You are on page 1of 19

Maikli o Malawak

Modyul sa Music 5
Ikalawang Markahan - Ikalimang Linggo

IRENE D. SONGAG
Debeloper

Kagawaran ng Edukasyon • CAR Dibisyong


Pampaaralan ng Mountain Province
Tadian I • Mababang Paaralan ng Balaoa
Republika ng Pilipinas Kagawaran
ng Edukasyon Cordillera
Administrative Region
DIBISYONG PAMPAARALAN NG MOUNTAIN PROVINCE
Bontoc, Mountain Province

Inilathala ng:
Learning Resource and Development System

KARAPATANG-ARI
2020

Itinakda ng Seksiyon 9 ng Presidential Decree Bilang 49 na:

“Walang karapatang sipi ang dapat mamalagi sa anumang gawa ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayunman, ang pagsang-ayon ng tanggapan ng ahensya ng pamahalaan kung saan
ito nilikha ay kinakailangan para sa anumang pagsasamantala sa nasabing gawa para ito ay
pagkakitaan.”

Ang kagamitang ito ay binubuo para sa pagpapatupad ng K-12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) – Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong paramihin para sa layuning
pang-edukasyon at dapat ding kilalanin ang may akda. Ang pagsasalin, pagpapabuti at
pagdadagdag para lalong mapahusay ang gawang ito ay pinapayagan ngunit ang orihinal na
gawa at ang karapatan sa sipi ay dapat kilalanin. Walang bahaging nagmula sa gawang ito
ang maaaring gawing komersiyal at pagkakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division lalo na ang


Learning Resource Management and Development Unit, Department of Education, Schools
Division of Mountain Province bilang tugon sa pagpapaunlad ng K-12 Curriculum.

Ang aklat na ito ay pag-aari ng Department of Education–CAR, Schools Division of


Mountain Province. Layunin nitong mapabuti ang pagganap ng mga mag- aaral lalo na sa
asignaturang Filipino.

Schools Division of Mountain Province


Lokasyon: Tadian I
Balaoa Elementary School

Asignatura: Music

Baitang: 5

Uri ng Kagamitan: Kagamitan ng Mga-aaral - SLM

Lenguwahe: Filipino

Taon ng Paglathala/ Karapatang Ari: 2020

Recognizes the musical symbols and


Content Standard: demonstrates understanding of concepts
pertaining to melody.

Accurate performance of songs following the


Performance Standard: musical symbols pertaining to melody
indicated in the piece.

MELC with Code: Determines the range of a musical


example 1. wide 2. narrow (MU5MEIIe-8)

Pokus na Kasanayan: Pagkilala

Kwarter/Linggo: Ikalawang Kwarter – Ikalimang Linggo

iii
PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang may-akda sa mga evaluators at sa mga kasamahang


guro sa Balaoa Elementary School, para sa walang sawang paggabay, panghikayat at
pagbigay ng mungkahi sa ikabubuti at ikabubuo ng modyul na ito sa Music 5.

Maraming salamat po!

ids

MGA TAGASURI

ROSAL A. COMTIAG MARYLOU P. VARGAS


School Pre-Evaluator District Pre-Evaluator

PAMATNUGUTAN NG DIVISION LRMS:

NIKKI T. MACABEO ANDRES M. CUYASAN


Librarian II Project Development Officer

ANNA LIZA A. DICDICAN JOCELYN P. SAMIDAN


EPSvr-MAPEH EPSvr-LRMDS

MGA KONSULTANT:

KHAD M. LAYAG, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN, CESE


OIC – Assistant Schools Division Superintendent

FEDERICO P. MARTIN, CEdD, EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Karapatang Ari.......................................................................................................................ii

Paunang Salita........................................................................................................................iii

Pasasalamat............................................................................................................................iv

Mga Nilalaman.......................................................................................................................v

Dahong Pamagat....................................................................................................................1

Alamin....................................................................................................................................2

Subukin..................................................................................................................................3

Balikan...................................................................................................................................4

Tuklasin..................................................................................................................................4

Suriin......................................................................................................................................4

Pagyamanin............................................................................................................................6

Pagtatasa 1.................................................................................................................6

Pagtatasa 2.................................................................................................................7

Isaisip.....................................................................................................................................8

Isagawa...................................................................................................................................8

Tayahin...................................................................................................................................9

Karagdagang Gawain.............................................................................................................10

Susi sa Pagwawasto................................................................................................................11

Bibliograpiya..........................................................................................................................12

v
Alamin

Para sa gagabay sa bata:

