You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

KONTEMPURARYONG ISYU

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mag-aaral ay ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan.

Pamantayan sa Pagkatuto:
Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa
kabuhayan, politika, at lipunan.

I.Layunin:
Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natatalakay ang kahulugan ng Participatory Governance.
 Naitatala ang mga pamamaraan sa pagsasagawa ng participatory governance.
 Nabibigyang halaga ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala..

II.Nilalaman:
a. Paksa: Papel ng Mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala.
b. Sanggunian: Kontempuraryong Isyu LM pp. 409-418, Internet.
c. Kagamitan: Smart TV, mga larawan, Video, Slide presentation

III.Pamamaraan:
1. Pangganyak: Isyu Suri
Susuriin ng mga mag-aaral ang mga ipapakita ng gurong mga larawan na nagpapakita
ng mga iba’t-ibang isyu na kunakaharap ng ating pamayanan. At sasagutin ang mga
sumusunod na mga katanungan.

a. Ano ang ipinapakita sa mga kartong editoryal na ito?


b. Ito ba ay inyo nang naranasan sa inyong pamayanan? Paano?
c. Bilang parte ng pamayanang inyong kinabibilangan, ano ang inyong maaring gawin
para ang hamon na kagaya nito ay maaaring matuldokan?

2. Paglalahad: Team Jigsaw


Ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat at mabibigyan sila ng magkaibang puzzle
na nagpapahiwatig sa paksang tatalakayin.

Sa pagbuo ng mga ito, kanilang matutuklasan na ang ibang mga parte ng kanilang
puzzle ay nasa ibang kuponan at sila ay gagawa ng paraan kung papaano nila ito
makukuha sa kabilang pangkat.

3. Paglinang ng Aralin:
a. Malayang talakayan
A or B
Sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang mga flags mag-uunahan ang mga mag-
aaral na sasagot sa mga katanungantungkol sa paksa na ipapakita ng slides,
pipili ang mag-aaral kung ang kanyang sagot ay A or B.
4. Pangwakas na Gawain
a. Paglalahat:
Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan ng guro na:

 Magkakaroon kaya ng mas maayos na pamamalakad ang ating


pamahalaan kung ito ay magbibigay ng pansin sa kaisipan ng taong
bayan, Bakit?

b. Tulang aking handog, iyong pakinggan


 Batay sa pagkakaintidi ng mga mag-aaaral sa paksa, sila ay gagawa ng
limerick na nagpapakita sa kahalgahan ng pakikiisa.

c. Pagpapahalaga:
Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan ng guro na:

 Ano ang kahalagahan ng pagsasagawa ng gampanin mo bilang parte ng


ating pamayanan?

d. Ebalwasyon:
Magbibgay ang guro ng maikling pagtataya.

IV. Takdang Aralin

Gumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa Papel ng mga mamamyan sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala.

Inihanda ni:

JAN DRAKE S. VALLEDOR


TIII, AP Department

Iniwasto at Pinagtibay ni:

JOCELYN A. IBEA
HT III, AP DEPARTMENT

You might also like