You are on page 1of 6

Baitang/

Guro Ian Jule D. Avelino 10


Antas

Petsa Oktubre 19, 2023 (Biyernes) Asignatura Filipino


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII 7:40-8:40 (Boyle)
Division of Leyte
8:40-9:40 (Newton)
Unang
STA. MESA NATIONAL HIGH SCHOOL Oras 10:00-11:00 (Faraday) Markahan
Dagami, Leyte
PANG-ARAW-ARAW NA Markahan
11:00-12:00 (Maxwell)
TALA SA PAGTUTURO 2:00-3:00 (Einstein)

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
A. Pamantayang Nilalaman
pampanitikan. (Panitikang Mediterranean)
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique
B. Pamantayan sa Pagganap
tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.

Nagagamit ang mga angkop na mga hudyat sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari.


F10PB-Ie-f-65

Mga Tiyak na Layunin:


C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Natutukoy ang mga panandang pandiskurso bilang hudyat sa pagsusunod-
(Isulat ang code ng bawat kasanayan) sunod ng mga pangyayariv at pagkabuo ng diskurso;
2. Nakabubuo ng salaysay na naglalahad ng pagkasunod-sunod ng mga
pangayayari gamit ang iba’t ibang panandang pandiskurso;
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng wastong pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari
Wika at Gramatika: Mga Panandang Pandiskurso bilang Hudyat sa Pagsusunod-sunod
II. NILALAMAN
ng mga Pangyayari
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Pahina 186, MELC FILIPINO 10
2. Mga pahina sa Kagamitang Pahina 14-18, Filipino 10 -Modyul 4: Epiko ng Iraq / Sinaunang Mesopotamia
Pang-Mag-aaral (Panitikang Mediterranean)
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula
sa portal ng Learning Resources
B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, projector, ppt, speaker

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Panimula: (5 minutes)
at/o pagsisimula ng bagong aralin Pagbati
Attendance
Mga Paalala

Pagbabalik- aral
Gawain 1: Isalaysay Mo!
Panuto: Balikan ang “Epiko ni Gilgamesh”, ibuod ito sa pamamagitan ng
pagsasalaysay gamit ang mga hudyat o panandang pandiskurso sa pagkasunod-sunod
na pangyayari. Gamitin ang mga angkop na mga salita na makikita sa baba:

Sa huli Pagkatapos Sumunod


Sa kabilang banda Una

Pamprosesong Tanong:
1. Tama ba ang pagkakasunod – sunod na mga pangyayari?
2. Nagamit ba ang mga angkop na mga hudyat o panandang pandiskurso sa
pagsasalaysay sa pagkasunod sunod na pangyayari?

Gawain 2: Tiktok! (5 minutes)


Panuto: Sundin ang bawat hakbang na ipinapakita sa bidyo upang makabuo ng isang
sayaw.

Link:
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pamprosesong tanong:
1. Nakuha mo ba ng tama ang mga hakbang sa ipinakitang bidyo?
2. Nakatulong ba ang mga hakbang upang makabisado ang sayaw?

Gawain 2 (5 minutes)
Panuto: Ayusin ang pagkasunod-sunod na hakbang o proseso sa pagluto ng Arroz
Caldo sa pamamagitan ng pagbibigay ng bilang 1 hanggang 6 ang mga kahon upang
maayos ang mga hakbang. (Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang sunod-
sunurin ang pangyayari)

At sa huli, kapag ihahain na ay maaaring timplahan ito ng pamintang durog


o lagyan ng hiniwang sibuyas na mura at kalamansi.
Pagkalipas ng 45 minuto ay ihalo sa lugaw ang itinabing pinagpakuluan ng
manok.
Lakasan ang apoy upang kumulong muli.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
Pagkatapos mailagay ang sabaw ng manok ay isunod ang pinagpira-pirason
bagongaralin
manok
at sibuyas saka timplahan ng patis ayon sa panlasa.
Hayaang kumulo ng may 45 minuto sa katamtaman hanggang mahinang apoy
upang ' lumambot ang bigas. Halo-haluin nang madalas upang hindi dumikit
ang
kanin sa ilalim ng kaldero o Kaserola.
Sunod na idagdag ang 2 tasang bigas at asin sa kumukulong tubig at saka haluin.
Una, magpakulo ng 9 na tasang tubig sa isang malaking kaldero o kaserola.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano ninyo nakuha ang tamang hakbang o proseso sa pagluluto ng Arroz Caldo?
2. Paano nakatutulong ang mga salitang ito sa paglalahad ng hakbang o proseso?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at Panandang Pandiskurso ang tawag sa mga salita o lipon ng mga salitang nag
paglalahad ng bagong kasanayan uugnay sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. Ito ay nagbibigay-linaw at nag
#1 uugnay ng mga kaisipang inilahad sa isang teksto o diskurso. Ito ay maaaring
maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o maghimaton tungkol sa
pagkakabuo ng diskurso. Karaniwang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay,
panghalip at iba pang bahagi ng pananalita.

