You are on page 1of 1

Kabutihang asal sa tahanan nagsimula

Ipagmamalaki sa magulang ko nakuha


Habang lumalaki may takot sa diyos at mabuti sa kapwa
Nadagdagan at hinulma Ng mga guro Kong magaganda.

Masarap magkaroon ng mabuting asal


Ang sarap magsabi ng 'Salamat'
Kapag nakakuha ka ng blessing mula sa isang tao
At sasagutin ka Ng walang anuman at matamis na ngiting tagus sa puso Ang nadarama
Magandang asal dapat dala mo palagi
Respetuhin ang lahat at Linangin sa iyong pahayag
Katalinuhan ay ligwak kung manners ay bagsak
Kagandahan ay Wala Rin kung asal ay zero din

Mabuting Asal, ang aking dapat gawin.


Wala sa iba, sa mundo ko hahanapin.
Hindi sa magagalit, hindi pinipilit.
Ngunit, gamitin ang pusong mainit.

Kabutihang asal, nasaan ka na ba?


Ang loob ko'y patuloy na tinitira at nagdurusa
Magpakita ka na rin sa mga ibang bata.
Mga naghahanap ng asal, na maganda at matuto pa sila

Kapag ka ang tao ay sadyang kaybuti


Likas na kabutihan ay ipinamamahagi
Mga taong sakim at mapagkunwari
Di nya nilulubog at di ginagapi

Sa halip na kanilang ipagmalaki


Ang ganitong asal at pag-uugali
Bagkus ay kanilang kinakantyawan
Masasakit na salita kanyang nakakamtan

Ganito ba talaga ang ugali ng tao, sumasakit Ang dibdib ko


Ang kabutihang asal ay kinubli sa bato
Bagkus na ilagay sa isip at puso
Magandang asal pinagsarhan ng pinto kahit Anong doorbell nito mukhang walang tao

Mayaman o mahirap, basta mabuti. Magandang asal, sila ang nagwawagi. Sinusunod nila, ang bawat layunin.
Pati sa bansa, iginagampanan din.

Ngayong ako ay patapos na


Ika'y bibigyan ko ng munting paalala
Kung ika'y walang magandang sasabihin
Huwag na lang magsalita bibig ay patahimikin para katahimikan ating maatim

You might also like