You are on page 1of 13

FILIPINO 1- RETORIKA

Course Number FIL 1


Descriptive Title RETORIKA
Number of Units 3 Units
Contact Hours 3 Hours/Week
Instructor: Minviluz Ocena
Textbook Mortera, Melvin. (2013). Retorika. Mandaluyong City. Anvil
Publishing Company
Pre-Requisite None
Course Description Ang kursong ito ay nakatuon sa masusing pag – aaral sa masining ,
mabisa at matatas na paggamit ng wikang Filipino
napinakainstrumento sa pagpapahayag.Sumasaklawito sa maangkop
at masining na pagpili ng mga salitang gagamitin ayon sa dalawang
anyo ng pagpapahayag: Pagsasalaysay, paglalarawan,paglalahad at
pangangatwiran. Lilinagindito and kakayahan at kahusayan
pangkomunikatibong mga mag – aaral sa pagdidiskursongpasulat
man at / o pasalita.
Institutional VMGC Vision: A globally competitive and leading private institution that
offers affordable quality academic and technical ieducation.

Mission: MPCI commits to provide excellent and accessible


education through teacher training, acquisition of updated and
state of art facilities, putting in place operational systems,
procedures and services towards the formation of responsible
and morally upright graduates.

Goals:
1. To promote transformative leadership that ensures
efficient and effective administration services to
stakeholders.
2. Enhance the quality of academic and technical education
thru curriculum and instructional development.
3. Provide quality services that nurture students learning
and promote stakeholders by satisfaction.
4. Engage the entire community in the teaching-learning
process.
5. Provide venue for developing faculty and staff to grow in
the profession.
6. Promote research as part of continuing professional
development.
Core Values:
1. Faith
2. Service Oriented
3. Competent
4. Commitment
5. Excellence
Self-Discipline

PREPARED BY HARVIN JAY GILBERO,LPT


APPROVED BY IRIS JANE AGBONG-COATES, LPT, Ph.D.
EDUC 4-LEARNING PLAN

Time Frame Desired Learning Topic


Outcomes
Week 1-3 L.O 1. Natataya ang bias ng Chapter 1: Ang Masining na
masining na pagpapahayag sa Pagpapahayag…. Retorika
aktuwal na diskurso

LO 2. Nasusuri ang kasalukuyang


paglalapat ng kahulugang
klasikal at kontemporanyo ng
salitang retorika sa mga aktuwal
na diskurso

LO 3. Nasusuri ang mga retorikal


na pahayag na gamit sa aktuwal
na diskurso.

Week 4-5 Chapter 2: Kawastuhang Panggramatika


LO 4. Nagagamit ang at Panretorika
kakayahang panggramatika sa
aktuwal na diskurso.

LO 5. Naisaalang- alang ang


magkaugnay na mga
kawastuhang panggramatika at
pangretorika bilang elemento sa
mabisang pagpapahayag.
LO 6. Nasusuri ang mga pahayag
batay sa taglay na kawastuhang
panggramatika at panretorika.
Week 6-7 LO 7. Nabibigyang- pagkakataon Chapter 3: Estilo
sa panimulang pagbuo ng sariling
estilo sa pagpapahayag.

LO 8. Natataya ang estilo batay


sa mga pahayag

LO 9. Nasusuri ang estilo batay


sa paggamit ng wika
Week 8-9 LO 10. Nasusuri ang Chapter 4: Pasalita at Pasulat na
pagkakatulad at pagkakaiba ng Diskurso: Nilalaman at Anyo
pasalita at pasulat na diskurso

LO11. Nasusuri ang mga


halimbawa kaugnay na tekstong
nasa ibat- ibang paraan ng
pagpapahayag.

LO12. Natataya ang bias ng


teksto batay sa pagkakabuo,
nilalaman at anyo.
Week 10-11 .LO 13. Nababasa ang mga Chapter 5: Pagbasa ng Ilang Piling Akda
akdang pampanitikan nilang
panitikan.

LO14. Nasusuri ang estilo ng


mga hulwarang teksto.

LO15. Natutuklasan ang


kaakuhan, tinig ng karamihan,
sariling panulat bilang
tagapagtaguyod ng local at
pambansang kamalayan at tingin
sa daigdig bilang nagsisimulang
maging malikhaing manunulat.
Week 12-14 Chapter 6: Worksyap sa Pasulat 1
LO16. Nabibigyang-pagkakataon
sa panimulang pagbuo ng mga
malikhaing sulatin.

LO17. Natataya ang kaayusan sa


masining na pagsulat
L018. Naisasagawa ang
metakognitibong proseso sa
pagsulat..