Uri ng Panandang Pandiskurso


1.Mga Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
Mga Halimbawa:
a. Sa pagsisimula - Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna - ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
c. Sa pagwawakas - sa dakong huli, sa huli, sa wakas, sa bandang huli
paglalahad ng bagong kasanayan
#2
2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso
a. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling sabi, sa ibang
pagpapahayag, kung iisipin
Halimbawa: Sa kabilang dako, pinatay nila si Humbaba, pinatag nila ang kagubatan
pati ang pagtangkang siraan ang diyosang si Ishtar ay kanilang ginawa.

b. Pagtitivak o Pagpapasidhi - siyang tunay, tulad ng, sumusunod, sa kanila, walang


duda
Halimbawa: Walang dudang naging matalik na magkaibigan sina Gilgamesh at
Enkido.

c. Paghahalimbawa - halimbawa, nailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang


magandang halimbawa nito ay gaya ng, tulad ng.
Halimbawa: Iba't ibang pakikipagsapalaran an ginawa nina Gilgamesh at Enkido gaya
ng pagpatag si kagubatan, pagpaslang sa halimaw at paggapi sa toro ng
divosa.

d. Paglalahat - bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa kabuoan, sa lahat ng mga ito.


Halimbawa: Sa kabuoan, lubos na naghinagpis si Gilgamesh sa sinapit ng buhay ni
Enkido kaya naman ipinagluksa niya ito nang husto.

e. Pagbibigay-pokus - bigyang-pansin ang, pansinin ang, tungkol sa

Halimbawa: Hindi sana siya maparurusahan kung hindi niya inako ang tungkol sa
kasalanang hindi naman niya ginawa.
f. Pagpupuno o Pagdaragdag - muli, kasunod, din/rin, at, saka, pati
Halimbawa: Sina Gilgamesh at Enkido ay magkaibigan.

g. Pagbubukod o Paghihiwalay - maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa


Halimbawa: Lahat na yata ng katangian ay taglay ni Gilgamesh maliban sa pagiging
abusado sa kapangyarihan.

h. Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan - tuloy, bunga nito, kaya naman,


kung kaya, kaya nga.
Halimbawa: Hindi kasi siya nag-ingat, tuloy nahuli siya.

i. Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali - kapag, sakali, kung

Halimbawa: Sasang-ayon ako sa pakiusap niya kapag napatunayan kong tapat siya.

F. Paglinang sa Kabihasaan Gawain 3


(tungo sa Formative Assessement) Panuto: Suriin ang mga panandang pandiskursong ginamit sa pangungusap at
tukuyin kung anong uri ito. (A) Mga Panandang Naghuhudyat ng pagkakasunod-
sunod ng mga Pangyayari o (B) Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo
ng Diskurso. Gayahin ang tsart sa ibaba.

1. Sa kabila ng malalang pag-ulan, patuloy parin ang operasyon ng mga volunteer


para makatulong.
2. Sa umpisa palang, masasabi kong masuniring bata is Paul dahil sa kanyang
ipinapakitang katangian.
3. Sa wakas, makakamit natin ang tunay na tagumpay kung magtutulungan tayo para
sa kalikasan.
4. Bilang pagtatapos ng kanyang pag-aaral, siya ay nakakuha n isang parangal mula sa
kanyang guro.
5. Bigyang-pansin sana ng pamahalaan ang mga naghihirap ngayong mamayan sa
gitna ng COVID-19 pandemic.

