. Matic

Ikaw at ako'y kailangan ng kaibigan


Tunay na taong mapagkakatiwalaan
Tulad ng bato, matatag at matibay
(Magbabasa ng sabay-sabay ang mga mag-aaral)
May lakas at tibay na walang kapantay.

Sa sandaling tayo ay naliligaw


Mga kaibiga'y nakaagapay
Tulad ng isang matuwid na daan
Tunay na kaibiga'y di ka bibitawan

Totoong kaibiga'y tulad ng kayamanan


.
Gaya ng gintong may kinang na taglay
Walang katumbas, di kayang bayaran
Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.

Kahalagahan ng kaibiga'y di kayang sukatin


Ang halaga nito'y hindi sukat akalain
Pagmamahal ng kaibiga'y brilyanteng maningning
Magpakailanma'y mananatili ang kinang na angkin.

Ngayon ay sagutin natin ang ilan sa mga katanungan sa


kuwento? Ang tula ay tungkol po sa kaibigan.
1. Tungkol saan ang tula?

Mahusay!
Inihalintulad sa bato ang isang kaibigan dahil ito
2. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? ay matatag at matibay.

3. Anong katangian na mayroon ang kaibigan na Ang katangian ng kaibigan na inihambing sa


inihambing sa tuwid na daan? tuwid na daan ay hindi nang iiwan o bumibitaw.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Magaling!

E. Pagtatalakay Ang katangian po ng isang kaibigan ay


inihambing sa mga bagay.
Ano ang napansin niyo sa katangian ng kaibigan na
nabanggit sa tula?

Mahusay!

Ang paghahambing na naganap sa tula ay isang


halimbawa ng simile o pagtutulad ito ay anyo ng
pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay. Ginamitan ito ng
katagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-.

Halimbawa ng simile na mula sa tulang binasa:

 Tulad ng bato, matatag at matibay.


( Ang mga mag-aaral ay makikinig sa guro)
Inihambing sa isang bato ang kaibigan dahil ito ay
matatag at matibay. Dahil hindi agad-agad nasisira ng
kung sino man.

 Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na


kaibiga’y ‘di ka bibitawan.

Dahil sa tuwid na daan ay hindi ka maliligaw o


mabibitawan kung saan ka man pumunta kaya
inihambing ang kaibigan dito.

 Totoong kaibiga’y tulad ng kayamanan, gaya ng


gintong may kinang na taglay.

Kaya inihalintulad sa kayamanan ang kaibigan dahil


ang pagkakaroon ng kaibigan ay hindi matutumbasan
ng kahit sino man. At gaya ng ginto ang totoong
kaibigan ay nagbibigay kinang o liwanag sa ating
buhay.

Iba pang halimbawa:

1. Katulad ng tamis ng tsokolate ang pag-ibig ni


Patrick.

2. Si tatay ay singsipag ng kalabay magtrabaho.

3. Ang ngiti ni Luna ay tulad ng araw na nagbibigay


liwanag.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

4. Simbilis ng isda si kuya Leo kung lumangoy.

5. Ang kulay ng langit ay gaya ng karagatan.

Nawa’y naintindihan niyo ang ating talakayan ngayong


araw kaya’t dadako na tayo sa inyong pang-isahang
Opo
gawain at pangkatang gawain.

Handa na ba kayo?

F. Paglalapat

Pang-isahang Gawain
( Ang mga bata ay magtataas ng kamay at ididikit
Mayroon akong inihandang limang pangungusap na ang sagot sa pisara)
may kasamang mga larawan. Nais kong tukuyin ninyo
kung ito ba ay simile. Idikit ang hugis bilog ( ) kung
ito ay simile at puso ( ) naman kung hindi

__1. Gaya ng isang panaginip hindi ako makapaniwala


sa nangyari kahapon.

___2. Siya ang pinakamagandang babae.

___3. Singganda nya ang isang diwata.

___4. Ang amoy ni Ana ay katulad ng isang bulaklak.

___5. Mga galit na tigreng lumaban ang mga sundalo.

1 2 3… 1 2 3... Ang galing galing ko!

Magaling! Bigyan nga natin ang inyong mga sarili ng


ang galing galing mo clap!

Pangkatang Gawain
Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Mukhang naunawaan nyong mabuti ang ating aralin Opo


kaya ngayon ay susubukin ko ang inyong kakayahan!

Handa na ba kayo mga bata?

(Papangkatin ng guro ang mga bata sa tatlong grupo)

Panuto:

1.Buuin ang puzzle na ibibigay sa bawat grupo.

2.Gumawa ng pangungusap tungkol sa larawang binuo


gamit ang simile o pagtutulad.

Sa pagbibigay ng marka ng pangkatang gawain, narito


ang ating rubriks.

Rubriks Puntos

Tahimik sa pagbuo ng 5 puntos


puzzle

Mabilis na makakatapos 5 puntos

Angkop ang ginamit na 10 puntos


pangungusap sa larawang
nabuo.

Kabuuang Puntos 20 puntos (Ang mga bata ay tahimik na bubuuin ang puzzle
at kanilang gagawan ng pangungusap ang
nabuong larawan gamit ang simile
Narito ang mga larawan na kanilang bubuuin. Matapos
buuin ay kanilang ipapakita sa kanilang kaklase ang (Pupunta sa harapan ang representatib ng bawat
larawang nabuo. grupo at sasabihin kung ano ang nasa larawan at
babasahin ang nabuong pangungusap)

Ang aming nabuong larawan po ay dyirap.


Pangkat 1 Ang kuya ni Albert ay singtaas ng dyirap.

Bulaklak po ang aming nabuo.


Pangkat 2 Katulad ng bulaklak ang ganda ni Rosa.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Pangkat 3 Ibon po ang aming nabuo sa puzzle.


Gaya ng ibon tayo ay malayang namumuhay.

123…123… Ti, pak, long!

Mahusay! Bigyan nga natin ang inyong mga sarili ng


tipaklong clap!

Tandaan natin na kailangan gamitin sa tamang paraan


o pangungusap ang simile para hindi tayo makasakit ng
ibang tao. Isiping mabuti ang sasabihin upang ang
Opo
pagtutulad o paghahambing na gagamitin ay hindi
maging insulto sa iba.

Nauunawaan ba? Pagtutulad po

G. Paglalahat

Ano ang ibang tawag sa simile? Simile po

Ang gaya ng, tulad ng, sing at iba pa ay halimbawa ng


ano?

Magaling!

IV. Pagtataya
Panuto: Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap.

Halimbawa:
Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.

1. Nagniningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Leah.
2. Nagsasalita siyang simabanayad ng hangin.
3. Singgaan ng balahibo ang papel.
4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat.
5. Lumangoy siyang simbilis ng isda.

V. Takdang Aralin

Panuto: Gumawa ng limang pangungusap gamit ang simile.

1.

2.

3.

4.

5.
Republic of the Philippines
Bulacan State University
BUSTOS CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION

Inihanda ni:

MICHELLE P. AZUCENA
Student Teacher

Binigyang pansin ni:

MR. ROBERT S. DIÑO


Cooperating Teacher

You might also like