You are on page 1of 2

FILIPINO 2

PANGALAN: ___________________________________________ PANGKAT: ____________

PAARALAN: ___________________________________________ GURO: _______________

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maipapakita ko ang pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng ______________.


A. pagdadabog B. pagdarasal C. pagsusungit

2. Binabawalan ako ni Nanay na maglaro sa ulan upang ako ay hindi _______.


A. mabasa B. madulas C. magkasakit

3. Kumakain ako ng gulay at prutas dahil gusto kong maging __________.


A. maganda B. malusog C. mabait

Bilugan ang titik ng tamang magalang na pananalita. Ano ang sasabihin mo sa sumusunod na
sitwasyon?

4. Umaga nang makasalubong mo ang iyong guro.


A. Magandang umaga po. B. Magandang tanghali po. C. Magandang hapon po.

5. Binigyan ka ng Nanay mo ng baon para meryenda sa paaralan.


A. Hindi ko sinasadya. B. Magandang araw. C. Maraming salamat po.

6. Paalis ka ng bahay para pumasok sa inyong paaralan.


A. Aalis na po ako. B. Kumusta ka na? C. Pasensya na po.

7. Anong mensahe ang nais ipabatid ng patalastas?

Kumain ng prutas at gulay, hahaba ang iyong buhay.

A. Kahalagahan ng kalusugan B. Pagmamahal sa kapwa C. Ingatan ang kalikasan

8. Anong ibig sabihin ng mensaheng ito?


Mag-ingat sa Aso
A. Batuhin ang aso. B. Pakainin ang aso. C. Umiwas at baka makagat ng aso.

Agad tinulungan ni Kalapati si Langgam na nahulog sa ilog kaya naligtas ang kaibigan sa pagkalunod.

Nang sumunod na araw naligtas naman si kalapati dahil kinagat ni Langgam ang paa ng mangangaso na nais barilin ang
kanyang kaibigan,

9. Anong mensahe ang nais ipabatid ng pabulang binasa?


A. Pag-iingat B. Pagbibigayan C. Pagtutulungan

10. May napulot si Jenny na isang pitaka at may laman na pera. Sinabi niya agad sa guro upang
makita ang may-ari ng pitaka. Anong mensahe ang nais ipabatid ng maikling kuwento?
A. Pagkamasipag B.Pagkamatapat C. Pagkamatapang

Ang Bola ni Yohan

Si Yohan ay may bagong bola. Binili ito ng kanyang Tita Nena . Ang bola ni Yohan ay kulay asul. “Maraming
salamat po Tita Nena, wika ni Yohan. Inaya ni Yohan si Billy na maglaro. Masayang naglaro ang dalawa.

Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

11. Sino ang may bagong Bola?


A. Billy B. Yohan C. Tita Nena
12. Ano ang kulay ng bola ni Yohan?
A. pula B. dilaw C. asul
13. Bakit nagpasalamat si Yohan sa kanyang Tita? Dahil _______.
A. binilhan siya ng bola B. namasyal sila sa Mall C. binilhan siya ng damit

Bilugan ang titik na may tamang pagsunod sa panuto.


14. Sumulat ng malaking Titik na A at maliit na titk na a.
A. Bb B. Mm C. Aa

15. Gumuhit ng hugis bilog at isulat ang malaking titik M sa loob nito.

M MB CM
A. B. C.

16. Gumuhit ng isang parisukat at lagyan ng tsek sa gitna nito.

A. B. C.

Piliin ang tamang maikling salita na nakapaloob sa isang mahabang salita.

17. kagubatan
A. atan B. gubat C. kagub

18. kabahayan
A. kab B. hay C. bahay

Alin sa mga pangungusap ang may wastong gamit ng malaki at maliit na letra?
19. A. Si ana ay isang batang matulungin.
B. si Ana ay isang Batang matulungin.
C. Si Ana ay isang batang matulungin.

20. A. Sina belen at fe ay magkakaibigan.


B. Sina Belen at Fe ay Magkakaibigan.
C. Sina Belen at Fe ay magkakaibigan

You might also like