You are on page 1of 13

BULACAN STATE UNIVERSITY

KABANATA IV

SI RIZAL AT ANG DAIGDIG


BULACAN STATE UNIVERSITY

PAGPAPAKILALA:

Ang pangingibang bansa ni Rizal ay dulot ng mga mapapait na karanasan niya sa Unibersidad de
Santo Tomas. Ito ang unang dahilan kung bakit niya gustong umalis ng bansa. Pangalawa ay upang
maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral na malayo sa mga mata ng mga prayle ng Universidad. Gusto
rin niyang malaman o mapag-aralan ang mga kanser na lumalaganap sa iba-ibang larangan ng buhay
dito sa Filipinas at pagkatapos ay makahanap siya ng paraan kung paano maipapabatid sa bansa at sa
pamahalaang Kastila ang mga pagbabagong kakailanganin ng Pilipinas. Sa kanyang palagay ito ang
paraan upang makaahon sa hirap na dulot ng diskriminasyong panlahi na nararanasan ng mga
katutubong mamamayan sa bansa.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

Nabibigyang puna ang mga Layunin ni Jose Rizal sa Europa sa


unang pagkakataon.

Naipapaliwanag ang mga kadahilanan ng muling Paglisan sa Bayan


ni Jose P. Rizal.

Napapahalagahan ang mga nagawa ni Dr. Rizal bilang Kasapi ng


Kilusang Propaganda

Naihahambing batay sa nilalaman at mensahe ang dalawang


nobela ni Jose Rizal

Natutunton ang mga mapanghamong pangyayari sa buhay ni Dr.


Rizal sa pananatili sa Europa.

Napapahalagahan ang mga ginawa at binalak gawin ni Jose Rizal


para sa Bayan habang malayo sa sariling Bayan.

Nailalarawan ang ibat- ibang lugar na narating ni Dr. Rizal sa Asya


at Europa.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Aralin I
Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan

Nailalarawan ang mga nagawa ng ilang kilusang kung saan naging


kaanib si Dr. Rizal sa kanyang pananatili sa Ibang Bayan.

Naiisa-isa ang mga magagandang ugaling Pilipino na naisabuhay ni


Dr. Rizal at iba pang Pilipino nagtungo din sa Europa upang maka-pagaral.

Nakapag-bibigay puna sa naging desisyon ni Dr. Rizal na pagbalik


sa Inang-Bayan sa kabila ng panganib sa kanyang buhay.

UNANG PAGLALAKBAY SA IBANG BANSA

PAGLALAKBAY SA EUROPA
Mayo 1, 1882-umalis ng Calamba dala ang halagang P356, lumipat ng sasakyan pagdating ng
Biñan, nakarating sa Maynila pagkaraan ng 10 oras ng paglalakbay. Mayo 3, 1882-Nilisan ang Maynila
patungong Singapore sakay ng Bapor Salvador. Mayo 9, 1882-dumating sa Singapore, tumuloy sa otel
La Paz. Mayo 11, 1882-sumakay sa Djemnah (bapor Pranses) patungong Marseilles (France), dinaanan
ang Point de Galle, Colombo, Cafe' Guardafui, Aden, tinawid ang Suez Canal ng 5 araw. Hunyo 7, 1882-
dumaong sa Port Said, pinuntahan ang Liwasang Lesseps. Hunyo 11, 1882-dumating sa Naples at Sicily,
naghulog ng sulat sa bayan ng Mellitus, nakita ang St. Telmo (bilangguan) at Tore ng Mansanello (palasyo
royal) Hunyo 13, 1882-dumaong sa Marseilles, tumira sa Otel Nelisse, nagpunta sa Chateau d'If (pook na
kinabibilangguan ng pangunahing tauhan ng nobelang Count of Monte Cristo). Hunyo 15, 1882-lumulan
sa isang de primerang klaseng tren, huminto sandali sa Port Bou at nagpatuloy sa Barcelona.

BUHAY SA BARCELONA
Tumuloy sa Fonda de España, hinandugan siya ng
salu-salo ng mga dating kaeskwela sa Ateneo, sinulat ang
El Amor Patrio, isang tula upang bigyang-daan ang
kanyang kasabikan sa sariling bayan na ibinigay kay
Basilio Teodoro, kasapi ng patnugutan ng Diariong
Tagalog na kanilang inilathala noong Agosto 20 sa ilalim
ng ngalan sa panulat na Laong-Laan sa dalawang wika-
Kastila at Tagalog (salin ni Marcelo H. del Pilar)
Setyembre (kalagitnaan)-nagtungo sa Madrid at
BULACAN STATE UNIVERSITY

nagpatala sa Central Universidad de Madrid sa kursong Medisina at Filosofia y Letras (unang Linggo ng
Oktubre).

