You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 8

I. Layunin
 Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggan. (F8PN-II-c-d-24)
 Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. (F8PB-II-c-d-25)
 Nangangatuwiranan ng maayos at mabisa ang tungkol sa paksa. (F8PS-II-c-d-25)
II. Paksang Aralin
 Paksa: Panitikan: Balagtasan “Dapat ba o Hindi Dapat Pagsabayin ang Panliligaw sa Pag-
aaral?
Gramatika: Oinyon at Katotohanan
 Kagamitan: Handouts, Kartolina, Projector at Tape Recorder.
 Sangguniaan: Diwatik (Modyul 8 sa Filipino) at Filipino II, P. 153
 Pagpapahalagang Moral: Edukasyon ang Kayaman ng bawat kabataan.`
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Sa hapong ito nais kong tumayo ang lahat
para manalangin na pangungunahan ng Lahat
inyong kaklase na si…….

a. Pagbati
Mapagpalang hapon sa inyong lahat Mapagpalang hapon po, Ma’am

Maari na kayong umupo

b. Pagtala ng Liban
(Tatawagin ng guro ang class
monitor)
……….., may lumiban ba sa araw na Wala po
ito?

c. Paglalahad ng Layunin
(Ipabsa sa mga mag-aaral ang mga
layunin)

d. Inaasahang Pagganap
Nakatatanghal ng balagtasan na
ginagampanan ng bawat kalahok sa
napanood na balagtasan

Pamantayan

Kahusayan sa Pagsasalita 50%


(intonasyon at tono)
Tindig/ galaw 30%
Kahandaan sa Paksa 20%

Kabuuan 100%

e. Pokus na Tanong
(Ipapabasa sa mga Mag-aaral?) Lahat
Kung kayo ang papipiliin, ano ang
gusto ninyo, ang pagsabayin ang
panliligaw o mag-aral na lamang?

B. Paglinang ng Gawain

1. Pagbabalik- Aral
Bago tayo dumako sa ating susunod na
aralin, balikan muna natin ang ating
nakaraang leksyon.
1. Ano ang kauna-unahang balagtasang Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
ipinarinig sa madla?
2. Sinu-sino ang mga unang Lope K. Santos, Jose Corazon De Jesus, Francico
mambabalagtas? Collantes at Bb. Sofia Enriquez

2. Pagganyak
Ako ay may inihandang awitin na kung saan
inyong pakikinggan at pagkatapos na
mapakinggan ninyo ay may ilang katanungan
ako batay sa awiting napakinggan.
Maliwanag ba?

(insert isang awiting “Dahil Sayo”)

(pagkatapos na mapakinggan ang awitin)

1. Anong kaisipan ang ipinararating ng Dapat magkaroon tayo ng inspirasyon. (Tatanggapin


awitin? lahat ng sagot)

2. Ayon sa awitin, bakit kinakailangan Bilang isang mag-aaral, kinakailangan na


magkaroon tayo ng inspirasyon? magkaroon tayo ng inspirasyon dahil nakatutulong
ito upang tayo ay magsipag sa pag-aaral at
mapagtagumpayan natin ang ating minimithi.
(Tatanggapin lahat ng sagot)

3. Pag-alis ng Sagabal
Bago natin talakayin ang paksang aralin
ngayong araw ay may limang pangungusap
akong inihanda. Kailangan ninyo lang gawin
ay ibigay ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit at pagkatapos gamitin ito sa
pangungusap. Maliwanag ba?

1. Malugod tayong magpugay sa ating mga Magbigay puri


bisita.
2. Ang pag-aaral ang atupagin mo at hindi Unahin
ang panliligaw.
3. Ang karangalang kanyang natamo ay Tagumpay
ikinatuwang buong pamilya.
4. Dapat pakalipirin na ang pag-aaral ay Isipin
mahalaga sa tao.
5. Anong parusa kaya ang igagawad sa Ibibigay
criminal?

4. Paglalahad ng Aralin
Ngayong hapon ang paksang tatalakayin
natin ay isang balagtasan na pinamagatang
“Dapat Ba o Hindi Dapat Pagsabayin ang
Panliligaw sa Pag-aaral.’’ (Ang nasabing aralin
ay ibinigay bilang takdang-aralin kaya
inaasahang mayroon nang kaalaman ang
mag-aaral ukol dito.)

5. Pagtatalakay
Mga gabay na tanong:
Sagutin ang mga sumusunod:

1. Anong uri ng Panitikan ang inyong Balagtasan


narinig?

