You are on page 1of 1

BUOD

May isang batang babae na lumaki sa bayan ng mineapolis sa minesota nang


mag-iba ang kaniyang mundo dahil sa paglipat nila sa san Francisco. Kagaya ng sa
maraming tao, ang isipan ni Riley ay punong puno ng emosyong gumagabay sa pang
araw-araw na pamumuhay- ang mga emosyong ito ay sina joy, sadness, disgust, takot
at galit. Nagsimula ang kwento noong si Riley ay isang sanggol pa lamang at ipinakita
ang naging takbo ng kaniyang buhay habang siya ay tumatanda. Ang mga ala-alang
naiipon sa ating isipan ay importante sa buhay. Nang lumipat sila sa isang magulo at
maingay na bayan ng San Francisco, nahirapan si Riley sa pag-aadjust sa kaniyang
bagong tahanan, paaralan at kapaligiran. Nang dahil sa hindi kaguluhan at pagtatalo ng
mga emosyon, ang isipan ni Riley ay nagkakagulo at nagresulta ito sa pagkawala ng
mga mahalagang ala-ala. Nang dahil sa aksidente ay sina Joy at Sadness ay nakawala
sa headquarter kung saan nila kinokontrol si Riley. Sa kanilang paglalakbay ay marami
silang nakilala kagaya ni Bingbong ang imaginary friend ni Riley noong bata at ito ay
tumulong sa kanila upang makabalik sa headquarter.

Dahil sa hindi inaasahang nangyari ay nawalan ng pagpipilian ang mga naiwang


emosyon na sina disgust, fear at anger kung kaya sila ang kumontrol kay Riley ngunit
dahil sa kanila ring hindi pagkakasundo, nagresulta nag kanilang mga aksyon ng hindi
maganda. Sa huli, nang makabalik si Sadness at Joy sa headquarters ay kaniyang
napagtanto ang kahalagahan ni sadness sa buhay ni Riey. Nang dahil kay sadness ay
muing nabuo ang mga nasira. Nagtapos ang kwento sa tuluyang pakikibagay at paga-
adapt ni Riley sa kaniyang bagong pamumuhay.

You might also like