Nag-aral ng eskultura at pagpipinta sa Academia ng San Fernando at nagsanay sa Hall of Arms of


Sanz y Carbonell para sa pagpapalakas ng katawan.Nagpasyang pag-aralang lubusan ang iba't ibang
partido pulitikal ng Espanya.Naitatag ang Circulo Hispano-Filipino sa pangunguna ng Kastila-Pilipinong si
Don Juan Atayde sa di katagala'y nagsara rin dahil sa kakulangan ng pondo sanhi ng pagwawalang-
bahala ng mga kasapi.Sinulat ang Me Piden Versos-tulang nagpapahayag ng masidhing pananabik ni
Rizal sa kanyang bayan (nalathala sa La Solidaridad sa Barcelona noong Marso 31, 1889) Nakapagtatag
ng sariling aklatan kung saan kabilang ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe at The Wandering
Jew ni Eugene Sue-mga akdang nagtanim sa kanyang isipan ng pagkaawa sa mga tauhan dahil sa
kanilang kaapihan. Hunyo 17,1883-pinalipas ang bakasyon sa Paris, pinuntahan ang mahahalagang pook
tulad ng Champ Elysees, Colonne Vendome (kinalalagyan ng estatwa ni Napoleon I), Opera House, Place
de la Concorde, Simbahan ni Magdalena, Simbahan ng Notre Dame at Museo de Louvre-lumang palasyo
ni Francis I, pinakamahalagang gusali na pinagdarausan ng mga dula't kababalaghan ng mga Valvis,
Medicis at Sorbon.Napansin ang mga palikuran sa lansangan (Gabinet d'Aisence) Unang linggo ng
Setyembre, 1883-nagbalik sa Madrid upang ipagpatuloy ang pag-aaral Pormal na sumapi sa Lohiya
Acasia gamit ang pangalang pangmason na Dimasalang Hunyo 21, 1884-nakapasa sa titulong Doktor ng
Medisina.Hunyo 25, 1884-nagsalu-salo sa Restaurant Ingles dahil sa pagkapanalo ng mga pinta nina
Juan Luna (Spolarium-unang gantimpala) at Felix Resurreccion Hidalgo (Christian Virgins Exposed to the
Populace-ikalawang gantimpala) sa Pambansang Eksposisyon ng Bellas Artes. Napili si Rizal bilang
pangunahing mananalumpati .Sinulat ang kalahating bahagi ng Noli Me Tangere. Humanga kay Consuelo
Ortiga y Perez, anak ni Don Pablo Ortiga y Rey (dating alkalde ng Maynila noong panahon ni dela torre)
ngunit pinigil sapagka’t alam niyang gusto rin siya ni Eduardo de Lete kaya’t sinulat ang tulang A La
Señorita C.O. y R. Sumapi sa Masonerya-samahang ipinagbabawal ng Simbahang Katoliko na
naglalayong palawakin ang pandaigdigang kapatiran ng tao sa ilalim ng pagkaama ng Diyos, dahil sa
pagtitiwala niya sa layunin ng samahan at paniniwalang makakuha ng kasama sa pakikipaglaban sa
masasamang pari sa Pilipinas. (Nobyembre 15, 1890-naging Master Mason ng Lohiya Solidaridad at
Pebrero 15,1892-sumapi sa Le Grand Orient France) Tatlong buwang hindi tumanggap ng padalang
salapi mula kay Paciano dahil sa salot at kalamidad. Ipinagbili ni Paciano ang kanyang kabayong si
Castaño sa halagang P200. Nanghiram kay Valentin Ventura upang ipambayad sa Lisensyado sa
Pilosopiya at Letras.
BULACAN STATE UNIVERSITY

BUHAY SA PARIS
Hulyo 1885-nagtungo sa Paris upang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa Optalmolohiya. Unang
linggo ng Oktubre-nagpatala bilang okulista sa
klinika ni Dr. Louis de Wecker-kilalang
optalmologong Pranses. Kapag walang ginagawa,
dumadalaw kina Luna at Hidalgo at nagsisilbing
modelo ni Luna. Sa pintang Ang Kamatayan ni
Cleopatra, siya ang paring taga-Ehipto at Sikatuna
sa Sanduguan. Naging abala sa pag-aaral ng
Aleman, Pranses, Italyano, Polish at Griyego.
Tinapos ang ikatlong-kapat na bahagi ng Noli.
Pebrero 1, 1886-umalis sa Paris upang magtungo
sa Heidelberg.

