You are on page 1of 3

Sabjek: Kumunikasyon at Baitang 11

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Petsa: Sesyon: 1 - 4
Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang mga konsepto, elementong
kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang
Pilipino.
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang
panayam tungkol sa aspektong kultural o
lingguwistiko ng napiling komunidad.
Kompetensi 1. Nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay
sa mga napakinggang pagtalakay sa wikang
pambansa (F11PN-If-87)
2. Nasusuri ang pananaw ng iba’t ibang awtor sa
isinulat na kasaysayan ng wika (F11PB-If-95)
I. Layunin
Kaalaman 1. Natutukoy ang mga mahalagang pangyayari na
may kinalaman sa wika sa Panahon ng Kastila.
2. Nakapagpapatunay na ang mga bayani ay may
malawak na kontribusyon sa kasaysayan ng
wikang pambansa sa Panahon ng Rebolusyon.
Saykomotor 3. Napagkasunod-sunod ang mga pangyayari sa
Panahon ng Kastila.
4. Naitala ang kontribusyon ng mga bayaning
Pilipino sa Panahon ng Rebolusyon.
Apektiv 5. Nagugunita ang mga dating kaalamang naidulot
ng pananakop ng kastila at sa panahon ng
Rebolusyong Pilipino sa ating bansa.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa Kasaysayan ng Wikang Pambansa
(Panahon ng Espanyol at Rebolusyong Pilipino)
B. Sanggunian Modyul 6
C. Kagamitang Modyul, laptop, internet, at LED TV
Pampagtuturo
III. Pamamaraan Tugon para sa Guro
A. Paghahanda
Pangmotibasyonal Panuto: Bigyang kasagutan ang Panimulang
na Tanong Pagsusulit na matatagpuan sa pahina 2-3
ng modyul.

Aktiviti/Gawain Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga tanong na nasa pahina 4


na may kinalaman sa kaganapang pag-aalsa ng
mga Pilipino laban sa pamamalakad ng mga
Kastila.

Pagsusuri Itanong:
1. Ano ang napapansin ninyo sa gawain 1?
2. May naiisip ba kayong kakaiba hinggil sa
gawaing ito?
3. Paano kaya makatutulong ang gawaing ito sa
aralin na ating pag-aaralan?
B. Paglalahad

Abstraksyon Mangyayari ang talakayan ukol sa kasaysayan ng


(Pamamaraan ng wika sa panahon ng Espanyol at panahon ng
Pagtatalakay) Rebolusyon na matatagpuan sa pahina 5-11 ng
modyul.

Mga Gawain:
Gawain 2
Panuto: Bigyang kasagutan ang gawaing makikita
sa pahina 12.

Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-


aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas. Ayon sa
kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una,
mas madaling matutuhan ng isang misyonero ang
wika ng isang rehiyon kaysa ituro sa lahat o kahit
ilan lamang sa taong banyaga ay nagsasalita ng
katutubong wika. Ang kontribusyon ng mga bayani
sa panahon ng rebolusyon ay nagpapakita ng
kanilang matinding pagmamahal sa bayan.

C. Pagsasanay Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na may


Mga Paglilinang na kinalaman sa pag-unlad ng wikang pambansa sa
Gawain Panahon ng Espanyol at Panahon ng Rebolusyong
Pilipino. Ito ay binubuo ng 4 hanggang 5 talata.
Bawat talata ay kailangang may limang
pangungusap pataas. Pumili ng angkop na
pamagat sa inyong nabuong sanaysay. Sa pahina
13-14, makikita ang kriteryang inyong
pagbabasihan. (Answers may vary)

D. Paglalahat Pagpapaliwanag:
Generalisasyon Ø Ipagpalagay natin na nasa ganito kayong
kalagayan, ano ang gagawin ninyo? Susundin nyo
ba ang pamamalakad ng mga kastila o makikiisa
kayo sa mga Pilipino na makipaglaban para sa
kalayaan? (Answers may vary)

IV. Pagtataya Panuto: Subuking sagutin ang mga sumusunod


na gawain.

A. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon


sa Kaganapan sa Panahon ng Kastila. Lagyan
ng bilang 1-7.

B. Pagpapaliwanag: Sagutin ang sumusunod nang


pakomprehensivo.

1. Ano-ano ang kontribusyon ng mga


propagan-distang ito sa
pagpapaunlad ng wikang Pambansa?
20 puntos
2. Bakit naging matindi ang damdaming
nasyona-lismo ng mga propagandista
sa panahon ng rebolusyon? 15
puntos

V. Takdang-Aralin Panuto: Alamin ang mga mahahalagang


impormasyon ukol sa kasaysayan at pag-unlad ng
mga wika sa Pilipinas sa Panahon ng Hapones.

You might also like