You are on page 1of 10

Subject: SSE 119 (Assessment Evaluation

in Social Studies

Submitted by:

Reynaldo V. Saragosa
Syrin Jane B. Parandit
Glaizel S. Nicolas

Submitted to:
Reymarie M. Caban PhD.
GROUP 10
Araling panlipunan 9
Yunit 2
Ekonomiks (Mikroekonomiks)

TABLE OF SPECIFICATIONS (TOS)

MGA ARALIN BILANG ITEM NUMBERS PERCENTAGE


NG NUMBERS OF ITEMS
ORAS

DEMAND 5 TEST 1- 10 26.31%


29,11,14,25
TEST 2-15,6,8
TEST 3 -1

ELASTISIDAD 1 TEST 1-4,24 2 5.26%


NG DEMAND

SUPPLY 4 TEST 1- 7 18.42%


5,10,22,23,21
TEST 3 -3,2

INTERAKSIYO 2 TEST 1-13,15 5 13.15%


N NG DEMAND TEST 2-7,9,10
AT SUPPLY

ANG 4 TEST 1- 7 18.42%


PAMILIHAN AT 8,12,16,17,3
ANG MGA TEST 2 -4,2
ISTRUKTURA
NITO

UGNAYAN NG 4 TEST 1 - 7 18.42%


PAMILIHAN AT 1,6,7,18,19,20
PAMAHALAAN TEST 3-3

KABUUAN: 20 38 100%
TEST I : PAGPIPILI
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang sangay ng ekonomiks ang nag-aaral sa maliit
na yunit ng ekonomiya?
A. Mikroekonomiks
B. Makroekonomiks
C. Ekonomiks
D. Ekonometriks
2. Alin sa mga sumusunod na mga pamamaraan ang hindi kabilang sa
pagpapakita ng konsepto ng demand?
A. Demand reading
B. Inferior goods
C. Demand goods
D. Demand schedule
3. Ito ay ang pagkontrol ng presyo at dami ng produkto o serbisyo sa
pamilihan?
A. Copy right
B. Kartel
C. Trademark
D. Demand pull
4. Ito ay uri ng elastisidad na mas maliit ang naging bahagdan ng bahagdan
ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng
presyo.
A. Elastic
B. Inelastic
C. Perfectly elastic
D. Perfectly inelastic
5. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano tutugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkuling ng
prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili
ng mga prodyuser?
A. Demand
B. Produksiyon
C. Ekwilibriyo
D. Supply
6. May malaki at mahalagang papel na ginagampanan ang pamahalaan sa
pananatili ngkatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapaliwanag nito?
A. Pang huhuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid
B. Pagtatakda ng price ceiling at floor ceiling upang magkaroon ng
gabay sa presyo ng mga bilihin.
C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga
mamimili.
D. Wala sa nabanggit
7. Kapag ang presyo ng isang pangunahing produkto ay mataas at hindi na
makatarunganpara sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawain ng
mga may-ari, nanghihimasok ang pamahalaan sa pagprepresyo sa pamilihan.
Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng
mga produkto o serbisyo?
A. Price support
B. Floor price
C. Price ceiling
D. Price clearing
7. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay
nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo
ng mga produkto?
A. Department store
B. Tiangge
C. Talipapa
D. Pamilihan
9. Paboritong kainin ni James tuwing recess ang siopao. Pero ng tumaas ang
presyo nito sa ₱8.00 mula ₱6.00 hindi na muna siya bumuli nito sa halip pinili
niyang bilhin ang mas murang pagkain. Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol
sa quantity demanded ni James parasa siopao?
A. ang quantity demanded sa siopao ay elastiko sapagkat si James ay
tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quantity
demanded para sa siopao.
B. ang quantity demanded sa siopao ay di-elstiko sapagkat si James ay
tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng quality demanded
para sa sipao.
C. ang quantity demanded sa siopao ay unitary sa pagkat ang daming
ibabawas na quantity demanded sa siopao ay kasing dami ng quantity
demanded sa sa pamalit na siopao ni James.
D. Ang quantity demded sa siopao ay ganap na di-elastiko dahil hindi
makatatagal si James na hindi kumain ng siopao sa loon ng isang linggo.
10. Ang konsepto ng supply ay naipapaliwanag sa tatlong pamamaraan. Ang
mga sumusunod ay kabilang sa tatlong pamamaraan na nagpapakita ng
konsepto ng supply MALIBAN SA ISA.
A. supply schedule
B. supply curve
C. supply function
D. supply assumption
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa batas ng
demand?
A. kapag mababa ang presyo,maraming mamimili;at kapag mataas ang
presyo, kaunti ang mamimili
B. kapag tumaas ang presyo, walang mamimili; at kapag mababa ang
presyo, sakto lang ang mamimili
C. kapag tumataas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang
bilhin
D. hindi nakakaapekto ang pagbabago sa presyo sa dami ng demand