2. Tungkol saan ang paksang kanilang Kung dapat bang pagsabayin ang panliligaw sa pag-
pinagtatalunan? aaral

3. Ano ang nagging papel ng Lakandiwa? Tagapamagitan sa dalawang nagtatalo

6. Paglalahat
(Pangkatang Gawain)
Papangkatin ko kayo sa apat na pangkat. Ang bawat
lider ng grupo ay pupunta sa akin at bubunot ng
mga gagawin nila. Bibigyan ko lamang kayo ng 3
minuto para magplano. Maliwanag ba?

 Pangkat I- Isadula ang pagkakaiba ng paraan


ng panliligaw ng mga binata noon at ngayon.
 Pangkat II- Itala ang mga katwiran ni Bino na
sang-ayon siya na pagsabin ang panliligaw sa
pag-aaral.
 Pangkat III- Itala ang mga dahilan ni Beleng
kung bakit hindi siya sang-ayon na
pagsabayin ang panliligaw sa pag-aaral.
 Pangkat IV- Gumawa ng Jingle o awitin para
sa babae/lalaki na nakatutulong sa
pagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral.

7. Pagsanib ng Gramatika/Retorika
a. Pagpapabasa ng Teksto
b. Pagtalakay sa Opinyon at Katotohanan

Opinyon at Katotohnan

Ang opinyon ay pahayag ng isang tao tungkol sa


kaniyang pananaw at prinsipyo. Maaari itong sang-
ayunan o tutulan ng ibang tao. Maaaring gamitin
ang mga salita o parirala: sa aking palagay, sa nakita
ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para
sa akin, sa ganang akin, ang masasabi ko atbp.

Mga halimbawa:
1. Sa aking palagay makakabuting maghulog ng
pera sa alkansya upang madali mo itong
makuha kung kakailangin mo na.
2. Para sa akin, di mabuting libangan ng
mgabata ang paglalaro ng computer games.

Ang katotohanan ay mga paktuwal na kaisipan o


pahayag na hindi mapasusubalian at tinatanggap
nan g lahat. Ang pahayag ay isang katotohanan kung
may datos na pinagkukunan. Ang mga salita o
pariralang maaaring gamitin ay ang mga
sumusunod: batay sa, resulta ng, pinatunayan ng,
sang-ayon sa, mula sa, tinutukoy na, mababasa na,
atbp.

Mga halimbawa:
1. Pinatunayan ng datos na higit na ligtas pa rin
na mag-impok ng pera sa bangko.
2. Sang-ayon sa pananaliksik na isinagawa,
hindi mainam na libangan ng mga bata ang
paglalaro ng computer games.

8. Pangkatang Gawain
Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Sa
unang pangkat ay ilalahad ang katotohan batay
sa nakita at narinig nilang balagtasan habang sa
ikalawang pangkat naman ay ang opinyon batay
rin sa kanilang nakita at narinig na balagtasan.

9. Paglalapat
Pagsagot sa Pokus na Tanong
1. Batay sa mga katwirang inilahad ng Depende sa sitwasyon, kung kaya mo lang naman
bawat panig, ano sa palagay ninyo ang na pagsabayin ang panliligaw sa pag-aaral, bakit
nararapat? hindi? Dahil ito yung magiging inspirasyon mo.
(Tatanggapin lahat ng sagot)

2. Kung kayo ang papipiliin, ano ang gusto Pag-aaral lamang dahil minsan lang darating ang
ninyo, ang pagsabayin ang panliligaw o pagkakataon na tayo ay makapag-aaral pero ang
mag-aral na lamang? panliligaw napakaraming panahon at oras ang
pwedeng ilaan natin diyan. (Tatanggapin lahat ng
sagot)

3. Bilang mag-aaral bakit sinasabing ang Dahil ang edukasyon ang makatutulong sa atin
edukasyon ang kayamanan ng bawat upang maiangat natin ang katayuan ng ating buhay.
kabataan. (Tatanggapin lahat ng sagot)

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang O kung ang pahayag ay
opinyon at K kung ito ay katotohanan.
1. Sang-ayon sa balagtasang ipinakita,
bilang mag-aaral sakaling tumibok K
ang puso layuan muna ang tukso.
2. Sa aking palagay, pag-aaral muna ang O
atupagin para makamtan ang
minimithi.
3. Batay sa balagtasan, pinakamasaya sa K
buhay ng tao ang umibig ka’t iibig
sayo.
4. Pinatutunayan ng datos na maging
matagumpay ang bawat mag-aaral K
kung sumusunod sa payo ng
magulang.
5. Ang masasabi ko ang panliligaw ay
nagsisilbing inspirasyon ng bawat O
mag-aaral.
V. Takdang Aralin
Basahin muli ang tekstong “Ligaw Pinoy” at
bigyan ng tigdadalawang halimbawa bawat
isa.
1. Katotohanan
2. Opinyon

Inihanda ni:
Bb. Annie D. Calipayan
Tagapakitang- Turo

You might also like