You are on page 1of 7

KINA D E N A NG

BAHA G H A R I
Bakla, tomboy, at transgender – mga kasapi ng
LGBTCommunity, mga mamamayan sa buong mundo na
patuloy pa ring dumadaan sa napakadaming pagsubok.
Halimbawa nito ay, kakulangan sa trabaho (Sears at Mallory,
2011), predyudis at panghuhusga sa pag-access ng
healthcare (Winter, 2012), pagpapatayo ng bahay (Grant,
Mottet & Tannis, 2011) at edukasyon (Burns, 2011).
Sa mga pagkakataon, nangyayari ang “corrective
rapes” sa sangay ng mga tomboy (Brown,2012). Patuloy pa
rin ang pagpatay ng mga myembro ng LGBT sa iba’t ibang
bansa kahit lumalaki ang tawagsa pagkakapantay-pantay at
kalayaan mula sa lahat ng uri ng mga diskriminasyon at
panghuhusga. Sa ulat ng Transgender Europe noong 2012,
1,083 transgender ang naging biktima sa homicide noong
2008 hanggang 2012.
Noong taong 2011, ang United Nations Human Rights Council (UNHRC)
ay hinango ang 17/19 resolution, na kung saan, ito ay nagbigay daan para sa
United nations Office of the Higher Commissioner for Human Rights (UN-
OHCHR) na gumawa ng pinakaunang ulat ng UN para sa karapatang pantao at
Sexual Orientation and Gender Identity (SOGI). Sa ulat na iyon, mga
ebidensya ng diskriminasyon na hinarap ng mga kasapi ng LGBT Community
dahil sa kanilang Sexual Orientation o Gender Identity ang naiprisinta. Ang
ilan sa diskriminasyon na naranasan nila ay ang hindi pantay na tingin sa
trabaho, walang agarang sagot sa magandang kalidad ng healthcare,
limitado/walang suporta sa edukasyon, kriminalidad, physical violence at
pagpatay
(OHCHR).
Sa interbyu ni Juan Miguel Severo, isang spoken word
poet, sa Bottomline with Boy Abunda, nang tinanong siya
kung ano ang kanyang ipinagmamalaki, ang kanyang sagot,
“I am proud of my and my community’s struggle,
ipinagmamalaki ko na maging katuwang at maging kakampi
ng isang komunidad na nanggagaling sa pagmamahal na
ipinaglalaban ang kanilang karapatan at nararapat para sa
mga pinaglalaban nilang karapatan.”
Ang pagtanggap sa mga kasapi ng LGBT Community, ay
ang pagtanggap na rin natin sa kanila hindi bilang myembro ng
isang lipunan, kundi bilang isang mamamayan. Marami pang
daan ang tatahakin ng mga kasapi ng LGBT Community, bigyan
na natin ng wakas ang panghuhusga at diskriminasyon. Ibigay
ang nararapat na ibigay. Ang karapatan natin, ay karapatan rin
ng LGBT Community.

Maging isa sa mga solusyon, hindi balakid.


Group 3
Christian Paul Lopez
Rosarie Incillo
Kaye Yere
Owen Cabacungan
John Patrick Villa
April Joy Mondia
Ma. Sophia Mikaela S. Suboc

You might also like