You are on page 1of 2

Louie Marcus Waytan

Lara joy M. Cirilo 8- St. Therese

Anawnser (Louie): Magandang araw sa inyong lahat! Ito ang inyong lingkod sa radyo, at ngayon
ay ating pag-uusapan ang isang mahalagang isyu na hindi lamang sa kasalukuyan kundi sa
panahon pa ng Florante at Laura. At ngayong araw, kasama natin ang isang espesyal na bisita
na makakatulong sa atin na mas lalo pang maintindihan ang mga ito.
Kinapanayam (Lara): Magandang araw po saiyo at sa ating tagapakinig. Maraming salamat po
sa pag imbita saakin. At ako nga po pala si Lara Cirilo
Anawnser (Louie): Maam lara Ano nga po pala ang mga isyu sa kasalukuyan na mayroon tayo?
Kinapanayam (Lara): Ang mga isyu na ito ay ang mga pakikipaglaban. Ito ay ang paglaban para
sa katotohanan, katarungan, at kalayaan. Ngunit kahit na nakamit na natin ang ating kalayaan
bilang isang bansa, mayroon pa ring mga isyu na kinakaharap ang ating lipunan sa kasalukuyan.
Tulad ng, COVID-19 Virus, at ang digmaan ng ibang bansa.
Anawnser (Louie): Marami pa po ang mga isyu sa kasalukuyan makapagbibigay ka pa po ba ng
ibang isyu?
Kinapanayam (Lara): Sa kasalukuyan, ang isang napapanahong isyu ay ang kawalan ng
katarungan para sa mga biktima ng pang-aabuso sa ating lipunan. Marami sa ating mga
kababayan ang nakakaranas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at iba pang mga hamon sa
buhay. Hindi lamang ito ang isyu na kinakaharap natin sa kasalukuyan, dahil marami rin sa ating
mga kababayan ang nakakaranas ng diskriminasyon at pang-aabuso sa iba't ibang larangan. Sa
kasalukuyan din po, marami ang mga nag kakaroon ng mga kabit, mga taong pinipilit na ikasal
at mga taong pinaraya ang kanilang mga mahal.

Anawnser (Louie): Marami nga po talaga ang mga kaganapan na ganyan sa kasalukuyan , sa
Florante at Laura, nakita natin ang kawalan ng katarungan sa lipunan kung saan ang mga taong
may mabuting kalooban ay pinapahirapan ng mga taong mapang-aping naghaharing uri.
Gayunpaman, hindi tumigil ang mga tauhan ng Florante at Laura sa paglaban para sa
katarungan at kalayaan. Tulad nila, dapat din tayong magkaisa at magtulungan para sa
pagbabago sa ating lipunan.
Kinapanayam (Lara): Kaya naman sa ating pagtatapos, hinihikayat namin ang lahat na maging
bahagi ng pagbabago at laban para sa katarungan at kalayaan. Huwag nating hayaang manatili
ang mga isyu sa ating lipunan, at sa halip, tayo ay dapat magkaisa upang mapagtagumpayan
ang laban para sa mga biktima ng pang-aabuso.
Anawnser (Louie): Ako nga po ulit si Louie Marcus Waytan at dito na po nagtatapos ang aming
programa. Salamat po sa ating mga taga pakinig at salamat din po saiyo Ma’am Lara.

Kinapanayam (Lara): Maraming salamat po sainyong lahat sa pakikinig. Salamat po muli sa


pagimbita saakin. Ako nga po ulit si Lara Cirilo.
Louie Marcus Waytan
Lara joy M. Cirilo 8- St. Therese

You might also like