BUHAY SA HEIDELBERG
Pebrero 3, 1886-dumating sa Heidelberg-isa sa makasaysayang lungsod sa Alemanya, sentro ng
karunungan dahil sa pinakamatandang pamantasang itinayo ng Elector na si Ruperto I (1386) at
pangunahing pook ng Repormasyong Protestante. Lungsod din ng serbesa. Nagtrabaho sa klinika ni Dr.
Javier Galezonski (Polish)-dalubhasa sa sakit sa mata. Naglingkod bilang katulong sa paggagamot sa
Augen Klinik-klinika sa mata ng okulistang si Dr. Otto Becker. (Pagpapatuloy: Buhay sa Berlin). Abril 27,
1887-ibinalita kay Paciano ang pagtanggap ng Php 1000, binayaran ang pagkakautang kay Viola,
nagpaalam sa mga kaibigan at nagbalita ng kanyang balak na bumalik sa Pilipinas. Mayo 11, 1887-iniwan
ang Berlin patungong Dresden at Leitzmeritz. Mayo 13, 1887-nakipagkita kay Blumentritt, ipinakilala kina
Sr. Jose Kromholz (pangulo ng Leitzmeritz Tourist Club), Dr. Karl Czepelak (paralitikong manggagamot)
at Robert Klutzchak. Mayo 17, 1887-nagtungo sa Prague, nakilala si Dr. Willkomm-propesor sa
kasaysayan sa kalikasan sa Unibersidad ng Prague. Mayo 27, 1887-nagtungo sa Vienna, nakipagkita
kina Sr. Masner, Nordman at Norfenfals, mga kilalang iskolar at nobelista ng Austria. Mayo 24, 1887-
nagbigay ng panayam kay G. Adler (reporter ng pahayagang Extra-Blatt) tungkol sa tunay na kalagayan
ng Pilipinas. Mayo 25-31, 1887-nagtungo sa Lintz, Salzburg, Munchen, Nuremberg (isa sa matandang
lungsod ng Aleman), Ulm, Stuttgart, Baden Rheinfall (dinalaw ang Rin waterfalls-pinakamagandang talon
sa buong Europa), Schaffhausen. Hunyo 4, 1887-nagtungo ng Bern, Lousanne, Geneva, ibinalita kay
Blumentritt ang pasyang bumalik sa Pilipinas. Hunyo 23, 1887-dumaan ng Turin, Milan, Venice at Florence
BULACAN STATE UNIVERSITY

bago nagtuloy sa Roma-


lungsod ng Vaticano. Tinungo
ang Capitolium, Tanpeian
Rock, Palatium, Forum
Romanorum, Ampitheatre.

Aralin II

PAG BABALIK SA PILIPINAS


Hunyo 29, 1887-nagpadala ng postcard sa mga magulang upang ibalita ang pagdating sa Pilipinas. Hulyo
30, 1887-nakarating sa Saigon, lumipat ng bapor Haiphong patungong Maynila.
Hulyo 3, 1887- Umuwi ng Pilipinas si Rizal sa kadahilanang:
1. titistisin ang mata ng ina
2. aalamin ang katotohanan tungkol sa ligalig na nilikha ng Noli
3. aalamin ang dahilan ng panlalamig at katahimikan ni Leonor Rivera
4. tutulungan ang mga kababayan
Agosto 5, 1887-dumating sa Maynila, lumulan ng Bapor Binyang, lumipat ng Bapor Bakal.
Agosto 8, 1887-dumating ng Calamba.
1. Tinistis ang mata ng ina (sa loob ng isang buwan, nagbali ang paningin ng ina-unang pagtitistis na
ginanap sa Pilipinas at nagbigay ng pangalan at katanyagan kay Rizal bilang manggagamot
2. Ipinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero y Perinat upang alamin ang katotohanan tungkol sa
subersibong kaisipan ng Noli
3. Itinalaga bilang tanod ni Rizal si Don Jose Taviel de Andrada. Nagpadala ng isang sipi ng Noli si
P. Pedro Payo (Arsobispo ng Maynila) kay P. Gregorio Echavarria (Rector ng UST) upang suriin. Bumuo
ng komiteng susuri sa aklat: P. Matias Gomez, Norberto del Prado, Fernandez Arias. Hatol sa Noli:
Heretiko, lapastangan, iskandaloso sa punto ng relihiyon, laban sa pagkamakabayan, subersibo, laban
sa kapayapaan, nakasisira sa pamahalaan ng Kastila at sa gawain nito sa Pilipinas sa puntong pulitikal.
BULACAN STATE UNIVERSITY

