You are on page 1of 1

Three Acts of Goodness (Tatlong Gawain Para sa Kabutihan)

Do Good Deeds, Speak Good Words, and Think Good Thoughts” 

Gumawa ng Kabutihan, Magsalita nga magandang kataga at Magisip ng kabutihan sa kapwa

Gawain Para sa Kabutihan

Simula pagkabata, ating magulang ma’y kataga,

Gawaing dapat dalhin hanggang sa pagtanda

Kabutihan sa kapwa, itanim sa puso at diwa

Magiging katuwang sa pag unlad ng ating bansa.

Payo ni Ina, gumawa ng kabutihan sa kapwa

Walang pipiliin maging bata o matanda,

Mahirap o mayaman patas ang pagkilala

Basta nangangailangan, tulong ay isagawa.

Magsalita ng magagandang kataga, ang bilin ni Ama,

Sa bawat nilalang nagbibigay ng ligaya at tuwa

Mga katagang minsa’y nagpapalubag,

Sa loob at damdamin ng taong binabagabag.

Magisip ng kabutihan para sa kapwa,

Ng lahat ng nasa paligid ay maging mapagpakumbaba

Tinatanggal nito ang poot sa kalooban

Tungo sa kabutihan para sa Inang Bayan.

You might also like