12. Ito ay nagsisilbing tagapag-ugnay upang maging ganap ang palitan sa
pagitan ng konsyumer at prodyuser.Anong salita ang tumutukoy sa
nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod?
A. Price index
B. Preference
C. Utility
D. Price
13. Ano ang tawag sa karapatang tumutukoy sa pagmamay-ari ng isang tao
na maaaring kabilang ang mga akdang pampanitikan o akdang pansining?
A. kartel
B. copyright
C. trademark
D. natural monopoly
14. Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging
bahagdan ng pagtugon ng quality demanded kaysa bahagdan ng pagbabago
ng presyo. Alin ang mga sumusunod ang halimbawa ng produktong price
elastic?
A. gasolina
B. soft-drinks
C. koryente
D. Serbisyo sa tubig
15. Natatamo ang kasiyahan ng prodyuser at konsyuner kung ang nais bilhin
at ipagbili ay nakukuha sa takdang oras. Ano ang tawag sa kalagayan sa
pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng
mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser ay pareho
ayon sa presyo ng kanilang pinagkasunduan?
A. ekwilibriyo
B. ekwilibriyong presyo
C. ekwilibriyong dami
D. disekwilibriyo
16. Ito ay isang istruktura ng pamilihan na kung saan maraming nais
magkaloob ng produkto at serbisyo subalit iisa lamang ang konsyumer. Ito ay
may lubos na kapangyarihan na kontrolin ang presyo.
A. monopolyo
B. monopsonyo
C. oligopolyo
D. monopolistic kompetisyon
17. Anong uri ng istruktura ng pamilihan na maraming kalahok na prodyuser
ang nagbebenta
ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang konsyumer?
A. monopolyo
B. monopsonyo
C. oligopolyo
D. monopolistikong kompetisyon
18. Ano ang tawag sa paglalagay sa mga simbolo o marka sa mga produkto
at sa mga serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang
may gawa o nagmamay-ari nito?
A. property rights
B. kartel
C. copyright
D. trademark
19. Siya ay may aklat na pinamagatang “Principles of Economics” na kung
saan ipinaliwanag niya ang Principle 7 na “Government can sometimes
improve market outcomes” Alinsunod sa itinadhana ng Artikulo II Seksyon 4
ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangunahing tungkulin ng pamahalaan na
paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
A. Abraham Harold Maslow
B. Nicholas Gregory Mankiw
C. Robert Gagne
D. Stephen C. Smith
20. Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Ano
ang tawag sa patakarang ipinasunod ng pamahalaan na nagbabawal sa
pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency
gaya na lamang ng kalamidad?
A. price floor
B. price ceiling
C. price support
D. price freeze
21. Mahalagang matugunan ang pagbabago ng mga salik na nakakaapekto
sa supply. Alin sa mga sumusunod ang tuwirang nagbibigay kahulugan sa
salitang efficient sa konsepto ng supply?
A. Nakabubuo ng maraming produkto sa kakaunting salik na gagamitin.
B. Nakabubuo ng maraming produkto gamit ang maraming salik ng
produksiyon.
C. Nakabubuo ng kakaunting produkto sa maraming salik na gagamitin.
D. Nakabubuo ng kakaunting produkto gamit ang kakaunting salik ng
produksiyon
22. Ano ang tawag sa uri ng pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng
pamilihan na kilala rin bilang price support?
A. price floor
B. prce ceiling
C. price clearing
D. price freeze
23. Anong konsepto ang tumutukoy sa hinuha na walang pagbabago sa ibang
salik maliban sa salik na pinag-aralan o other things being equal?
A. batas ng demand
B. B batas ng supply
C. ekwilibriyo
D. ceteris paribus
24. Isa sa mga salik na nakakaapekto sa dami ng demand ay ang kita ng
isang indibidwal. Kapag dumadami ang deamand sa produkro dahil sa
pagtaas ng kita, ang mga produkto ay maitututring na normal goods. Ano
naman ang tawag sa produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba
ng kita?
A. superior goods
B. inferior goods
C. demand goods
D. substitute goods
25. Gamit ang supply function, kompyutin ang quantity supply kapag ang
Qs=0+,10P.Kapag ang P=25,Qs=?
A. 50
B. 150
C. 250
D. 350
TEST II: PAGHAHANAY
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga pahayag hanapin sa hanay B ang mga
pahayag na hinihingi sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
1. Ito ay tumutukoy sa dami ng a. Substitution Effect
produkto o serbisyo na gusto at
kayang bilhin ng mga mamimili sa
iba’t-ibang presyo sa isang takdang
panahon.