Ipinadala ng Gob. Hen. ang ulat ng komite matapos basahin sa Palagiang Komisyon ng Sensura
na binubuo ng mga pari at karaniwang mamamayan sa pamumuno ni Padre Salvador Font (Agustino,
kura ng Tondo).Dahil sa resulta ng pagsusuri ng aklat naging delikado ang buhay ni Rizal, kaya pinayuhan
siya na mas magandang lisanin muna niya ulit ang Pilipinas para sa ikabubuti niya at ikatatahimik ng
bansa.

Aralin III

IKALAWANG PAGLALAKBAY
1888 - Si Jose Rizal ay 27 taong gulang at isa nang manggagamot at kilalang manunulat.
Dahilan kung bakit umalis muli si Rizal sa Pilipinas: tinutugis siya ng mga makapangyarihang
kaaway kaya’t di mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib kung siya’y mananatili sa
bansa.
SI RIZAL SA HONGKONG AT MACAO
Pebrero 3, 1888 sumakay si Rizal sa barkong Zafiro
patungo sa HongKong. Pebrero 7, 1888 nakarating sa
Amoy, China si Rizal .Dito ang unang lugar na pinuntahan
ni Rizal sa kanyang ikalawang paglalakbay. Sumapit siya sa
Hongkong at buhat sa bapor ay tumuloy siya sa Otel
Victoria.
Sa Macau ay tumuloy si Rizal sa bahay ni G. Lecaros,
isang Pilipino na nakapag-asawa ng babaing Portuegesa.
Pagkatapos ay pumunta si Rizal sa Hapon.
HAPON
Dumating siya sa Yokohama at tumuloy sa Otel Grande. Siya ay nagtagal sa Hapon dahil gusto
niyang mabatid ang kabuhayan, ang industriya, ang sining, ang kapaligiran at ang wikang Hapones. Dito
niya nakilala si Osei-San isang magandang Haponesa na muntik na niyang napakasalan. Naisip lamang
ni Rizal na mayroon siyang misyon na dapat gampanan kaya hindi sila nagkatuluyan.
BULACAN STATE UNIVERSITY

AMERIKA
Nakarating si Rizal sa San Francisco, California, Estados Unidos noong Abril 28,1888.Nakita niya
sa panahon na iyon ang Amerika ay maunlad na bansa na. Maraming oportunidad dito at mataas ang
antas ng pamumuhay ng mga Amerikano.Ngunit nalungkot si Rizal nang malaman niya na mayroong
tinatawag na diskriminasyon sa mga Amerikanong Negro.Mas mababa ang tingin sa mga Amerikanong
itim kaysa sa Amerikanong puti.Hindi nagustuhan ni Rizal ang ganito dahil taliwas sa kanyang prinsipyo
na kailangan ay pantay-pantay ang karapatan ng mga tao sa isang bansa katulad ng inaasam niyang
mangyari sa Pilipinas.
Mula San Francisco ay tumawid si Rizal patungong Nueva York (New York). Dito ay sumakay siya
ng barko patungong Londres (London).
BULACAN STATE UNIVERSITY

LONDON
Dito sa Londres ay natagpuan niya ang ilang
natitirang tomo ng Sucesos de las islas Filipinas (Mga
Pangyayari sa kapuluang Pilipinas) ni Antonio de Morga.
Ginugol niya ang maraming araw sa pagbabasa,
pagsuri at pagsipi sa aklat ni Morga. Ninais niyang
mabatid kung bakit itinuturing ng mga Kastilla na ang
mga Pilipino ay lahing may mababang uri. Binasa niya
rin ang ibang awtor na sumulat tungkol sa ating bansa.
Pinagpasiyahan niya na sipiin ang aklat ni Morga upang
makapaglathala ang ilang kamalian ng aklat sa mga
katutubong kultura ng ating bansa Dito rin sa Londres ay
marami siyang naisulat na bagay at isyu sa larangan ng
pulitika.