Week 15-18 LO19. Nabibigyang- Chapter 7: Worksyap sa Pasulat 2


pagkakataon sa pagbuo ng
sariling estilo sa pagsulat

LO20. Nasusuri ang mga


hulwarang teksto.
LO21. Nakakasulat nang
malikhain bilang aplikasyon ng
mga prinsipyong natutunan ng
kursong ito

Prepared by: Noted By:

HARVIN JAY A. GILBERO, LPT DR. IRIS JANE G. AGBONG COATES

Teacher Executive Vice President


Chapter 1

Masining na Pagpapahayag Retorika

Chapter 2

Kawastuhang Panggramatika at Retorika

Chapter 3

Estilo

Chapter 4

Pasalita at Pasulat na Diskurso: Nilalaman at Anyo

Chapter 5

Pagbasa ng Ilang Piling Akda

Chapter 6

Worksyap sa Pasulat 1

Chapter 7

Worksyap sa Pasulat 2
aralin

Mga Layunin

1. Natataya ang bias ng masining na pagpapahayag sa aktuwal na


diskurso
2. Nasusuri ang kasalukuyang paglalapat ng kahulugang klasikal at
kontemporanyo ng salitang retorika sa mga aktuwal na diskurso
3. Nasusuri ang mga retorikal na pahayag na gamit sa aktuwal na
diskurso.

ANG RETORIKA AT MABISANG PAGPAPAHAYAG

Ano ang Retorika?

 Ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung


maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita. (Sebastian, 1967)
 Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng
mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.
 Nagmula sa salitang Griyego –Rhetor, na ang ibig sabihin ay guro o nanganghulugang
magaling na orador o mananalumpati.
 Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong
pagsasalita o pagsulat
 Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling
salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at
matamo ng manunulat ang kanyang layunin.
 Isang aspeto o kasanayang napag-aaralan o natututunan at nalilinang.

Elemento sa Pagbuo ng Masining na Pahayag (Pasulat at Pasalita)

1. Paksa

Itinuturing itong pinakakaluluwa ng isang pahayag. Sa tulong nito nakatatayo ang pahayag,
may pinag-uusapan, at may isinusulat. Maaari ito maging lantad. Maaari ring maging tago ito
sa ilang mga pahayag na bumubuo lamang ng pigura sa isip ng nakikinig at nagbabasa.

Mahalagang pumili at magbahagi ng isang paksa o tema. Tumutugon ito sa isa sa


tatlong prinsipyo sa retorika--ang kaisahan/ unity (kaugnayan coherence at diin/emphasis ang
dalawa), Tinitiyak sa pagpiling ito ang lawak at limitasyon ng ibabahaging pahayag.

Tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng aklat na ito ang nabanggit na tatlong prinsipyo ng
retorika

2. Kaayusan ng mga bahagi

Matagumpay at masining ang pahayag matapos ang maayos na pagkakahanay sa


tatlong pangunahing bahagi nito: panimula wakas/konklusyon.

Layunin ng pagbuo ng panimula na makuha ang atensivon,maihahanda sa paksa at


makapalagayang-loob ang mga nakikinig at mambabasa gawin ng tagapagpahayag ang mga
sumusunod: ang atensiyon, maihanda mambabasa. Maaaring a interes, damdamin, at
sentimyento

 paglalahad sa kahalagahan ng paksa


 pagsisimula sa isang malinis na biro na kuwento o balitang napapanahon
 pagsasalaysay ng kaugnay na kuwento o balitang
 paggamit ng tanong-retorikal at tanong na nakagaganyak pag-isipan sagutin
 pagbanggit ng sariling paniniwala, interes, damdamin, at sa pag-aakalang
katulad din iyon ng nararanasan ng mga nakikinigo bumabasa
 paggamit ng mga bahagi ng tula/awit, salawikain, kasabihan, at kawikaan
 paggagad sa mga popular na linya sa telebisyon, komersiyal, at pelikula
(kailangang may kaugnayan sa paksa) o pananalita ng iba't ibang
personalidad
 pagpansin sa paligid
 pagpuri sa mga tagapakinig at mambabasa
 pagsasalaysay ng mga pangyayari sa sariling buhay

