You are on page 1of 5

Aklan Catholic College

Archibishop Gabriel M. Reyes St.


5600 Kalibo, Aklan, Philippines

TEACHER EDUCATION DEPARTMENT


ANGELU D. SANCHEZ JANCEL R. MAGBIRO
BEED II PROFESSOR
DETALYADONG BANGHAY – ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN
I. Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga bata ay:
A. nailalarawan ang katangiang pisikal n gating bansang Piliipinas,
B. naiisa-isa ang mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa Pilipinas at
C. natutukoy ang iba-ibang anyong lupa at anyong tubig.
II. Nilalaman
Paksa: Ang Katangiang Pisikal ng Pilipinas
Mga kagamitan: Visual Aids, Laptop, Projector
Sangunian: Araling Panlipunan Teaching Guides
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin (tatayo ang lahat para sa panalangin)
Mga bata, maaari bang tumayo ang lahat para
manalangin na pangungunahan ni Angelika. Angelika: Mga kaklase, handa na ba kayo
para sa panalangin?

Kamag-aral: Opo, handa na po.

(Mag sign of the cross)


Lahat: Lord our God father of light, with your
assistance I will study patiently and perform
my duties conscientiously, for your greater
honour and glory, grant me a bright intellect a
sound judgement and a retentive memory.
Amen.
Mary seat of wisdom.
Lahat: Pray for us.

In the name of the father and of the son, and


of the holy spirit, Amen.
2. Pagbati
Magandang hapon mga bata! Lahat: Magandang hapon teacher, magandang
hapon sa lahat.
Kamusta kayo? Lahat: mabuti naman po teacher.
Very Good!
Dapat maging okay kayo kasi may bago
tayong tatalakayin ngayon.
Handa na ba kayo? Lahat: Opo teacher, handa na po kami.

3. Pag tsek ng attendance


Nandito ba ang lahat?
Wala bang lumiban ngayon? Florence: Present po lahat teacher.
Okay very good at nandito kayong lahat.

4. Pagbalik tanaw
Bago tayo mag simula sa ating bagong aralin,
meron pa bang nakaalala ng ating leksyon (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
noong nakaraan?

Gelyn: Ang ating aralin noong nakaraan ay


Gelyn, ano ang napag-aralan natin noong tungkol sa Klima sa Pilipinas.
nakaraan?

Magaling Gelyn! Ang ating aralin noong


nakaaran ay tungkol sa Klima sa Pilipinas.
May katanungan pa ba tungkol sa ating Lahat: Wala na po teacher. Malinaw na po
nakaraang aralin? Malinaw na ba sa lahat? teacher.

5, Pagganyak
Ano-ano ang mga katangiang pisikal na (nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral)
makikita ditto sa ating bansang Pilipinas?
Magbigay ng halimbawa?

Yes Emely? Emely: Dagat po teacher

Ano pa? Angelika: Bundok po teacher.

Iba pang kamay, Yes Gelyn? Gelyn: Kapatagan po teacher.

Magaling, lahat ng sagot ninyo ay tama. Ang


katangiang pisikal na makikita sa ating
bansang Pilipinas ay dagat, bundok,
kapatagan, at iba pa.

B. Pagtatalakayan
Ngayon naman tumungo tayo sa tatalakayin (tahimik ang lahat at nakinig na sa
natin ngayong araw na may kinalaman sa pagtatalakay ng Guro)
katangiang pisikal na makikita sa ating bansa.
Tatalakayin natin ang anyo ng Lupa at Tubig
na naroon sa ating bansa.

(Pagkatapos ng pagtatalakayan ay may mga


tanong na pasasagutan)

A. Aplikasyon
Pagtapatin. Tukuyin ang mga salitang
naglalarawan sa hanay A. Piliin ang tamang
sagot sa hanay B. Isulat ang sagot sa papel.

Hanay A Hanay B

____ 1. Ito ay isang patag na anyong-lupa sa A. Talon


pagitan ng dalawang mataas na anyong-lupa
tulad ng bundok. B. Ilog
____ 2. Ito ay anyong-lupa na napapaligiran
ng tubig. C. Lawa
____ 3. Ito ay anyong-tubig na dumadaloy
tungo sa karagatan, dagat, lawa o isa pang D. Pulo
ilog.
____ 4. Ito ay napapaligiran ng kalupaan kaya E. Lambak
naman ang tubig nito ay nababakuran, hindi
umaagos palabas.
____ 5. Ang tubig nito ay bumabagsak galing
sa isang mataas na lupa.

B. Pagwakas na Gawain
A. Paglalahat
Pumunta sa harapan. Buuin ang tamang salita
base sa inyong nakikitang larawan.

1. ATLAPMSA
2. LATNO

3. RULBO

4. GKATPAANA

5. NAKRATAGA

(pupunta ang mga bata sa harapan at ilalagay


ang tamang sagot.)

C. Pagtataya o Ebalwasyon
Tukuyin kung anyong lupa o anyong tubig (kukuha ng papel ang mga bata at ibibigay ng
ang mga sumusunod. guro ang quiz)

1. Ang lawa ay bahagi ng ___________.


2. Nabibilang sa anyong ____ ang talampas.
3. Ang ilog ay isang ______.
4. Ang bundok ay uri ng _____.
5. Ang Maria Cristina Falls ay nabibilang sa
______.

D. Takdang Aralin
Gumuhit ng isang Halimbawa ng Anyong
Tubig at Anyong Lupa na makikita dito sa (isusulat ng mga bata sa kanilang kuwaderno
Pilipinas. Ito ay inyong kulayan at ipaliwanag ang takdang aralin)
kung saan ito makikita.

Maliwanag na ba ang lahat?


Wala na bang tanong at naintindihan ba? Opo teacher!
Wala na po teacher.
Opo teacher!
Kung ganun magsitayo ang lahat para sa
pangwakas na panalangin. (tatayo ang lahat para sa panalangin)

(mag-sign of the cross)


In the name of the father and of the son, and
of the holy spirit, Amen.
Almighty Father, you have brought us to the
light of another class, may we eagerly
continue to develop in us your gifts and
always make good use of them. Through
Christ our Lord, Amen.
Goodbye Class!

Good bye teacher, good bye classmates!

You might also like