You are on page 1of 2

LEARNING PLAN

FILIPINO 6
November 14, 2023
1:00 pm-2:00 pm

I. PAKSA: URI NG PANDIWA

II. MGA LAYUNIN:


ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pandiwa at naibibigay ang uri nito;
b. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon; at
c. Napapahalagahan ang wika sa pamamagitan ng pagsali sa usapan o talakayan.

III. MGA SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 6, pahina 105-108.

IV. PAMAMARAAN

MGA HAKBANG MGA GAWAIN


• Gamit ang estratehiyang writearound ay magpabuo sa
PANLINANG NA GAWAIN bawat pangkat ng mga pangungusap para sa
• PAGGANYAK larawang ipakikita. Lahat ng kasapi sa pangkat ay
susulat ng pangungusap sa papel na ipaiikot dito.
• Ipatukoy sa pangkat ang mga pandiwa at ipaulat sa
lider ng pangkat.

• Ipakikilala ng guro ang aralin sa araw na iyon.


PANIMULA • Magtawag ng dalawang mag-aaral na magbabasa ng
isang simpleng diyalogo mula aklat.

• Panatilihin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat.


PAGLALAHAD/PAGTALAKAY • Mula sa ipinabasang diyalogo, ipasuri sa kanila ang
mga pandiwang ginamit sa pangungusap kung
nakapag-iisa at walang tagatanggap ng kilos o may
layon ang pandiwa.
• Tatalakayin, ipaliliwanag ng guro ang dalawang uri ng
pandiwa.
• Mula sa pagtalakay, hinihikayat na bawat mag-aaral ay
makapagbigay ng kani-kanilang halimbawa susundan
ng pag-uuri ng pangngalan batay sa kanilang mga
naibigay na halimbawa upang mas maunawaan nila
ang mga ito.
Gawain:
• Italaga ang mga mag-aaral sa kanilang
kapareha.
• Ang magkapareha ay bubuo ng usapan na ang
sitwasyon ay pagsasabi ng mga problema sa
PAGLALAPAT/PAGLALAHAT
isang tao.
• Sila ay gagamit ng wastong pandiwang
katawanin at palipat.
• Mula sa gawain na ito, hayaang ibahagi ng mga
mag-aaral ang kanilang mga sagot.

Values Integration: Paggamit ng wastong grammatika.

Ipinasa ni:

STEPHANNY J. LOPEZ
Subject-Teacher

Ipinasa kay:

ENGR. JAIME I. GO, MAED


Principal

You might also like