Maituturing na kasalanan sa pagbuo ng panimula ang may pagpapaumanhin at pag-


amin sa kawalan ng sustansiya o kakulangan ng pahayag, kilometriko at mabulaklak, walang
pagsasalang-alang sa damdamin ng iba at may paggamit sa mga materyal na walang
kaugnayan sa paksa. y bubuo sa pagtalakay sa paksa. Ipinapayong nad agad ang pangunahing
punto ng pahayag. Ibigay ang mga argume laman ng diskusyon gayundin ang mga suportang
detalye sa pagpapa paliwanag. alaman ng wakas o konklusyon ang pangkalahatang impre
Hlwan ng pahayag. Ito ang huling pagkakataong maitawid ng ye sa pagpapaunlad ng hatang
impresyong ang layunin niya, maikabit at mapagdugtong na mga punto at mapagtibay ang
mga pa ng maitawid ng tagapagpahayag mapagdugtong ang mga piraso ng mga inilahad Day
ang mga paniniwalang inilatag.
Maaaring wakasan ang pahayag sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 paglalatag ng isang hamon o apila


 pagbubuod ng mga mahahalaga at pangunahing punto
 pag iiwan ng isang kaugnay na salaysay o sitwasyon
 pagbibigay ng personal na intensyon ng pahayag
 maaaring gawin din ang mga nabanggit sa pagbuo ng panimula

3. Estilo

Ang estilo ay ang paraan kung paano ipinababatid ng bumubuo ng pahayag ang kaniyang
mensahe at kaisipan.

Sa retorika, pinagbabatayan ng tagapagpahayag sa pagbuo niya ng estilo ang paggamit niya


sa wika. Kinikilala ang kakaniyahan niya, ayon sa estilo na kaniyang gamit sa sintaksis,
diksyon at paggamit ng pigura (tatalakayin sa mga susunod na bahagi ng aklat na ito).

Gamit ang sariling estilo, nagkakaroon ng iba't ibang identidad ang tagapagsalita at
manunulat. Dito nakikilala ng awdyens (audience) ang natalupang bahagi ng pagkatao ng
tagapagpahayag.

4. Ugnayan ng tagapagsalita-tagapakinig at manunulat-mambabasa

Bago pa ilatag ng tagapagsalita at manunulat ang kanilang pahayag, kailangang


isaalang-alang ang paggalang sa mga awdyens sa pamamagitan ng pag-alam sa kabuuan ng
kanilang mga pagkatao. Isaisip lagi ang pagkakaiba ng bawat indibidwal sa kasarian, edad,
trabaho, antas ng pamumuhay, edukasyon, interes, katangian, damdamin, paniniwala, at
pagtanggap sa kapuwa. Isaalangalang ang pagiging politically correct ng pahayag. Tandaang
palagi nang may nasasaling na puso ang makapangyarihang wika. May sensitibo. May
konserbatibo. May positibo. May negatibo.

5. Paglilipat ng mensahe

Sa pagsulat, naililipat ang mensahe sa pamamagitan ng tsanelo daluyang senses


(mata) na gamit ng mambabasa. Bago ito, dumaan muna sa proseso ng pagsulat sa burador at
pagrebisa. Samantala, sa pamamagitan ng daluyang tainga naililipat ang mensahe sa
pagsasalita tungo sa nakikinig. Bago ito, dumaan muna ang tagapagsalita sa serye ng mga
pagsasanay at paghahanda. Isinasaalang-alang dito ang lakas ng loob sa pagharap sa madla,
maayos na tinig, malakas na boses, tamang postura, angkop na kumpas at galaw, at tamang
pagkakahanay ng mga kaisipan

Katangian ng Retorika

1. Kasiningan sa paglalahad
Nagiging masining ang paglalahad sa pamamagitan ng mga transisyonal na panalita sa
retorika tulad ng mga salawika kawikaan, sawikain, at tayutay (tatalakayin sa susunod na
mga baha na ito). gitan ng paggamit ng calawikain, kasabihan, mga bahagi ng aklat

Halimbawa:

Puno man ng tagumpay ang buhay niya, hindi pa rin siya masaya. nga, ang hindi lumingon
sa pinanggalingan, di makararating sa paroroon (salawikain).

Nawawalan ng halaga ang yaman at iba pa niyang pag-aari. Hindi niya pa rin
nasusumpungan ang tunay na kaligayahan. Isa ang nalalaman niyang dahilan. Kailanman,
hindi na niya binalikan ang sariling bayan. Hindi na niya nais pang balikan ang mahirap na
buhay sa Pilipinas. Kapag naaalala niya ang mga pinagdaanan, mabigat ang kanyang
pakiramdam. Palibhasa, takot siyang habulin ng mga taong nakatulong sa kanya. Iyon ay sa
pag-aakalang hingan siya ng mga taong nabanggit ng bahagi ng kanyang tinatamasa. Iyon ay
takot lamang niya. Hindi naman talagang ganoon. Siya ang gumagawa ng sarili niyang multo
kaya mailap ang pagdating ng kaligayahan sa kaniya (tayutay).