Magandang araw! Maraming salamat po sa taos-puso ninyong pakikipagtulungan para


maisagawa ang modyul na ito. Pakigabayan po ang inyong anak sa pagsagot sa iba’t ibang
gawaing naibigay sa modyul. Meron pong talakayan at naibigay na mga halimbawa para
maging gabay ninyo sa pagtulong sa inyong anak. Kung meron po kayong hindi maintindihan
o katanungan, maari po ninyong tawagan ang guro.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Nilalaman nito ang tungkol sa agwat ng
tono sa isang awitin. Sana ay magsilbi itong gabay upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol sa aralin.
Pakibasa ang ilang mga paalala na dapat mong tandaan sa paggamit ng modyul na ito.
1. Pakaingatan at huwag sirain ang modyul.
2. Basahin at intindihin ng maigi ang mga ibinigay na panuto sa bawat gawain.
3. Sagutan muna ang Subukin para masukat mo ang iyong kaalaman tungkol sa
aralin.
4. Kapag tapos ka na sa lahat ng gawain, sagutan mo ang Tayahin. Dito mo
malalaman kung naintindihan mo ang aralin.

Inaasahan na pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng modyul na ito ay may


kakayahan ka nang tumugon sa sumusunod na layunin:

1. Natutukoy ang range ng isang awitin.

1 Icon, DedEd.Image Bank MTB-MLE. Softcopy. June 2020


Subukin
Bago mo simulan ang iyong paglalakbay sa modyul na ito, pakisagutan muna ang mga
katanungan sa ibaba.

Basahin at intindihin ng maigi ang mga katanungan. Kulungin ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay elemento ng musika kung saan tumutukoy sa maayos na


pagkakasunod-sunod ng mga tono upang makabuo ng isang ideya.
A. dynamics B. melody C. ritmo D. timbre

2. Alin sa sumusunod ang may narrow range?

C
A.
𝄞C C
B.
𝄞C C C
C
C.
�C C C D.
� C C
3.
� na tono.
Ito ay nakikilala sa
pinakamataas
pamamagitan

ng pagtukoy sa pinakamababa at

A. Range B. Hugis ng Melody


C. Direksiyon ng Melody D. Ascending Direksiyon

4. Ano ang pinakamababang tono ng nasa ibaba?

𝄞 C
C C
A. mi B. re C. so D. fa
C
5. Ano ang range ng staff na nasa bilang 4?
A. Narrow B. Wide C. Stationary D. Ascending

6. Alin ang nagpapakita ng wide range?


A.
𝄞 C C B.
𝄞C
C C
C
C.
�C
C
C
D.
𝄞
C
C C


7. Ibigay ang pinakamataas na tono ng nasa baba.

� C C
C C


A. Do B. mi C. ti D. do

8. Ano ang range ng nasa bilang 7?


A. Wide B. Narrow D. Hindi matukoy D. Descending

2
Balikan
Naaalala mo pa ba ang interval ng melody? Ito ang pagitan ng dalawang note.
Mahalaga ito sa isang awitin dahil nakakadagdag sa kagandahan ng melody nito. Ang interval
ng isang awitin ay puwedeng prime, second, third, fourth, fifth, sixth, seventh o kaya ay
octave.

Tuklasin
Pag-aralan at suriin ang pagkakaiba ng dalawang staff sa ibaba.

1. 𝄞 C C 2. 𝄞 C C

C - Ano ang napansin ninyo sa dalawa? C


- Sa una, ano ang pinakamababang tono? pinakamataas?
- Sa ikalawa, ano rin ang pinakamababang tono? pinakamataas?

Suriin
Sa musika, ang agwat ng pinakamababang tono sa pinakamataas na tono ay isang
mahalagang aspekto ng melody. Ito ang tinatawag nilang range. Ito ay natutukoy sa
pamamagitan ng pagkilala sa pinakamataas at pinakamababang tono ng isang awitin.

Para mas maintindihan, ating pag-aralan ang naibigay kanina na dalawang


staff.

Sa unang staff, ang pinakamababang tono ay mababang Do at ang pinakamataas na


tono ay mi. Kung titingnan natin ang agwat ng dalawang tono, maikli lang o kaya ay makitid.
Kaya masasabing ang range ng unang staff ay narrow.
2

2 Icon, DedEd.Image Bank MTB-MLE. Softcopy. June 2020

3
Ating suriin ang isa pang halimbawa sa ibaba para mas lalong maunawaan ang narrow
range.

Pinakamababang tono Pinakamataas na tono

Ang awiting Chua-ay ay may narrow range. Bakit? Dahil maikli lang ang agwat
ng pinakamababang tono na mi sa pinakamataas na tono na la.

Isunod naman nating pag-aralan ang ikalawang staff na naibigay kanina sa Tuklasin.
Ang pinakamababang tono ay mababang Do at ang pinakamataas na tono ay mataas na do.
Malayo ang agwat ng dalawang ito kaya ang range ng ikalawang staff ay wide.

Naintindihan mo na ba ang wide range? Pag-aralan mo uli ang isa pang halimbawa.