Panandang Pandiskurso Uri ng Panandang Pandiskurso


1.
2.
3.
4.
5

Gawain 4
Panuto: Punan ng angkop na salitang hudyat ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng talata. Piliin ang mga salitang hudyat o panandang pandiskurso sa loob ng
kahon.
Bukod sa Kung Dahil
Saka Kapag sa madaling sabi

(1)________isang babae, kumikilos siya bilang isang ina. (2)_______ kaya lumaki ang
kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayar sa lipunan. (3)_______ dito'y
sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules. (4)_______ naging
makata at manunulat naman si Emman at nahilig sa musikang rock 'n roll si Jason .
(5)_______, nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming
pagsubok ng panahon.

Gawain 5: Pangkatang Gawain (5 minuto)


PANUTO: Ang klase ay hahatiin sa limang (5) pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng
paksa at bumuo ng salaysay na nagpapakita ng angkop na pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari gamit ang mga hudyat o panandang pandiskurso upang mas mabigyan
buhay o diwa ang kanilang awtput. Narito ang mga paksang pagpipipilian

1. Ang Pag-usbong ng Teknolohiya: Makakabuti o Makakasama sa ating


Kabataan (Debate)
2. Pandemya COVid 19 (Balita)
3. Pagluluto ng Paboritong Pagkain
4. Pagbuo ng Sayaw
5. Pagsulat ng Sanaysay tungkol Paglaganap ng Fake News.

Pamantayan:
G. Paglalapat ng aralin sa pang-
araw-araw na buhay

Gawain: 6
PANUTO: Isulat sa gitna ang pagkakapareho o pagkakatulad ng dalawang uri ng
panandang pandiskurso. Samantala, sa magkabilang gilid ng bilog ay isulat ang
pinagkaiba nito at magbigay ng ilang mga halimbawa.

Panandang Pandiskurso

H. Paglalahat ng Aralin

Karagdagang Tanong:
1. Bakit mahalagang maayos ang pagkasusunod-sunod ng mga hakbang sa
pagsasagawa ng anumang bagay?
2. Paano makatutulong ang mga panandang pandiskurso sa pagsusulat ng isang akda?

Gawain 7
Panuto: Pillin sa kahon ang angkop na mga panandang pandiskurso at isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutans papel upang mabuo ang diwa ng talata.
I. Pagtataya ng Araliln huli kung kaya samantala noong gayon din
at maliban kaya naman kabilang din sa kabilang dako
tulad ng sumunod una sa dakong huli sa madaling sabi
Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may kaniya-
kaniyang epiko. 1. _____, mababasa sa kasaysayan na ang Epiko ni Gilgamesh ay
nagsimulang umusbong sa Mesopotamia. 2._____ naman ang pagsimula ng kasaysayan
ng epiko sa Europe kay Homer ng Greece 3._____. 800 BCE. 4.______ ang The Iliad and
Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius,
Ovid, Lucan 5._____ Statius.
Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6._____ hindi madali ang
pagsulat nito. Ito ' karaniwang nagsisimula sa isang panalangin mula sa isang musa at
naglalaman ng masusing paglalarawan, ma pagtutulad at talumpati. 7._____ ang
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan 8._____The Fall of Troy, The Foundation of
Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.
Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat,
9.______ ito'y madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang dakilang
manunulat ng epiko. Sa Italy, 10.______ kay Virgil ay mayroon din silang Dante. Ang
kilalang epiko ni dante ay ang The Divine Comedy. Ito'y naging inspirasyon ng
maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11.______ si T.S. Eliot
naman ay nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine
Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.
Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid
na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French naman ay
ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang
tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12._____ang dalawang epikong ito ay
tungkol sa kabayanihan ng ma pangunahing tauhan sa pakikidigma. 13.______ may
dalawang epikong German naman ang nakilala sa buong mundo. Ito ay ang The
Heliad, ika-19 na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang saxon; at ang The
Nibelungenlid. Ang 14._______ ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther,
Hagen at Atila the hun.
15.________ sa Pilipinas naman, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko.
Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng
makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong
grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim.

Pangkatang Gawain:
J. Karagdagang Gawain para sa
Bumuo ng isang vlog na nagpapakita ng angkop na pagkasunod-sunod ng mga
takdang-aralin at remediation
pangyayari. Pumili ng isang pakas na tutugon sa iyong sariling interest.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong baa ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?


Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking ginamit/nadiskubre na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

IAN JULE D. AVELINO MARIE ROSARIE A. LAPRIZA


Gurong Nagsasanay MT 1, Department Head
(Cooperating Teacher)
Noted:
MARCELO M. REFUERZO, JR.
School Principal III

You might also like