PARIS
Dito sa Paris ay patuloy niyang ginugol ang mahahalagang panahon niya sa Pambansang Aklatan
sa Pransiya. Ang Aklatan dito ay hindi kasing laki nang nasa Londres nguni’t ito ay hindi naging sagabal
sa hangarin maisulat niya ang karugtong ng nobelang Noli Me Tangere at tapusin ang Sucesos delas
Islas Filipinas ni Antonio de Morga. Itinayo niya ang Samahang Kidlat na binubuo ng Pilipinong sina Juan
at Antonio Luna, Felix R. Hidalgo, Gregorio Aguilera, Fernando Canon, Lauro Dimayuga, Julio Llorente,
Guillermo Puatu at Bladomero Roxas.Ang samahan ay panandalian lamang at naglalayon na paglalapitin
ang mga Pilipino sa Paris upang higit silang masiyahan sa panonood ng eksposisyon. Sinulat ni Rizal ang
La Verdad Para Todos (Ang katotohanan para sa Lahat). Ang lathalang ito ay kauna-unahang artikulo ni
Rizal na lumabas noong Mayo1889.May hangarin si Rizal kung bakit siya bumalik ng Londres at iyon ay
(2) upang makita ang ilang dokumento na pinatitityak sa kanya ni Dr. Adolf Meyer, at (3) nais niyang
dalawin ang pamilya ng mga Beckett na napakabuti sa kanya lalong-lalo na si Gertude. Kalagitnaan ng
Enero, 1890 ay bumalik si Rizal sa Paris. Sa mga panahong ito’y nilimbag ang mga paliwanag niya sa
Sucesos ni Morga sa Garnier.

BRUSSELS
Siya ay tumira sa pamilya ng mga Jacoby. Nilisan niya ang
Paris kasama ni Jose Albert, dahil napakamahal ng upahan ng
tirahan doon dahil sa Pandaigdig na Tanghalan noong 1889. Dito
sa Brussels ay walang tigil siya sa paggawa. Sinimulan niyang
isulat ang El Filibusterismo at pinagpatuloy rin ang pagpapadala
ng artikulo sa La Solidaridad. Dahil sa pag-uusig na nadarama ng
kanyang pamilya ay nagbalak siyang umuwi, sa dahilang hindi
siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang “ang mga
magulang at mga kapatid ko ay nagdaranas ng lupit ng mga
BULACAN STATE UNIVERSITY

paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalungat ni Graciano Lopez- Jaena at ng kanyang
mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce. Nagbago lamang ang isip ni Rizal nang
matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso na pagpapaalis sa mga taga-
Calamba mula sa hacienda ng mga Dominko at ito ay kanilang iaapela sa Royal Audiencia sa Madrid at
dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.

MADRID
Sa unang araw ng Agosto, 1890 ay simula
ng mga kabiguan ni Rizal. Sa paghingi ni Rizal ng
katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo
si Marcelo H. del Pilar bilang abogado at kanilang
idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang
katarungan ni Gobernador Heneral Valeriano
Weyler at ng mga paring Dominikano. Natanggap
niya rin ang masamang balita na natanggap na
nila ang kautusan na pagpaalis sa mga taga-
Calamba mula sa hacienda ng mga
dominiko.Habang bigo sa pagbibigay katarungan
sa kanyang magulang ay namatay ang kanyang
kaibigan na si Jose Maria Panganiban.
Nagkaroon din siya ng mga hamon. Lumisan siya
sa Madrid pero sumulat ng isang maikling sulat
ng pasasalamat sa mga kababayanan na naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz. Lumisan siyang
papuntang Hongkong dahil sa mga suliraning bumabagabag sa kanya sa Europa, dahilan sa
magkasalungat na paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa, at upang mas higit
siyang maging malapit sa Pilipinas, at para kupkupin na rin ang kanyang pamilya na kasalukuyang inuusig
ng mga Kastila.