Ili-Ili Tulog Anay

Pinakamababang tono Pinakamataas na tono

Ano ang pinakamababang tono sa awiting Ili-Ili Tulog Anay? Mi sa baba. Ano
naman ang pinakamataas na tono? la sa taas.
Malayo ba ang agwat nila? Oo kaya wide range ang awiting ito.

4
Kumusta? Kaya mo na bang tukuyin kung ang isang awitin ay narrow or wide range?
Kung oo, ibig sabihin handa ka na para gawin ang iba pang mga gawain. Pero kung hindi pa,
basahin mo uli ang talakayan, pag-aralan mo ang mga naibigay na halimbawa o di kaya ay
magpatulong ka sa mga nakakatandang kasambahay mo para tulungan ka nilang intindihin
ang aralin.

Pagyamanin
Handa ka na ba para sa mga pagtatasa sa ibaba? Huwag mong kalimutan ang mga
natalakay kanina para madali mong masagot ang mga katanungan. Goodluck!

Pagtatasa 1
Suriin ang sumusunod kung narrow range o wide range. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bawat b

1.
i C C C

2. � C
C
C

3.

� C C C


C
4.
C C
C


3

3 Icon, DedEd.Image Bank MTB-MLE. Softcopy. June 2020

5
Pagtatasa 2
Pag-aralan ang mga awitin sa ibaba. Tukuyin ang pinakamababa at pinakamataas na
tono. Pagkatapos ay isulat kung ang awitin ay narrow o wide range. Isulat ang sagot sa mga
puwang na ibinigay sa ibaba ng bawat awitin.

1.

Pinakamababang tono :
Pinakamataas na tono :
Range :

2.

Pinakamababang tono :
Pinakamataas na tono :
Range :

6
Isaisip
Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan.

Ang ay tumutukoy sa agwat ng pinakamababang tono


sa pinakamataas na tono. Kapag ang agwat ay malaki, ang range ng awitin ay
. Kung maikli naman ang agwat, ang range ng awitin ay
.

Isagawa
Maglagay ng isa pang note para maipakita ang nabanggit na range.

1. Narrow Range

� C
2. Wide Range
� C
𝄞

4 Icon, DedEd.Image Bank MTB-MLE. Softcopy. June 2020

7
Tayahin
Basahin at intindihin ng maigi ang mga katanungan. Kulungin ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga


tono upang makabuo ng isang ideya.
A. dynamics B. melody C. ritmo D. timbre

2. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng wide range?


C
A. � C C C
𝄞C CC C
B.
C.
�C C C
D.
� C

3. ay aspekto ng melody na tumutukoy sa �


Ito � agwat ng pinakamataas at
pinakamababang tono sa isang awitin.
A. Direksiyon ng Melody B. Hugis ng Melody
C. Interval D. Range

4. Ano ang pinakamataas na tono ng nasa ibaba?


C
𝄞
A. fa
C
B. so
C
C. la D. ti
C
5. Ano ang range ng nasa bilang 4?
A. Wide B. Stationary C. Narrow D. Ascending

6. Ang mga sumusunod ay nasa narrow range, alin ang hindi?

C C C
A.
𝄞C C C
B.
𝄞C
C. � CC C D. 𝄞 C C

7. Ibigay ang pinakamababang tono ng nasa baba.

� C C
C C


A. Do B. mi C. so D. ti

8. Ano ang range ng nasa bilang 7?


A. Wide B. Narrow D. Hindi matukoy D. Descending

8
Karagdagang Gawain
Gamit ang quarter notes, bumuo ng tig-isang halimbawa ng narrow at wide range. Gamitin ang
naibigay na staff.

1. narrow range



2. wide range


5 Icon, DedEd.Image Bank MTB-MLE. Softcopy. June 2020

9
Susi sa Pagwawasto

5. C
4. C
8. A 3. D
7. C 2. C
6. C 1. B
Tayahin

Range, wide, narrow


Isaisip

Range: Narrow
Pinakamataas na Tono: ti
2. Pinakamababang Tono: so

Range: Wide
Pinakamataas na Tono: do
1. Pinakamababang Tono: Do
Pagtatasa 2
5. A
4. Wide 4. B
3. Narrow 8. A 3. A
2. Wide 7. B 2. B
1. Narrow 6. C 1. B
Pagtatasa 1 Subukin

10
Bibliograpiya
Copiaco, Hazel P.; Emilio S. Jacinto Jr.; Halinang Umawit at Gumuhit. Quezon City,
Philippines, Vibal Group, Inc. (2016)

11
Para sa mga katanungan, paglilinaw, pagwawasto, komento, puna o mungkahi,
mangyaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng e-mail, text o chat sa:(DepEd
MPSDO)
Department of Education – Schools Division of Mountain Province Poblacion,
Bontoc, Mountain Province, 2616

PANGALAN NG GURO/ ADVISER:


Contact Number/s: Email:

ANDRES M. CUYASAN – PDO II/ DIO: 09773812905/ 09208194245


Email: andres.cuyasan@deped.gov.ph

You might also like