2. Kapangyarihang makapagbigay ng saya o lugod

Ang mga likhang pahayag ng manunulat at tagapagsalita ay nagbibigaykasiyahan.


Makapangyarihan ang wika sa mga larang na ito. Kaya nitong makapagpaluha sa tuwa sa
sinumang nalulumbay. Halimbawa: Pinapangarap kong makasama noon sa pagtanda ang
isang Marian Rivera. Ako ay hamak lamang na mangingisda. Hindi ako kasingguwapo at
kasingkisig ni Dingdong Dantes kaya alam ko sa aking sarili ang dapat na para sa akin. Hindi
man si Marian ang nabingwit ng aking pag-ibig, nariyan naman si Neneng. Hindi man siya si
Marimar, nakatira rin siya sa tabing-dagat. Hindi man siya si Dyesebel, amoy-isda pa rin
naman ang aking si Neneng. Tindera siya ng isda sa palengke. Ganoon man, mahal ko siya.
Si Neneng ang reyna-hindi prinsesa-ng aking banyera.

3. Mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika

Kaugnay ng unang katangian, sa ilalim ng mga tayutay, malimit na gawing bahagi ng


pahayag ang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad
patungo sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens.

Nakadadala ng damdamin ang ganitong mga pahayag Nakadaragdag pa ito ng kulay at


nagbibigay ng ibayong kahulugan sa batayang salita Halimbawa a) Madalas akong dalawin
ng kalungkutan kapag nag-isa. (personipikasyon) b) Babaha ng luha kapag nagkitang muli
ang mga magkakapamilya (hyperbole)

4. Kasiningan sa tuluyan (prosa) at panulaan (poesiya)

Kaugnay pa rin ng unang bilang kakikitaan ng mga idyoma at tayutay ang mga
retorikang pahayag Isang buhay na patotoo nang maituturing na sa likod ng matatagumpay na
akdang pampanitikan ay may malaking bahagi ang suntok at dating na hatid ng mga
nabanggit na matalinghagang pahayag. Sumasang-ayon dito si Pemande Monleon na nagsuri
at nagtukoy ng mga tayutay sa Florante at Laura.

5. Kaangkupan at katiyakan sa paggamit ng wika sa pagpapahayag

Epektibo ang retorika kung palaging kaagapay nito sa pagbuo ng pahayag ang balarila o
grammar. Hindi lamang sapat na maganda at matalinghaga ang pahayag, mahalagang
nauunawaan ang mga salitang ginamit. Isaalang-alang ang tama at angkop na pagpili ng mga
salita para maging matagumpay ang pagtatawid ng mensahe sa mga mambabasa at
tagapakinig.

Halimbawa

Malalapit ang kahulugan ng mga pang-uring mayaman, mabiyaya, at masagana kailangang


iayon ang paggamit ng mga salita sa kahulugan ng pahayag.

a) Mayaman ang pamilyang aking nakagisnan.

b) Mablyaya sa ulan ang aming palayan

C) Mabiyaya sa pagpapala mula sa itaas ang bayang ito.

d) Masaganang ani ang iaalay sa pista.

Tayahin ang bisa ng pagpapahayag (sa isip, sa asal at sa damdamin) ng kasunod na teksto.

HIGIT SA ALAM NIYA (ang punto ng dakilang mangingibig) ni em-o-em

May krisis ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kapag hindi agtutugma ang nalaman at
naunawaan. Maaaring mangyari na ang alam ng a ay hindi ganap na naunawaan ng isa pa o
bise-bersa.

ASSESSMENT

I. Tukuyin ang mga sumusunod na paglalarawan.


1. Paraan ng paghihikayat sa mga tagapakinig gamit ang pag-apila sa isip.
2. Labis ang pagtiyak niya sa logos bilang paghihikayat
3. Tawag sa mga guro/pilosopong nagsulong ng talumpatian sa Athens
4. Masining na paggamit ng wika.
5. Ang pag-aaral sa kasiningan ng wika sa mga diskursong pasulat at pasalita.
6. Naniniwalang ang masining na pagpapahayag ay bahagi ng kultura.
7. Ang diskursong pagsasatitik ng mga salita.
8. Ang diskursong gamit sa pagtatalumpati at pagbigkas.
9. Kahulugang nakakulong sa anyong pagtatalumpati ang retorika.
10. Kaluluwa ng pahayag.
11. Ang nag-iisang pinag-uusapan sa pahayag.
12. Ang bahaging pangganyak sa pahayag.
13. Ang bahaging pagtalakay sa paksa ng pahayag.
14. Ang bahaging bumanggit sa kabuuan ng pahayag.
15. Ang daluyang gamit sa paglilipat ng mensahe ng diskursong pasalita.

You might also like