HONGKONG
Dumating siya sa Hongkong noong Nobyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan na
naninirahan dito. Bago magpasko ay dumating ang kanyang pamilya at dito ay ipinagdiwang nila ang
pasko. Dito rin niya ginamot ang kanyang ina at ang iba pang mga pasyente. Dito rin sa Hongkong ay
sinulat niya ang Konsepto at Saligang-batas ng La Liga Filipina. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na
sulat bago siya umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr. Marquez na bubuksan lamang ito kung siya ay
mamamatay: una ay,
1. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid,
2. Sulat sa sambayanang Pilipino, at
3. Sulat kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol.

Aralin IV
BULACAN STATE UNIVERSITY

SI RIZAL AT ANG KANYANG PARTISIPASYON SA PROPAGANDA


Ang mga gawain sa Kilusang Propaganda ay pumukaw ng interest ng mga Espanyol ngunit hindi
sapat upang makamit ang mga hinihiling nilang pagbabago. Ilang repormang naipasa ng pamahalaang
kolonyal ngunit hindi naipatupad sa Pilipinas.
a. Ang kakulangan ng salapi ay naging malaking hamon sa kilusang naging dahilan ng
paghinto ng LaSolidaridad noong 1895.
b. Nahati rin ang komunidad ng mga Pilipino sa Espanya dahil sa ilang hindi
pagkakaunawaan.
c. Pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar ang pangkat na nagsusulong na mananatili ang
mga propagandista sa Espanya at patuloy na hikayatin ang pamahalaan upang
ipatupad ang mga hinihinging reporma sa Pilipinas.
Naniwala si Jose Rizal na panahon na upang bumalik ang mga propagandista sa Pilipinas at
doon ipagpatuloy ang pagkilos tungo sa reporma. Nagpasyang umalis si Rizal sa Espanya noong 1890
at nakabalik siya sa Pilipinas noong 1892. Ngunit sa kabila ng mga isyung humati sa Kilusang
Propaganda, ang pinakamalaking dahilan ng pagkabigo ng kilusan ay ang kapangyarihan ng mga
prayle na nagtagumpay na mapigilan ang mga repormang isinusulong ng mga propagandista.

Mahalagang bunga ng Kilusang Propaganda:


a) Ang pagpapatuloy ng pagsulong ng reporma sa Pilipinas.
b) Ilan sa mga propagandista ay naniniwala na kailangang isulong ang paghingi ng reporma sa
mismong kapuluan.
c) Kailangan ding maipaalam sa mas marami ang mensahe ng reporma. Upang maisakatuparan
ito, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina noong 1892 upang pangunahanang pag-oorganisa tungo
sa pagbabago at linangin ang diwa ng kapatiran sa mga Pilipino. Ang La Liga Filipina–kakaiba
ito sa mga naunang samahang panreporma dahil karamihan sa mga kasapi nito ay nagmula sa
masa. Pangunahing hangarin ng samahan ang pagtutulungan ng bawat miyembro at
paghahanda ng kanilang sarili para sa inaasahang pagbabago sa lipunan.

Aralin V

PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO

Noong siya ay nasa Europa, nagsimula siyang magsulat ng mga nobela. Isa sa kanyang mga
isinulat ay ang Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tangere ay tungkol sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas
at nagbibigay tugon din ito sa mga Katolikong Prayle. Isinulat niya ang nobelang iyon upang maimulat
ang mga Pilipino sa mga paghihirap na nangyayari sa bansa dahil sa pagsakop ng mga Espanyol.
Ang kanyang nobela ay nailathala noong 1887 sa Berlin. Ipinagbawal ang kanyang libro sa Pilipinas
ngunit may mga ibang palihim na nagdadala.Nang bumisita si Rizal sa Pilipinas, siya’y pinatawag ng
Gobernador Heneral dahil sa mga paratang niya sa mga Espanyol. Ipinagtanggol ni Rizal ang kanyang
BULACAN STATE UNIVERSITY

