You are on page 1of 1

ESPN Creative Works

MEMORANDUM

PETSA: Disyembre 5, 2023


PARA SA/KAY: Lahat ng Empleyado
MULA SA/KAY: Geriq Joeden Perilla, Head Graphic Designer
TUNGKOL SA/KAY: Graphic Designers Symposium

Sa Lahat ng Empleyado,
Ipinapaalam sa inyo ang darating na pagpupulong hinggil sa pagpapatupad ng Graphic Designers
Symposium. Ito ay gaganapin sa ESPN CreativeWorks Gymnasium, ala una ng hapon. Ang
layunin ng pagpupulong na ito ay upang maipasa ang mga mahahalagang impormasyon at
hakbangin para sa maayos na pagganap ng nasabing kaganapan.

MGA LAYUNIN:
• Pagtalakay sa layunin at layunin ng Graphic Designers Symposium.
• Paghahanda at oryentasyon sa mga aktibidades at leksyon na isasagawa.
• Pagtalakay sa mga kinakailangang materyales at teknikal na aspeto.
• Pagtuklas ng mga magiging tagapagsalita at resource speakers.
• Pagtalakay sa pangangailangan ng bawat departamento at kalahok.
Mangyaring magbigay ng update hinggil sa inyong kahandaan sa o bago ang petsang itinakda.
Para sa mga karagdagang tanong o kahingian ng kaukulang impormasyon, mangyaring makipag-
ugnayan kay Geriq Joeden Perilla. Ang lahat ay inaasahang makilahok.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

Lubos na gumagalang,

Geriq Joeden Perilla


Head Graphic Designer

You might also like