You are on page 1of 3

PAGMAMAHAL

SA
SARILING WIKA

Ipinasa ni: Crystal Mae L. Sagosoy


11- St. Thomas Aquinas

Ipinasa kay: G. Hermoso E. Ompoc, Jr.


Asignaturang Guro
PAGMAMAHAL SA SARILING WIKA

Sa dinami-rami ng wika sa mundo


Iisa lang ang pinagmamalaki ko.
At ito ang ating wikang Filipino,
Ang wika ng bansang pinanggalingan ko.

Ito'y instrumento ng komunikasyon,


Pinag-iisa nito ang buong nasyon.
Maaaring gamitin sa pagsusulat,
O kaya'y pakikipag-usap sa lahat.

Kapag tayo'y walang naiintindihan,


Wika natin ang ating maaasahan.
Kahit pa magkaiba ang diyalekto,
Ang wikang pambansa ang solusyon dito.

Sa pagtuturo ay ginagamit ito,


Upang mga mamamayan ay matuto.
Ginagamit rin sa pagtulong ng iba,
Ito ay simbolo ng pagkakaisa.

'Pag tayo'y nagpapahayag ng damdamin,


Ang wika natin ay ating gagamitin.
'Pag tayo'y nagbabahagi ng ideya,
Dahil sa wika ito'y nalaman nila.
Wika'y gamitin sa mabuting paraan,
Upang manatili ang kapayapaan.
Pagkakaunawaa'y panatilihin,
Upang maabot ng bansa ang mithiin.

Wika ay kailangan nating ingatan,


At iwasan natin itong madungisan.
Kaya sa mga tulad kong kabataan,
Kailanman ito ay wag kalimutan.

Wika natin ay palaging tangkilikin,


Sapagkat ito ang unang wika natin.
Kahit na kaalaman ay nadagdagan,
Mahalin pa rin ang wikang pinagmulan.

Wika ay isang parte ng buhay natin,


Parang dugo itong dumadaloy s'atin.
Natutupad nito ang ating hangarin,
At naisasambit ang gustong sabihin.

Ng dahil sa mga nabanggit kong ito,


Pagmamahal ko sa wika'y buong buo.
Walang katumbas ang nagagawa nito,
Dahil dito nagiging malaya tayo.

You might also like