sarili at siya rin ay humingi ng paumanhin. Nang bumalik si Rizal sa Europa, hindi siya tumigil sa
pagsusulat. Noong 1891, inilathala niya ang kanyang pangalawang nobela na El Filibusterismo. Ito ay ang
pangalawang nobela na kanyang naisulat. Kanyang inialay ang nobelang El Filibusterismo sa tatlong
paring martir o “GOMBURZA”.
Nakilala si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani sa kanyang dalawang nobela na
pinamagatang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Itong dalawang nobela na ito ay kilalang kilala,
sapagkat ang mga tinalakay dito ni Rizal ay ang mga sensitibong paksa noong kapanahunan nang
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang kalupitan at hindi makatarungang pagtrato
nang mga Kastila sa mga Pilipino. Tinalakay din sa mga libro na ito ang mga Pilipino na walang ginagawa
at tinatanggap na lamang ang mga pananakit at pang-aabuso nang mga Kastila sa kanila. Isa ring dahilan
kung bakit sumikat and dalawang libro ni Rizal na ito ay dahil sa dami ng naging epekto nito sa
mamamayan at lipunan.
Isa sa mga epekto na ito ay ang pagbigay liwanag sa kahirapan na naranasan nang mga Pilipino
sa kamay ng mga Kastila. Nagising at namulat din ang ilang mga Pilipino sa pang-aabuso na ginagawa
nang mga Kastilang prayle sa kanila. Dahil din sa mga librong ito ni Jose Rizal, maraming mga Pilipino
ang naging matapang at nahikayat na itigil ang mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga
Kastila sa mga kapwa Pilipino nila. Masasabi natin na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang
gumising at nagbigay lakas sa ibang mga Pilipino at dahil din sa dalawang libro na ito ay naliwanagan ang
mga Pilipino sa mga pagbabago at reporma na kailangan at dapat gawin nang mga Kastila. Naliwanagan
din sila sa pagtatapos na dapat mangyari sa mga pang-aabuso at pananakit na ginagawa nang mga
Kastila.

Aralin VI
MATIGAS NA HANGARING MAKABALIK SA PILIPINAS
Habang nasa Espanya si Rizal ay nagbalak na magtayo ng isang samahan sa Pilipinas upang
matulungan ang kanyang mga kababayan na mapalaya sa mga mapang-aping mga kastila.Sinulatan niya
ang Gobernador Heneral Despujol upang siya ay mabigyan ng proteksyon dahil alam niyang delikado ang
buhay niya sa kanyang balak na pag-uwi ng Pilipinas.Sa kabila ng pagpigil sa kanya ng mga magulang at
kaibigan ay nagpumilit pa ring siyang makabalik ng Pilipinas sa dahilang:
a). Maisakatupan ang proyekto niyang magtayo ng Kolonya sa Hilagang Borneo at;
b). Magtatag ng samahan ng mga Pilipino, ang La Liga PIlipina.
Hunyo 26,1892- umuwi si Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia. Tumuloy sila sa Hotel de
Oriente upang doon manatili habang nagpaplano si Rizal sa kanyang samahan na itatag.
BULACAN STATE UNIVERSITY

REPLEKSYON:
Ang kabayanihan ni Rizal ay maaari din naman na mabigyang buhay
ng bawat isa sa atin sa pamamagitan ng taos-pusong pagmamahal sa bayan, ang
pagsasakripisyo at pag-aalay ng talino, lakas at isipan para sa ikalalaya at ika-
uunlad ng ating Inang Bansa. Sa bawat kilos at isipan ni Rizal ay nasasalamin dito
ang walang kahulilip na pagmamahal sa ating bansa, ang pagtatangol niya sa atin
laban sa diskriminasyong panlipunan na nakasira sa ating malayang kaisipan. Ang
kanser na panlipunan na isiniwalat niya ay naging sanhi ng ating kawalan ng
pagmamahal sa ating Kultura,sa ating pinagmulan, sa ating mga minanang
tradisyon na sadyang nawala upang mapalitan ng Kulturang Kastila.Sa pananaw ni
Rizal sa kanyang nobela ay nasasalamin ditto ang Lipunang hanggang ngayon
naman ay nakikita , ginagawa at sinusundan ng ating mga kababayan. Sa
repleksyon ng ating anino sa liwanag ay makikita natin dito ang pagkukunwaring
halos nailarawang maigi ni Rizal sa mg atauhan ng kanyang mga nobela. Ano pa’t
kahit na yata ilang Rizal ang barilin sa Luneta ay hindi na mawawala ito sa ating
Kultura at Lipunan. Nakalulungkot subalit huli man daw at magaling ay naihahabol
din, may panahon pa naman upang mawala ang kanser ng Lipunan na naririto pa
rin sa atin.

You might also like