2. Nangangahulugang b. Demand
ipinagpapalagay na ang presyo
lamang ang salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng quantity demanded
habang ang ibang salik ay hindi
nagbabago o nakaaapekto rito.

3. Ito ang unang konsepto na c. Ceteris Paribus


ipinahahayag na kapag tumaas ang
presyo ng isang produto, ang mga
mamimili ay hahanap ng pamalit na
mas mura.

4. Ito ay ikalawang konsepto na d. Income Effect


nagpapahayag na mag malaki ang
halaga ng kinikita kapag mas mababa
ang presyo.

5. Isang talaan na nagpapakita ng e. Trade Surplus


dami n kaya at gustong bilhin ng mga
mamimili sa iba’t-ibang presyo.
6. Isang grapikong paglalarawanng f. Trade Deficit
ugnayan ng presyo at quantity
demanded.
7. Tumutukoy sa dami ng produkto o g. Demand Curve
serbisyo na handang ipagbili ng mga
prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
8. Ito ay pagsusuri ng gawain ng h. Makroekonomiks
ekonomiya sa pangkalahatan na
binubuo ng sambahayan,bahay-
kalakal,pamilihang
pinansyal,pamahalaan, at panlabas na
sektor.
9. Nagaganap kapag mas malaki ang i. Supply
export kaysa sa import.
10. Nagaganap kapag mas malaki ang j. Demand schedule
import kaysa sa export.

TEST III: PAGPAPALIWANAG


PANUTO: Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanugan sa bawat bilang.
Mamarkahan ang bawat sagot sa pamamagitan ng rubriks sa ibaba.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG ESSAY

Kriterya Deskripsiyon Puntos Nakuhang


puntos

Kaalaman sa Ang pangunahing 5


Paksa kaalaman ay
nailahad at
naibigay ang
kahalagahan.

Organisasyon Organisado ang 5


mga paksa at
maayos ang
presentasyon.
Kabuuang 10
Puntos:

1. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa


pagbabago sa mga salik ng demand?

2. Kung ikaw ay isang negosyante/prodyuser, ano ang dapat mong isaalang-


alang maliban sa kita? Ipaliwanag.

3. Paano nakakaimpluwensiya ang mga pagbabago sa salik ng supply sa


desisyon ng mga prodyuser ukol sa dami ng gagawing produkto?

You might also like